Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung malulutas natin ang lahat sa pagpatay ng tao, dapat ay matagal nang patay ang pamilya Webb ngayon. Ang ilang tao ay karapat-dapat mamatay at dapat silang mapatay sa lalong madaling panahon—halimbawa, ang mga tao sa Beggar Clan. Pero, masyado itong boring kung papatayin natin ang mga tao.”Pagkatapos magsalita ni Charlie, ngumiti siya at sinabi, “Bakit hindi mo isipin si Ichiro, na nakatira sa dog farm mo? Matagal ko na dapat siyang pinatay pero bakit binubuhay ko pa rin siya? Ito ay dahil sa tingin ko ay mas masaya at nakakaaliw kung buhay siya. Mas maraming posibilidad kung buhay siya. Marami akong mapapalampas na saya kung mamamatay siya, pati narin ang pamilya Webb at ang pamilya Weaver.Sa puso ni Charlie, ang lahat ng bagay sa mundong ito magkakadugtong sa isa’t isa at kinokontra rin ang isa’t isa.Ang dahilan kung bakit patuloy niyang binubuhay si Ichiro ay para kontrahin niya ang kanyang kapatid, si Jiro.Ang dahilan kung bakit n
Nakita ni Charlie na medyo kinakabahan si Liam. Ngumiti siya nang magaan at tinanong, layunin niyang ibahin ang paksa, “Kamusta na ang negosyo mo sa pharmaceutical manufacturing?”Tumingin si Liam kay Charlie at inulat, “Master Wade, maituturing na matatag ang pag-unlad ng mga pharmaceutical factory. Pero nakatagpo kami ng ilang hadlang sa pagpapalawak ng bago naming merkado.”“Ano ang mga hadlang?”Kakaiba ang naramdaman ni Charlie. Sa lakas ng pharmaceutical manufacturing ng pamilya Weaver, kaunti lang dapat ang kakompetensya nila sa domestic pharmaceutical industry.Pero sa paggawa ng mga bagong gamot, hangga’t may magandang reseta nag isa, wala dapat malaking problema.Pero, kung hindi gumagana ang reseta, wala itong saysay kahit gaano pa kalaki ang pharmaceutical factory.Sumagot agad si Liam, “Kailan lang ay nag-invest ang pharmaceutical company ng pamilya Weaver sa paggawa ng bagong Chinese medicine. Ang pangunahing ginagawa nito ay tanggalin ang mga masasama at hangin sa
Sa totoo lang, maraming uri ng mahiwagang sinaunang reseta ang nakatala sa Apocalyptic Book. Sa mga stomach medicine pa lang, may dose-dosena na. Sapat na ang kahit ano dito para talunin ang Kobayashi Pharma.Pero, sobrang mapagkakakitaan ang pharmaceutical industry. Kaya, hindi niya pwedeng tulungan si Liam nang walang natatanggap.Kaya, sinabi niya kay Liam, “May ilang magagandang reseta ako. Kapag ginawa sila, siguradong sila ang magiging best-selling na mahiwang gamot. Kung gagamitin ko ang mga reseta para bumili ng share, gaano karaming share ang handa mong ibigay sa akin?”Nang halos walang pag-aatubili, sumagot si Liam, “Master Wade, ang lahat ng mayroon ako ngayon ay dahil sa’yo. Ang buong Weaver Pharmaceutical ay pagmamay-ari mo, Master Wade. Kung gusto mong gumawa ng medisina, ako, si Liam, ay ibibigay agad ito sa iyo!”Alam na alam ito ni Liam.Kung wala si Charlie, imposibleng makuha niya ang Weaver Pharmaceutical.Kung wala si Charlie, hindi niya mapapanatili ang Wea
Sa sandaling iyon, may dalawang solusyon si Charlie.Ang unang solusyon ay hanapin si Stephen Thompson para magpadala ng mga master mula sa pamilya Wade ng Eastcliff papunta sa Mount Golmin. Maraming magagaling na master sa pamilya Wade, kaya hindi sila mahihirapang talunin ang Big Eight.Ang pangalawang solusyon ay siya mismo ang pupunta sa Mount Golmin at lalabanan ang Big Eight.Pagkatapos mag-isip nang ilang segundo, nagpasya si Charlei na dapat siya ang lumutas sa sarili niyang problema. Kaya, pupunta siya sa Mount Golmin at papatayin ang Big Eight.Medyo matagal na kay Charlie ang Apocalyptic Book. Nag-meditate siya dito at unti-unti siyang lumakas.Sa parehong oras, pinalakas ng spiritual energy ang kanyang katawan. Kaya, iba ang pisikal na kondisyon niya kumpara sa mga ordinaryong tao.At saka, marami siyang kinain na Rejuvenating Pill. Gamit ang mga Rejuvenating Pill, mas lalong lumakas pa ang pisikal na katawan niya.Sa kalagayan ngayon ni Charlie, kahit na doble pa an
Sa Aurous Airport, nakahanda nang lumipad ang private jet ng pamilya Wade na nakaantabay sa Aurous sa dulo ng runway.Maaari nang umalis ang jet sa sandaling sumakay si Charlie dito.Bukod dito, makakarating ang jet na ito sa Mount Golmin sa loob lang ng dalawang oras.Sa kabaliktaran, kailangan ng tatlong oras ng private jet ng pamilya Webb para makarating doon.Bukod dito, walang abilidad ang pamilya Webb na pakilusin ang mga tauhan nila sa buong bansa o kahit sa buong mundo nang sabay-sabay.Marahil ay wala pang helicopter na naghihintay para sa Big Eight. Ang maihahanda lang ng pamilya Webb ay mga sports utility vehicle na magdadala sa kanila sa paanan ng bundok.Ayon kay Albert Rhodes, mahigit dalawang oras ang kailangan para makapunta sa bahay ng pamilya Weaver mula sa Mount Golmin, kung hindi nagniniyebe.Kung nagniniyebe at hindi maayos ang daanan, nasa tatlong oras bago sial makarating doon.Pero gamit ang helicopter, apatnapung minuto lang ang biyahe nila dahil direts
Sa kadiliman ng gabi, umandar ang business jet ng pamilya Wade at lumipad nang napakabilis papunta sa Mount Golmin.Ang bilis ng business jet na ito ay mas mabilis nang sobra kumpara sa mga ordinaryong eroplano. Kahit si Charlie ay nagbuntong hininga sa pagkamangha. Hindi nakapagtataka na nangunguna ang pamilya Wade sa ibang matataas na pamilya ng Oskia. Ipinapakita nang malinaw ng mga detalye ng business jet na ito.Sa mga mahahalagang siyudad sa bansa, sinisigurado ng mga eroplano na ito na mas mabilis isang pamilya kumpara sa iba kung sakaling may emergency. Hangga’t kukunin nila ang pagkakataon, mas malaki ang posibilidad na mananalo sila.Sinabi ni Isaac kay Charlie, “Young Master, may mas mabilis pa na eroplano ang pamilya Wade. Pero nag-iisa lang ito, nasa Eastcliff Airport ito.”“Oh?” Tinanong nang mausisa ni Charlie, “May eroplano pa na mas mabilis dito?”“Tama!” Tumango si Isaac at sinabi, “Hindi ako sigurado kung narinig mo na ang tungkol sa Concorde? Maraming taon na a
Kailangang pumunta ni Albert sa Mount Golmin dati. Kaya, medyo pamilyar siya sa lugar. Tinuro niya ang daan sa bundok na nababalot ng puting niyebe at sinabi kay Charlie, “Master, ito lang ang kalsada papasok sa bundok. Basta’t hindi gagamit ng helicopter ang Big Eight, ito lang ang daan na pwede nilang daanan.”Tumango si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, hintayin natin sila dito.”Tinanong agad ni Albert, “Master, dapat ba nating papuntahin ang lahat dito para tumulong?”Kalmadong sumagot si Charlie sa isang salita. “Hindi.”Hindi maiwasang mag-alala ni Isaac para sa kaligtasan ng kanyang young master, kaya sinubukan niya siyang himukin. “Alam ko at naiintindihan ko ang lakas ng Big Eight ng pamilya Webb, hindi sila dapat maliitin. Marahil ay hindi mo sila malalabanan nang mag-isa. Para lang maging ligtas, tumawag tayo ng mas maraming tao dito para tumulong!”Umiling si Charlie at sinabi sa malamig na boses, “Ang mangyayari ngayon dito ay sa ating apat lang na nandirito ngayon. D
Sa sampung kilometrong haba na daan, dalawang SUV na magkasunod ang umaandar.Ang dalawang kotse lang na ito ang mga kotse sa daan papunta sa bundok.Hindi madaling magmaneho sa daan na puno ng niyebe dahil ang nakikita lamang dito ay puro puting niyebe.Medyo nahilo si Emiliano sa payak at paulit-ulit na puting niyebe. Sinabi niya sa naiinis na tono, “Ang maliit na Wade na sanggano na iyon ay isa talagang g*go. Dahil naiinis ang mag-amang iyon sa kanya, patayin na lang siya! Ano pang punto ng pagpapadala ng mga tao sa… sa pangit na lugar na ito? Ngayon, kailangan nila akong abalahin para pumunta dito… malas talaga.”Sinabi ng driver sa walang magawang tono, “Bago ako pumunta dito, inimbestigahan ko ang taong tinatawag na Wade. Hindi lang siya mahilig magpadala ng mga tao para maghukay ng mga halaman, mahilig din siyang magpadala ng tao sa mga madidilim na coal mine para magmina ng uling. Narinig ko pa na dati ay ipinadala niya sa construction site ang isang boss ng isang listed co
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag