Share

Kabanata 2064

Author: Lord Leaf
Mas delikado ang mga kalsadang nasa bundok kumpara sa mga ordinaryong daan sa kapatagan.

Magiging isang delikadong aksidente ang pagkahulog sa bangin habang nasa matarik na daan. Kung ilang daang metro ang bangin at gugulong roon ang isang kotse mula sa itaas ng bundok, natural lang na maging maliit ang tsansa na makaligtas ang mga sakay nito.

Sa isang rally race, may matibay na roll cage na nakalagay sa mga rally cars para masiguro ang kaligtasan ng mga driver nito sakaling malaglag ang rally car sa bangin habang nagkakarera sa matarik na daan.

Ganoon pa man, para sa isang ordinaryong kotse ng isang sibilyan, kahit pa ang isang Rolls Royce na sampung milyon ang halaga, wala itong mga roll cages. Kapag nahulog ang ganitong sasakyan sa bangin, magiging metal scraps na lamang ang isang Rolls Royce!

Nang maisip ito, agad na sinabi ni Charlie kay Nanako, “Nanako, nakikiusap ako sa iyo. Siguraduhin mong mahahanap ng ninjas mo ang lokasyon ni Jasmine. Basta ba humihinga siya, dalhin niyo
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2065

    Sa isang bundok sa Nishitama.Dahan-dahang naglalakad si Jasmine sa lambak.Kahit taglamig ngayon, maraming tumutubong evergreen plants sa paligid gaya ng mga pines at cypresses.Dagdag pa roon, madilim at malamig ang lambak. Wala siyang makitang bakas na may mga nakatirang tao rito lalo naman ang magkaroon ng daan.Kaya, isang malaking hamon para sa kanya na tahakin ang daang ito.Kung nakakapagod para sa mga eksperto sa paglalakbay na maglakad sa mga lambak, lalo naman ang isang gaya ni Jasmine na walang alam.Mabuti na lang, kahit taglamig, nakabalot si Jasmine sa isang makapal na cashmere windbreaker. Nakasuot rin siya ng itim na midi skirt, itim na corset leggings, pati na rin isang itim na leather boots. Sa tulong nito, hindi natutusok ng mga pine needles ang kanyang balat at hindi rin nagagasgasan ng mga tuyong mga sanga ang kanyang mga braso.Sa pagkakataong ito, nasanay na ang mga mata ni Jasmine sa dilim ng lambak. Pwede niya naman sanang gamitin ang ilaw ng cellphone

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2066

    Nagpatuloy si Tyler, “Kumusta naman ang ginawa ni Hashimoto? Magaling ba siya?”Ngumisi si Reuben saka siya sumagot, “Masasabi kong magaling siya. Ayon sa kanya, gumulong ang kotse ng ilang daang metro sa bangin. Pagkatapos, nasunog ito. Mukhang naging abo na lang ang lahat ng sakay nito.”Tuwang-tuwa si Tyler sa kanyang narinig, “Napakagaling! Bravo!”Nagdagdag agad si Tyler, “Nga pala, bago ka umalis, nagsuspetsa ba ang lolo mo?”Tumugon si Reuben, “Sa tingin ko naman hindi. Pero, hindi ako sigurado kung magdududa ba siya sa hinaharap.”Suminghal si Tyler, “Ayos lang iyan. Ilang araw na lang ang natitira sa buhay niya.”Bumilis ang tibok ng puso ni Reuben at agad niyang tinanong ang kanyang tatay, “Papa, may gagawin ka ba kay lolo?”Sumagot si Tyler, “Wala, wala pa sa ngayon.”Nag-aalala si Reuben, “Papa, huwag mong kalimutan na sinabi ng matandang iyon sa araw na naging head ng pamilya Moore si Jasmine. Kung sakaling hindi magkaroon ng mga anak si Jasmine, mapupunta ang posi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2067

    Nang makaalis si Charlie, nagbababad pa rin si Claire sa hot springs.Hindi niya alam na ang asawa niyang nakasuot ng bathrobe at nagpaalam na kukuha ng inumin ay umalis na sa hot springs villa at papunta na ito sa airport para sumakay ng isang eroplanong patungo ng Tokyo.Matagal niyang hinintay na bumalik si Charlie. Nang lumabas siya sa hot springs at pumunta siya sa sala, hindi niya pa rin mahanap ang kanyang asawa. Hindi niya mapigilang magsuspetsa.Tinawagan niya si Charlie, pero ang sabi nakapatay raw ang cellphone nito.Lalo pa siyang nag-aalala. Bumalik siya sa kwarto nila at wala pa rin siyang nakitang kahit anong bakas ni Charlie. Subalit, nakita niya ang isang maliit na papel na nakadikit sa kabinet.Nakasulat sa papel ang mga salitang, “Mahal, nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko. Kailangan kong magmadali para iligtas siya.”Pagkatapos basahin ang sulat, naalarma si Claire at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ililigtas niya ang kaibigan niya?! Nasa panganib ang t

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2068

    Walang paki ang mga pulis ng Tokyo Metropolitan Police Department kung may maaalerto ba silang mga tao sa ginagawa nila, agad lang silang kumilos.Sa loob ng ilang sandali, ilang daang pulis ang nagmaneho papuntang Nishitama District at hinarangan nila ang lahat ng daan papasok at palabas ng bundok. Sa parehong pagkakataon, nagpadala rin ang Tokyo Metropolitan Police Department ng anim na police helicopters sa bundok ng Nishitama para mahanap si Jasmine.Natanggap ni Nanako ang balita at agad niyang inutusan ang mga ninjas niya na huwag magpahalata habang ginagawa ang misyon nila. Kailangan nilang iwasang makasalubong ang Metropolitan Police Department.Sa ganap na 2:30 a.m. sa Tokyo.Pagkatapos tawirin ang ilang mga bundok, nadaanan ng mga ninjas ng pamilya Ito ang lugar kung saan nilinis ng mga tauhan ni Kazumi ang pinangyarihan ng aksidente. Amoy pa rin nila ang nasusunog na kotse.Mula sa amoy na ito, naglakad sila sa kalsada habang sinusundan ang samyo nito.Habang nasa daan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2069

    2:50 a.m. sa Tokyo.Lumapag na ang private jet ni Charlie sa Narita Airport.Sa pagkakataong ito, wala siyang kasamang kahit sino. Siya lang ang mag-isang nagmadaling pumunta ng Tokyo.Sa biyaheng ito, naka-connect si Charlie sa wireless network ng eroplano dahil hindi niya magamit ang cellphone data niya.Patuloy siyang nakatitig sa litrato ni Jasmine sa WeChat at desperado siyang naghihintay na padalhan siya nito ng mensahe.Subalit, walang kahit anong senyales galing kay Jasmine.Pagkatapos ng dalawang oras na flight, hindi mapakali si Charlie at patuloy ang kaba sa kanyang puso.Hindi niya mapigilang maisip ang pinakamalalang sitwasyon para sa babae.‘Kung patay na talaga si Jasmine, ano ang dapat kong gawin?!’May dalang Rejuvenating Pill si Charlie. Kahit masasabing magical pill ito, hindi nito mababalik ang buhay ng isang namatay na tao.Kung wala na talaga ang isang tao, kahit ilang Rejuvenating Pills pa ang inumin niya, hindi ito makakatulong!Maraming records ng ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2070

    Mukhang ininom ni Jasmine ang Rejuvenating Pill na binigay ni Charlie sa kanya sakaling magkaroon ng panganib sa kanyang buhay.Ganoon din, agad na nagtanong si Charlie, “Nanako, nahanap na ba ng mga tao mo ang lokasyon ni Jasmine?”Umiling si Nanako saka siya sumagot, “Sinusundan nila ngayon ang mga yapak na iniwan ni Jasmine, pero hindi pa nila ito nahahanap. Pero, naniniwala akong buhay pa siya. Siguradong mahahanap natin siya.”Nagpatuloy si Nanako, “Charlie, nagpadala rin ng maraming mga pulis ang Tokyo Metropolitan Police Department sa Nishitama District para hanapin si Jasmine. Naghanda sila ng maraming helicopters para sa kasong ito. Naniniwala akong malapit na natin siyang mahanap.”Umiling si Charlie at taimtim siyang nagsalita, “Naniniwala akong may pumupuntirya kay Jasmine kaya nangyari ang aksidenteng ito. Kapag nahanap siya ng Tokyo Metropolitan Police Department, hindi niya maitatago ang lokasyon niya sa taong pumupuntirya sa kanya. Natatakot akong magpapatuloy ang p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2071

    Samantala, nasa loob ng meeting room ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben. Nag-aalala ang kanyang ekspresyon.Dahil isang sikat na kumpanya ang Moore Group, pinakitunguhan nang mabuti ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben.Personal pang pumunta ang Superintendent General para lang asikasuhin siya.Nang makita ang nakakaawang itsura ni Reuben, sinubukan siyang aluin ng Superintendent General, “Mr. Moore, ilang batalyon ang naghahanap sa kapatid mo sa Nishitama District. Hindi mo kailangang mag-alala. Kapag may nakuha na kaming impormasyon, agad ko namang ipapaalam sa iyo.”Bumuntong hininga si Reuben at tinakpan niya ang kanyang mukha na naluluha. Habang may bara sa lalamunan, sinubukan niyang magsalita, “Si Jasmine ang nag-iisa kong kapatid. Mahal na mahal ko siya. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para ligtas siyang makabalik!”Tumango ang Superintendent General saka niya sinuguro si Reuben, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Moore. Gagawin namin ang lahat

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2072

    Ganoon din, agad na tumayo si Reuben para magtanong, “Nahanap niyo na ba kung nasaan ang kapatid ko? May nakuha ba kayong mahalagang impormasyon?”Agad na umiling ang pulis, “May mga bagay rin kaming hindi maintindihan. Wala kaming makitang mga bakas ni Ms. Moore o kahit anong senyales na may nakaligtas. Hindi rin kami sigurado kung nakaalis ba nang maaga si Miss Moore. Wala kaming alam sa ngayon.”Takot na takot si Reuben at magulo ang kanyang isip.‘Kung patay na si Jasmine, magiging mas madali ang lahat. Kahit malaman pa ng Tokyo Metropolitan Police Department na homicide ang kaso, hindi ko kailangang mag-alala. Matapos ang lahat, hindi naman ako ang pumatay sa kanya. Habang inaasikaso ng Tokyo Metropolitan Police Department ang nangyari, iuuwi ko ang katawan ni Jasmine para sa burol. Pagkatapos saka namin aasikasuhin ang matandang iyon. Magiging sa akin na at kay Papa ang pamilya Moore.’‘Pero, kung buhay pa si Jasmine, masasayang ang lahat! Kahit hindi alam ni Jasmine na ako a

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5687

    Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5686

    Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5685

    Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5684

    Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5683

    Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5682

    Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5681

    Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5680

    Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5679

    Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status