“Para naman dito…”Biglang namroblema si Hiroshi kaharap ang tanong ni Yahiko.Paano niya siya sasagutin?Na mababalik nila ang pera?Kung gano’n, hindi ba’t masisisi siya kung hindi nila mababalik ang pera?Dapat ba siyang sumagot na hindi mababalik ang pera kung gano’n?Kung gano’n, siguradong iinit agad ang ulo ni Yahiko!Mukhang tila ba sobrang hirap sagutin ang tanong na ito.Nang makita ni Yahiko na nag-aalangan si Hiroshi na sumagot, agad siyang nakaramdam ng kabog sa kanyang puso. Sinabi niya, “Posible ba na iniisip mo na may 80% na posibilidad na hindi na mababalik ang pera?”Mabilis na nagpaliwanag si Hiroshi, “Hindi naman gano’n. Chairman, ramdam ko na hindi ka dapat masyadong pesimista. Sa opinyon ko, may 50% na posibilidad na mabalik o hindi ang pera natin!”“50%?!” Galit na sumagot si Yahiko, “Anong pinagkaiba nito kahit na hindi ka nagsalita, kung gano’n?”Sumagot nang nagmamadali si Hiroshi, “Chairman, marami talagang bagay ang hindi tayo sigurado tungkol dit
“Okay, Chairman!”***Sa sandaling ito, si Nanako, na nasa malayo sa Kyoto, ay nakaupo sa labas ng courtyard. Hinihintay niya pa rin bumagsak ang mabigat na snowfall na hindi siya sigurado kung darating ba.Bigla siyang nakaramdam ng hindi inaasahang panginginig mula sa kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pagkatapos tumingin sa kanyang cellphone, nakita niya na isa itong push notification mula sa isang software na may titulo na: [Nabugbog si Takahashi Eikichi sa may kalye sa Tokyo at nabali ang dalawang braso niya!”]Hindi maiwasang masorpresa nang kaunti ni Nanako. Sa sandaling ito, inisip niya, ‘Sikat na sikat si Eikichi sa Tokyo. Bakit siya aatakihin sa kalye?’Gayunpaman, hindi talaga interesado si Nanako kay Eikichi, at wala siyang masyadong pakialam sa mga tsismis na ito. Kaya, hindi niya pinindot ang artikulo.Pero, sa sandaling pinatay niya ang kanyang cellphone, lumiwanag ulit ang kanyang screen. Isa ulit itong push notification mula sa software. Ang titulo ng artikulo a
Sa gabing iyon.Lahat ng Bosozoku sa Tokyo ay nagtipon-tipon nang nagkakaisa.Ang iba’t ibang biker gang na dati ay dinedepensahan ang kanilang teritoryo at nakikipaglaban sa iba ay naging magkakakampi na.Hawak-kamay, naglalakad sila sa kalye para maghanap, hinahanap nila ang kinaroroonan ng isang misteryosong lalaki na ginawang lumpo so Takahashi Eikichi.Gayunpaman, inutusan sila na huwag patayin ang lalaki, ngunit mag-ulat sa pamilya Takahashi sa lalong madaling panahon kapag nahanap nila siya.Bibigyan sila ng isang milyong dolyar kung makakahanap sila ng maaasahang bakas.Bihira lang kumita ang mga miyembro ng Bosozoku. Kumikita sila nang maliit mula sa pagkolekta ng mga protection fee mula sa red-light district o ilang maliit na illegal trade.Paano maituturing na matagumpay ang isang miyembro ng Bosozoku sa Japan?Madali lang, Sapat na ang isang sobrang makisig at customized na superbike.Ito ay dahil, sa mga mata ng Bosozoku bikers, ang isang magandang motorsiklo ang
Hindi madaling gawain para sa mga ninjutsu master na ito na hanapin si Charlie dahil hindi nag-iwan ng kahit anong bakas si Charlie sa eksena. Hinanap na lang nila ang kinaroroonan niya sa pamamagitan ng surveillance system ng Tokyo.***Sa hatinggabi.Dumating na sa tokyo ang unang batch ng mga raw materials na hinanda at ipinadala ni Graham.Sa sandaling dumating ang eroplano, inayos ito at sinuro at pagkatapos ay ipinadala sa production line ng Kobayashi Pharma sa lalong madaling panahon.Dahil buong araw nang nag-ensayo sina Liam at Ichiro sa Tokyo production base ng Kobayashi Pharma, pumasok agad sila sa workshop pagkatapos dumating ng mga raw materials at sinimulan ang paggawa ng mga Apothecary Stomach Pill.Bukod dito, sinundan ni Liam ang hiling ni Charlie na mag-apply para sa Japanese FDA na palitan ang pangalan ng Kobayashi Stomach Pill sa Apothecary Stomach Pill.Sa ganitong paraan, pagkatapos ng matagumpay na trial production, direktang mabebenta ang mga Apothecary S
Sa ilalim ng pangkalahatang pamamahala at pangangasiwa ni Liam, buong lakas na umandar ang production line ng Kobayashi Pharma at mabilis na nakagawa ng finished product ng Apothecary Stomach Pill.Pumunta si Charlie sa production base ng Kobayashi Pharma sa labas ng lungsod ng Tokyo at siya mismo ang gumawa ng quality test para siguraduhin na walang pagkakaiba sa pagitan ng bagong gawang Apothecary Stomach Pill at ang mga ginawa sa Aurous Hill. Pagkatapos, inutos niya, “Liam, siguraduhin mo na maipagpapatuloy ng mga production line sa Tokyo ang ganito kabilis na trabaho at mag-overtime sila para makagawa ng maraming produkto nang mabilis.”“Okay, Master Wade!” Tumango agad si Liam at tinanong, “Siya nga pala, kailan ang official launch ng stomach pills natin sa Japan?”Sumagot si Charlie, “Huwag kang mag-alala sa official launch. Kailangan nating i-debug ang mga production line sa Yokohama, Nagoya, at Osaka, at pagkatapos ay mag-ipon ng isang batch ng mga finished product. Sa pareh
Ang apat na lalaki ay nababalot ng itim mula ulo hanggang paa. Itim na sombrero, itim na jacket, itim na sapatos, at itim na mga guwantes.Bukod dito, ang mga itim na suot nila ay ibang-iba sa kahit anong ordinaryong itim na tela. Karamihan sa mga tela ay itim lang ang kulay, pero ang kulay ng materyal ng mga gamit nila ay sobrang itim, na parang isang black hole.Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ganito ay dahil may ultra-black material na may napakababang light refractive index ang nakakabit sa damit, tinatawag itong carbon nanotubes. Ang reflectivilitiy nito sa ilaw ay 0.035% lang, 3.5 ten thousandths. Ito ang pinaka maitim na materyales na gawa ng tao sa ngayon.Sa isang lugar na kaunti lang ang ilaw, halos hindi makikita ng mga mata ang ganitong damit na may ganitong materyales, kaya, isang magandang gamit ang high-tech na materyales na ito para sa mga ninja na magaling magtago ng kinaroroonan nila. Gamit ang ganitong mga damit, mas gagaling ang abilidad nila na itago ang s
Samantala, dalawang madilim, at tahimik na paraglider ang lumilipad nang mabilis sa taas na dalawang daang metro.Ang ganitong uri ng tahimik na paraglider ay gumagamit ng mga lithium battery para paganahin ang electric engine, upang hindi ito gumawa ng ingay na ginagawa ng mga fuel engine kapag umaandar ito.Bukod dito, maingat na dinisenyo ang mga fan blade ng paraglider upang kaunting ingay lang sa hangin ang ginagawa nito kapag mabilis ang andar.Ang kakulangan sa lakas ng mga Japanese ninja ay natatakpan ng mga modernong kagamitan at teknolohiya, at noon pa man ay ito na ang direksyon ng pag-unlad nila.Sa mga maagang taon, hindi lamang ninjutsu ang sinasanay ng mga Japanese ninja, ngunit magaling din sila sa chemistry dahil kailangan nilang mag-isip ng iba’t ibang kakaibang kagamitan at sandata.Sa TV, madalas na ipinapakita na kapag naghulog ng isang bola ang isang sinaunang ninja, agad lalabas ang mga usok, at kapag nawala ang usok, nawala na rin ang ninja. Hindi ito isang
Pinagmasdan ng pinuno ng mga ninja ang paligid at nakita niya na hindi malayo ang Aman Hotel sa kabilang bahagi ng building, kaya inutos niya agad, “Number Two, bababa tayo sa Aaman Hotel para bantayan sila. Number Three at Number Four, humanap kayo ng angkop na lugar para magtago sa ibaba. Dapat palagi nating nakikita ang target!”Agad umalingawngaw ang mga boses ng tatlong lalaki sa intercom, “Okay, Senior!”Mabagal na bumaba ang dalawang ultra-black na paraglider sa bubong ng Aman Hotel. Pagkatapos bumaba, agad tinawagan ng lead ninja si Takahashi Machi, ang ama ni Eikichi.Nasa hospital si Machi ngayon. Ang kanyang anak, si Eikichi, ay sumasailalim pa sa surgery para mag-implant ng mga plate sa magkabilang braso niya. Pagkatapos ng surgery, kailangan niang magsuot ng cast sa loob ng tatlong buwan sa pinakamababa upang unti-unti siyang gumaling.Pagkatapos matanggap ang tawag, tinanong agad ni Machi, “Fujibayashi-san, kamusta na ang mga bagay-bagay?”Ang tinatawag na Fujibayash
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka