Nang marinig ito ni Aota, napuno siya ng takot.Kinumpirma nito ang pinaka nakakatakot na palagay niya sa puso niya!Nandito lang nga ang Oskian na lalaki. Hindi siya umalis!Bukod dito, hindi niya narinig ang paghinga o tibok ng puso ng taong ito, mula simula hanggang dulo! Paano niya ito nagawa?Bukod dito, tinapik niya rin nang dalawang beses ang balikat niya. Pinapatunayan nito na sobrang lapit niya sa kanya nang dalawang beses pero wala siyang narinig na kahit ano! Hindi niya man lang narinig ang mga yapak niya!Sa sandaling ito, gusto na niyang tumalikod at ibato sa kanyang shuriken sa kalaban. Pero, medyo nag-aalala siya sa loob niya.Dahil, anim lang ang shuriken niya. Tinapon niya na ang apat na shuriken niya kanina. Kaya, ito na ang huling dalawang shuriken niya. Paano kung sumablay ulit siya pagkatapos itapon ang huling dalawang shuriken?Nasa harap niya mismo ang kalaban at hinding-hindi niya siya bibigyan ng pagkakataon na kumuha ng ibang sandata. Sa ibang salita,
Gayunpaman, habang umuunlad ang mga baril, unti-unting naging kasaysayan ang ganitong uri ng sandata.Sa hindi inaasahan, gumagamit pa rin ng ganitong armas ang mga Japanese ninja.Sa sandaling ginalaw niya ang talampakan ng kanyang sapatos, napagtanto ni Charlie na naghahanda talaga ang lalaking ito na buksan ang punyal sa kanyang talampakan.Bukod dito, nakumpleto na niya ang halos 80% ng buong hugis-S na galaw. Hangga’t gagalaw siya ng isang sentimetro sa kanang direksyon, biglang lalabas ang punyal sa dulo ng kanyang sapatos!Sa sandaling ito, nagpasya na si Aota. Sa sandaling nakahanap siya ng tamang pagkakataon, gagamitin niya ang shuriken sa kanyang kamay para ilayo muna ang atensyon ng kalaban. Kapag napunta ang atensyon ni Charlie sa shuriken, agad siyang aatake gamit ang punyal sa kanyang sapatos.Kapag dumating ang oras na iyon, apat na matalas na patalim ang lalabas nang sabay-sabay, aatake mula taas hanggang baba. Hangga’t tumama ang isa sa mga patalim kay Charlie, wa
Sa sandaling tumagos ang matalas na punyal lkay Aota, nakaramdam siya agad ng sakit at pamamanhid sa kanyang sugat. Isang pakiramdam ng kawalan ng lakas ang agad kumalat mula sa kanyang sugat papunta sa kanyang buong katawan.Ang sakit, ay nagmula sa sugat na ginawa ng matalas na punyal.At ang kawalan ng lakas ay nanggaling sa lason na ipinahid sa patalim.Hindi siya makahinga nang maayos at nagiging asul na ang kanyang mukha. Tumingin na lang siya kay Charlie habang may takot na ekspresyon sa kanyang mukha at hindi niya maiwasang humikbi sa puntong ito.Tumingin si Charlie sa kanya nang may interes bago tinanong, “Iniisip mo ba kung paano ko ito ginawa?”Tumango nang desperado si Aota.Kahit na nasa bingit na siya ng kamatayan, hindi niya maintindihan kung paano naging sobrang makapangyarihan ni Charlie. Hindi niya maintindihan kung paano naitago ni Charlie ang lahat ng kilos at hakbang niya sa kanya sa isang iglap. Hindi niya maintindihan kung paano niya napalihis ang dalawang
Hula ni Charlie na isa itong uri ng code na pinag-usapan nila. Sa ganitong paran, sila lang ang makakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng iba’t ibang numero na ito upang magkaroon sila ng basic na communication encryption. Kaya, kahit na makuha ng iba ang cellphone ni Aota, walang ideya ang kabila kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero, may pakiramdam si Charlie na ang totoong ibig sabihin ng 07 na ipinadala ni Masatetsu ay para tanungin si Aota sa sitwasyon sa pagsunod sa kanya.Nang maisip niya ito, marahan na binaluktot ni Charlie ang cellphone gamit ang dalawang kamay niya. Nang makita niya na hindi na gumagana ang cellphone, ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ni Aota.Pagkatapos, nilabas niya ang sarili niyang cellphone at tinawagan si Isaac.Sa sandaling kumonekta ang tawag, inutos agad ni charlie, “Isaac, paghandain mo ang mga tauhan mo ng isang light refrigerator truck. Pagkatapos, papuntahin mo ito sa park sa tabi ng ilog sa labas ng bayan.”Tinanong ni Isaac sa sorpres
Ang huling pag-asa ni Masatetsu ay magdasal na ang dahilan kung bakit hindi sumasagot si Aota sa kanyang text message ay dahil abala siya sa pagsubaybay kay Charlie, o marahil ay nakikipaglaban na siya kay Charlie.Kahit ano pa, ayos lang basta’t buhay siya.Kinuha ng second junior ang kanyang cellphone at sinubukan agad tawagan si Aota.Bilang resulta, isang sunod-sunod na prompt ang lumitaw sa cellphone, sinasabi sa kanya na marahil ay hindi konektado ang cellphone ng kabila dahil sa pansamantalang kakulangan sa signal.Pinagpawisan nang sobra ang second junior.Sinabi niya nang nagmamadali ka Masatetsu, “Senior, hindi ako makakonekta sa cellphone ni Aota…”“Paano iyon nangyari?” Tumayo agad si Masatetsu at sinabi, “Palaging standby sa buong oras ang cellphone ni Aota. Paano nangyari na biglang hindi tayo makakonekta?”May natatarantang hitsura ang third junior sa kanyang mukha habang sinabi, “Senior, sa tingin mo ba ay may nangyari na kay Aota?”Sumagot nang tiyak ang second
”Pamilya Takahashi?” Nagulat silang dalawa nang sobra.Sinabi ni ISaac, “Young master! Sinusubukan ka bang saktan ng pamilya Takahashi?”Tumango si Charlie. “Sinusundan lang nila ako sa una, at naghintay sila ng magandang pagkakataon para patayin ako.”Nagngalit si Isaac at minura, “Isang pamilya Takahashi lang, na ang lakas ay maikukumpara lang sa pamilya Golding sa Eastcliff sa pinakamataas, ay may ganitong kapangahasan!”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Maituturing pa rin na napakalakas ng pamilya nila sa saklaw ng impluwensya sa Tokyo.”Habang nagsasalita siya, tinanong ni Charlie, “Nakahanap ka ba ng refrigerator truck.”“Nakahanap kami!” Sumagot si Isaac, “Binili lang namin sa mataas na presyo ang isang refrigerator truck na ginagamit para maghatid ng mga seafood mula sa seafood market. Nagmaneho kami dito nang nagmamadali at wala kaming oras para ibaba ang lahat ng laman ng truck.”Tinanong ni Charlie, “Kung gano’n, nagyeyelo pa rin dapat ang loob nito, tama?”Tumango
Dalawang junior ni Masatetsu ang nagbabantay sa hotel lobby sa sandaling ito.Nang makita nila na bumalik si Charlie na tila ba walang nangyari, pinaalam agad nila ito kay Masatetsu. Sa parehong oras, hindi nila maiwasang masorpresa nang kaunti. Mukhang naglakad lang ang lalaking ito. Wala silang makitang bakas na nakipaglaban siya sa kahit sino. Maaari bang hindi siya nilabanan ni Aota?Ang dahilan kung bakit nila ito inisip ay dahil naramdaman nila na kahit na hindi kasing lakas ni Aota si Charlie, siguradong hindi maaari na wala siyang laban sa kanya.Kung may masamang nangyari talaga kay Aota, dapat ay magkakaroon din ng sugat ang kanyang kalaban kahit papaano. Talagang imposible para sa kanya na magmukhang walang nangyari.Sa sandaling ito, si Masatetsu, na natanim na ang ilang bugs sa kwarto ni Charlie, ay palihim na lumabas sa kwarto ni Charlie bago sinabi sa mga junior niya, “Pumasok kayo sa kwarto ko1”Sa totoo lang ,sa sandaling pumasok si Charlie sa hotel, naramdaman ni
Sumagot nang seryoso si Charlie, “Nararamdaman ko lang na may mali. Nang naglakad ako kanina, tila ba may naririnig akong naglalaban sa likod ko at may tunog din ng tamaan ng mga armas. Pero, nang tumalikod ako para tumingin, wala naman.”Nag-isip nang ilang sandali si Isaac bago sinabi, “Young master, sa tingin ko ay medyo sensitibo ka. Marahil ay guni-guni mo lang din ito.”“May kakaiba talaga.” Pinagtampal ni Charlie ang mga labi niya habang sinabi, “Sobrang gulo ng mga kilos na narinig ko at mukhang ilang tao ang naglalaban nang ilang sandali. Pagkatapos, tila ba may nagpupumiglas at humihikbi pagkatapos takpan ang bibig niya. Pagkatapos kong maglakad sa direksyon ng tunog, nakita ko ang isang pool ng dugo sa sahig at isang sapatos. Kakaiba rin ang sapatos…”Sinabi ni Isaac, “Young master, posible rin na sa isang hayop galing ang dugo. Para naman sa sapatos, anong kakaiba sa sapatos?”Sumagot nang seryoso si Charlie, “Maniniwala ka ba na may punyal na lumalabas sa dulo ng talam
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka