Naisip ni Jasmine sa kanyang sarili, ‘Mukhang nanggagaling ang lakas na ito sa milagrosong medisina na binigay ni Master Wade sa akin… Binigay sa akin ni Master Wade ang pill na ito at sinabihan niya akong dalhin ko ito lagi sakaling magkaroon ng emergency. Sa hindi inaasahang pagkakataon, talaga ngang nailigtas nito ang buhay ko sa kritikal na punto!’Habang iniisip niya si Charlie, naramdaman ni Jasmine na napupuno ng sigla ang kanyang katawan.Patuloy niyang hinihikayat ang kanyang sarili, ‘Dahil binigyan ako ng pagkakataon ni Master Wade na magpatuloy sa buhay, kailangan kong makabalik nang buo sa Aurous Hill!’***Sa Aurous Hill.Ang ancient capital.Kahit hindi ito kasing-unlad ng Eastcliff at Raventon, o kasing yaman ng mga bagong first-tier cities sa South Region, may sariling alindog at heritage ang siyudad.Mahal talaga ng mga taong nakatira rito ang kanilang tinubuang bayan. Mula sa mga halaman hanggang sa mga ilog nito.Habang nangangako si Jasmine na babalik siya n
Ang pamilya Ito ang nangungunang pamilya sa buong Tokyo. Sa kasalukuyan, walang kahit sino ang kayang tumapat sa kanila.Dagdag pa roon, ito ang unang beses na humingi ng tulong si Charlie kay Nanako. Dahil dito, inuna muna ni Nanako ang pabor na pinapaki-usap ni Charlie at ginamit niya ang lahat ng kanyang koneksyon at impluwensya.Sampung libong tao ang masugid na naghahanap ng lokasyon ni Jasmine sa Tokyo. Hindi nagtagal, nagawa nilang malaman na nasa isang bundok si Jasmine sa Nishitama District.Walang trapik sa daan sa bundok kaya wala ring surveillance systems na inilagay roon.Nang mawala ang mga bakas sa paa ng bundok sa Nishitama District, napagtanto ng laging alertong si Nanako na mukhang nangyari ang aksidente ni Jasmine sa kalsadang nakapaikot sa bundok.Hindi lamang matarik ang daan dito kundi wala ring mga nakatira sa bahaging ito. Kung may taong balak saktan si Jasmine, ito ang perpektong lokasyon para sa isang aksidente.Dahil dito, inutusan ni Nanako ang kanyang
Mas delikado ang mga kalsadang nasa bundok kumpara sa mga ordinaryong daan sa kapatagan.Magiging isang delikadong aksidente ang pagkahulog sa bangin habang nasa matarik na daan. Kung ilang daang metro ang bangin at gugulong roon ang isang kotse mula sa itaas ng bundok, natural lang na maging maliit ang tsansa na makaligtas ang mga sakay nito.Sa isang rally race, may matibay na roll cage na nakalagay sa mga rally cars para masiguro ang kaligtasan ng mga driver nito sakaling malaglag ang rally car sa bangin habang nagkakarera sa matarik na daan.Ganoon pa man, para sa isang ordinaryong kotse ng isang sibilyan, kahit pa ang isang Rolls Royce na sampung milyon ang halaga, wala itong mga roll cages. Kapag nahulog ang ganitong sasakyan sa bangin, magiging metal scraps na lamang ang isang Rolls Royce!Nang maisip ito, agad na sinabi ni Charlie kay Nanako, “Nanako, nakikiusap ako sa iyo. Siguraduhin mong mahahanap ng ninjas mo ang lokasyon ni Jasmine. Basta ba humihinga siya, dalhin niyo
Sa isang bundok sa Nishitama.Dahan-dahang naglalakad si Jasmine sa lambak.Kahit taglamig ngayon, maraming tumutubong evergreen plants sa paligid gaya ng mga pines at cypresses.Dagdag pa roon, madilim at malamig ang lambak. Wala siyang makitang bakas na may mga nakatirang tao rito lalo naman ang magkaroon ng daan.Kaya, isang malaking hamon para sa kanya na tahakin ang daang ito.Kung nakakapagod para sa mga eksperto sa paglalakbay na maglakad sa mga lambak, lalo naman ang isang gaya ni Jasmine na walang alam.Mabuti na lang, kahit taglamig, nakabalot si Jasmine sa isang makapal na cashmere windbreaker. Nakasuot rin siya ng itim na midi skirt, itim na corset leggings, pati na rin isang itim na leather boots. Sa tulong nito, hindi natutusok ng mga pine needles ang kanyang balat at hindi rin nagagasgasan ng mga tuyong mga sanga ang kanyang mga braso.Sa pagkakataong ito, nasanay na ang mga mata ni Jasmine sa dilim ng lambak. Pwede niya naman sanang gamitin ang ilaw ng cellphone
Nagpatuloy si Tyler, “Kumusta naman ang ginawa ni Hashimoto? Magaling ba siya?”Ngumisi si Reuben saka siya sumagot, “Masasabi kong magaling siya. Ayon sa kanya, gumulong ang kotse ng ilang daang metro sa bangin. Pagkatapos, nasunog ito. Mukhang naging abo na lang ang lahat ng sakay nito.”Tuwang-tuwa si Tyler sa kanyang narinig, “Napakagaling! Bravo!”Nagdagdag agad si Tyler, “Nga pala, bago ka umalis, nagsuspetsa ba ang lolo mo?”Tumugon si Reuben, “Sa tingin ko naman hindi. Pero, hindi ako sigurado kung magdududa ba siya sa hinaharap.”Suminghal si Tyler, “Ayos lang iyan. Ilang araw na lang ang natitira sa buhay niya.”Bumilis ang tibok ng puso ni Reuben at agad niyang tinanong ang kanyang tatay, “Papa, may gagawin ka ba kay lolo?”Sumagot si Tyler, “Wala, wala pa sa ngayon.”Nag-aalala si Reuben, “Papa, huwag mong kalimutan na sinabi ng matandang iyon sa araw na naging head ng pamilya Moore si Jasmine. Kung sakaling hindi magkaroon ng mga anak si Jasmine, mapupunta ang posi
Nang makaalis si Charlie, nagbababad pa rin si Claire sa hot springs.Hindi niya alam na ang asawa niyang nakasuot ng bathrobe at nagpaalam na kukuha ng inumin ay umalis na sa hot springs villa at papunta na ito sa airport para sumakay ng isang eroplanong patungo ng Tokyo.Matagal niyang hinintay na bumalik si Charlie. Nang lumabas siya sa hot springs at pumunta siya sa sala, hindi niya pa rin mahanap ang kanyang asawa. Hindi niya mapigilang magsuspetsa.Tinawagan niya si Charlie, pero ang sabi nakapatay raw ang cellphone nito.Lalo pa siyang nag-aalala. Bumalik siya sa kwarto nila at wala pa rin siyang nakitang kahit anong bakas ni Charlie. Subalit, nakita niya ang isang maliit na papel na nakadikit sa kabinet.Nakasulat sa papel ang mga salitang, “Mahal, nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko. Kailangan kong magmadali para iligtas siya.”Pagkatapos basahin ang sulat, naalarma si Claire at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ililigtas niya ang kaibigan niya?! Nasa panganib ang t
Walang paki ang mga pulis ng Tokyo Metropolitan Police Department kung may maaalerto ba silang mga tao sa ginagawa nila, agad lang silang kumilos.Sa loob ng ilang sandali, ilang daang pulis ang nagmaneho papuntang Nishitama District at hinarangan nila ang lahat ng daan papasok at palabas ng bundok. Sa parehong pagkakataon, nagpadala rin ang Tokyo Metropolitan Police Department ng anim na police helicopters sa bundok ng Nishitama para mahanap si Jasmine.Natanggap ni Nanako ang balita at agad niyang inutusan ang mga ninjas niya na huwag magpahalata habang ginagawa ang misyon nila. Kailangan nilang iwasang makasalubong ang Metropolitan Police Department.Sa ganap na 2:30 a.m. sa Tokyo.Pagkatapos tawirin ang ilang mga bundok, nadaanan ng mga ninjas ng pamilya Ito ang lugar kung saan nilinis ng mga tauhan ni Kazumi ang pinangyarihan ng aksidente. Amoy pa rin nila ang nasusunog na kotse.Mula sa amoy na ito, naglakad sila sa kalsada habang sinusundan ang samyo nito.Habang nasa daan
2:50 a.m. sa Tokyo.Lumapag na ang private jet ni Charlie sa Narita Airport.Sa pagkakataong ito, wala siyang kasamang kahit sino. Siya lang ang mag-isang nagmadaling pumunta ng Tokyo.Sa biyaheng ito, naka-connect si Charlie sa wireless network ng eroplano dahil hindi niya magamit ang cellphone data niya.Patuloy siyang nakatitig sa litrato ni Jasmine sa WeChat at desperado siyang naghihintay na padalhan siya nito ng mensahe.Subalit, walang kahit anong senyales galing kay Jasmine.Pagkatapos ng dalawang oras na flight, hindi mapakali si Charlie at patuloy ang kaba sa kanyang puso.Hindi niya mapigilang maisip ang pinakamalalang sitwasyon para sa babae.‘Kung patay na talaga si Jasmine, ano ang dapat kong gawin?!’May dalang Rejuvenating Pill si Charlie. Kahit masasabing magical pill ito, hindi nito mababalik ang buhay ng isang namatay na tao.Kung wala na talaga ang isang tao, kahit ilang Rejuvenating Pills pa ang inumin niya, hindi ito makakatulong!Maraming records ng ma
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka