Isang malutong na tunog ang umalingawngaw!Nabali rin ang gulugod ni Sharon!Isa pa!Ang mag-asawa ay parehong naging quadriplegics!Wala nang pagkakataon na magamot sila!Umabante si Isaac at sinabi nang magalang, “Boss, ang tatlong daang excavator at bulldozer na pinadala ko ay dumating na. Sisirain natin ang buong Elite Vault Enterprise sa isang utos mo lang!”“Mabuti!” Tumango si Charlie at sinabi nang malamig, “Sabihan niyo ang lahat ng manggagawa dito na umalis sa loob ng sampung minuto! Pagkatapos ng sampung minuto, pabagsakin niyo ang lugar na ito na tila ba hindi ito ginawa sa una pa lang!”Huminga nang malalim sina Daniel at Sharon sa sobrang gulat.Ang lahat ng tiyaga nila sa pakikipaglaban at pagtatayo ng gusali, at ito ang kahahantungan?Siguradong tapos na sila. Sila ay buhay na patay na lamang. Kung wala silang pera, sino ang mag-aalaga sa kanila?Walang pakialam si Charlie.Inutusan niya ang lalaki na pindutin ang alarma sa sunog, at agad, ang buong pabrika a
Mabagal na nilagay ni Charlie si Claire sa kama at maingat na tinanggal ang Reiki sa kanyang katawan.Pagkatapos kaagad, mabagal na binuksan ni Claire ang kanyang mga mata.“Mahal!” Sa sandaling naita ni Claire si Charlie, mabilis siyang bumangon at sabik na niyakap siya. Pagkatapos, umiyak siya.Agad siyang pinatahan ni Charlie, “Ayos lang mahal, huwag kang matakot, nakauwi na tayo.”“Nakauwi na tayo?”Inangat ni Claire ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Nasorpresa siya na ito ang kanyang kwarto. Tumingin siya kay Charlie at mausisang tinanong, “Anong ginawa sa’yo ni Daniel at ng kanyang asawa?”“Wala, wala silang ginawa sa akin,” kalmadong sinabi ni Charlie, “Silang dalawa ay naparalisa, at ang buong Elite Vault ay napatumba na at naging basura na. Tulad nga ng kasabihan, kung sino ang hindi makatarungan ay pagkawasak ang kahahantungan, literal.”Nagulat nang sobra si Claire. “Ano? Paano? Anong nangyari?”Bahagyang ngumiti si Charlie, “Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko
Ang nakakagulat, tungkol sa insidente na nangyari sa Elite Vault Enterprise, ang pinakamalungkot na tao ay si Lady Wilson.Dahil sa matamlay na ikot ng pera ng Wilson Group, umaasa siya na mapipilit ni Claire ang Elite Vault Enterprise na hayaan silang bumili ng mga building material sa kredito. Malulutas niyo ang lahat ng pampinansyal na problema nila.Biglaan, ang buong Elite Vault Enterprise ay naglaho sa isang umaga lang!Sa ngayon, ang pinakamalalang inaalala ni Lady Wilson ay ang bagay tungkol sa kanilang pondo. Ang pinakamalaking pagnanasa niya ay kung paano magkaroon ng malaking pondo para sa kanyang kumpanya.Hindi sinabi ni Claire sa kanyang lola ang nangyari kahapon. Pagkatapos ng naranasan niya, nagpasya siya na ituon ang buong atensyon niya sa proyekto kasama ang Emgrand Group at hindi na siya mag-aabala sa ginagawa ng pamilya ngayon, kahit na pilitin pa siya ng lola niya.Pagkatapos ng isang gabing pagpapahinga, naginhawaan si Claire at naging masigla sa sumunod na u
Kahit pag-uwi ni Claire mula sa trabaho, matamlay pa rin si Jacob at walang gana.Alam ni Charlie na nagtatampo siya dahil sa invitation card sa auction.Sa sandaling ito, tumawag si Jasmien at sinabi, “Hi, Mr. Wade, pasensya na, nasa Lancaster ako dahil sa negosyo kaninang tanghali, at nasa baba na ako ngayon ng bahay niyo, maaari ka bang pumunta dito at kunin ang invitation card?”Sumagot agad si Charlie, “Sige, papunta na!”Nagmadali syya sa pinto at pumunta sa baba.Nasa Rolls Royce si Jasmine, naghihintay kay Charlie. Nang makita niya siya, mabilis siyang lumabas at binigay sa kanya ang dalawang invitation card.Pinasalamatan siya ni Charlie at pumasok na siya ulit.Sa bahay, nagtatampo pa rin si Jacob at galit.Sinubukan siyang pilitin ni Claire, “Pa, pakiusap, huminahon ka. Binigay ni lola kay Harold ang invitation card para makakilala siya nang kaunting tao sa industriya ng pagnenegosyo at ang mga mayayamang tao doon, at para na rin makagawa siya ng sarili niyang ugnaya
Nang marinig ni Elaine ang tungkol sa bracelet na may halagang lima o anim na milyon, lumaki ang mga mata niya at may bakas ng kinang sa loob nito!“Bracelet? Nasaan? Ipakita mo sa’kin!”Kaunting naging maingat si Charlie. Kalmado niyang sinabi, “Ma, nasa kwarto ko ang bracelet, pero balak kong ibalik ito.”“Ano? Ibalik?” Kumunot ang noo ni Elaine sa dismaya. “Baliw ka na ba? Bakit gusto mong ibalik ang ganoong kamahal na regalo?”“Maliit na tulong lang iyon, hindi nararapat sa akin ang mahalagang regalo.”“Manahimik ka!” Sinabi ni Elaine, “Dahil binigay niya na ito sa iyo, kunin mo na lang! Nasaan ang bracelet? Kung ayaw mo, gusto ko!”Alam ni Charlie ang tumatakbo sa tusong utak ng kanyang biyenan na babae. Gusto niya talagang ibigay ang bracelet kay Claire, pero wala siyang maisip na palusot dito, kaya itinabi niya na lang muna ito, sinong mag-aakala na kaswal na sasabihin ito ng kanyang biyenan na lalaki!Hindi naman sa nag-aalangan si Charlie na ibigay ang bracelet. Mayroon
Labis na nasabik si Jacob. Ito ang unang beses na nakapunta siya sa isang marangyang okasyon. Hindi niya mapigilang tumingin sa paligid ngunit ang katawan niya ay kakaiba ang galaw dahil sa kanyang pagkabalisa.Hinawakan niya nang mahigpit ang invitation card at ibinigay ito sa harap ng pinto, nag-aalala na peke ang nakuha ni Charlie.Gayunpaman, sinuri ng tagabantay ang card at totoo ito. Pagkatapos, tumalikod siya sa kanila at magalang na sinabi, “Maligayang pagdating, mangyaring masiyahan kayo!”Huminga nang maluwag si Jacob at pumasok kasama si Charlie.Sa sandaling pumasok sila, si Harold, na may damit na parang nasa beachside party, ay pumasok nang mayabang.Nang makita sila, kumunot ang noo ni Harold habang isang bakas ng gulat ang lumabas sa kanyang mukha.Nandito rin sila Charlie at Jacob!Anong ginagawa ng dalawang talunan na ito dito? Mayroon lang isang invitation card ang pamilya Wilson at hawak niya ito! Nakapasok ba sila nang palihim nang walang nakakakita?Nang m
Mabilis si Harold, pero mas mabilis si Charlie. Iniwasan niya ito at sa mabilis na kilos, sinunggaban niya ang pulso ni Harold, inalog ito nang kaunti, at kinutya. “Ano? Magaling na ba ang kamay mo? Nakakalimutan ang sakit kung saan ito tumubo, huh?”Biglang naramdaman ni Harold ang isang malakas na pwersa na pumasok sa kanyang katawan. Napaatras siya nang dalawang hakbang.Medyo malakas ang talunan na ito!Dahil alam niyang hindi niya kaya si Charlie, sinabi nang malamig ni Harold, “Letse, maghintay ka lang, tatawagin ko ang manager para paalisin ka!”Pagkatapos, lumingon si Harold at sumigaw upang papuntahin ang isang manager.Hindi matagal, isang hindi gaano katandang lalaki ang mabilis na dumating, kasama ang dalawang security guard.Naglabas ng isang diplomatikong ngiti ang lalaki at sinabi nang magalang kay Harold, “Opo, Mr. Wilson, matutulungan ba kita?”“Manager, suriin mo ang imbitasyon nila.” Tinuro nang mapanghamak ni Harold si Charlie. “Sa tingin ko ay peke ang sa ka
Biglang kumilos ang mga tao upang gumawa ng daan sa gitna, isang lalaki at isang babae ang mabagal na naglakad papasok sa bulwagan.Ang babae ay may suot na itim na evening dress na ipinapakita ang kanyang perpekto at magandang katawan.Sa ilalim ng liwanag, sobrang ganda niya at elegante, ang bawat kilos niya, kahit ang kanyang paglalakad, ay sobrang elegante.Sa sobrang ganda ng babae, hindi maalis ni Harold ang tingin sa kanya.Pumasok si Jasmine, tumingin sa paligid, nakita ang dalawang walang laman na upuan sa VIP section sa harap, at tinanong, “Nasaan ang dalawa kong VIP na bisita? Hindi pa ba sila dumating?”Tumingin si Finn Baxendale sa impormasyon ng mga bisita at kumunot ang noo niya. “Miss Moore, ayon sa scanner sa pasukan, nasuri na ang invitation card ng dalawang VIP, siguradong pumasok na sila, pero hindi namin alam kung nasaan sila ngayon.”Pagkatapos, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Papuntahin niyo dito ang manager.”Hindi matagal, mabilis na pumunta sa kanil
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki