Nausisa nang sobra si Quinn dahil dito.Alam niya na ang Kobayashi Stomach Pill, na may magandang epekto, magandang benta, at magandang reputasyon, ay ginawa talaga ayon sa sinaunang Oskan prescriptions. Sa madaling salita, ninanakawa lang nila ang medical achievements ng kanilang Oskian ancestor.Pero, kailangan niyang aminin na mas epektibo nga ang Kobayashi Stomach Pill kaysa sa parehong uri ng Oskian medicine na ginawa ng maraming domestikong pharmaceutical company.Kaya, hindi niya alam kung ang epekto ba ng Apothecary Stomach Pill ay maikukumpara talaga sa Kobayashi Stomach Pill.Pero, gusto niya talaga ang pangalan na Apothecary Stomach Pill.Kaya, tinanong ni Quinn ang kanyang agent, “Binigyan ba nila tayo ng mga sample?”“Oo.” Nagmamadaling naglabas ang kanyang agent ng isang sachet ng Apothecary Stomach Pill mula sa courier enveloper bago niya ito ibinigay kay Quinn.Nagulantang si Quinn at sinabi, “Ano? Binigyan lang nila tayo ng maliit na sachet na ito?”“Oo…” Sumag
Binuksan ni Quinn ang sachet ng Apothecary Stomach Pill, na may laman lang na 1.3 grams na powder. Sa sandaling binuksan niya ang sachet, naamoy niya ang isang napakalakas na amoy ng medisina.Kahit na ang mga parehong gamot tulad ng Kobayashi Stomach Pill at Ottasan Stomach Pill ay may malakas na amoy ng medisina, naramdaman ni Quinn na ang amoy ng dalawang ibang medisina ay hindi mas mabango at mas nakakaginhawa kumpara sa amoy ng Apothecary Stomach Pill.Sa sandaling ito, naamoy din ni Dorothy na nakatayo sa gilid ang amoy ng stomach powder at tinanong nang kinakabahan, “Quinn, sobrang lakas ng amoy ng gamot na ito. Sa tingin mo ba ay nagdagdag sila ng mga artipisyal na flavor dito?”Binigyan siya ng blangkong tingin ni Quinn bago niya sinabi, “Huwag kang magsabi ng kalokohan! Malinaw na tunay na herbal scent ito. Pinapatunayan lang na ginamit nila ang mga pinakamagandang halamang gamot at materyales para sa medisina nila.”Habang nagsasalita siya, tumingala si Quinn bago niya i
Sa mga nakaraang panahon, madalas nakakaramdam ng maraming sakit si Quinn tuwing gabi. Ito ay dahil lumalala ang kanyang stomach discomfort at mas nagiging madalas at mas masakit sa gabi.Kaya, imposible para sa kanya na matulog nang payapa sa gabi. Karaniwan, gigising siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa loob ng isa o dalawang oras. Pagkatapos, iinom siya ng isang sachet ng Kobayashi Stomach Pill bago siya matutulog ilot. Pagkatapos ulit matulog sa isa o dalawang oras, gigising ulit siya sa sakit at uulit ito nang uulit.Kaya, ang paghihirap na dinadanas niya sa gabi ay halos katulad sa nararamdaman ng isang tao pagkatapos ng isang laban. Gumagamit ito ng maraming pisikal na lakas at enerhiya.Pero, sa wakas ay napagtanto at naranasan na ni Quinn ang kaligayahan ng paggising nang natural pagkatapos matulog sa buong gabi!Hindi nakaramdaman si Quinn ng kahit anong stomach discomfort pagkatapos matulog ng ten o’clock ng gabi, hanggang sa eight thirty ng umaga.Paglipas ng
Nang tinawagan ni Dorothy si Liam, pinamamahalaan ni Liam ang paggawa ng Apothecary Stomach Pill sa Apothecary Pharmaceutical.Ang buong production line ng Apothecary Pharmaceutical ay nakatuon nang buo sa paggawa ng isang medisina, ang Apothecary Stomach Pill.Ito ay dahil sobrang taas talaga ng bisa ng stomach medicine. Kaya, nakumbinsi si Liam na pagkatapos ilabas ang stomach medicine, mabilis itong kakalat at kukuha ng atensyon sa buong bansa at kahit sa buong mundo.Kaya, sinimulan ni Liam ang paggawa ng stomach medication na ito sa buong kapasidad para maghanda sa opisyal na listing at marketing ng medisina, ayon sa requirement ni Charlie.Pagkatapos makatanggap ng tawag mula kay Dorothy, ngumiti si Liam at tinanong, “Miss Chan, iniisip ko kung nakapagpasya na ba si Miss Goldin na gumawa ng desisyon tungkol sa endorsement ng aming stomach medicine?”Sumagot si Dorothy, “Heto na nga, Mr. Weave. Dati ay hindi pa nag-eendorse ng kahit anong gamot si Quinn. Pumayag lang kami na
May napaka interesanteng kababalaghan sa entertainment industry. Ang mga taong may napakalakas at makapangyarihang background ay madalas nagpapanggap na sobrang ordinaryong tao mula sa sobrang ordinaryong background. Sa kabaliktaran, ang mga walang background ay madalas nagpapanggap na galing sila sa malaki at makapangyarihang pamilya. Para namang titingalain sila ng mga tao kung galing sila sa malaki at makapangyarihang pamilya.Sa totoo lang, si Quinn ang may pinakamalakas na pamilya sa buong domestic entertainment industry.Kaya, sobrang disiplinado rin ni Quinn sa entertainment industry. Hinding-hindi siya nasasangkot sa kahit anong iskandalo o hindi siya gumagawa ng kahit ano na makakasira sa sarili niyang reputasyon.Madalas ay tinatanggap ng ibang artista ang kahit anong trabaho o endorsement na inalok sa kanila, kahit ano pa ang ipag-endorse sa kanil. Handa silang pirmahan ang kontrata basta’t mababayaran sila ng kumpanya.Pero, iba si Quinn. Bihira lang siyang tumanggap ng
Habang papunta si Quinn sa Aurous Hill, nakasakay si Charlie sa kanyang motorsiklo papunta sa stadium.Ngayong araw ang quarter-final match ng maangas na young lady Aurora.Kailangan niyang kalabanin ang third seed ng championship ngayong araw, si Joanna ng Brazil.Ang laban ngayon ang magpapasiya kung sino sa dalawang player na ito ang makakapasok sa top four.Kung magtatagumpay si Aurora at mananalo siya ngayong araw, kailangan niya pang sumabak sa isang laban para malaman kung sino ang dalawang matitira sa apat na player.Kung mananalo siya sa laban na iyon, mapupunta siya sa finals.Sa ganitong paran, tatlong laban na lang ang natitira sa championship na ito.Kaya, nagpasya si Charlie na huwag palampasin ang kahit anong laban ni Aurora sa hinaharap. Kailangan niyang makitang manalo siya sa championship gamit ang sariling mga mata niya.Habang papunta si Charlie sa stadium, tinawagan siya ni Liam at sinabi, “Master Wade, katatanggap ko lang ng tawag. Naghahanda nang pumunta
Pagkatapos, isang tunog ng kiss ang lumabas sa kanyang bibig.Nahiya nang kaunti si Claire at hindi niya na ito matiis sa tawag. Pagkatapos, nahiya siya nang kaunti at sumagot, “Nanalo ka! Hindi ako makapinawala na kaya mo pang maging imoral sa tawag!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Asawa kita, kaya paano mo nasabi na naging imoral ako?”Pagkatapos, patuloy na nagmakaawa at kinulit siya ni Charlie, “Mabuti kong asawa, bigyan mo lang ako ng kiss, okay? Please!”Sa upper-class society ng Aurous Hill, kilala ng halos lahat si Master Wade bilang Tunay na Dragon. Kahit sinong ordinaryong tao ay magiging mapagpakumbaba at magalang sa kanya sa tuwing nakikita nila siya. Kailan pa nilang nakita na nagmamakaawa si Charlie sa iba?Ang asawa niya lang, si Claire, ang nag-iisang tao na kaya siyang pagmakaawain para sa isang bagay.Kahit na nahihiya nang kaunti si Claire, nakaramdam din siya ng sobrang tamis sa puso niya. Kaya, sinabi niya nang malambot, “Okay, sige. Panalo ka! Isa lang, pero
Sumimangot nang kaunti si Nanako nang makita niyang pumasok si Jiro.Simula noong nagtanghalian sila ni Jiro, palaging pumupunta si Jiro para asarin siya nang paulit-ulit. Nainis talaga dito si Nanako.Sa totoo lang, noong nag tanghalian sila nang araw na iyon, sinadya niyang sabihin na ang isa sa mga pinaka importanteng bagay na pamantayan niya kapag pumipili ng asawa ay kung mas malakas ang kabila kaysa sa kanya. Sinabi niya ito para paatrasin si Jiro.Pero, mukhang hindi pinansin ni Jiro ang mga sinabi niya.Ang mas nakakainis pa ay talagang nag-check out ang lalaking ito sa kwarto niya sa Shangri-La at lumipat sa Aurous International Hotel. Lumipat pa siya sa kwarto na nasa harap mismo ng kwarto ni Nanako at hindi nasiyahan nang sobra si Nanako dahil dito.Bukod dito, mas lalo pang nalungkot si Nanako dahil palagi siyang sinasabihan ng kanyang ama, ni Yahiko, na maging palakaibigan kay Jiro.Nakaramdam siya ng maraming pagkainis sa puso niya pero hindi siya pwedeng magalit o
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga