Share

Kabanata 1082

Author: Lord Leaf
Walang naman talaga masyadong pakialam si Donald sa villa. Siguradong imposible para sa kanya na ibigay ang villa sa pamilya Wilson. Dahil, hindi siya tanga. Pero, hindi malaking problema para sa kanya na hayaan silang tumira doon sa loob ng sampung taon.

Kaya, sumagot nang walang pakialam si Donald, “Okay, sige. Sampung taon. Pero, kailangan niyong mag-concentrate at gawin ang mga sinasabi ko. Siguradong gagantimpalaan kita kung mapapatay natin si Charlie sa lalong madaling panahon.”

Nagmamadaling hinila ni Lady Wilson ang mga miyembro ng pamilya niya habang yumuko sila sa harap ni Donald. Hindi masabi ang pagkasasbik niya.

Sobrang sabik din ng ibang miyembro ng pamilya Wilson. Bumangon na muli ang pamilya Wilson.

Hindi lamang nasagip ang Wilson Group, ngunit makakatira rin sila sa isang villa sa Thompson first. Mas maganda na ang sitwasyon nila kumpara noong pinakamaganda pa ang buhay nila.

Bukod dito, nangako rin si Donald na susuportahan niya ang Wilson Group. Marahil ay mas m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1083

    Bago pa dumilim, gumagawa na ng ingay sina Christopher at Hannah sa kanilang guest room.Sobrang lungkot ni Christopher sa mga nakaraang panahon. Kaya, naiinip siya nang sobra pagkatapos niyang malayo sa kanyang asawa nang napakatagal.Syempre ay mahal na mahal ni Hannah ang asawa niya. Sa una ay akala niya na hindi na niya siya makikita ulit. Pero, hindi niya talaga inaasahan na magkakaroon siya ng pagkakataon na bumalik sa yakap niya ngayon. Kaya, puno siya ng saya ngayon.Ito dapat ay isang payapa at masayang sandali, pero biglang nakaramdam ng kawalan si Hannah sa puso niya.Medyo nalungkot siya dahil naramdaman niya na ang abilidad sa pakikipagtalik ng asawa niya ay hindi maikukumpara sa maduming supervisor...Nakakalungkot talaga ito.Ang isa ay mahal niya, at ang isa ay kinamumuhian at hinahamak niya. Pero, kung itatabi niya ang mga katotohanan na ito at pag-uusapan lang ang pakikipagtalik, kahit dalawang taong mahal niya ay hindi maikukumpara sa taong kinamumuhian niya.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1084

    Sumimangot si Christopher at sinabi, “Pagbibigyan ba natin nang madali ang may apelyidong Parker at Wade?”Sumagot si Hannah, “Kaya kong gumawa ng problema sa kanila sa ibang paran. At saka, naghahanda na ang pamilya Webb na parusahan sila nang palihim. Kaya, siguradong mapaghihiganti ko ang sarili ko. Kahit ano pa, hindi mo na dapat banggitin ulit ang tungkol dito.”Sa totoo lang, nag-aalala nang kaunti si Hannah sa puso niya. Kung babanggitin ang coal mine, at kung malalantad ang nakaraan niya kasama ang supervisor, paano niya mapapanatili ang pwesto niya sa pamilya Wilson?Naramdaman ni Christopher na makatwiran ang sinabi ni Hannah. Kaya, tumango siya nang marahan at sinabi, “Okay, dapat maintindihan ng lahat at magpanggap na wala tayong alam tungkol dito sa hinaharap.”***Sa sumunod na araw, bumalik na ang pamilya ng lima ng pamilya Wilson sa Aurous Hill sa kotse na inayos ng pamilya Webb.Sa daan pauwi, hindi ginamit ng pamilya Webb ang private jet para ibalik sila. Hindi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1085

    Sa sandaling ito, katatapos lang mananghalian ni Elaine at inuutusan si Charlie. May dala si Charlie na isang bakal na balde at isang pala habang naghuhukay siya sa lupa sa berdeng daan ng villa area.Sa nakaraang dalawang araw, wala nang magawa si Elaine. Hindi siya makalabas at makapaglaro dahil sa baling binti niya, at naiinip siya nang sobra sa bahay. Nag-scroll siya sa sirkulo ng mga kaibigan niya at napagtanto niya na ang babaeng kaibigan niya na kaunti lang ang relasyon nila dati ay bumili rin ng isang villa sa labas ng bayan.Bukod dito, nagtanim pa siya ng maraming prutas at gulay sa yard sa ng kanilang villa. Nang ibinahagi niya ang mga litrato ng prutas at gulay na itinanim niya sa sirkulo ng mga kaibigan niya, maraming tao ang nag-thumbs up, sinasabi na sobrang talino niya at naiintindihan niya ang buhay.Nagselos nang sobra si Elaine. Nang hindi nag-iisip, sinabi niya rin na gusto niyang magpalaki ng mga gulay at prutas sa yard ng villa nila.Gayunpaman, bali ang binti

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1086

    Pagkatapos makinig sa sagot ni Claire, ngumiti si Charlie at sinabi, “Okay, hindi mo na kailangang mag-alala kung saan tayo pupunta. Ang asawa mo na ang mag-aayos nito para sa’yo.”“Maganda iyon!” Masayang sumagot si Claire. “Kung gano’n, hihintayin kitang ayusin ito!”“Okay!”Pagkatapos ibaba ni Charlie ang cellphone, nagmamadaling sinabi nang nambobola ni Elaine, “Diba, hindi ako nagsinungaling sa’yo, tama?”Humuni si Charlie bago siya tumingin ulit sa kanyang cellphone at tinawagan si Zeke.“Master Wade! Bakit mo naisipang tawagan ako?”Sumagot nang walang pakialam si Charlie, “Zeke, mahilig pumitas ng mga prutas at gulay ang asawa ko. Gusto kong gawing vegetable garden ang kalahati ng courtyard ng villa sa Thompson First para makapitas siya ng mga prutas at gulay araw-araw. Humanap ka ng mga pinakamagandang uri at pinakamasarap na prutas at gulay para sa akin. Bukod dito, gusto ko ng mga punong lumaki na, may bunga, may baging, may sapling, at ugat. Gusto kong ipadala mo ito

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1087

    Nang nilait ni Elaine ang lahat tungkol ulit sa detention center, nainis nang sobra si Harold, at sinabi, “Elaine, bakit hindi mo tingnan ang pangit na hitsura mo ngayon. Wala na ang dalawang ngipin mo sa harap at hindi namin maintindihan ang sinasabi mo dahil sa nawawala mong ngipin. Bakit nagpapasikat ka pa rin ngayon?”Nang marinig ni Elaine na nangahas talaga si Harold na laiitin siya dahil nawala ang dalawang ngipin niya sa harap, nagalit agad siya nang sobra.Hindi man lang siya naglakas-loob na tumingin sa salamin sa mga nakaraang araw pagbalik niya dahil sobrang pangit talaga ng hitsura niya pagkatapos mawalan ng dalawang ngipin sa harap.Pero, masyadong matrabaho kung pupunta siya sa dentista. Minsan, kailangan mong mag pabalik-balik nang ilang beses sa detentisa para lang ipaayos ang isang ngipin. Bukod dito, ilang ngipin na ang nawala kay Elaine, at kailangan ayusin ang lahat ng dentista mula pa sa simula.Gustong gumastos ng pera ni Claire para magpa-implant ng ilang ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1088

    Pinagsabihan siya ni elaine, “Binibiro mo ba ako? Matatakot ba ako sa’yo? Naniniwala ka ba na kaya kang pabalikin ng manugang na lalaki ko sa coal mine sa Mount Blackpine para maghukay ng uling sa isang tawag lang?”Dahil wala dito sina Jacob at Claire, hindi natatakot si Elaine na banggitin ang tungkol sa coal mine.Tinitigan nang masama si Hannah kay Elaine na may nakamamatay na tingin sa kanyang mga mata at magsasalita na dapat siya. Sa sandaling ito, nabuksan na ni Lady Wilson ang pinto ng Villa A04. Tumingin siya kay Elaine na nagulantang habang iwinasiwas niya ang susi sa kanyang kamay at ngumiti siya habang sinabi, “Elaine, anong sinabi mo kanina? Hindi ba’t tatanggalin mo ang ulo mo para masipa ko ito na parang bola? Bilis, gawin mo na ito ngayon.”Nang makita ni Elaine na nabuksan talaga ng matandang babae ang pinto ng Villa A04, nagulat siya nang sobra at hindi siya makapagsalita.Paano ito posible? Hindi ba’t sobrang hirap na ng pamilya Wilson sa punto na wala na silang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1089

    Walang mas matatakot pa sa pagbabalik ng kanyang ama at kapatid kaysa kay Liam.Kung magtatagumpay ang pamilya Webb na mapabalik ang ama at kapatid niya mula sa Mount Golmin, ang unang gagawin ng pamilya Webb ay tulungan silang kunin ang Weaver Pharmaceutical.Dahil siguradong hindi kukunin ng pamilya Webb ang mag-ama para lang maging dalawang nakakaawang tanga sila. Siguradong aasa ang pamilya Webb na mas maging malakas ang mga kakampi nila.Ang Weaver Pharmaceutical ay isang pharmaceutical company na may market value na ilang bilyong dolyar. Kung makikipagtulungan sila sa pamilya Webb, siguradong may lugar para umunlad ito. Kaya, pagkatapos ibalik ang mag-ama mula sa Mount Golmin, siguradong gusto ni Donald na tulungan silang ibalik ang lakas nila. Para bang nagkaroon na ang pamilya Webb ng isang kakampi na may bilyon-bilyong dolyar pati na rin ang isang malakas na kaanib.Naniniwala si Charlie na siguradong gagawin ni Liam ang lahat ng makakaya niya para pigilan ang kilos ng pam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1090

    Nagngalit si Elaine at sinabi, “Charlie, bakit hindi ka humanap ng pagkakataon para bugbugin nang matindi ang buong pamilya nila? Mas mabuti kung babaliin mo ang lahat ng binti nila para nakaupo lang silang lima sa wheelchair sa loob ng villa araw-araw?”Tinanong siya ni Charlie, “Kung magpapasya silang ireport ako, siguradong makukulong ako. Ayos lang sa akin. Pero, kapag nakulong ako, anong gagawin mo kapag pumunta sila dito para bugbugin ka?”Nagulat si Elaine nang marinig niya ito.Kailangan niyang aminin na makatawiran nang sobra ang sinabi ni Charlie.Mas marami ang pamilya Wilson kaysa sa kanila. Kapag nandito si Charlie, marahil ay hindi sila maglalakas-loob na pumunta at hamunin sila. Pero, kapag wala si Charlie, sino nang poprotekta sa kanya?Si Jacob?Gusto siyang i-divorce ng g*gong iyon. Kaya, baka siya pa ang mang-api sa kanya.At saka, palagi siyang walang kwenta at kalunos-lunos na tao. Manlalambot agad ang mga binti niya kapag nakita niya ang ina niya. Nangangar

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status