Habang nakagawa na ng desisyon si Takahashi Machi, natapos na rin ang operasyon ni Eikichi.Nang makita niya ang kanyang anak na lalaki na may plaster sa magkabilang braso na tinutulak palabas sa operating room ng doktor, nakaramdam ng paghila si Machi sa kanyang puso.Sa sandaling ito, napuno siya ng galit at gusto niyang basagin ang mukha ng g*gong nanakit sa kanyang anak.Pero, pagkatapos mag-isip nang maingat, napagtanto niya na ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay makuha ang kooperasyon sa pamilya Schulz. Kung hindi, kung magpapasya ang pamilya Schulz na makipagtulungan sa pamilya Ito, malaking trahedya ang mangyayari sa pamilya niya.Dahil dito, hindi magawa ni Machi na gumawa ang kahit anong gulo. Kaya, nagtiis muna siya at naging matiyaga.Buti na lang, nahanap na ni Fujibayashi Masatetsu ang target at binabantayan siya sa ngayon. Binabantayan niya siya na parang isang lawin! Halos wala nang pag-asa ang target na makatakas kung gusto niya siyang patayin, ilang panahon n
Natatakot siya na hindi mababalik ang dignidad niya kahit patayin niya si Charlie. Dahil, alam na ng bawat Japanese sa Japan ang nakakatakot na pambubugbog na kailangan niyang tiisin. Nakatanim na ito sa puso ng mga tao.Naging maasim ang ekspresyon ni Machi at nag-isip siya ng mga paraan para pagaanin ang loob ng kanyang anak. Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang cellphone.Nilabas ni Machi ang kanyang cellphone at nakita niya ang isang hindi pamilyar na numero. Pinindot niya ang answer button at sinagot niya ang tawag.Sa kabilang linya, isang pamilyar na boses ang narinig. Si Ito Yahiko!“Oh, Brother Machi! Narinig ko na nabugbog si Eikichi ng isang tao sa Tokyo ngayong araw?|Mukhang medyo nag-aalala ang boses ni Yahiko sa una pero malalaman ng kahit sinong may utak na isa itong panunuya.Sumagot si Machi habang may madilim na hitsura. “Yahiko, naalala ko na naka-save ang numero mo. Binago mo ba ito?”“Hindi.” Sumagot si Yahiko sa masayang tono. “Gano’n pa rin ang number k
Sa loob ng napakaraming taon, may magkakaibigang tunggalian lang sina Machi at Yahiko. Masasabi na sa mga taong iyon, nakikita lang nila ang isa’t isa bilang pinakamalaking kakumpitensya nila.Pero, nasa limampung taon pa lang silang dalawa. Lumaki sila pagkatapos ng gera kung saan nasa pinakamahina ang Japan. Ito ang panahon na walang pananaw at pagpapahalaga sa sarili ang mga tao. Lumaki sila sa payapang panahon na iyon, kaya, wala na sa dugo nila ang kalupitan at kasamaan ng mga ninuno nila.Iyon ang dahilan kung bakit pagkatapos makipag kumpetensiya sa isa’t isa sa napakaraming taon, ang pangunahing motibo lang sa kompetisyon nila ay paunlarin ang negosyo nila. Kailanman ay hindi sila nagkaroon ng layunin na patayin ang kalaban nila/Katulad ito ng mga boss ng Alibaba at Tencent company. Kahit na sobrang bagsik ng kompetisyon nila, sumunod pa rin sila sa mga tuntunin at regulasyon.Kahit gaano kasama ang loob nila sa isa’t isa, nananatili pa rin silang magalang at sumusunod sa
Sa gabing iyon, may shift sila sa pagbabantay. Ang shift ay nahahati sa dalawa at para sa bawat shift, dalawang tao ang magbabantay habang dalawa ang magpapahinga. Apat na oras magtatrabaho ang bawat tao para siguraduhin na sapat ang pahinga nila.Akala nila na perpekto ang plano nila pero wala silang ideya na ang lahat ay planado na ni Charlie.Hanggang ngayon, hindi pa kumikilos si Charlie dahil ayaw niyang magduda ang kalaban. Bukod dito, gusto niyang magpatuloy nang angkop habang nangyayari ang mga bagay-bagay.Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi siya interesadong puksain ang mga ninja na ito sa Tokyo ay dahil ayaw niyang habulin siya ng pamilya Takahashi dahil pupunta pa siya sa ibang siyudad. Kung papatayin niya ang mga ninja, siguradong pagmamasdan siya na parang lawin ng pamilya Takahashi, at mas maraming problema lang ang dadalhin nito sa hinaharap.Sa halip na magkaroon ng mga walang kwentang problema, mas mabuti na hayaan niya munang sundan siya ng apat na ninja na
Sa sandaling narinig ni Sophie ang mga sinabi ni Machi, hindi niya mapigilang itaas ang mga kilay niya.Sa puso niya, hindi niya maiwasang magduda.Kahapon, nagkaroon ng conference kasama ang kanyang ama na makipagtulungan sa isang pamilya para puksain ang kabilang pamilya. Bakit biglang inalok ng pamilya Takahashi ngayong araw na makipagtulungan para puksain ang pamilya Ito?! Nakinig ba si Takahashi Machi sa usapan nilang tatlo?Naramdaman ni Sophie na posible ang iniisip niya.Sa utak niya, nag-iisip siya.Kahapon, bago sila pumasok sa hotel, sinuri na nang sobra ng mga bodyguard ang hotel. Nakumpirma nila na walang eavesdropping bugs o kahit anong recorder doon. Gayunpaman, Tokyo ito. Ito ang lugar ng pamilya Takahashi. Kung gusto niyang makinig sa amin ng kapatid ko, hindi ito mahirap gawin…Nagduda rin si Jaime, iniisip niya kung nakinig ba si Machi sa kanila.Pero, dahil nandito si Machi, hindi niya makausap ang kanyang kapatid na babae sa sandaling ito. Kaya, nagpasya siy
Nireserba ni Isaac ang pinakamagandang hotel sa Nagoya para sa lahat.Nararamdaman din ni Charlie na ang apat na ninja na sumusunod sa kanya ay sinundan din siya papasok sa hotel.Pagkatapos mag-check in ni Charlie, si Fujibayashi Masatetsu, ang pinuno ng mga ninja, ay dinala ang tatlo sa front desk ng hotel.Nag-book sila ng dalawang kwarto sa parehong palapag kung nasaan si Charlie.Bukod dito, matalino sila at nagreserba sila ng apat na magkakaibang kwarto. Ang apat na kwarto na ito ay katabi ng dalawang elevator at emergency staircase.Dahil madalas may lindol sa Japan, ang mga disenyo ng hotel nila ay umiikot sa konsepto na madaling makakatakas ang mga tao kapag dumating ang ganitong sakuna.Walang ibang building kahit saan na may dalawang emergency escape staircase.Sadya nilang pinili ang mga lokasyon na ito para pagmasdan ang bawat galaw ni Charlie. Nakatulong talaga ito na padaliin ang pagbabantay nila.Para naman kung bakit hindi nila nireserba ang mga kwarto sa palig
Ang pangunahing dahilan kung bakit gustong iwan ni charlie ang grupo nina Isaac at Albert ay para mag-isa siyang makakilos. Gusto niyang subukan ang ninja na sumusunod sa kanya. Gusto niyang malaman kung gaano kalakas ang ninja na sumusunod sa kanya sa mga nagdaang oras.Bukod dito, alam niya na sinundan siya ng kabila sa hotel at napagtanto niya na may mindset ang kalaban na dahil nag-check in si Charlie sa hotel, siguradong babalik siya sa hotel. Kaya, hindi susunod ang apat na lalaki sa kanya.Hindi natatakot si Charlie na mapapalibutan siya ng grupo. Sa halip, para kay Charlie, mukhang medyo kulang sa tauhan si Mr. Takahashi dahil apat na lalaki lang ang sumunod sa kanya mula sa Tokyo. Kung sabay-sabay niya silang dudurugin, magiging sobrang boring ng mga matitirang araw niya sa Japan.Kaya, umaasa si Charlie na maghiwa-hiwalay sila para isa-isa niya silang durugin.Kung isa-isa niya silang dudurugin, makakapagtanim siya ng takot sa isipan nila. Makakapagtanim din ito sa estado
Gayunpaman, medyo iba ang gamit ng shuriken kumpara sa isang punyal.Ang punyal ay karaniwang ginagamit sa paghiwa at pagsaksak kung saan ang shuriken ay karaniwang tinatapon.Masasabi na ang shuriken ay kaugnay sa mga flying dagger na ginagamit ng mga Circus Dagger Masters, na nagtatapon ng mga punyal sa mga gumagalaw ng bagay.Kung ang martial arts ay tungkol sa pagiging matuwid at dakila, ang Japanese ninjutsu ay mailalarawan na malupit at walang awa.Ayaw ng harap-harapan na laban ng mga ninja. Mas gusto nilang umatake sa dilim kung saan walang ideya ang mga biktima nila kung nasaan sila. Ito ang sukdulang landas na hinahabol ng mga ninja.Gumagamit sila ng mga sandata tulad ng mga shuriken, darts, at blow dars. Mahilig din nilang lagyan ng lason ang kanilang mga patalim upang hindi makatakas sa kamatayan ang kalaban nila kahit na mabigo silang patayin sila nang harap-harapan. Kung sakaling mabigo sila, gagana ang lason at sa huli ay mapapatay ang kalaban.Isang minuto na ang
Nakita ni Ruby na pumasok si Mr. Chardon sa villa na nasa tagong lugar. Sa una ay akala niya na mauubos nang madali ni Mr. Chardon ang mga Acker ngayong gabi at magkakaroon siya ng malaking tagumpay sa Qing Eliminating Society. Naniniwala siya na kailangan niya lang manood sa dilim at iulat ang lahat sa British Lord mamaya.Pero, hinding-hindi niya inaasahan na nang kapapasok lang ni Mr. Chardon sa villa, isang helicopter ang mabilis na dumating mula sa kabilang dulo ng bundok, dumiretso sa itaas ng villa sa gitna ng Willow Manor.Bago pa niya maintindihan kung sino ang darating gamit ang helicopter sa sandaling ito, isang itim na anino ang direktang tumalon mula sa helicopter. Mabilis pa rin ang pagbaba ng helicopter, at sa medyo mataas na dose-dosenang metro sa itaas ng lupa, hindi niya inaasahan na matatag na makakababa ang isang tao sa lupa mula dito.Umangat nang buong lakas ang helicopter sa sandaling bumaba ang lalaki. Hindi man lang huminto kahit saglit ang anino at sumugod
Ang unang bagay na ginawa ni Charlie ay hilingin sa kanya na tulungan siyang kunin ang public surveillance footage mula sa Willow Manor. Samantala, umupo siya sa helicopter, binabantayan ang sitwasyon sa Willow Manor sa aktwal na oras.Dalawa o tatlong minuto lang ang kailangan para makapunta sa Willow Manor mula sa Champs Elys Resort. Sa maikling panahon na ito, kayang antalain ng mga security guard at caretaker ang bahagi ng banta. Ipagkakatiwala niya ang iba kay Merlin kasama ang ‘pangligtas ng buhay na pangungusap’ na binigay niya kay Merlin.Naniniwala siya na basta’t sasabihin ni Merlin ang pangungusap na ito, siguradong mapapatagal ito nang kaunti, hahayaan siyang dumating sa oras.Pero, alam ni Charlie na kahit na dumating siya, hindi niya pwedeng labanan ang kalaban sa loob ng villa. Siguradong mamamatay si Merlin at ang mga miyembro ng pamilya Acker kung sa loob ng villa siya kikilos. Kaya, kailangan niyang gamitin ang singsing para ilayo ang buong atensyon ng kabila, magb
Samantala, si Ruby, na palihim na inoobserbahan ang Willow Manor mula sa kabilang bahagi bundok, ay nakita ang isang itim na tao na tumakbo palabas sa villa, sinundan ito nang malapit ni Mr. Chardon, ang leader ng apat na great earl. Sa hindi inaasahan, papunta sa direksyon niya ang nakaitim na tao, habang si Mr. Chardon ay may hawak na kahoy na ispada sa isang kamay at hawak ang dulo ng kanyang robe sa kabila habang hinahabol ang nakaitim na tao.Narinig niya pa ang galit na sigaw ni Mr. Chardon, “Bata, ibigay mo ang singsing ngayon din kung marunong ka! At saka, sabihin mo rin sa akin kung saan nagtatago si Vera Lavor! Kung maganda ang mood ko, baka buhayin pa kita! Kung hindi, sisiguraduhin ko na mawawala ang uo mo sa sandaling mahabol kita!”Sumigaw si Charlie nang hindi man lang lumilingon, “Alalay, tigilan mo ang kalokohan mo. Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang sarili mong abilidad at limitasyon? Nangahas ka pang magyabang dito? Kung gusto mong makuha ang singsing, k
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s