Sa sandaling ito, naghahanda na ang pilot ng private jet ni Dylan na umalis sa Aurous Airport.Nang matanggap niya ang tawag ni Dylan, sinabi niya, “Young Master, nasa airport ako ngayon, handa nang mag take-off.”Sinabi ni Dylan, “Bilis, ipaalam mo sa tower na ipagpaliban ang take-off at ibalik mo ang eroplano sa business jet hangar. Hintayin mo ako, babalik ako sa Eastcliff ngayong gabi.”Tinanong ng piloto sa sorpresa, “Pero kakarating mo lang dito kaninang umaga. Hindi ba’t sinabi mo na mananatili ka nang ilang araw? Bakit biglang gusto mong bumalik?”Sinabi nang nababalisa ni Dylan, “Wala kang pakialam. Hintayin mo ako sa airport hangar, pupunta na ako sa airport ngayon din.”Sinabi nang mabilis ng piloto, “Okay, Young Master. Hihilingin ko sa tower na ikansela ang take-off ngayon”Nang lumabas na si Dylan na may masungit na hitsura, si Oscar, na naghihintay sa pinto ng banyo, ay binati siya nang mabait, “Mr. Koch, kamusta ang pakiramdam mo?”“Hindi maganda!” Suminghal si D
Nakikita ni Lord Moore ang totoong layunin ni Dylan sa pagbisita sa Aurous Hill ngayon.Marahil ay naakit nang sobra si Dylan sa ganda at alindog ng apo niya kaya gusto niyang hilahin ang pamilya Moore sa tabi ng pamilya Koch at gawin silang utusan. Sa parehong oras, aakitin niya ang kanyang apo bilang kapares niya.Kung nangyari ito dati, hindi niya ito tatanggihan kahit na nakita niya ang lahat ng plano nila, kahit na kanais-nais ito o nakakainis.Dahil, bihira lang ang magagandang pagkakataon na ganito. Maraming pamilya sa South Region ang handang maging alipures at tauhan ng mga malalaking pamilya sa Eastcliff, pero minamaliit sila ng mga malalaking pamilya na ito, at kinamumuhian pa ng iba.Maraming nakatagong mayaman na pamilya sa Eastcliff at ang kayamanan nila ay lampas sa imahinasyon ng mga second-rate na pamilya sa South Region.Ang pamilya Wade ng Eastcliff ang pinakamagandang halimbawa nito. Wala sa pamilya Wade ang kasama sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo, hi
Naguguluhan nang sobra si Reuben.Kailanman ay hindi niya inaasahan na kukuha pa rin ng pabor kay Charlie ang kanyang lolo kahit na kailangan niyang galitin si Dylan sa proseso.Hindi tanga si Reuben. Nakikita niya na ang dahilan kung bakit sineseryoso nang sobra ng kanyang lolo si Charlie ay dahil nahumaling siya sa Rejuvenating Pill.Sa ibang salita, sa halip na tanggapin ang gusto ni Dylan at ng pamilya Koch, mas gustong mapalapit ng lolo niya kay Charlie. Pinapatunayan nito na wala nang pakialam ang matandang lalaki sa hinaharap ng pamilya o sa kayamanan na magagawa nila, ngunit kung gaano katagal siyang mabubuhay.Kung hindi, hinding-hindi niya susukuan ang alok ng pamilya Koch at pinili si Charlie.Nadismaya nang sobra at sumama ang loob ni Reuben.Una, sinukuan ni Lord Moore ang pagkakataon na alok ng pamilya Koch, at ang ibig sabihin ay nawalan na ng pagkakataon ang pamilya Moore na umangat nang sobra.Pangalawa, kung mabibigyan nanaman si Lord Moore ng Rejuvenating Pill
Sa sandaling ito, nagpatuloy si Lord Moore, “Palaging naging magalang si Jasmine, at sobrang maasikaso siya sa mga ginagawa sa pamilya, personal man o negosyo. Nagpapasalamat talaga ako para doon. Sa totoo lang, kailan lang, noong nagkasakit ako nang sobra at sinabi ng lahat ng doktor na malapit na ang oras ko, ipinakilala niya si Master Wade sa akin. Si Master Wade ang gumamot sa akin at hinila ako pabalik sa liwanag. Binigyan niya pa ako ng mahalagang Rejuvenating Pill, pinabalik ang oras ko nang 20 taon na mas bata.”Huminto nang ilang sandali si Lord Moore, yumuko nang bahagya kay Charlie, at sinabi, “Master Wade, nagpapasalamat ako sa paggamot mo sa akin, at syempre, nagpapasalamat ako sa apo ko at sa walang hanggan na pagsisikap niya. Kaya, sa okasyon ng kanyang kaarawan ngayong araw, gusto kong gumawa ng isang anunsyo. Nagpasya na ako na simula bukas, opisyal na na kukunin ni Jasmine ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Moore. At saka, opisyal na magreretiro na ako bukas!”Um
Sa sandaling sinabi ito ni Lord Moore, tumikom ang bibig ng mga taong tutol sa ideya na manahin ni Jasmine ang negosyo ng pamilya, tinanggap ang opinyon ni Lord Moore.Naintindihan nila ang isang katotohanan dito, at iyon ay walang pag-asa ang mga anak nila na manahin ang negosyo, kaya mas mabuti na mas magaling at karapat-dapat ang taong magiging pinuno ng pamilya.Tama si Lord Moore—kapag mas malakas ang pinuno ng pamilya, mas maraming pera ang kikitain niya, at mas maraming pera ang makukuha nila.Medyo karaniwan si Reuben sa lahat ng aspeto, pero may malaking puwang sa pagitan nila ni Jasmine pagdating sa kagalingan.Medyo bata pa si Jasmine, pero kaya niyang alagaan at pamahalaan nang magaling ang negosyo ng pamilya.Maunlad ang antique business sa ilalim ng pamamahala niya, habang napakagaling ng pagkaka-ayos ng foreign trade sa mga kamay niya.Pagdating sa kakayahan sa negosyo at talento, mas angat siya sa lahat ng tao sa henerasyon niya sa pamilya. Mas magaling pa siya sa
Habang iniisip ito ni Tyler, kinagat niya ang kanyang ngipin nang mapanghamak, nakamamatay na kagustuhan ang bumaha sa isipan niya.Mukhang napansin ni Lord Moore ang sama ng loob sa ekspresyon at tono ng kanyang pinakamatandang anak, kaya humarap siya kay Charlie at sinabi nang magalang, “Master Wade, may mapangahas na hiling ako na sana ay sang-ayunan mo.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Pakisabi, Lord Moore.”Nagsimula si Lord Moore, “Sana ay maging pangalawang tagapagmana ka sa patriarch ng pamilya Moore kung sakaling may mangyari kay Jasmine sa hinaharap. Kung hindi mag-iiwan si Jasmine ng anak, ikaw ang magiging pinuno ng pamilya. Kung papayag ka, ipapangako ko sayo na magiging sayo ang 30% ng net profit ng pamilya, at may bisa ito habang buhay. Pangako ko ito.”Ang dahilan sa hiling na ito ay dahil nag-aalala nga si Lord Moore na baka saktan ng pinakamatandang anak niya si Jasmine dahil dito, pero nag-aalangan siyang sukuan ang desisyon dahil sa rason na ito.Ala
Sa ngayon, tinuturing ni Charlie si Jasmine bilang kanyang malapit na kaibigan at handa siyang protektahan siya gamit ang lahat ng lakas niya.Para naman kina Tyler at Reuben, punong-puno ang mga mata nila ng mga nakamamatay na apoy.Sobrang daming taon na nilang gustong makuha ang posisyon na patriarch, at hindi nila matanggap ang katotohanan na si Jasmine ang nilagay sa posisyon na ito.Kahit ano pa, sobrang linaw sa kanila na magiging mabangis at pangit na laban ito kung gusto nilang kunin ang posisyon bilang tagapagmana.Kaya, kailangan nilang planuhin nang matalino ang estratehiya nila. Kung magpapasya silang kumilos, kailangan nilang siguraduhin na panalo ito.Sa pagdiriwang ng kaarawan na ito, walang duda na si Jasmine ang pinakamasayang tao sa hall.Sa sandaling ito, mula sa kailaliam ng puso ni Jasmine, napunta na sa pinakamataas ang pasasalamat at pagmamahal niya kay Charlie.Paano hindi malalaman ng isang matalinong babae na tulad niya ang layunin ni Charlie sa pagbib
Papayag na si Charlie sa imbitasyon ni Paul, pero biglang lumitaw ang magandang Jasmine sa harap nila, at habang namumula sa hiya ang mukha niya, sinabi niya, “Paul, hindi na kailangang abalahin ka. Ako na ang maghahatid kay Master Wade.”Matalinong tao si Paul. Alam niya na sa kailaliman ng puso ni Jasmine, siguradong mahal na mahal niya si Charlie.Siya, bilang birthday girl, ay hindi dapat nag-aalok na siya ang maghahatid sa mga bisita. Hindi ngayong gabi.Dahil, kaarawan niya ngayong gabi at ito ang unang araw niya bilang tagapagmana ng pamilya Moore, pero nagkusa siyang sabihin na ihahatid nia si Charlie pagkatapos ng handaan.Bukod dito, maraming marangal na bisita dito ngayong araw, pero sa mga bisitang ito, si Charlie lang ang gusto niyang ihatid pauwi. Sapat na ito para makita kung gaano niya pinahahalagahan at minamahal si Charlie.Nilinis ni Paul ang kanyang lalamunan at sinabi habang may tusong ngiti, “Ah oo, bigla kong naalala na may kailangan akong gawin at hindi ko
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi