Share

Kabanata 1720

Author: Lord Leaf
May suot siyang malalim na V-neck na low-cut halter nightgown. Sobrang komportableng isuot ito sa kanyang sariling kwarto, pero medyo sexy ito, kaya kailangan niya itong takpan.

Pagkatapos kumonekta ng video call, tinanong ni Sheldon, “Jaime, Sophie, dumating na ba kayo sa hotel?”

“Opo.” Tumango nang sabay sina Sophie at Jaime.

Tinanong ulit ni Sheldon, “Nakipagkita na ba kayo sa pamilya Takahashi?”

“Hindi pa,” sumagot si Sophie. “Sa una, balak naming makipagkita sa conference room ng hotel ngayong gabi para pag-usapan ang tungkol sa kolaborasyon, pero nagkaroon ng aksidente ang pamilya Takahashi. Nagkaroon ng injury si Takahashi Eikichi, at ang kanyang ama, si Machi, ay nasa hospital kasama siya.”

Kumunot ang noo ni Sheldon at tinanong, “Anong nangyari? Maaapektuhan ba nito ang kolaborasyon natin sa kanila?”

Sumagot si Sophie, “Nabugbog siya ng isang dumadaan na tao, pero isang random na pangyayari lang iyon, kaya hindi maaapektuhan ang deal natin.”

“Mabuti,” sinabi ni Sheldon
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1721

    Ang pag-iisip ni Lord Schulz ay naimpluwensyahan ng sobra ng kanyang ama.Ang ama ni Lord Schulz ay nakipaglaban sa mga gera. Ang pagkakaiba sa pagitan ng gera at negosyo ay, sa gera, dapat kang makipaglaban hanggang sa huli para mabuuhay, kaya ganito rin ang polosopiya niya sa negosyo—kailangan niyang lumaban hanggang sa huli kung may makakatagpo silang kalaban.Sa mga mata ni Lord Schulz, ang pagpili sa pagitan ng pamilya Ito at pamilya Takahashi at pagpuksa sa matitira ay parang dalawang bangka sa baybayin sa dagat. Isa lang ang kailangang lumabas sa dagat, kaya ano ang dapat gawin?”Ang isang normal na tao ay pipiliin ang gusto niyang bangka.Ang isang matalinong tao ay pipiliin ang bangka na may pinakamagandang detalye pagkatapos ng detalyadong pagsusuri.Ang isang napakatalino at malupit na tao ay pipiliin ang bangka na pinakamabilis at papalubugin ang naiwang bangka bago siya maglayag.Ang dahilan para dito ay kung maglalayag lang ang isa, magiging malaking problema ang na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1722

    Ang pigura ay ang ninjutsu master ng pamilya Takahashi, si Fujibayashi Masatetsu.Aang malaman ni Machi na nagkataon at nasa Aman Hotel siya, sinabihan niya siya na pagmasdan niya si Jaime. Dahil magsisimula nang makipagnegosasyon sa kolaborasyon ang Party A at Party B, mas mabuti nang alam nila kung nasaan ang hangganan ng kabila at ang mga mababang presyo.Tulad sa isang poker game, ang pagpapakita sa mga alas mo ang pinakamalalang mangyayari sa isang negosasyon.Kung alam mo ang baraha ng iba habang nakikipaglaro ka ng poker sa kanila, hinding-hindi ka matatalo, at maaga kang aatras kung pangit ang mga baraha mo.Kung alam mo ang baraha ng iba, hinding-hindi ka maloloko, at makikita mo ang kasinungalingan nila kung maliit lang ang hawak nila.Ang dahilan kung bakit hindi ka mananalo sa laro kahit na ikaw ang may pinakamataas na baraha ay dahil hindi mo mahulaan ang baraha ng iba, at hindi ka malakas sa sikolohikal, kaya, matatakot ka sa pagnanasa sa dugo ng mga player at maaga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1723

    Habang nakagawa na ng desisyon si Takahashi Machi, natapos na rin ang operasyon ni Eikichi.Nang makita niya ang kanyang anak na lalaki na may plaster sa magkabilang braso na tinutulak palabas sa operating room ng doktor, nakaramdam ng paghila si Machi sa kanyang puso.Sa sandaling ito, napuno siya ng galit at gusto niyang basagin ang mukha ng g*gong nanakit sa kanyang anak.Pero, pagkatapos mag-isip nang maingat, napagtanto niya na ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay makuha ang kooperasyon sa pamilya Schulz. Kung hindi, kung magpapasya ang pamilya Schulz na makipagtulungan sa pamilya Ito, malaking trahedya ang mangyayari sa pamilya niya.Dahil dito, hindi magawa ni Machi na gumawa ang kahit anong gulo. Kaya, nagtiis muna siya at naging matiyaga.Buti na lang, nahanap na ni Fujibayashi Masatetsu ang target at binabantayan siya sa ngayon. Binabantayan niya siya na parang isang lawin! Halos wala nang pag-asa ang target na makatakas kung gusto niya siyang patayin, ilang panahon n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1724

    Natatakot siya na hindi mababalik ang dignidad niya kahit patayin niya si Charlie. Dahil, alam na ng bawat Japanese sa Japan ang nakakatakot na pambubugbog na kailangan niyang tiisin. Nakatanim na ito sa puso ng mga tao.Naging maasim ang ekspresyon ni Machi at nag-isip siya ng mga paraan para pagaanin ang loob ng kanyang anak. Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang cellphone.Nilabas ni Machi ang kanyang cellphone at nakita niya ang isang hindi pamilyar na numero. Pinindot niya ang answer button at sinagot niya ang tawag.Sa kabilang linya, isang pamilyar na boses ang narinig. Si Ito Yahiko!“Oh, Brother Machi! Narinig ko na nabugbog si Eikichi ng isang tao sa Tokyo ngayong araw?|Mukhang medyo nag-aalala ang boses ni Yahiko sa una pero malalaman ng kahit sinong may utak na isa itong panunuya.Sumagot si Machi habang may madilim na hitsura. “Yahiko, naalala ko na naka-save ang numero mo. Binago mo ba ito?”“Hindi.” Sumagot si Yahiko sa masayang tono. “Gano’n pa rin ang number k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1725

    Sa loob ng napakaraming taon, may magkakaibigang tunggalian lang sina Machi at Yahiko. Masasabi na sa mga taong iyon, nakikita lang nila ang isa’t isa bilang pinakamalaking kakumpitensya nila.Pero, nasa limampung taon pa lang silang dalawa. Lumaki sila pagkatapos ng gera kung saan nasa pinakamahina ang Japan. Ito ang panahon na walang pananaw at pagpapahalaga sa sarili ang mga tao. Lumaki sila sa payapang panahon na iyon, kaya, wala na sa dugo nila ang kalupitan at kasamaan ng mga ninuno nila.Iyon ang dahilan kung bakit pagkatapos makipag kumpetensiya sa isa’t isa sa napakaraming taon, ang pangunahing motibo lang sa kompetisyon nila ay paunlarin ang negosyo nila. Kailanman ay hindi sila nagkaroon ng layunin na patayin ang kalaban nila/Katulad ito ng mga boss ng Alibaba at Tencent company. Kahit na sobrang bagsik ng kompetisyon nila, sumunod pa rin sila sa mga tuntunin at regulasyon.Kahit gaano kasama ang loob nila sa isa’t isa, nananatili pa rin silang magalang at sumusunod sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1726

    Sa gabing iyon, may shift sila sa pagbabantay. Ang shift ay nahahati sa dalawa at para sa bawat shift, dalawang tao ang magbabantay habang dalawa ang magpapahinga. Apat na oras magtatrabaho ang bawat tao para siguraduhin na sapat ang pahinga nila.Akala nila na perpekto ang plano nila pero wala silang ideya na ang lahat ay planado na ni Charlie.Hanggang ngayon, hindi pa kumikilos si Charlie dahil ayaw niyang magduda ang kalaban. Bukod dito, gusto niyang magpatuloy nang angkop habang nangyayari ang mga bagay-bagay.Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi siya interesadong puksain ang mga ninja na ito sa Tokyo ay dahil ayaw niyang habulin siya ng pamilya Takahashi dahil pupunta pa siya sa ibang siyudad. Kung papatayin niya ang mga ninja, siguradong pagmamasdan siya na parang lawin ng pamilya Takahashi, at mas maraming problema lang ang dadalhin nito sa hinaharap.Sa halip na magkaroon ng mga walang kwentang problema, mas mabuti na hayaan niya munang sundan siya ng apat na ninja na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1727

    Sa sandaling narinig ni Sophie ang mga sinabi ni Machi, hindi niya mapigilang itaas ang mga kilay niya.Sa puso niya, hindi niya maiwasang magduda.Kahapon, nagkaroon ng conference kasama ang kanyang ama na makipagtulungan sa isang pamilya para puksain ang kabilang pamilya. Bakit biglang inalok ng pamilya Takahashi ngayong araw na makipagtulungan para puksain ang pamilya Ito?! Nakinig ba si Takahashi Machi sa usapan nilang tatlo?Naramdaman ni Sophie na posible ang iniisip niya.Sa utak niya, nag-iisip siya.Kahapon, bago sila pumasok sa hotel, sinuri na nang sobra ng mga bodyguard ang hotel. Nakumpirma nila na walang eavesdropping bugs o kahit anong recorder doon. Gayunpaman, Tokyo ito. Ito ang lugar ng pamilya Takahashi. Kung gusto niyang makinig sa amin ng kapatid ko, hindi ito mahirap gawin…Nagduda rin si Jaime, iniisip niya kung nakinig ba si Machi sa kanila.Pero, dahil nandito si Machi, hindi niya makausap ang kanyang kapatid na babae sa sandaling ito. Kaya, nagpasya siy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1728

    Nireserba ni Isaac ang pinakamagandang hotel sa Nagoya para sa lahat.Nararamdaman din ni Charlie na ang apat na ninja na sumusunod sa kanya ay sinundan din siya papasok sa hotel.Pagkatapos mag-check in ni Charlie, si Fujibayashi Masatetsu, ang pinuno ng mga ninja, ay dinala ang tatlo sa front desk ng hotel.Nag-book sila ng dalawang kwarto sa parehong palapag kung nasaan si Charlie.Bukod dito, matalino sila at nagreserba sila ng apat na magkakaibang kwarto. Ang apat na kwarto na ito ay katabi ng dalawang elevator at emergency staircase.Dahil madalas may lindol sa Japan, ang mga disenyo ng hotel nila ay umiikot sa konsepto na madaling makakatakas ang mga tao kapag dumating ang ganitong sakuna.Walang ibang building kahit saan na may dalawang emergency escape staircase.Sadya nilang pinili ang mga lokasyon na ito para pagmasdan ang bawat galaw ni Charlie. Nakatulong talaga ito na padaliin ang pagbabantay nila.Para naman kung bakit hindi nila nireserba ang mga kwarto sa palig

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5666

    “Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5665

    Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5664

    “Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5663

    Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5662

    Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5661

    Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status