Walang naman talaga masyadong pakialam si Donald sa villa. Siguradong imposible para sa kanya na ibigay ang villa sa pamilya Wilson. Dahil, hindi siya tanga. Pero, hindi malaking problema para sa kanya na hayaan silang tumira doon sa loob ng sampung taon.Kaya, sumagot nang walang pakialam si Donald, “Okay, sige. Sampung taon. Pero, kailangan niyong mag-concentrate at gawin ang mga sinasabi ko. Siguradong gagantimpalaan kita kung mapapatay natin si Charlie sa lalong madaling panahon.”Nagmamadaling hinila ni Lady Wilson ang mga miyembro ng pamilya niya habang yumuko sila sa harap ni Donald. Hindi masabi ang pagkasasbik niya.Sobrang sabik din ng ibang miyembro ng pamilya Wilson. Bumangon na muli ang pamilya Wilson.Hindi lamang nasagip ang Wilson Group, ngunit makakatira rin sila sa isang villa sa Thompson first. Mas maganda na ang sitwasyon nila kumpara noong pinakamaganda pa ang buhay nila.Bukod dito, nangako rin si Donald na susuportahan niya ang Wilson Group. Marahil ay mas m
Bago pa dumilim, gumagawa na ng ingay sina Christopher at Hannah sa kanilang guest room.Sobrang lungkot ni Christopher sa mga nakaraang panahon. Kaya, naiinip siya nang sobra pagkatapos niyang malayo sa kanyang asawa nang napakatagal.Syempre ay mahal na mahal ni Hannah ang asawa niya. Sa una ay akala niya na hindi na niya siya makikita ulit. Pero, hindi niya talaga inaasahan na magkakaroon siya ng pagkakataon na bumalik sa yakap niya ngayon. Kaya, puno siya ng saya ngayon.Ito dapat ay isang payapa at masayang sandali, pero biglang nakaramdam ng kawalan si Hannah sa puso niya.Medyo nalungkot siya dahil naramdaman niya na ang abilidad sa pakikipagtalik ng asawa niya ay hindi maikukumpara sa maduming supervisor...Nakakalungkot talaga ito.Ang isa ay mahal niya, at ang isa ay kinamumuhian at hinahamak niya. Pero, kung itatabi niya ang mga katotohanan na ito at pag-uusapan lang ang pakikipagtalik, kahit dalawang taong mahal niya ay hindi maikukumpara sa taong kinamumuhian niya.
Sumimangot si Christopher at sinabi, “Pagbibigyan ba natin nang madali ang may apelyidong Parker at Wade?”Sumagot si Hannah, “Kaya kong gumawa ng problema sa kanila sa ibang paran. At saka, naghahanda na ang pamilya Webb na parusahan sila nang palihim. Kaya, siguradong mapaghihiganti ko ang sarili ko. Kahit ano pa, hindi mo na dapat banggitin ulit ang tungkol dito.”Sa totoo lang, nag-aalala nang kaunti si Hannah sa puso niya. Kung babanggitin ang coal mine, at kung malalantad ang nakaraan niya kasama ang supervisor, paano niya mapapanatili ang pwesto niya sa pamilya Wilson?Naramdaman ni Christopher na makatwiran ang sinabi ni Hannah. Kaya, tumango siya nang marahan at sinabi, “Okay, dapat maintindihan ng lahat at magpanggap na wala tayong alam tungkol dito sa hinaharap.”***Sa sumunod na araw, bumalik na ang pamilya ng lima ng pamilya Wilson sa Aurous Hill sa kotse na inayos ng pamilya Webb.Sa daan pauwi, hindi ginamit ng pamilya Webb ang private jet para ibalik sila. Hindi
Sa sandaling ito, katatapos lang mananghalian ni Elaine at inuutusan si Charlie. May dala si Charlie na isang bakal na balde at isang pala habang naghuhukay siya sa lupa sa berdeng daan ng villa area.Sa nakaraang dalawang araw, wala nang magawa si Elaine. Hindi siya makalabas at makapaglaro dahil sa baling binti niya, at naiinip siya nang sobra sa bahay. Nag-scroll siya sa sirkulo ng mga kaibigan niya at napagtanto niya na ang babaeng kaibigan niya na kaunti lang ang relasyon nila dati ay bumili rin ng isang villa sa labas ng bayan.Bukod dito, nagtanim pa siya ng maraming prutas at gulay sa yard sa ng kanilang villa. Nang ibinahagi niya ang mga litrato ng prutas at gulay na itinanim niya sa sirkulo ng mga kaibigan niya, maraming tao ang nag-thumbs up, sinasabi na sobrang talino niya at naiintindihan niya ang buhay.Nagselos nang sobra si Elaine. Nang hindi nag-iisip, sinabi niya rin na gusto niyang magpalaki ng mga gulay at prutas sa yard ng villa nila.Gayunpaman, bali ang binti
Pagkatapos makinig sa sagot ni Claire, ngumiti si Charlie at sinabi, “Okay, hindi mo na kailangang mag-alala kung saan tayo pupunta. Ang asawa mo na ang mag-aayos nito para sa’yo.”“Maganda iyon!” Masayang sumagot si Claire. “Kung gano’n, hihintayin kitang ayusin ito!”“Okay!”Pagkatapos ibaba ni Charlie ang cellphone, nagmamadaling sinabi nang nambobola ni Elaine, “Diba, hindi ako nagsinungaling sa’yo, tama?”Humuni si Charlie bago siya tumingin ulit sa kanyang cellphone at tinawagan si Zeke.“Master Wade! Bakit mo naisipang tawagan ako?”Sumagot nang walang pakialam si Charlie, “Zeke, mahilig pumitas ng mga prutas at gulay ang asawa ko. Gusto kong gawing vegetable garden ang kalahati ng courtyard ng villa sa Thompson First para makapitas siya ng mga prutas at gulay araw-araw. Humanap ka ng mga pinakamagandang uri at pinakamasarap na prutas at gulay para sa akin. Bukod dito, gusto ko ng mga punong lumaki na, may bunga, may baging, may sapling, at ugat. Gusto kong ipadala mo ito
Nang nilait ni Elaine ang lahat tungkol ulit sa detention center, nainis nang sobra si Harold, at sinabi, “Elaine, bakit hindi mo tingnan ang pangit na hitsura mo ngayon. Wala na ang dalawang ngipin mo sa harap at hindi namin maintindihan ang sinasabi mo dahil sa nawawala mong ngipin. Bakit nagpapasikat ka pa rin ngayon?”Nang marinig ni Elaine na nangahas talaga si Harold na laiitin siya dahil nawala ang dalawang ngipin niya sa harap, nagalit agad siya nang sobra.Hindi man lang siya naglakas-loob na tumingin sa salamin sa mga nakaraang araw pagbalik niya dahil sobrang pangit talaga ng hitsura niya pagkatapos mawalan ng dalawang ngipin sa harap.Pero, masyadong matrabaho kung pupunta siya sa dentista. Minsan, kailangan mong mag pabalik-balik nang ilang beses sa detentisa para lang ipaayos ang isang ngipin. Bukod dito, ilang ngipin na ang nawala kay Elaine, at kailangan ayusin ang lahat ng dentista mula pa sa simula.Gustong gumastos ng pera ni Claire para magpa-implant ng ilang ng
Pinagsabihan siya ni elaine, “Binibiro mo ba ako? Matatakot ba ako sa’yo? Naniniwala ka ba na kaya kang pabalikin ng manugang na lalaki ko sa coal mine sa Mount Blackpine para maghukay ng uling sa isang tawag lang?”Dahil wala dito sina Jacob at Claire, hindi natatakot si Elaine na banggitin ang tungkol sa coal mine.Tinitigan nang masama si Hannah kay Elaine na may nakamamatay na tingin sa kanyang mga mata at magsasalita na dapat siya. Sa sandaling ito, nabuksan na ni Lady Wilson ang pinto ng Villa A04. Tumingin siya kay Elaine na nagulantang habang iwinasiwas niya ang susi sa kanyang kamay at ngumiti siya habang sinabi, “Elaine, anong sinabi mo kanina? Hindi ba’t tatanggalin mo ang ulo mo para masipa ko ito na parang bola? Bilis, gawin mo na ito ngayon.”Nang makita ni Elaine na nabuksan talaga ng matandang babae ang pinto ng Villa A04, nagulat siya nang sobra at hindi siya makapagsalita.Paano ito posible? Hindi ba’t sobrang hirap na ng pamilya Wilson sa punto na wala na silang
Walang mas matatakot pa sa pagbabalik ng kanyang ama at kapatid kaysa kay Liam.Kung magtatagumpay ang pamilya Webb na mapabalik ang ama at kapatid niya mula sa Mount Golmin, ang unang gagawin ng pamilya Webb ay tulungan silang kunin ang Weaver Pharmaceutical.Dahil siguradong hindi kukunin ng pamilya Webb ang mag-ama para lang maging dalawang nakakaawang tanga sila. Siguradong aasa ang pamilya Webb na mas maging malakas ang mga kakampi nila.Ang Weaver Pharmaceutical ay isang pharmaceutical company na may market value na ilang bilyong dolyar. Kung makikipagtulungan sila sa pamilya Webb, siguradong may lugar para umunlad ito. Kaya, pagkatapos ibalik ang mag-ama mula sa Mount Golmin, siguradong gusto ni Donald na tulungan silang ibalik ang lakas nila. Para bang nagkaroon na ang pamilya Webb ng isang kakampi na may bilyon-bilyong dolyar pati na rin ang isang malakas na kaanib.Naniniwala si Charlie na siguradong gagawin ni Liam ang lahat ng makakaya niya para pigilan ang kilos ng pam
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag