Si Lord Webb ay isa ring hindi mapapantayan na bayani dati.Alam ng lahat ang tungkol sa kanya at alam ng lahat kung sino siya kapag binabanggit ang pangalan niya sa South Region.Sobrang talino niyang tao noong bata pa siya at nagsimula siya sa wala habang itinayo niya ang lahat mula sa wala. Naitayo niya ang pamilya Webb bilang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa South Region, pinapatunayan na pambihira ang galing at abilidad niya.Pero, hindi niya kayang labanan ang pagtanda at ang oras. Pagkatapos magretiro ni Lord Webb at ipasa ang negosyo ng pamilya sa pangalawang henerasyon dahil sa sakit niya, nagsimulang bumaba ang pamilya Webb.Sa totoo lang, walang nag-aakala na maghihirap nang napakabilis ang buong pamilya Webb sa mga nakaraang panahon.Naghirap nang sobra si Lord Webb ng tuloy-tuloy dahil dito.Nagsimula ang lahat nong ang kanyang pangalawang apo, na isang normal na binata at isang pribilehiyong tao, ay biglang nagkaroon ng kakaibang sakit na hindi maga
Kung hindi napatay ang kapatid ni Alice, siya mismo ang papatay sa kanya!Pero, wala nang saysay na magsisi ngayon. Kung hindi, hindi na mapupunta sa ganitong estado ang pamilya Webb ngayon.Tumingala si Lord Webb para tumingin kay Donald at tinanong niya nang malamig, “Nasaan na ang babaeng may apelyidong Bishop ngayon?”Sumagot nang nagmamadali si Donald, “Pa, kinulong ni Alice ang sarili niya sa kwarto sa mga nakaraang panahon. Umiiyak siya palagi.”“Umiiyak palagi?” Nagngalit si Lord Webb at sinabi, “Hindi mo ba papalayasin ang ganitong uri ng babae sa bahay na ito? Ano pang punto na panatilihin siya dito? Gusto mo bang matalo muna ang buong pamilya Webb bago ka bumalik sa mga diwa mo?”Nagulantang si Donald at nagmamadali siyang nagpaliwanag, “Pa, hindi mo masisisi si Alice para sa nangyari. Ang lahat ng ito ay personal na gawain ng kapatid niya! Isa lang siyang biktima tulad ko!”Slap!Walang nag-aakala na masasampal ng nanghihingang Lord Webb si Donald sa sandaling ito.
Nahiya nang sobra si Donald habang hawak-hawak ang kanyang pisngi na namumula na.Sa wakas ay napagtanto na niya ang pagkakamali niya ngayon.Tama ang plano niya. Kailangan niyang pagsiahin ang mga kakampi niya at ituring na kakampi ang mga kaaway ng kaaway niya.Kahit sila pa ang mag-ama ng pamilya Weaver na nasa Mount Golmin, ang pamilya Wilson, o ang ibang tao, sila ang mga tao na dapat tinitipon at pinagkakaisa niya.Pero, mali siya dahil masyado siyang nagpadalus-dalos. Hindi niya dapat pababain ang kasiglahan ng hukbo niya.Nandoon ang kalaban at hindi siya mawawala dahil lang nahuli siya ng isang hakbang.Nandoon din ang mga kakampi niya at hindi sila mamamatay dahil lang nahuli siya ng isang hakbang.Bakit natataranta siya nang sobra? Dalawang beses na niyang ipinadala ang mga tauhan niya sa Mount Golmin at dalawang beses na siyang nabigo. Namatay din ang dalawampung tauhan niyo doon para sa wala.Dapat ay nanatili siyang kalmado at naghintay nang matiyaga. Dapat ay hin
”Okay.” Dito lang tumango si Lord webb. “Kung gano’n, ipapadala ko ang Big Eight sa Mount Golmin ngayong gabi. Ihanda mo na ang private jet.”Tinanong ni Donald sa sorpresa, “Pa, kailangan ba nating mabalisa?”Sumagot nang tapat si Lord Webb, “Nawalan ka ng labinlimang tauhan ngayong gabi. Siguradong iisipin ng kalaban na hindi ka babalik nang mabilis. Dapat nating ipadala ang Big Eight doon ngayong gabi para lumitaw sila sa harap ng kalaban bukas nang umaga. Sa ganitong paraan, siguradong hindi magiging handa ang kalaban!”Tumango si Donald dahil pinapangaralan siya.Medyo nanliit at nahiya siya sa sarili niya sa sandaling ito dahil naramdaman niya na masyado talagang malayo sa matandang lalaki ang abilidad niya.Ang matandang lalaki nga ay isang tao na kayang gumawa ng plano at estratehiya para ipanalo ang laban.Pagkatapos, tinawagan at inayos agad ni Donald ang private jet para umalis ito. Pagkalipas ng mga isang oras, handa nang lumipad ang private jet mula sa Sudbury papunt
Sa sandaling ito, sa villa sa Thompson First, hatinggabi na at natutulog na si Charlie at ang asawa niya sa kama nila gamit ang sari-sarili nilang kumot.Sa sandaling ito, biglang nag-buzz nang dalawang beses ang cellphone ni Charlie.Dahil natatakot si Charlie na magigising ang asawa niya sa pag-buzz ng kanyang cellphone, nagmamadali niyang pinulot ang cellphone at nalaman niya na nakatanggap siya ng dalawang WeChat message.Alas dose na ng gabi. Hindi alam ni Charlie kung sino ang magpapadala ng WeChat message sa sandaling ito pero sa tingin niya ay importante ito kung nag-text sa kanya ang tao sa oras na ito.Kaya, agad niang binuksan ang kanyang cellphone at nalaman niya na ang mga mensahe ay nanggaling kay Albert.“Master Wade, may nangyari sa Mount Golmin. Nasa labas kami ni Liam sa harap ng bahay niyo. Iniisip ko kung ayos lang ba na lumabas ka ngayon nang ilang sandali?”Kumunot ang noo ni Charlie.May nangyari sa Mount Golmin. Kung gano’n, ang ibig sabihin lang ay pinup
Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung malulutas natin ang lahat sa pagpatay ng tao, dapat ay matagal nang patay ang pamilya Webb ngayon. Ang ilang tao ay karapat-dapat mamatay at dapat silang mapatay sa lalong madaling panahon—halimbawa, ang mga tao sa Beggar Clan. Pero, masyado itong boring kung papatayin natin ang mga tao.”Pagkatapos magsalita ni Charlie, ngumiti siya at sinabi, “Bakit hindi mo isipin si Ichiro, na nakatira sa dog farm mo? Matagal ko na dapat siyang pinatay pero bakit binubuhay ko pa rin siya? Ito ay dahil sa tingin ko ay mas masaya at nakakaaliw kung buhay siya. Mas maraming posibilidad kung buhay siya. Marami akong mapapalampas na saya kung mamamatay siya, pati narin ang pamilya Webb at ang pamilya Weaver.Sa puso ni Charlie, ang lahat ng bagay sa mundong ito magkakadugtong sa isa’t isa at kinokontra rin ang isa’t isa.Ang dahilan kung bakit patuloy niyang binubuhay si Ichiro ay para kontrahin niya ang kanyang kapatid, si Jiro.Ang dahilan kung bakit n
Nakita ni Charlie na medyo kinakabahan si Liam. Ngumiti siya nang magaan at tinanong, layunin niyang ibahin ang paksa, “Kamusta na ang negosyo mo sa pharmaceutical manufacturing?”Tumingin si Liam kay Charlie at inulat, “Master Wade, maituturing na matatag ang pag-unlad ng mga pharmaceutical factory. Pero nakatagpo kami ng ilang hadlang sa pagpapalawak ng bago naming merkado.”“Ano ang mga hadlang?”Kakaiba ang naramdaman ni Charlie. Sa lakas ng pharmaceutical manufacturing ng pamilya Weaver, kaunti lang dapat ang kakompetensya nila sa domestic pharmaceutical industry.Pero sa paggawa ng mga bagong gamot, hangga’t may magandang reseta nag isa, wala dapat malaking problema.Pero, kung hindi gumagana ang reseta, wala itong saysay kahit gaano pa kalaki ang pharmaceutical factory.Sumagot agad si Liam, “Kailan lang ay nag-invest ang pharmaceutical company ng pamilya Weaver sa paggawa ng bagong Chinese medicine. Ang pangunahing ginagawa nito ay tanggalin ang mga masasama at hangin sa
Sa totoo lang, maraming uri ng mahiwagang sinaunang reseta ang nakatala sa Apocalyptic Book. Sa mga stomach medicine pa lang, may dose-dosena na. Sapat na ang kahit ano dito para talunin ang Kobayashi Pharma.Pero, sobrang mapagkakakitaan ang pharmaceutical industry. Kaya, hindi niya pwedeng tulungan si Liam nang walang natatanggap.Kaya, sinabi niya kay Liam, “May ilang magagandang reseta ako. Kapag ginawa sila, siguradong sila ang magiging best-selling na mahiwang gamot. Kung gagamitin ko ang mga reseta para bumili ng share, gaano karaming share ang handa mong ibigay sa akin?”Nang halos walang pag-aatubili, sumagot si Liam, “Master Wade, ang lahat ng mayroon ako ngayon ay dahil sa’yo. Ang buong Weaver Pharmaceutical ay pagmamay-ari mo, Master Wade. Kung gusto mong gumawa ng medisina, ako, si Liam, ay ibibigay agad ito sa iyo!”Alam na alam ito ni Liam.Kung wala si Charlie, imposibleng makuha niya ang Weaver Pharmaceutical.Kung wala si Charlie, hindi niya mapapanatili ang Wea
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag