Noong una ay inakala ni Yule na hindi papayag si Charlie. Gayunpaman, hindi niya inasahan na handang-handa pumayag si Charlie. Kaya, agad niyang sinabi, “Kapag nalaman ng lolo mo na handa kang bumalik para sa ancestor worship ceremony, tiyak na magiging masaya siya!”Napangiti si Charlie at sinabi sa kanyang isipan, ‘Kung masaya ang lolo ko o hindi ay hindi siguro nakadepende kung babalik ako para dumalo sa ancestor worship ceremony o hindi, ngunit nakadepende kung susundin ko ang mga pagsasaayos niya at maging gamit ng pamilya Wade para sa pakikipag-kasal ng pamilya sa iba pang pamilya.Gayunpaman, hindi iyon sinabi ni Charlie kay Yule.Sa sandaling ito, biglang nagsalita ulit si Quinn, “Oo nga pala, Brother Charlie, ang oras para sa concert ko sa Aurorus Hill ay nakatakda na!”Si Charlie ay lubos na nagulat, at tinanong niya, “Concert? Sa Aurorus Hill?”Tumango si Quinn, ngumiti, at sinabing, “Ang sunod na stop ng tour ko ay nakaplano nang iasasagawa sa Aurorus Hill. Pero, ang s
Sa hindi inaasahan, silang dalawa ay pumunta sa bahay ni Yule.Maaari kaya na ang Pamilya Schulz ay sinusubukan nang makuha ang loob ng Pamilya Golding ngayon?Gayunpaman, walang masyadong sinabi si Charlie sa video call. Walang alam si Yule tungkol sa paglalakbay niya sa Japan, eh.Sa sandaling ito, si Adrian, ang second child ng Pamilya Golding, ay sinabing, “Brother, hindi ako masyadong sigurado kung bakit ang nakababatang henerasyon ng pamilya Schulz ay narito para bigyan tayo ng mga regalo, pero sa tingin ko ay nauugnay ito sa karanasan ng pamilya Schulz sa Japan noong nakaraan. Sa panahon na iyon, ang pamilya Schulz ay nakaranas ng malalaking kawalan. Marahil ito ang dahilan kung bakit may balak sila na makuha ang loob ng ilang ibang pamilya.”Si Yule ay mayroong malamig na ekspresyon sa kanyang mukha noong sinabi niyang, “Ang taong pinaka-kinamumuhian ko sa buong Eastcliff ay walang iba kung ‘di si Sheldon Golding! Siya ay isang g*go! Siya ang nanghikayat sa Anti-Wade Allian
Si Jaime ay bahagyang kinakabahan noong una, ngunit noong marinig niya ang kanyang kapatid na sinabi ito, siya ay biglang mas kinabahan.Silang dalawang magkapatid, at si Quinn ay nabibilang sa mga pinaka-mayayaman sa Eastcliff.Kahit na wala silang malapit na relasyon, maaari silang maturing na ordinaryong magkaibigan.Si Jaime ay maraming taon nang may tinatagong nararamdaman para kay Quinn, ngunit dahil hindi kailanman sumasama si Quinn sa mayayaman, hindi siya masyadong nakakakuha ng pagkakataon na makausap si Quinn.At saka, walang lakas ng loob si Jaime na aminin ang kanyang mga nararamdaman kay Quinn dahil alam niya na sa mga mata ng ama niyang si Sheldon, ang Pamilya Golding ay hindi umaabot sa kanyang pamantayan.Si Jaime ang panganay na apo ng Pamilya Schulz, at walang duda na siya ang magiging pinuno ng Pamilya Schulz sa hinaharap.Sa paningin ni Sheldon, ang Pamilya Schulz na ang numero uno at nangungunang pamilya sa bansa. Dahil ang Pamilya Wade, na ikalawa lamang, a
Napatango si Jaime, ngunit hindi pa rin siya masyadong sigurado noong sinabi niya sa isang mahinang boses, “Narinig ko na mayroon nang marriage contract si Quinn sa isang nakababatang miyembro ng Pamilya Wade. Kung talagang aaminin ko sa kanya ang pagmamahal at nararamdaman ko para sa kanya, sa tingin mo ba ay magagawa niya akong tanggapin at pumayag maging kasintahan ko?”Pinakalma siya ni Sophie, “Oh, kuya! Bakit ba hiyang-hiya ka na parang isang babae?!”“‘Wag mo na masyadong pag-isipan ‘yan! Kailangan mong maging determinado na maabot at makamit ang mga layunin mo kahit na maraming harang sa daan!”“At saka, ano naman kung mayroon na siyang marriage contract? Ang marriage contract niya ay sa anak ni Curtis Wade. Matagal nang patay si Curtis at ang asawa niya, at nawawala na ang anak nila. Kung buhay pa siya o hindi ay wala tayong alam. Kaya, paano niya magagawang bumalik at makasal kay Quinn?”Pagkatapos niyang huminga, nagpatuloy si Sophie, “Pwede mo ring ipakita ang talento m
Nang marinig ang sinabi ng kanyang kapatid, hindi nag-alinlangan si Jaime na tapikin ang kanyang dibdib at sinabing, “‘Wag kang mag-alala, tiyak na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka pagbalik natin!”Natutuwang tumango si Sophie. Noong magsasalita na sana siya, may dalawang lalaki at dalawang babae na pumasok sa pintuan ng main hall.Iyon ang pamilya ni Yule at kasama si Adrian.Noong pumasok si Quinn sa kwarto, biglang kinabahan si Jaime, at ang kanyang mga kamay ay nagsimulang pagpawisan agad.Noong si Sophie, na nakatayo sa gilid, ay nakita siya, dali-dali niyang tinusok si Jaime gamit ang kanyang daliri bilang paalala ng pinag-usapan nila kanina. Pagkatapos no’n, agad siyang tumayo, ngumiti, at sinabi sa apat na taong kapapasok lamang, “Hello, Uncle Golding, Aunt Rachel, at Quinn! Pasensya na’t naabala namin kayo. Ninais namin kayong batiin ng manigong bagong taon!”Pagkatapos niyang magsalita, naglabas siya ng isang mahabang regalo at binigay iyon kay Rachel
May iilan pang handang ibenta ang kanilang katawan para sa pera.Subalit, naiiba si Quinn.Walang halaga ang pera para sa kanya.Dagdag pa roon, ngayong muli na silang nagkita ni Charlie, nakapagpasya na si Quinn na umalis sa entertainment industry habang buhay.Gusto niya munang umalis ng entertainment industry. Pagkatapos, kapag naasikaso na ni Charlie ang mga isyu niya, papakasalan niya si Charlie at itutuon niya na lamang ang kanyang atensyon at pagod sa kanyang asawa at mga anak sa bahay.Naisip niya pa ngang i-anunsyo ang kanyang pag-alis sa industriya sa araw ng concert. Ito na ang magiging final stage ng kanyang concert tour. Lalayo na siya mula sa musika, pag-arte sa mga palabas at mga drama. Hindi rin siya sasali sa kahit anong mga program sa hinaharap.Kaya, walang kahit anong interes si Quinn sa collaboration na sinasabi ni Sophie ngayon lang.Tumugon nang prangka si Quinn, “Pasensya na talaga, Sophie. Wala akong balak na maghanap ng sponsor para sa concert tour ko.
Nang marinig ni Jaime ang kondisyon ni Quinn, agad siyang napuno ng tuwa.Nilingon niya agad ang kanyang kapatid na si Sophie. Puno ng paghanga ang kanyang ekspresyon.Sa pagkakataong ito, gusto niya talagang purihin ang kanyang kapatid. Iba talaga si Sophie.Kahit alam niyang mas bata ito sa kanya ng ilang taon, mas matalino naman ito sa kanya ng ilang beses!Ang paggamit ng charity para mahikayat si Quinn na tanggapin ang collaboration proposal at sponsorship ay isang ideya na naisip ni Sophie bilang solusyon kanina.Sinuri nang mabuti ni Sophie ang pagkatao ni Quinn. Maraming pera ang babae, hindi rin siya nagkulang sa atensyon at pagmamahal mula sa iba. Marami rin siyang manliligaw. Kaya, hindi madali para sa ordinaryong tao na mapabilib siya.Hindi madaling makipag-usap kay Quinn. Kung gusto mo ng isang collaboration kasama siya, magiging mahirap na hamon ito.Kaya, naisip ni Sophie na dapat mapabilib ni Jaime si Quinn, kailangan niyang maghanap ng paraan para mamangha ang
Ngumiti nang bahagya si Quinn saka siya nagsalita, “Kung ganoon, gusto kong pasalamatan si Mr. Schulz para sa kanyang magandang loob.”Agad na ikinumpas ni Jaime ang kanyang kamay, “Hindi, hindi. Dapat ko itong gawin. Bukod pa roon, kailangan ko lang naman ang pabor at impluwensya mo. Sponsorship fee mo naman talaga ang donasyong ibibigay ko. Kaya, ikaw ang dapat nilang pasalamatan, hindi ako, Miss Golding.”Hindi mapigilang mapangiti ni Quinn nang marinig ito, “Mr. Schulz, dahil napagkasunduan na natin ang collaboration, pag-usapan na lang natin ito pagkatapos ng New Year. May gagawin pa ako kaya mauuna na muna ako.”Nang marinig ito ni Sophie, agad siyang tumayo at ngumiti, “Quinn, dahil may gagawin ka pa, hindi ka na namin aabalahin! Maraming salamat!”Tumango nang bahagya si Quinn saka siya nagsalita, “Kung iyan ang kaso, ipapahatid ko na lang kayo palabas. Ingat.”Pagkatapos magsalita, tinawag ni Quinn ang isa sa kanyang mga kasambahay, “Mrs. Ciara, pakiusap, samahan mo ang m
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki