Sa kailaliman ng gabi, sa paanan ng Mount Golmin, nababalot ng makapal na jacket si Jeffrey na gawa sa balat ng usa, inaalalayan ang kanyang matandang ama, si Jordan, sa likod niya habang naglalakad sila palabas ng bundok.Bumaba nang sobra ang temperatura sa Mount Golmin sa mga nakaraang araw, at nasa pinakamababa ng mga minus thirty degrees ang temperatura sa gabi.Sa normal na sitwasyon, ayaw nilang lalabas ng bahay kahit na mamatay sila. Pero, dahil sa mga kinakailangan, kailangan nilang pumunta sa bundok para maghukay ng ginseng.Makakakuha lang sila ng pagkain, medisina, at gasolina at kahoy na kailangan nila para magpainit kapalit ang mga ginseng na nahukay nila.Dahil, sobrang lamig ng panahon at sobrang taas ng energy consumption ng heater araw-araw. Hindi sapat sa kanila ang pagpupulot ng mga kahoy at kailangan din nilang samahan ito ng gasolina.Pagkatapos pumasok sa bundok sa buong araw, nasa anim o pitong ginseng lang ang nahukay ng mag-ama. Sapat lang ang ginseng na
Nananaginip ang mag-ama ng pamilya Weaver na baliktarin ang buhay nila. Biglaan, isang malamig na hangin ang biglang bumugso sa Mount Golim, pinanginig sila sa lamig.Nagbuntong hininga si Jordan at sinabi, “Sobrang bagsik talaga ng hangin sa lugar na ito. Nanginginig ang buong katawan ko sa isang bugso lang ng hangin. Umalis na tayo ngayon.”“Okay!” Naramdaman din ni Jeffrey na tumagos sa mga buto niya ang malamig na hangin. Mabilis niyang itinago ang leeg niya at tumayo at tinanggal ang niyebe sa puwetan niya. Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang kamay para tulungan ang kanyang ama na tumayo.Sa totoo lang, sa mga araw na tumira nang magkasama ang mag-ama sa Mount Golmin, gumanda nang sobra ang relasyon nilang dalawa.Dati, kahit na mas gusto ni Jordan ang kanyang pinakamatandang anak, sobrang damot niyang tao at nahihirapan siyang tratuhin nang mabuti ang iba.Kaya, tinrato niya rin si Jeffrey sa ordinaryong paraan, kahit na mas maganda ito sa kung paano niya tratuhin si Liam.
Tumango si Jordan at hindi niya maiwasang magbuntong hininga habang sinasabi, “Maganda sana kung makakakuha tayo ng dalawang catty ng wine. Pwede nating ibabad ang ginseng sa winde at enjoyin ang isang sipsip ng wine kapag nilalamig tayo habang nasa bundok tayo. Ang ganda siguro nito!”Sumagot si Jeffrey, “Ang nawalan ng asawa na babae, si Leanne, ay mukhang marunong gumawa ng wine. Makikipag-usap ako sa kanya at sasabihin ko ito kapag may pagkakataon ako balang araw. Baka may natatagong wine siya sa bahay niya.”Patuloy na naglakad ang mag-ama habang nag-uusap sa ilalim ng malamig na hangin. Sa wakas ay dumating na sila sa pasukan ng village bago pagkatapos ng mahigit kalahating oras.Hindi agad sila bumalik sa sira-sirang bahay nila. Sa halip, pumunta sila sa bahay ni Mr. Lange sa village habang madilim pa.Kahit na sobrang hirap ng mga taong nakatira sa paanan ng Mount Golmin, walang nawawala sa kanila.Dati, madalas pumupunta ang mga tao sa bundok para mangaso.Pero, umalis n
Noong may huling pumunta para iligtas ang mag-ama ng pamilya Weaver, namatay sila bago pa sila makalapit sa bahay ng pamilya Weaver.Kaya, hindi alam ng mag-ama ng pamilya Weaver ang tungkol dito.Sa sandaling ito, nandito talaga ang pamilya Webb ng Sudbury para iligtas sila!Sabik na sabik silang dalawa at sinundan nila agad ang grupo ng mga tao sa kotse para makabalik sila sa Aurous Hill.Habang papunta sila sa pasukan ng village, hindi maiwasang tanungin ni Jordan ang lalaking nakaitim sa tabi niya, “Kapatid, wala kaming pagkakaibigan o koneksyon sa pamilya Webb ng Sudbury. Bakit sinusubukan kaming iligtas ng pamilya Webb?”Sumagot nang malamig ang lalaki, “Mukhang may iisang kalaban kayo ng chairman namin.”“Iisang kalaban?” Tinanong ni Jordan, “Sino ito?”Nagngalit ang lalaki at sinabi, “Charlie Wade!”Biglang nanginig sina Jordan at Jeffrey.Kinalaban din pala ng g*go, si Charlie, ang pamilya Webb ng Sudbury!Iyon ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa So
Nawalan ng labinlimang tauhan ang pamilya Webb, habang apat na tauhan din ang nawala kina Don Albert at Liam!Sa kabutihang-palad, pinaalalahanan na ni Charlie sina Don Albert at Liam na palakasin ang depensa ilang araw lang ang nakalipas. Iyon ang dahilan kung bakit nagpadala ng mas maraming tauhan sina Don Albert at Liam sa Mount Golmin. Kung hindi, hindi talaga nila matatalo ang kalaban na may mahigit isang dosenang tauhan.Ang mag-ama ng pamilya Weaver, na takot na takot, ay nahuli sa snowfield.Ang tauhan ni Don Albert ang umaresto sa kanila. Siya ay walang iba kundi si Declan Zaber, ang taong namamahala sa Mount Golmin.Mayroong sobrang dilim na ekspresyon si Declan habang nakatingin siya sa mag-ama na takot na takot. Pagkatapos, sinabi niya nang malamig, “Sa tingin niyo bang dalawa ay makakatakas kayo?”Umiyak nang malakas si Jordan sa sandaling ito, “Mr. Declan, hindi namin balak tumakas. Ang mga taong ito ang gusto kaming ilagay sa kotse at kunin kami.”Sumigaw nang mala
Si Lord Webb ay isa ring hindi mapapantayan na bayani dati.Alam ng lahat ang tungkol sa kanya at alam ng lahat kung sino siya kapag binabanggit ang pangalan niya sa South Region.Sobrang talino niyang tao noong bata pa siya at nagsimula siya sa wala habang itinayo niya ang lahat mula sa wala. Naitayo niya ang pamilya Webb bilang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa South Region, pinapatunayan na pambihira ang galing at abilidad niya.Pero, hindi niya kayang labanan ang pagtanda at ang oras. Pagkatapos magretiro ni Lord Webb at ipasa ang negosyo ng pamilya sa pangalawang henerasyon dahil sa sakit niya, nagsimulang bumaba ang pamilya Webb.Sa totoo lang, walang nag-aakala na maghihirap nang napakabilis ang buong pamilya Webb sa mga nakaraang panahon.Naghirap nang sobra si Lord Webb ng tuloy-tuloy dahil dito.Nagsimula ang lahat nong ang kanyang pangalawang apo, na isang normal na binata at isang pribilehiyong tao, ay biglang nagkaroon ng kakaibang sakit na hindi maga
Kung hindi napatay ang kapatid ni Alice, siya mismo ang papatay sa kanya!Pero, wala nang saysay na magsisi ngayon. Kung hindi, hindi na mapupunta sa ganitong estado ang pamilya Webb ngayon.Tumingala si Lord Webb para tumingin kay Donald at tinanong niya nang malamig, “Nasaan na ang babaeng may apelyidong Bishop ngayon?”Sumagot nang nagmamadali si Donald, “Pa, kinulong ni Alice ang sarili niya sa kwarto sa mga nakaraang panahon. Umiiyak siya palagi.”“Umiiyak palagi?” Nagngalit si Lord Webb at sinabi, “Hindi mo ba papalayasin ang ganitong uri ng babae sa bahay na ito? Ano pang punto na panatilihin siya dito? Gusto mo bang matalo muna ang buong pamilya Webb bago ka bumalik sa mga diwa mo?”Nagulantang si Donald at nagmamadali siyang nagpaliwanag, “Pa, hindi mo masisisi si Alice para sa nangyari. Ang lahat ng ito ay personal na gawain ng kapatid niya! Isa lang siyang biktima tulad ko!”Slap!Walang nag-aakala na masasampal ng nanghihingang Lord Webb si Donald sa sandaling ito.
Nahiya nang sobra si Donald habang hawak-hawak ang kanyang pisngi na namumula na.Sa wakas ay napagtanto na niya ang pagkakamali niya ngayon.Tama ang plano niya. Kailangan niyang pagsiahin ang mga kakampi niya at ituring na kakampi ang mga kaaway ng kaaway niya.Kahit sila pa ang mag-ama ng pamilya Weaver na nasa Mount Golmin, ang pamilya Wilson, o ang ibang tao, sila ang mga tao na dapat tinitipon at pinagkakaisa niya.Pero, mali siya dahil masyado siyang nagpadalus-dalos. Hindi niya dapat pababain ang kasiglahan ng hukbo niya.Nandoon ang kalaban at hindi siya mawawala dahil lang nahuli siya ng isang hakbang.Nandoon din ang mga kakampi niya at hindi sila mamamatay dahil lang nahuli siya ng isang hakbang.Bakit natataranta siya nang sobra? Dalawang beses na niyang ipinadala ang mga tauhan niya sa Mount Golmin at dalawang beses na siyang nabigo. Namatay din ang dalawampung tauhan niyo doon para sa wala.Dapat ay nanatili siyang kalmado at naghintay nang matiyaga. Dapat ay hin
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro