Noong una, takot na takot si Tyler at Reuben sa puntong masisiraan na sila ng bait, pero nang marinig nila na gustong dalhin ni Charlie si Lord Moore sa loob ng conference hall, lalo pa silang nanginig na para bang tinamaan sila ng kidlat.Sa pagkakataong ito, isang bagay lang ang nasa isip nila.‘Hindi ba wala na sa tamang katinuan ang matandang iyon?! Hindi niya nga makontrol ang sarili niyang pag-ihi at pagdumi! Bakit siya dadalhin ni Charlie rito?’Bumilis ang tibok ng puso ni Tyler at tila ba nawawalan siya ng pag-asa, ‘H-Hindi kaya magaling na siya?! K-Kung gano’n nga, tapos na kami!’Nang maisip ito, pumasok si Oscar, ang butler ng pamilya Moore habang hawak-hawak ang kamay ni Lord Moore.Mukhang malusog ang pangangatawan ni Lord Moore at malamig ang kanyang ekspresyon sa mukha. Walang bakas ng isang taong wala sa tamang katinuan ang makikita sa kanya.Takot na takot si Tyler at Reuben, hindi nila maunawaan kung ano ang nangyayari. Ngayong umaga sa ospital, umihi si Lord M
Nagpatuloy ang iba’t ibang ideya sa isip ni Tyler, ‘Kung magagawa kong bayaran ang mga pamilya ng tatlong biktima at makuha ko ang loob nila, bababaan ng korte ang sentensya namin!’‘Babayaran na lang namin sila ng 20-30 milyon bawat pamilya. Kahit nga 50 milyon pa! Babayaran namin sila hanggang sa mayakap nila ang pera sa pagtulog nila habang tumatawa! Siguradong magbibigay sila ng letter of understanding at tutulungan nila kaming magmakaawa sa korte!’Alam ni Lord Moore na hindi na pyudal ang lipunan ngayon. Hindi na nila magagamit ang Moore family law sa ngayong panahon kaya hindi niya rin pwedeng patayin si Tyler at Reuben sa harap ng maraming tao.Bukod pa roon, kahit kinamumuhian niya ang dalawa, hindi niya rin kayang paslangin ang mga ito kahit balewalain pa ito ng batas ng kanilang bansa. Matapos ang lahat, pamilya niya pa rin ang dalawa.Masyado nang mababa ang populasyon ng pamilya Moore sa kasalukuyang henerasyon. Kahit kaya niyang tiisin na patayin ang dalawang ito, mal
Halos mawala sa tamang bait si Jasmine sa puntong ito.Syempre, galit siya kay Tyler at Reuben pero hindi niya magawang hilingin na mamatay sila.Sa isang banda, pamilya niya ang dalawa. Sa kabilang banda, nag-aalala siyang malulungkot ang lolo niya kapag sumobra siya.Kilalang-kilala ni Jasmine si Lord Moore. Alam niyang kahit istrikto ito at kinamumuhian nito si Tyler at Reuben, hindi niya gugustuhing parusahan sila ng kamatayan.Nang maisip ito, nilingon ni Jasmine si Charlie at tapat siyang sumagot, “Master Wade, kahit marami silang nagawang masamang bagay, pamilya pa rin namin sila sa dulo ng araw. Umaasa akong hahayaan mo silang mabuhay…”Nang mabanggit ito, nakahinga nang maluwag si Tyler, Reuben, at Lord Moore.Halata namang napanatag si Tyler at Reuben dahil pinili pa rin ni Jasmine na iligtas ang buhay nila sa kabila ng krimeng ginawa nila.Para naman kay Lord Moore, natatakot siyang gustong paslangin ni Jasmine ang dalawa dahil sa galit. Ganoon pa man, natatakot siyan
Kinakabahang nagtanong si Tyler, “Master Wade, a-ano ang solusyong sinasabi niyo?”Nagsalita si Charlie sa isang malutong na boses, “Tyler, balak ko kayong ipadala sa malayong lugar. Sa isang lugar kung saan hindi na kayo makakabalik rito sa hinaharap.”Nang marinig ito ni Tyler at Reuben, agad nilang naalala ang Weavers…Nasa paanan pa rin ng Mount Golmin sila Jordan at Jeffrey Weaver. Nagbubungkal sila ng ginseng pagkatapos nilang galitin si Charlie.Masyadong mababa ang temperatura ngayong taglamig. Nasa -20 hanggang -30 degrees o kaya mas mababa pa ang lamig sa paanan ng Mount Golmin. Nagtataka sila kung paano nagawang mabuhay ng Weavers sa ganitong klase ng malalang panahon.Nang maisip ni Reuben ang klima sa Mount Golmin, umiyak at nagmakaawa siya, “Master Wade, nagmamakaawa ako sa’yo. Pakiusap, ipadala mo na lang kami sa kulungan! Ayaw naming pumunta sa Mount Golmin! Literal na impyerno roon.”Suminghal si Charlie. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo ipapadala sa Mount
Tumugon si Isaac nang walang pag-aalangan nang marinig niya ang utos ni Charlie, “Sige, Master Wade. Maghahanda na ako ng flight para maipadala sila agad sa Sierra Leone. Maghahanda rin ako ng mga bantay na oobserbahan sila ng 24 oras para pigilan silang tumakas!”Tumango si Charlie, sumunod itinuro niya si Kazumi sa tabi niya, “Nga pala, isama mo rin siya sa kanila.”Napahiyaw sa takot si Kazumi at nagmakakawa rin siya, “Mr. Wade, si Tyler at Reuben talaga ang nasa likod ng buong plano! Sila ang may pakana nito! Inutusan lang nila ako! Hindi mo ako pwedeng ipadala sa Sierra Leone! Pakiusap, pakawalan mo ako!”Suminghal si Charlie, “Hashimoto Kazumi, sa tingin mo ba makakatakas ka dahil hindi ikaw ang tunay na may pakana? Sinasabi ko sa’yo, wala ka ring pinagkaiba sa kanilang dalawa!”Ganoon din, nagbigay ng utos si Charlie, “Isaac, pagdating ni Kazumi sa Sierra Leone, pareho rin ang matatanggap niyang trato kay nila Tyler at Reuben. Nauunawaan mo ba?”Tumango si Isaac, “Oo naman,
Sumagot ang mga tauhan, “Opo, naiintindihan namin!”Sumunod, dinala na nila ang tatlong lalaki palabas ng hall.Patuloy ang paghiyaw at pagmamakaawa ni Tyler at Reuben. Nilingon ni Tyler si Lord Moore saka siya sumigaw, “Papa…. Pakiusap! Anak mo pa rin ako! Pakiusap, tulungan mo akong magmakaawa kay Master Wade! Mamamatay ako sa Sierra Leone! Papa!”Namimilipit ang puso ni Lord Moore nang marinig ito.Sinabi ni Charlie na mananatili sila Tyler sa Sierra Leone sa loob ng dalawang dekada. Higit sa 50 na ang edad ni Tyler ngayong taon. Hindi siya mabubuhay ng dalawang dekada sa isang mahirap na bansa gaya ng Sierra Leone. Siguradong mamamatay siya bago matapos ang 20 na taon.Kaya, maaaring ito na ang huling pagkakataon na magkikita sila.Nanginginig naman ang mga binti ni Reuben. Habang hinahatak siya ng mga lalaking nakaitim palabas ng conference hall, mapakla ang kanyang boses habang nagmamakaawa, “Lolo! Nasa 20s pa lang ako ngayon! Ayaw kong mabulok sa Sierra Leone! Lolo, pakius
Dahil naka-engkuwentro si Jasmine ng aksidente mula sa ibang mga tao pati na rin sa sarili niyang pamilya pagkatapos niyang pumunta ng Japan, naisip ni Lord Moore na sabihan si Jasmine na isuko na ang mga plano niya para sa collaboration kasama ang mga overseas companies. Sa ganitong paraan, mapipigilan niya ang ganitong klase ng peligro sa hinaharap.Subalit, hindi niya inaasahang makakakuha ng isang magandang collaboration contract si Jasmine kasama ang Nippon Steel.Masasabing industry leader ang Nippon Steel sa global level. Sa industriyang ito, mataas ang karapatang magsalita ng Nippon Steel tungkol sa maraming bagay. Kung magkakaroon ng collaboration ang Moore Group sa isang bibigating gaya nila, siguradong si Jasmine ang magmamakaawa para rito.Hindi lamang nila luluhuran ang Nippon Steel, pero kailangan nilang ihanda ang lupa, mga koneksyon nila, pati na rin supplies para imbitahan ang Nippon Steel sa isang collaboration.Katumbas ng ganitong sitwasyon ang paglilinis ng sar
Nanlaki ang mga mata ng lahat pagkatapos basahin ang kontrata.Pormal nga talaga ito at walang mga hidden terms o kaya mga delikadong kondisyon. Malinaw ang lahat at simple ito. Walang kahit anong dalang peligro ang kontrata sa hinaharap ng Moore Group.Sa dulo, makikita rin ang official seal ng Nippon Steel pati na rin ang pirma ni Shinwa. Totoo nga talaga at balido ang kontratang ito.Sa puntong ito, hindi mapigilang matuwa at mamangha ng lahat.Sabik na nagsalita ang matandang director, “Naku! Hindi ko pa nakikitang nagbigay ng ganitong klase ng kontrata ang Nippon Steel sa isang overseas company! Masasabing hindi ito inaasahan! Talagang nakamamangha talaga ang mukha ng Chairman Moore natin! Masasabing dalawa o tatlong bilyon ang katumbas ng ganda ni Ms. Jasmine Moore!”Sumang-ayon rin ang iba pang shareholders, “Tama ang sinabi mo! Hindi ko inaakalang makukuha natin ang pabor ng Nippon Steel sa kontratang ito. Hindi pa yata ito nangyayari sa kasaysayan! Kung i-aanunsyo natin i
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka