Hindi madaling gawain para sa mga ninjutsu master na ito na hanapin si Charlie dahil hindi nag-iwan ng kahit anong bakas si Charlie sa eksena. Hinanap na lang nila ang kinaroroonan niya sa pamamagitan ng surveillance system ng Tokyo.***Sa hatinggabi.Dumating na sa tokyo ang unang batch ng mga raw materials na hinanda at ipinadala ni Graham.Sa sandaling dumating ang eroplano, inayos ito at sinuro at pagkatapos ay ipinadala sa production line ng Kobayashi Pharma sa lalong madaling panahon.Dahil buong araw nang nag-ensayo sina Liam at Ichiro sa Tokyo production base ng Kobayashi Pharma, pumasok agad sila sa workshop pagkatapos dumating ng mga raw materials at sinimulan ang paggawa ng mga Apothecary Stomach Pill.Bukod dito, sinundan ni Liam ang hiling ni Charlie na mag-apply para sa Japanese FDA na palitan ang pangalan ng Kobayashi Stomach Pill sa Apothecary Stomach Pill.Sa ganitong paraan, pagkatapos ng matagumpay na trial production, direktang mabebenta ang mga Apothecary S
Sa ilalim ng pangkalahatang pamamahala at pangangasiwa ni Liam, buong lakas na umandar ang production line ng Kobayashi Pharma at mabilis na nakagawa ng finished product ng Apothecary Stomach Pill.Pumunta si Charlie sa production base ng Kobayashi Pharma sa labas ng lungsod ng Tokyo at siya mismo ang gumawa ng quality test para siguraduhin na walang pagkakaiba sa pagitan ng bagong gawang Apothecary Stomach Pill at ang mga ginawa sa Aurous Hill. Pagkatapos, inutos niya, “Liam, siguraduhin mo na maipagpapatuloy ng mga production line sa Tokyo ang ganito kabilis na trabaho at mag-overtime sila para makagawa ng maraming produkto nang mabilis.”“Okay, Master Wade!” Tumango agad si Liam at tinanong, “Siya nga pala, kailan ang official launch ng stomach pills natin sa Japan?”Sumagot si Charlie, “Huwag kang mag-alala sa official launch. Kailangan nating i-debug ang mga production line sa Yokohama, Nagoya, at Osaka, at pagkatapos ay mag-ipon ng isang batch ng mga finished product. Sa pareh
Ang apat na lalaki ay nababalot ng itim mula ulo hanggang paa. Itim na sombrero, itim na jacket, itim na sapatos, at itim na mga guwantes.Bukod dito, ang mga itim na suot nila ay ibang-iba sa kahit anong ordinaryong itim na tela. Karamihan sa mga tela ay itim lang ang kulay, pero ang kulay ng materyal ng mga gamit nila ay sobrang itim, na parang isang black hole.Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ganito ay dahil may ultra-black material na may napakababang light refractive index ang nakakabit sa damit, tinatawag itong carbon nanotubes. Ang reflectivilitiy nito sa ilaw ay 0.035% lang, 3.5 ten thousandths. Ito ang pinaka maitim na materyales na gawa ng tao sa ngayon.Sa isang lugar na kaunti lang ang ilaw, halos hindi makikita ng mga mata ang ganitong damit na may ganitong materyales, kaya, isang magandang gamit ang high-tech na materyales na ito para sa mga ninja na magaling magtago ng kinaroroonan nila. Gamit ang ganitong mga damit, mas gagaling ang abilidad nila na itago ang s
Samantala, dalawang madilim, at tahimik na paraglider ang lumilipad nang mabilis sa taas na dalawang daang metro.Ang ganitong uri ng tahimik na paraglider ay gumagamit ng mga lithium battery para paganahin ang electric engine, upang hindi ito gumawa ng ingay na ginagawa ng mga fuel engine kapag umaandar ito.Bukod dito, maingat na dinisenyo ang mga fan blade ng paraglider upang kaunting ingay lang sa hangin ang ginagawa nito kapag mabilis ang andar.Ang kakulangan sa lakas ng mga Japanese ninja ay natatakpan ng mga modernong kagamitan at teknolohiya, at noon pa man ay ito na ang direksyon ng pag-unlad nila.Sa mga maagang taon, hindi lamang ninjutsu ang sinasanay ng mga Japanese ninja, ngunit magaling din sila sa chemistry dahil kailangan nilang mag-isip ng iba’t ibang kakaibang kagamitan at sandata.Sa TV, madalas na ipinapakita na kapag naghulog ng isang bola ang isang sinaunang ninja, agad lalabas ang mga usok, at kapag nawala ang usok, nawala na rin ang ninja. Hindi ito isang
Pinagmasdan ng pinuno ng mga ninja ang paligid at nakita niya na hindi malayo ang Aman Hotel sa kabilang bahagi ng building, kaya inutos niya agad, “Number Two, bababa tayo sa Aaman Hotel para bantayan sila. Number Three at Number Four, humanap kayo ng angkop na lugar para magtago sa ibaba. Dapat palagi nating nakikita ang target!”Agad umalingawngaw ang mga boses ng tatlong lalaki sa intercom, “Okay, Senior!”Mabagal na bumaba ang dalawang ultra-black na paraglider sa bubong ng Aman Hotel. Pagkatapos bumaba, agad tinawagan ng lead ninja si Takahashi Machi, ang ama ni Eikichi.Nasa hospital si Machi ngayon. Ang kanyang anak, si Eikichi, ay sumasailalim pa sa surgery para mag-implant ng mga plate sa magkabilang braso niya. Pagkatapos ng surgery, kailangan niang magsuot ng cast sa loob ng tatlong buwan sa pinakamababa upang unti-unti siyang gumaling.Pagkatapos matanggap ang tawag, tinanong agad ni Machi, “Fujibayashi-san, kamusta na ang mga bagay-bagay?”Ang tinatawag na Fujibayash
Sa sandaling ito.Sa Aman Hotel, Tokyo.Isa ito sa mga pinaka marangyang hotel sa Tokyo.Nananatili sina Sophie at Jaime sa hotel na ito. Nananatili sila sa dalawa sa pinakamagandang kwarto sa hotel, magkatabi ang mga kwarto nila. Ang bawat kwarto ay may tatlong French window na may gabing tanawin ng buong Tokyo, sobrang nakakabighani at makapigil-hininga ito.Katatapos lang mag-shower ni Sophite, at sobrang basa ng maikling buhok niya, kaya sinuklayan niya ang lahat ng buhok niya patalikod. Mahirap isipin na ang isang babae na may slicked-back na buhok ay maaaring maging napakaganda na may bakas ng kagwapuhan sa hitsura niya.Pagkatapos mag-shower, pinunasan ni Sophie ang kanyang katawan hanggang sa maging tuyo ito, nagsuot ng silk nightgown na dinala niya mula sa bahay nila, at pumunta sa malaking Freng window habang may isang baso ng red wine.Marahan siyang sumandal sa recliner sa harap ng bintana, nakatingin sa night scene sa bintana, at malalim ang iniisip niya.Sa isipin
May suot siyang malalim na V-neck na low-cut halter nightgown. Sobrang komportableng isuot ito sa kanyang sariling kwarto, pero medyo sexy ito, kaya kailangan niya itong takpan.Pagkatapos kumonekta ng video call, tinanong ni Sheldon, “Jaime, Sophie, dumating na ba kayo sa hotel?”“Opo.” Tumango nang sabay sina Sophie at Jaime.Tinanong ulit ni Sheldon, “Nakipagkita na ba kayo sa pamilya Takahashi?”“Hindi pa,” sumagot si Sophie. “Sa una, balak naming makipagkita sa conference room ng hotel ngayong gabi para pag-usapan ang tungkol sa kolaborasyon, pero nagkaroon ng aksidente ang pamilya Takahashi. Nagkaroon ng injury si Takahashi Eikichi, at ang kanyang ama, si Machi, ay nasa hospital kasama siya.”Kumunot ang noo ni Sheldon at tinanong, “Anong nangyari? Maaapektuhan ba nito ang kolaborasyon natin sa kanila?”Sumagot si Sophie, “Nabugbog siya ng isang dumadaan na tao, pero isang random na pangyayari lang iyon, kaya hindi maaapektuhan ang deal natin.”“Mabuti,” sinabi ni Sheldon
Ang pag-iisip ni Lord Schulz ay naimpluwensyahan ng sobra ng kanyang ama.Ang ama ni Lord Schulz ay nakipaglaban sa mga gera. Ang pagkakaiba sa pagitan ng gera at negosyo ay, sa gera, dapat kang makipaglaban hanggang sa huli para mabuuhay, kaya ganito rin ang polosopiya niya sa negosyo—kailangan niyang lumaban hanggang sa huli kung may makakatagpo silang kalaban.Sa mga mata ni Lord Schulz, ang pagpili sa pagitan ng pamilya Ito at pamilya Takahashi at pagpuksa sa matitira ay parang dalawang bangka sa baybayin sa dagat. Isa lang ang kailangang lumabas sa dagat, kaya ano ang dapat gawin?”Ang isang normal na tao ay pipiliin ang gusto niyang bangka.Ang isang matalinong tao ay pipiliin ang bangka na may pinakamagandang detalye pagkatapos ng detalyadong pagsusuri.Ang isang napakatalino at malupit na tao ay pipiliin ang bangka na pinakamabilis at papalubugin ang naiwang bangka bago siya maglayag.Ang dahilan para dito ay kung maglalayag lang ang isa, magiging malaking problema ang na
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro