Share

Kabanata 1733

Author: Lord Leaf
Sa sandaling tumagos ang matalas na punyal lkay Aota, nakaramdam siya agad ng sakit at pamamanhid sa kanyang sugat. Isang pakiramdam ng kawalan ng lakas ang agad kumalat mula sa kanyang sugat papunta sa kanyang buong katawan.

Ang sakit, ay nagmula sa sugat na ginawa ng matalas na punyal.

At ang kawalan ng lakas ay nanggaling sa lason na ipinahid sa patalim.

Hindi siya makahinga nang maayos at nagiging asul na ang kanyang mukha. Tumingin na lang siya kay Charlie habang may takot na ekspresyon sa kanyang mukha at hindi niya maiwasang humikbi sa puntong ito.

Tumingin si Charlie sa kanya nang may interes bago tinanong, “Iniisip mo ba kung paano ko ito ginawa?”

Tumango nang desperado si Aota.

Kahit na nasa bingit na siya ng kamatayan, hindi niya maintindihan kung paano naging sobrang makapangyarihan ni Charlie. Hindi niya maintindihan kung paano naitago ni Charlie ang lahat ng kilos at hakbang niya sa kanya sa isang iglap. Hindi niya maintindihan kung paano niya napalihis ang dalawang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
mk mei
Update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1734

    Hula ni Charlie na isa itong uri ng code na pinag-usapan nila. Sa ganitong paran, sila lang ang makakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng iba’t ibang numero na ito upang magkaroon sila ng basic na communication encryption. Kaya, kahit na makuha ng iba ang cellphone ni Aota, walang ideya ang kabila kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero, may pakiramdam si Charlie na ang totoong ibig sabihin ng 07 na ipinadala ni Masatetsu ay para tanungin si Aota sa sitwasyon sa pagsunod sa kanya.Nang maisip niya ito, marahan na binaluktot ni Charlie ang cellphone gamit ang dalawang kamay niya. Nang makita niya na hindi na gumagana ang cellphone, ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ni Aota.Pagkatapos, nilabas niya ang sarili niyang cellphone at tinawagan si Isaac.Sa sandaling kumonekta ang tawag, inutos agad ni charlie, “Isaac, paghandain mo ang mga tauhan mo ng isang light refrigerator truck. Pagkatapos, papuntahin mo ito sa park sa tabi ng ilog sa labas ng bayan.”Tinanong ni Isaac sa sorpres

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1735

    Ang huling pag-asa ni Masatetsu ay magdasal na ang dahilan kung bakit hindi sumasagot si Aota sa kanyang text message ay dahil abala siya sa pagsubaybay kay Charlie, o marahil ay nakikipaglaban na siya kay Charlie.Kahit ano pa, ayos lang basta’t buhay siya.Kinuha ng second junior ang kanyang cellphone at sinubukan agad tawagan si Aota.Bilang resulta, isang sunod-sunod na prompt ang lumitaw sa cellphone, sinasabi sa kanya na marahil ay hindi konektado ang cellphone ng kabila dahil sa pansamantalang kakulangan sa signal.Pinagpawisan nang sobra ang second junior.Sinabi niya nang nagmamadali ka Masatetsu, “Senior, hindi ako makakonekta sa cellphone ni Aota…”“Paano iyon nangyari?” Tumayo agad si Masatetsu at sinabi, “Palaging standby sa buong oras ang cellphone ni Aota. Paano nangyari na biglang hindi tayo makakonekta?”May natatarantang hitsura ang third junior sa kanyang mukha habang sinabi, “Senior, sa tingin mo ba ay may nangyari na kay Aota?”Sumagot nang tiyak ang second

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1736

    ”Pamilya Takahashi?” Nagulat silang dalawa nang sobra.Sinabi ni ISaac, “Young master! Sinusubukan ka bang saktan ng pamilya Takahashi?”Tumango si Charlie. “Sinusundan lang nila ako sa una, at naghintay sila ng magandang pagkakataon para patayin ako.”Nagngalit si Isaac at minura, “Isang pamilya Takahashi lang, na ang lakas ay maikukumpara lang sa pamilya Golding sa Eastcliff sa pinakamataas, ay may ganitong kapangahasan!”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Maituturing pa rin na napakalakas ng pamilya nila sa saklaw ng impluwensya sa Tokyo.”Habang nagsasalita siya, tinanong ni Charlie, “Nakahanap ka ba ng refrigerator truck.”“Nakahanap kami!” Sumagot si Isaac, “Binili lang namin sa mataas na presyo ang isang refrigerator truck na ginagamit para maghatid ng mga seafood mula sa seafood market. Nagmaneho kami dito nang nagmamadali at wala kaming oras para ibaba ang lahat ng laman ng truck.”Tinanong ni Charlie, “Kung gano’n, nagyeyelo pa rin dapat ang loob nito, tama?”Tumango

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1737

    Dalawang junior ni Masatetsu ang nagbabantay sa hotel lobby sa sandaling ito.Nang makita nila na bumalik si Charlie na tila ba walang nangyari, pinaalam agad nila ito kay Masatetsu. Sa parehong oras, hindi nila maiwasang masorpresa nang kaunti. Mukhang naglakad lang ang lalaking ito. Wala silang makitang bakas na nakipaglaban siya sa kahit sino. Maaari bang hindi siya nilabanan ni Aota?Ang dahilan kung bakit nila ito inisip ay dahil naramdaman nila na kahit na hindi kasing lakas ni Aota si Charlie, siguradong hindi maaari na wala siyang laban sa kanya.Kung may masamang nangyari talaga kay Aota, dapat ay magkakaroon din ng sugat ang kanyang kalaban kahit papaano. Talagang imposible para sa kanya na magmukhang walang nangyari.Sa sandaling ito, si Masatetsu, na natanim na ang ilang bugs sa kwarto ni Charlie, ay palihim na lumabas sa kwarto ni Charlie bago sinabi sa mga junior niya, “Pumasok kayo sa kwarto ko1”Sa totoo lang ,sa sandaling pumasok si Charlie sa hotel, naramdaman ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1738

    Sumagot nang seryoso si Charlie, “Nararamdaman ko lang na may mali. Nang naglakad ako kanina, tila ba may naririnig akong naglalaban sa likod ko at may tunog din ng tamaan ng mga armas. Pero, nang tumalikod ako para tumingin, wala naman.”Nag-isip nang ilang sandali si Isaac bago sinabi, “Young master, sa tingin ko ay medyo sensitibo ka. Marahil ay guni-guni mo lang din ito.”“May kakaiba talaga.” Pinagtampal ni Charlie ang mga labi niya habang sinabi, “Sobrang gulo ng mga kilos na narinig ko at mukhang ilang tao ang naglalaban nang ilang sandali. Pagkatapos, tila ba may nagpupumiglas at humihikbi pagkatapos takpan ang bibig niya. Pagkatapos kong maglakad sa direksyon ng tunog, nakita ko ang isang pool ng dugo sa sahig at isang sapatos. Kakaiba rin ang sapatos…”Sinabi ni Isaac, “Young master, posible rin na sa isang hayop galing ang dugo. Para naman sa sapatos, anong kakaiba sa sapatos?”Sumagot nang seryoso si Charlie, “Maniniwala ka ba na may punyal na lumalabas sa dulo ng talam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1739

    Sa sandaling ito, sa Tokyo, Japan.Katatapos lang ng buong araw na diskusyon ni Machi kasama sina Jaime at Sophie.Ang diskusyon sa pagitan ng dalawang pamilya ay masasabi na sobrang lalim at sobrang kuntento sila sa isa’t isa.Ito ay dahil naramdaman nina Jaime at Sophie na makatwirang tao si Machi. Hindi na nila siya kailangang gabayan para puksain ang pamilya Ito ngunit may sarili na siyang mga plano at layunin na gawin ito.Pangalawa, dahil rin sadyang nagpakawala si Machi ng ilang percentage ng profit sharing ayon sa espisipikong termino sa kolaborasyon upang tapusin ang kooperasyon sa pagitan ng pamilya sa lalong madaling panahon.Sa una ay balak pag-usapan ni Jaime na 30 to 70 ang magiging percent collaboration nila. Kahit anong diskusyon sa pamilya Takahashi o pamilya Ito, 30% lang ang pwede nilang ibigay sa kanila.Pero, hindi niya talaga inaasahan na magkukusa si Machi na bawasan ang sarili niyang share sa profit sharing at ginawa itong 25%!Kahit si Sophie ay kaya nan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1740

    “Ano?!” Sinabi ni Machi sa gulat, “Ang ibig mo bang sabihin ay patay na si Fujibayashi Aota? Sino ang gumawa nito? Ang Oskian ba?!”“Hindi.” May madilim na ekspresyon si Masatetsu sa kanyang mukha habang sinabi, “May malaking posibilidad na ginawa ito ng ibang ninjutsu family!”“Ibang ninjutsu family?” Kumunot ang noo ni Machi at tinanong, “May kinalaban ka ba na kahit sino?”“Wala.” Sumagot si Masatetsu, “Mr. Takahashi, kaming apat ay nagtatrabaho para sayo sa mga nagdaang taon. Bukod sa mga kaaway mo, hindi kami nakikipag-away sa labas. Kaya, inala ko na pinupuntirya ka ng kabila at nilalabanan ka!”“Pinupuntirya ako?” Sinabi ni Machim “Sino ang pupuntirya sa akin? Bukod dito, kung gumagamit din ng mga ninja ang kabila, mukhang galing sila sa medyo malakas na pamilya kung gano’n!”Sumagot si Masatetsu, “Mr. Takahashi, sa tingin mo ba ay kagagawan ito ng pamilya Ito? Sa pagkakaalam ko, sa mga ninjutsu family, ang sikat at tanyag na pamilya Koga ay may malapit na relasyon sa pamil

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1741

    Sa Aman Hotel Tokyo.Katatapos lang maligo at magbihis ni Sophie, at binuksan niya ang laptop sa kanyang kwarto. Pagkatapos nito, pumasok siya at ang kapatid niya sa video conference call kasama si Sheldon, na nasa Eastcliff.Mabilis na inulat ng magkapatid ang malaking concession na ginawa ni Machi para kay Sheldon na sobra ang sorpresa.Ayon sa pananaw ni Sheldon, alam ni Machi ang ginagawa niya. Hindi lang na may determinasyon siya na patayin at sirain ang pamilya Ito, ngunit may konsensya rin siya na handang sumuko at tanggapin ang mas mababang bargain, nagkaroon ng mas pabor sa percentage in their collaboration.Madaling matuturuan at mapapaamo ang ganitong uri ng tao.Sinabi ni Sophie, “Pa, makikipagkita rin kami kay Yahiko mula sa pamilya Ito bukas, dahil pumayag na kami sa meeting na ito. Pero, sa tingin ko ay natalo na si Yahiko at ang pagkakompetensya niya sa kolaborasyon na ito. Bukod dito, imposible na para sa kanya na bigyan tayo ng mas magandang proposal mula kay Ma

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status