Habang iniisip ito, agad na kinausap ni Dylan si Charlie, “Mr. Wade, pasensya na talaga, pero nahuli ako ng ilang araw sa daan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako dumating sa tamang oras…”Mas lalo pang nagulantang si Claire, Jacob, at Elaine sa pagkakataong ito.Bakit humihingi ng tawad si Dylan kay Charlie? Magkakilala ba silang dalawa?Nang makita ni Charlie ang gulat na ekspresyon sa mukha ng kanyang pamilya, ngumiti siya nang bahagya, “Mr. Koch, masyado ka namang magalang. Dahil sinabihan na kitang iimbitahan kitang kumain balang araw, hindi na mahalaga kahit nahuli ka o maaga, hindi ko pa rin kakalimutan ang pangako ko sa iyo.”Nasorpresa si Dylan nang marinig ang sinabi ni Charlie. Hindi niya maunawaan kung bakit mabuti ang pakikitungo nito sa kanya.Pagkatapos, bigla niyang napagtanto na baka mali ang sinabi niya.Mukhang ayaw ipaalam ni Charlie sa kanyang pamilya ang tungkol sa alitan nilang dalawa.Kaya, agad na nagpanggap si Dylan base sa sinabi ni Charlie, “Kung i
“Doris Young?!”Nang marinig ang pangalan ni Doris, saka lamang napagtanto ni Jacob na ang seksi at magandang babae na nasa intercom ay ang vice chairperson ng Emgrand Group. Ang taong personal na bumisita sa studio ng kanyang anak para batiin ang pagsisimula nito.Napatulala si Jacob.Matapos ang lahat, bilang vice chairperson ng Emgrand Group at business elite sa Aurous Hill, nakakamangha ang reputasyon ni Doris.Dagdag pa roon, alam rin ni Jacob na binigyan ng Emgrand Group si Claire ng maraming renovation businesses at masasabing ito ang pundasyon ng career ng anak niya.Subalit, hindi niya inaakalang si Doris pa ang magkukusa na bumisita sa bahay nila. Kaya, agad na tinawag ni Jacob si Claire, “Claire! Bilisan mo! Nandito ang vice chairperson ng Emgrand Group! Si Miss Doris Young!”“Huh?” Nagulantang si Claire. Agad siyang kinabahan, “Bakit naririto si Miss Young… Ako na ang magbubukas ng pinto para sa kanya!”Nasorpresa rin si Loreen.Hindi maikukumpara ang lebel ni Doris
Agad na tumugon si Doris, “Hello, Mr. Wade…”Ganoon din, tumayo si Loreen at nahihiya siyang nagsalita, “Hello Miss Young…”Saka lamang napansin ni Doris ang presensya ni Loreen. Hindi niya mapigilang masorpresa, “Oh? Naririto ka rin pala, Loreen? Hindi ka pa umuuwi?”Hindi natural ang boses ni Loreen nang sumagot siya, “Um… Pupunta rin ako sa airport mamaya-maya.”Sa tabi, nang masaksihan ni Dylan ang ganda ni Doris, nagkaroon ng kislap sa kanyang mga mata.Marami na siyang nakitang magagandang babae, pero hindi pa siya nakakakita ng isang babaeng business elite na katangi-tangi ang itsura at hindi mapapantayan ang pagiging elegante. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya namalayang napatayo siya para tanungin si Loreen, “Loreen, bakit hindi mo pa ako pinapakilala sa magandang binibini?”Agad namang bumalik ang huwisyo ni Loreen. “Nga pala, Miss Young. Gusto kong ipakilala sa inyo ang pinsan ko, si Dylan.”Nilingon ni Loreen si Dylan, “Dylan, ito ang vice chairp
Nag-iisip pa lang si Dylan ng mga pwedeng pag-usapan para mapalapit kay Doris nang bigla siyang makatanggap ng isang WhatsApp message galing sa kanyang nanay na si Sylvia.Tila ba tinamaan siya ng kidlat nang mabasa ang nilalaman nito.“Wala ka talagang kuwenta! Bakit mo na naman ginalit si Charlie Wade?! Tumawag si Wrigley ng pamilya Golding. Sinabihan niya akong may ginawa ka na namang katarantaduhan kaya dinagdagan ni Charlie ang parusa mo. Dalawang taon ka na raw mananatili sa Aurous Hill!”Halos mahimatay na si Dylan sa puntong ito!“Dalawang taon?! Gusto niya ba akong malagutan ng hininga?”“Dalawang araw pa nga lang ako sa Cliffcouls pero hindi ko na kaya. Hindi ako sigurado kung magtatagal ba ako ng isang taon. Bakit naman biglang dinagdagan ni Charlie ng isa pang taon ang parusa ko? Ano bang ginawa ko sa kanya?”Habang iniisip ito, hindi namalayan ni Dylan na napatitig na siya kay Charlie, “Mr. Wade, hindi…”Subalit, hindi hinintay ni Charlie na matapos si Dylan sa kany
Ganoon din, habang nagngingitngit ang ngipin at nagdadabog ng paa, dinampot ni Dylan ang tasa at ininom niya ito sa isang lagok lang.Ang pag-inom nito ay katumbas ng kanyang pagsang-ayon sa bagong parusa ni Charlie sa kanya.Hindi niya inakalang dodoble ang kanyang sentensiya at magiging dalawang taon pa ito.Gustong umiyak ni Dylan. Tila ba nawalan siya ng enerhiya at hindi niya na magawang magsalita. Naglaho na yata ang kaluluwa niya.Sa pagkakataong ito, nasorpresa nang kaunti si Loreen.Hindi man alam ng iba ang tungkol sa alitan nila Dylan at Charlie, pero alam niya ang lahat ng tungkol rito.Si Charlie ang dahilan kung bakit nagbisikleta si Dylan mula sa Eastcliff papuntang Aurous Hill. Siya rin ang dahilan kung bakit maraming pinagdadaanan paghihirap ang kanyang pinsan. Nang marinig niyang binanggit ni Charlie ang tungkol sa charades, may masama na siyang kutob agad.Kaya, tinanong niya si Dylan nang pabulong, “Dylan. Anong nangyayari?”Inabot ni Dylan ang kanyang cellp
Gusto talagang malaman ni Loreen kung ano ang tunay na relasyon sa pagitan ni Charlie at Doris.Subalit, hind ito posible dahil kulang na siya sa oras.Kailangan niya pang magmadali para umuwi ng Eastcliff at magdiwang kasama ang kanyang pamilya sa New Year. Kaya, pagkatapos niyang manatili sa loob ng sampung minuto, nilingon ni Loreen si Claire at Charlie, “Claire, Charlie, mauuna na ako dahil may hinahabol pa akong flight sa airport. Fully booked ang lahat ng seats ngayong araw. Kapag hindi ako nakarating sa tamang oras, hindi ko makakasama ang pamilya ko sa New Year.”Sumagot si Claire, “Loreen, gusto mo bang ihatid ka namin sa airport?”Agad na tumugon si Loreen, “Hindi niyo na kailangang mag-abala pa. Manatili na lang kayo rito sa bahay.”Pagkatapos niyang magsalita, nilingon niya naman si Doris, “Miss Young, mauuna na ako.”Banayad na tumango si Doris, “Mag-ingat ka sa biyahe mo! Advance Happy New Year rin!”“Maraming salamat!” Tumango rin si Loreen. Pagkatapos magpaalam s
Noong una, binalak sana ni Lady Wilson na magtrabaho sa supermarket ngayong araw.Nangako rin ang supermarket supervisor sa kanya na doble ang magiging sahod niya ngayong araw.Subalit, nakaupo lamang si Lady Wilson sa bangko ngayon dahil sa taas ng kanyang blood pressure. Masama ang kanyang pakiramdam pagkatapos nakawin ni Hannah ang kanyang pera at makatanggap ng pangungutya kay Elaine.Kahit hindi naman seryoso ang kondisyon niya, wala pa rin siyang magawa kundi kanselahin ang kanyang plano na pumasok sa trabaho. Hindi makakabuti ang mataas na blood pressure habang kasalamuha ang mga kostumer.Nang maalala niyang ninakaw ang pinaghirapan niyang pera at wala na rin siyang oportunidad na kumita nang doble ngayong araw, hindi mapigilang maging mapanglaw ni Lady Wilson.Gusto niya sanang papuntahin si Wendy sa supermarket bilang kapalit niya.Subalit, nang maalala niyang paralisado sila Christopher at Harold at nakahimlay lamang ito sa kama buong araw, dagdag pa na may hypertensio
Samantala, naghahanda sina Charlie at ang kanyang pamilya para sa New Year’s Eve mamayang gabi.Iba’t ibang klase ng sangkap ang nakatambak sa mesa ng kusina.Si Charlie ang pinakamagaling magluto sa kanila kaya hindi niya tinanggihan ang responsibilidad na maging main chef para sa hapunan nila ngayong New Year’s Eve.Dahil sa injury ni Elaine, nakaupo lamang siya sa sahig habang hinahanda ang mga gulay. Tinulungan naman ni Claire si Charlie sa paghuhugas at paghihiwa ng iba’t ibang mga sangkap, samantalang si Jacob naman ang bahala sa magiging palaman ng dumplings.Bibihira lamang ang ganitong klase ng eksena sa bahay nila kung saan nagtutulungan silang apat sa kusina.Nang padilim na ang langit, isa-isa na nilang hinain sa hapag ang mga niluto nila.Sa kabilang banda, sa villa A04, abala rin si Jennifer, Yara, at Yulia sa kusina.Simple lamang ang pamumuhay ng tatlong binibini. Kita rin ito sa mga handang niluluto nila. Bukod sa dumpling na nasa hapag, bumili rin sila ng manok
Tumango si Vera at ngumiti, sinasabi, “Nangako si Young Master Wade dati na bigyna kayo ng pagkakataon, at pumunta siya ngayong araw para tuparin ang pangako na iyon. Bilis at sabihin niyo ang pasasalamat niyo!”Nang marinig ito, tumingin ang tatlong lalaki sa isa’t isa nang sabik at lumuhod agad.Nang makita ni Charlie ang tatlong lalaki, na halos tatlong daang taon na ang edad kung pagsasamahin, na lumuhod sa harap niya, hindi niya ito natiis. Mabilis niyang sinubukan na tumayo para tulungan sila at sinabi nang tapat, “Young Master Wade, hindi mo kailangan tumayo. Tama lang na yumuko sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Mga ginoo, matatanda na kayo. Hindi niyo dapat gawin ang ganitong kilos. Hindi ito angkop…”Sinabi nang matatag ni Vera, “Young Master Wade, makasisiguro ka, walang hindi angkop dito. Ang kilos nila ay hindi lang para pasalamatan ka ngunit para sa sarili nila!”Nagpatuloy siya, “Pinalaki ko silang tatlo simula noong bata pa sila. Alam ko ang pagkatao at m
Hindi masyadong inaral ni Charlie ang tadhana.Sa Apocalyptic Book, may kayamanan ng iba’t ibang kaalaman, pero kulang ito sa mga paliwanag tungkol sa tadhana. Dati ay akala niya na ang tadhana ay parang caste system ng India, kung saan kapag mas mataas ang tadhana, mas mataas ang caste, ang ibig sabihin ay ang taong may mataas na caste ay may mataas na katayuan lang sa lipunan, pero wala silang malakas na lakas. Maaari pa ring magkasakit, tumanda, at maaksidente ang mga taong may mataas na caste tulad ng iba. Pero, ipinapahiwatig ng mga sinabi ni Vera na mas komplikado pa sa iniisip niya ang tadhana.Kaya, tinanong niya si Vera, “Kung may kapalaran ng dragon ang aking ama, hindi ba siya mapapatay ni Mr. Chardon?”Sinabi nang kampante ni Vera, “Tama! Ang kapangyarihan ng tadhana ay nasa ganap na herarkiya nila. Basta’t hindi naghahanap ng kamatayan ang taong may kapalaran ng dragon, paano mapapatay ni Mr. Chardon, na may kapalaran lang ng isang tigre, ang isang tao na may kapalaran
Tumango si Vera, “Ayon sa Book of Changes at Eight Diagrams, para sa mga buhay na hindi nalampasan ang sakuna, totoo na wala na ang Reiki, pero pagkatapos makalampas sa sakuna, lilitaw ang Reiki.”Tinanong ni Charlie sa pagkalito, “Parang hindi naman iyon makatotohanan…”Ngumiti si Vera at sinabi, “Akala ko rin sa una. Naisip ko pa na marahil ay mali ang pagkakaintindi ko sa Book of Changes at Eight Diagrams, pero pagkatapos ng World War II, nakatagpo ko ang modernong teknolohiya gamit ang mga radio wave. Biglaan, naging makatwiran ang lahat ng ito sa akin. Hindi ito mararamdaman ng mga ordinaryong tao gamit ang katawan nila, pero sa sandaling nagkaroon sila ng kondisyon na matanggap ang mga radio wave, patuloy nilang malalaman ang laman ng mga radio wave na iyon. Marahil ay ganito rin ang Reiki.”Lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at sinabi, “Ang ibig sabihin ba ay hindi pa talaga katapusan ang Degenerate Age of Dharma?”Ipinaliwanag ni Vera, “Ang Degenerate Age of Dharma ay
Napukaw ang pagkamausisa ni Charlie dahil sa mga sinabi ni Vera. Tinanong niya nang mabilis, “Kayang balewalain ng taong may kapalaran ng ascending dragon ang mga batas ng kalikasan. Ang ibig sabihin ba ay katulad ito ng sinasabi ng mga tao sa ascension, kung saan umaangat sila sa mas mataas na mundo tulad sa mga alamat?”Humagikgik si Vera at sinabi, “Young Master, masyado mo itong pinapalalim. Ang ascension ay isang haka-haka lang na nagmula sa pagkaunawa ng mga tao sa Book of Changes at Eight Diagrams. Madalas na naniniwala ang mga tao na kung magcu-cultivate sa isang punto, kaya nilang umangat sa ibang mundo, tulad ng mga tinatawag ng mga Easterner na immortal realm o tinatawag ng mga Westerner na divine realm. Pero, ayon sa pagkaunawa ko sa Book of Changes at Eight Diagrams, kahit gaano ka pa mag-cultivate, ang esensya lang nito ay ang paghaba ng buhay at paglakas ng isang tao.”Tinanong nang mapagpakumbaba ni Charlie, “Miss Lavor, maaari mo ba itong ipaliwanag nang mas detalyad
Sinabi ni Charlie, “Kapupunta ko lang sa pamilya ng lola at lolo ko. Binanggit ng tito ko na nagkataon na nakakuha ang aking ama ng isang libro na tinatawag na Preface to the Apocalyptic Book. Kahit na hindi alam ng tito ko kung ano ang nakasulat sa libro, naalala niya na madalas binabanggit ng aking ama ang mga salita na ‘kapalaran ng ascending dragon’. Dati ay narinig ko na sinabi ni Master Lennard na ang mga tadhana ng mga tao ay maaaring hatiin sa kategorya ng iba’t ibang tadhana tulad ng kapalaran ng python at kapalaran ng dragon, pero hindi ko alam kung ano ang kapalaran ng ascending dragon.”Hindi sinagot ni Vera ang tanong ni Charlie pero tinanong nang mausisa, “Nang binanggit mo ang Master Lennard, sinong Master Lennard ang tinutukoy mo? Anong pangalan niya?”Sumagot si Charlie, “Siya si Chandler Lennard, ang direktang supling ng Feng Shui master, si Mater Brize Lennard…”Binulong ni Vera, “Solido ang ginto, matibay ang kahoy, malinaw ang tubig, nasusunog ang apoy, matigas
Sa gabi sa Scarlet Pinnacle Manor, umatras na ang lahat bukod kay Vera. Pagkatapos dumating ni Charlie gamit ang kotse, dumiretso siya sa courtyard at umakyat sa mga batong hagdan.Sa sandaling pumasok siya sa courtyard, nandoon na si Vera. Nang makita si Charlie, binati niya siya nang may masaya at nahihiyang ekspresyon, “Young Master…”Sa sandaling iyon, may suot na puting dress si Vera, at ang kanyang mahabang buhok, na bumaba sa mga balikat niya, ay mukhang medyo basa pa. Puno rin ng mga lumulutang na talutot ng bulaklak ang katabing hot spring pool, nagbibigay ng kaunting bango ng bulaklak sa buong courtyard.Naghulaan ni Charlie na katatapos lang maligo ni Vera, kaya nagpigil siyang tumingin sa hot spring pool at nag-focus sa kanya. Sinabi niya nang may bakas ng kaba, “Miss Lavor, pasensya na at inabala kita sa gabi. Bukod sa pangako ko sa tatlong matandang ginoo kanina, may ilang bagay din ako na gusto kong lutasin gamit ang tulong mo.”Yumuko nang bahagya si Vera kay Charli
Humagikgik si Charlie at sinabi, “Lola, huwag kang mag-alala. Naubos na ng internal qi ko ang alak, kaya hindi ako lasing kapag magmamaneho.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, Lolo, Lola, pupunta ako sa Willow Manor bukas para ilipat dito ang formation para sa Rejuvenating Pill. Manatili muna kayo sa Aurous Hill. Kung gano’n, mas uunlad ang kalusugan niyo.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lady Acker, “Charlie, huwag ka na magsayang ulit ng Rejuvenating Pill sa amin…”Si Lord Acker, na nasa gilid, ay sinabi rin nang sobrang seryoso, “Kasasabi ko lang na pwedeng gawin ni Charlie ang lahat ng pagsasaayos, kaya hindi mo kailangan na sumalungat sa akin.”Para kay Keith, ininom na niya ang isang buong Rejuvenating Pill. Sa totoo lang, hindi na mahalaga sa kanya ang formation, pero nakikilala niya ang isang pangunahing lohika: dahil sinabihan na sila ni Charlie na sundin ang mga pagsasaayos niya, dapat nilang sundin ang desisyon na iyon, kahit na kapaki-pakina
Alam ni Charlie na ito na ang pinakamagandang oras para magkunwari.Bumalik na sa itaas ng dagat ang eroplano ng tatlong elder mula sa Qing Eliminating Society, pinapatunayan na natatakot si Fleur.Dahil natatakot siya, oras na para kumilos siya habang mainit pa.Hindi aalis ang mga Acker sa Aurous Hill pansamantala, at siguradong may mga espiya mula sa Qing Eliminating Society sa loob ng mga Acker. Kung sasamantalahin niya ang pagkakataon na magkalat ng balita, magsisilbi rin ito bilang pang-antala.Ang kasalukuyang mga miyembro ng pamilya Acker ay may buong tiwala kay Charlie. Dahil sinabi na ito ni Charlie, walang tutol ang lahat at balak nilang sundin ang mga utos ni Charlie.Para naman sa asawa ni Lulu, hindi nagmamadali si Charlie na siyasatin siya. Dahil, sa opinyon niya, kung magtatago ang mga Acker simula ngayon at hindi bibigyan ang mga tagalabas ng pagkakataon na alamin ang sikreto nila, maaaring maging matatag ang sitwasyon.Para naman kay Fleur, dahil natanggap na ni
Biglang medyo hindi mapakali ang ekspresyon ni Lulu. Mahigit sampung taon na niyang kilala ang asawa niya, at 12 years old na ngayong taon ang anak nila. Hindi niya kayang paghinalaan ng kahit ano ang kanyang asawa.Pero, alam niya rin na bago ang nangyari kay Adrienne, sobrang lambing niya kay Jaxson. Akala ng lahat na pinakasalan ni Jaxson ang isang maganda, elegante, at mabait na asawa, pero sinong nakakaalam na gusto niyang patayin ang buong pamilya Acker, at walang gustong itira?!Sa puntong ito, idinagdag ni Keith, “Pagkatapos ng nangyari sa New York dati, may malaking hinala kami ni Kaeden kay Zekeiah, pero hindi matagal pagkatapos nito, nagpakamatay si Adrienne gamit ang lason. Kaya, natuon ang focus namin kay Adrienne. Kung iisipin ito ngayon, mahirap na tanggalin ang hinala kay Zekeiah.”Nagsalita si Charlie at sinabi, “Sa tingin ko ay makatwiran ang sinabi ni Lolo. Kung kakalkulahi natin ang bagay na ito ayon sa oras, si Uncle Zekeiah nga ang pinaka kahina-hinala.”Pagka