Sa una, akala ni Dylan na siya ang mananalo. Sigurado siya na walang gustong bumili nitong tinatawag na Rejuvenating Pill para sa 150 milyong dolyar, pero nagkamali siya nang sobra. Hindi niya inaasahan na sasampalin siya sa mukha ni Travis Lane gamit ang mga kilos niya.Lumingon siya at sumulyap kay Travis, gulat at sorpresa ang nakasulat sa kanyang mukha habang tinanong, “Mr. Lane, anong ibig mong sabihin?”Alam ni Travis na galing sa pambihirang pinagmulan si Dylan, pero masyadong nakakatukso ang Rejuvenating Pill para sa kanya kahit na kailangan niyang kalabanin ang pamilya Koch dahil dito.Sinong magpapalampas ng ganitong pagkakataon na maging bata ng 20 taon?!Kahit ang mga Diyos ay hindi mapipigilan si Travis na mag-bid para sa pill, lalo na ang si Dylan Koch lang.Tumingin siya kay Dylan at sinabi nang payak, “Pasensya na, Mr. Koch. Matagal ko nang gusto ang mahiwagang Rejuvenating Pill ni Master Wade. Ngayong nasa harap ko na ang pagkakataon, hindi ko ito pwedeng palampas
“270 milyon!”“280 milyon!”“290 milyon!”Itinaas ulit kaagad ni Graham ang kanyang kamay at sumigaw, “300 milyon!”Matindi ang bidding. Tataasan ng isa ang preso sa sandaling natapos ang isa.Patuloy silang nag-bid ng 10 milyon para makuha ang Rejuvenating Pill.Hindi matagal, naging sobrang sigla at magulo na ang eksena. Kahit ang mga taong may kabuuang yaman na 1 bilyon lang ay nakisali sa bandwagon at tinaasan ang bid dahil alam ng lahat na mahalaga ang pera, pero mas mahalaga ang haba ng buhay.Naramdaman ni Dylan na sa tuwing may nagpapataas ng presyo, para bang sinasampal siya sa mukha.Kailanman ay hindi pa siya nahihiya nang sobra sa buhay niya.Gayunpaman, ito pa lang ang simula.Malaki na ang gulong napasukan niya, at iniisip niya kung paano siya makakaalis dito nang hindi na papahiyan ang sarili niya.Kailangan niya ba talagang lunukin ang ruby necklace?Sa sandaling ito, nagpapatuloy pa rin ang bid, at sobrang tindi nito.Ayaw sukuan nila Travis, Zeke, at Grah
Pagkatapos magbid ni Zeke ng 1.1 bilyon, naramdaman ni Graham na dapat niya ring taasan ito, kung hindi, mawawala ang mahalagang pagkakataon niya na makuha ang Rejuvenating Pill. Kaya, kinagat niya nang matindi ang kanyang ngipin at sinabi, “Dahil nagbid na si Mr. White ng 1.1 bilyon, magbi-bid ako ng 1.2 bilyon.”Ayos lang kay Travis ang kompetisyon. Mas mayaman siya kina Graham at Zeke kahit na magsama sila, kaya, ayos lang sa kanya kahit na 1.2 o 1.5 bilyon ito. Determinado siyang makuha ang Rejuvenating Pill, kaya sinabi niya nang payak, “Kung gano’n, didiretso na ako sa 2 bilyon.”Umalingawngaw ang hall sa tunog ng sigaw ng mga nanonood.Ang presyo ay tumaas mula 1.2 bilyon sa 2 bilyon! Talagang ito na ang pinaka nakakamangha at pinakamahal na auction na nakita nila.Anong pakiramdam na magkaroon ng 2 bilyong dolyar? Kung ang buwanang sahod mo ay 10 mlyon, magkakaroon ka nito pagkatapos ng 17 taon.Kung magdedeposit ka ng 2 bilyon sa bangko na may interest rate na 5%, ang tau
Hindi nangahas si Travis na kunin ang Rejuvenating Pill at sinabi nang nagmamadali, “Master Wade, hindi pa ako nakakapagbayad, kaya hindi ako mangangahas na kunin ang pill sa iyo. Tatawagan ko ang financial department ng kumpanya ko at ipapadala ko agad sa iyo ang pera.”Tumango si Charlie nang nakangiti. Pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang card at ipinasa ito kay Travis. “Ito ang card ko, ipadala mo ang pera sa account na ito.”Nagulantang si Dylan nang tiningnan niya ang card. Ito ang eksklusibong black card ng Citibank, hindi ba?!Wala pang limang tao sa bansa ang may ganitong card.Bukod dito, nagbibigay ng sobrang lakas na privacy protection ang Citibank sa kanilang exclusive black card members. Sino itong Charlie at saan siya nanggaling? Paano siya nagkaroon ng ganitong card?!Sa sandaling ito, biglang tumingin si Charlie kay Dylan at sinabi nang may tusong ngiti, “Mr. Koch, nasa 140 milyong dolyar ang kwintas mo habang 2 bilyon ang Rejuvenating Pill ko. Hindi mo na kaila
Nagsisisi nang sobra si Dylan ngayon. Hindi niya dapat iminungkahi ang isang walang saysay taya kay Charlie na makita ang mas mahal na regalo.Ngayon, kailangan niyang magtanghal kung saan lulunukin niya ang isang ruby necklace. Doble ang babayaran niya!Nakatitig pa rin si Isaac sa kanya, kaya hindi siya nangahas na magsinungaling para makatakas. Kaya, kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi, “Okay, ako, si Dylan Koch, ay handang umamin ng pagkatalo!”Tumingin siya kay Jasmine at sinabi sa medyo nagsisising tono, “Miss Jasmine, mangyaring ipahiram mo sa akin ang ruby necklace.”Sumimangot si Jasmine sa pangamba nang marinig niya ang hiling niya.‘Anong ibig sabihin mong ipahiram? Ibabalik mo ba ito sa akin pagkatapos mo itong gamitin?’Habang nandidiri at naiirita, nagmamadali niyang ibinigay ang regalo sa kanya at sinabi sa seryosong tono, “Mr. Koch, sa iyo na lang ang regalo.”Doon lang napagtanto ni Dylan na mali ang sinabi niya. Kailangan niyang lunukin ang ruby necklace,
Sa sandaling ito, ang unang inisip ni Dylan ay isuka niya ang kwintas.Mas maganda ang pagsuka kaysa pagtae nito, tama?Sinabi nang nagmamadali ni Oscar, “Mr. Koch, dadalhin kita sa banyo. Mangyaring sundan mo ako.”Tumayo agad si Dylan at sinundan si Oscar.Nang nasa banyo na siya, sinundot niya nang desperado ang kanyang bibig at patuloy na nagsuka, nagkaroon siya ng sunod-sunod na pagkahilo at pagduwal.May ilang beses na naramdaman niya na nasa lalamunan na niya ang kwintas, pero hindi niya ito maisuka.Sinubukan niya ito nang ilang beses hanggang sa namula at naging lila pa ang mukha niya, pero sa huli, sumuko siya dahil sobrang sakit na ng kanyang lalamunan at esophagus, at hindi matagal, nawalan na siya ng lakas para sumuka.Nanginig siya ulit sa pandidiri nang maisip niya na kailangan niyang itae ang bagay na ito sa kanyang puwetan sa mga susunod na araw. Iniisip niya kung maiipit ba ang kwintas sa kanyang mga bituka.Nilabas niya agad ang kanyang cellphone sa takot at
Sa sandaling ito, naghahanda na ang pilot ng private jet ni Dylan na umalis sa Aurous Airport.Nang matanggap niya ang tawag ni Dylan, sinabi niya, “Young Master, nasa airport ako ngayon, handa nang mag take-off.”Sinabi ni Dylan, “Bilis, ipaalam mo sa tower na ipagpaliban ang take-off at ibalik mo ang eroplano sa business jet hangar. Hintayin mo ako, babalik ako sa Eastcliff ngayong gabi.”Tinanong ng piloto sa sorpresa, “Pero kakarating mo lang dito kaninang umaga. Hindi ba’t sinabi mo na mananatili ka nang ilang araw? Bakit biglang gusto mong bumalik?”Sinabi nang nababalisa ni Dylan, “Wala kang pakialam. Hintayin mo ako sa airport hangar, pupunta na ako sa airport ngayon din.”Sinabi nang mabilis ng piloto, “Okay, Young Master. Hihilingin ko sa tower na ikansela ang take-off ngayon”Nang lumabas na si Dylan na may masungit na hitsura, si Oscar, na naghihintay sa pinto ng banyo, ay binati siya nang mabait, “Mr. Koch, kamusta ang pakiramdam mo?”“Hindi maganda!” Suminghal si D
Nakikita ni Lord Moore ang totoong layunin ni Dylan sa pagbisita sa Aurous Hill ngayon.Marahil ay naakit nang sobra si Dylan sa ganda at alindog ng apo niya kaya gusto niyang hilahin ang pamilya Moore sa tabi ng pamilya Koch at gawin silang utusan. Sa parehong oras, aakitin niya ang kanyang apo bilang kapares niya.Kung nangyari ito dati, hindi niya ito tatanggihan kahit na nakita niya ang lahat ng plano nila, kahit na kanais-nais ito o nakakainis.Dahil, bihira lang ang magagandang pagkakataon na ganito. Maraming pamilya sa South Region ang handang maging alipures at tauhan ng mga malalaking pamilya sa Eastcliff, pero minamaliit sila ng mga malalaking pamilya na ito, at kinamumuhian pa ng iba.Maraming nakatagong mayaman na pamilya sa Eastcliff at ang kayamanan nila ay lampas sa imahinasyon ng mga second-rate na pamilya sa South Region.Ang pamilya Wade ng Eastcliff ang pinakamagandang halimbawa nito. Wala sa pamilya Wade ang kasama sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo, hi
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa