Samantala, nasa loob ng meeting room ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben. Nag-aalala ang kanyang ekspresyon.Dahil isang sikat na kumpanya ang Moore Group, pinakitunguhan nang mabuti ng Tokyo Metropolitan Police Department si Reuben.Personal pang pumunta ang Superintendent General para lang asikasuhin siya.Nang makita ang nakakaawang itsura ni Reuben, sinubukan siyang aluin ng Superintendent General, “Mr. Moore, ilang batalyon ang naghahanap sa kapatid mo sa Nishitama District. Hindi mo kailangang mag-alala. Kapag may nakuha na kaming impormasyon, agad ko namang ipapaalam sa iyo.”Bumuntong hininga si Reuben at tinakpan niya ang kanyang mukha na naluluha. Habang may bara sa lalamunan, sinubukan niyang magsalita, “Si Jasmine ang nag-iisa kong kapatid. Mahal na mahal ko siya. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para ligtas siyang makabalik!”Tumango ang Superintendent General saka niya sinuguro si Reuben, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Moore. Gagawin namin ang lahat
Ganoon din, agad na tumayo si Reuben para magtanong, “Nahanap niyo na ba kung nasaan ang kapatid ko? May nakuha ba kayong mahalagang impormasyon?”Agad na umiling ang pulis, “May mga bagay rin kaming hindi maintindihan. Wala kaming makitang mga bakas ni Ms. Moore o kahit anong senyales na may nakaligtas. Hindi rin kami sigurado kung nakaalis ba nang maaga si Miss Moore. Wala kaming alam sa ngayon.”Takot na takot si Reuben at magulo ang kanyang isip.‘Kung patay na si Jasmine, magiging mas madali ang lahat. Kahit malaman pa ng Tokyo Metropolitan Police Department na homicide ang kaso, hindi ko kailangang mag-alala. Matapos ang lahat, hindi naman ako ang pumatay sa kanya. Habang inaasikaso ng Tokyo Metropolitan Police Department ang nangyari, iuuwi ko ang katawan ni Jasmine para sa burol. Pagkatapos saka namin aasikasuhin ang matandang iyon. Magiging sa akin na at kay Papa ang pamilya Moore.’‘Pero, kung buhay pa si Jasmine, masasayang ang lahat! Kahit hindi alam ni Jasmine na ako a
Umupo si Charlie at Nanako sa helicopter. Pagkatapos lumipad ng halos 30 minuto, paparating na rin sila sa Nishitama.Sa kasalukuyan, sinusundan pa rin ng mga ninja ni Nanako ang bakas ni Jasmine. Samantala, ilang libong pulis rin mula sa Tokyo Metropolitan Police Department ang naghahanap sa babae.Napagpasyahan ni Charlie na pumili ng isang lugar na malapit lang sa mismong pinangyarihan ng aksidente. Limang kilometro ang layo nito at dito niya naisipang lumapag ang helicopter.Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang sakop ng search & rescue ng Tokyo Metropolitan Police Department. Ganoon din, hindi sila masyadong malayo kay Jasmine.Syempre, hindi naman masyadong mabilis ang paglalakad ng babae sa ganitong panahon. Masasabing mula sa aksidente, nakapaglakad na ng limang kilometro si Jasmine.Kaya, kung malas sila Charlie at lumapag sila sa kabilang direksyon, magiging sampung kilometro na ang layo nila kay Jasmine. Masasabing hindi ito madaling tahakin para sa mga normal na tao.
Subalit, hindi makasabay si Nanako at ang iba pa sa bilis ni Charlie. Kaya, hihintayin na lamang nila ang mensahe ni Charlie.Ayaw gamitin ni Charlie ang helicopter para sunduin si Jasmine dahil maaalerto nito ang iba pang mga naghahanap sa babae.Mas gustong umasa ni Charlie sa kanyang mga binti.Mabuti na lang, hindi masyadong malayo si Charlie kay Jasmine. Mga dalawa o tatlong kilometro lang ang layo nila mula sa isa’t isa. Pagkatapos ng kalahating oras ng mabilis na paglalakad, nasilayan na rin ni Charlie si Jasmine.Sa puntong ito, nasa ibaba ng lambak si Jasmine, naghahanda na itong umakyat paitaas.Sa wakas, naramdaman ni Jasmine na ligtas na siya at nakalayo na siya mula sa mga gustong manakit sa kanya. Ngayon, balak niyang umakyat para makahanap ng signal at sabihan sila Charlie at ang kanyang pamilya na ligtas siya.Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang kabahan ni Jasmine sa loob ng kanyang puso.‘Kung alam ni Master Wade na ipinadala ko ang voice message habang nas
Malumanay ang pananalita ni Charlie kay Jasmine dahil ayaw niyang magulat ito sa pamamagitan ng biglaang pagtawag sa kanya, o kaya pagsasabing nasa likod siya nito.Matapos ang lahat, mag-isa lang si Jasmine sa kagubatan mula kanina. Kung biglang magpapakita si Charlie sa harap niya nang hindi handa ang babae, siguradong maaalarma ito. Kaya, pinili muna ni Charlie na dahan-dahaning ang pagsasabi na naririto siya—una sinabi niya munang nasa Japan siya, sunod Tokyo, at Nishitama naman. Sa huli, sinabi ni Charlie na nasa likod siya. Nang marinig ni Jasmine ang sinabi ng lalaki, agad siyang napalingon!Totoo nga ang narinig niya! Napansin niya agad ang isang pamilyar na anyo, nakatayo ito sampung metro ang layo mula sa kanya.Talaga ngang si Charlie ang nakikita niya, ang kilala niyang Master Wade, ang lalaking gusto niyang masilayan sa kritikal na pagkakataong ito!May pananabik at tuwa sa loob ng puso ni Jasmine!Hindi niya inaakalang biglaang magpapakita si Charlie sa ganitong k
Isang ideya ang pumasok sa puso niya. Naisip niyang, ‘Mula sa araw na ito, ako, si Jasmine, at handa akong gawin ang kahit ano para kay Master Wade. Kung papakiusapan niya akong isakripisyo ang sarili ko, hindi ako mag-aalangan o magrereklamo!’Hindi alam ni Charlie kung ano ang nasa isip ni Jasmine. Nagsalita lang siya sa isang malumanay na boses, “Jasmine, hindi mo ako kailangang pasalamatan. Hindi mo rin kailangang banggitin ang ginawa ko para sa iyo. Kaibigan kita. Makatuwiran lang na iligtas kita sa mga ganitong pagkakataon. Kalimutan mo na ang nangyari dito sa Japan, kapag nasa panganib ang buhay mo, wala akong ibang sasabihin, basta ililigtas kita.”Gustong iparating ni Charlie na ganyang pagpapahalaga ang nilalagay niya sa pagkakaibigan. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon, sa mga tainga ni Jasmine, ito ang pinaka nakakaantig na pahayag sa buong buhay niya!Sa puntong ito, ilang libong beses niya pang lalong minahal si Charlie. Gusto niyang yakapin nang mahigpit ang lalaki
Nang marinig ni Jasmine ang bagay na ito mula kay Charlie, desidido siyang sumagot, “Master Wade, papakinggan kita!”Tumango si Charlie, “May mga kakilala ako sa Japan. Mamaya, dadalhin kita sa bahay ng kaibigan ko. Huwag mo munang kausapin ang kahit sino hangga’t hindi pa natin naaayos ang isyu. Kasama na rito ang lolo mo at mga iba pang kamag-anak.”Nagulantang si Jasmine, “Master Wade, bakit hindi ko pwedeng kausapin si lolo? Sigurado akong nag-aalala siya sa kalagayan ko ngayon. Kapag hindi niya pa nalaman na ayos lang ako, natatakot akong maapektuhan ang kalusugan niya dahil sa akin.”Ngumiti si Charlie, “Huwag kang mag-alala. Ininom ng lolo mo ang Rejuvenating Pill dati. Kaya, hindi magkakaroon ng problema ang katawan niya. Huwag mong kalimutan na iniregalo mo sa kanya ang ibinigay kong Rejuvenating Pill sa birthday mo. Sa tulong ng pill, hindi siya magkakaroon ng isyu sa kalusugan niya.”Nagpatuloy si Charlie sa pagpapaliwanag, “Madalas, lumalabas ang sikreto dahil sa mga ta
Sumagot si Charlie, “Pupunta tayo sa villa nila Nanako para magtago pansamantala. Pagkatapos, mag-aabang na lang tayo kung ano ang mangyayari!”***Sa pagkakataong ito, hinihintay pa rin ni Nanako sa pinaglapagan ng helicopter ang pagdating nila Charlie. Matapos ang lahat, hindi niya kayang sabayan si Charlie. Sa bilis ng paglakad at takbo ng lalaki, mas gugustuhin niyang maiwan.Sa kasalukuyan, pinapalibutan ng mga pulis galing sa Tokyo Metropolitan Police Department ang lugar. Pinaghahanap nila si Jasmine. Kita rin ang mga police helicopters sa itaas ng langit. Dahil dito, pinatay ni Nanako ang helicopter engine nila saka siya naghintay ng balita galing kay Charlie.Ganoon din, biglang nagpadala ng mensahe ang lider ng mga ninjas sa kanya: [Miss, nahanap na ni Mr. Wade si Ms. Moore.]Nakahinga nang maluwag si Nanako at tumigil na rin ang kanyang mga daliri sa pagtapik sa screen ng cellphone niya. Tumugon siya sa mensahe: [Mabuti naman, pakitanong si Charlie-kun kung ano ang su
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang