Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Warning : Mature content. Not suitable for young readers and sensitive minds. Maravilis City, early 2018. "Kumusta, kaya pa ba Anastasia?" tumutulo ang aking mga luha dahil sa pinaggagawa ng inaakala kong kapatid, iyon pala ay ampon lang ako ng kanilang pamilya. Pinilit nila akong lasingin ng kanyang mga barkada sa bar kung saan ako namamasukan. Gustuhin ko mang umayaw ngunit pamilya ng isa sa mga barkada niya ang may-ari ng bar. "Tama na Marga, hindi ko na kaya." nagmamakaawa kong sagot. "Kaya mo yan, magpakalasing ka para magawa mong mapaligaya ang magiging costumer mo mamaya!" tumatawa ito habang sinasalinan siya ng alak. Hindi ko alam kong ano ang binabalak ng mga ito. Dahil sa kalasingan, hindi ko na magawang pumalag ng hilain nila ako palabas at isinakay sa kotse ng kaibigan niya. Hindi ko maaninag kong saan nila ako dadalhin. Mayamaya binaba nila ako at pumasok kami sa malaking building. Pilit kong idilat ang aking mga mata na nais nang pumikit upang malaman ko k
5 years later, Magbubukang-liwayway palang ay nakahain na sa lamesa ang mga pagkaing inihanda ni Anastasia para sa umagahan. Pritong itlog at hotdog at may pinaksiw na tilapya na ulam pa nila nung gabi habang ang kanin naman ay nakasalang sa rice cooker. Nagkukumahog siya upang maagang makarating sa bagsakan. Ganito ang buhay niya tuwing Martes at Biyernes. Para siyang trompo na umiikot pagkagising niya ng alas-kuwatro ng umaga. Kailangan niya kasing makauna sa magagandang klase ng gulay at isda na bibilhin sa bagsakan. Dahil kapag nahuli s'ya siguradong masisira na naman ang kanyang buong araw. Masaya s'ya sa t'wing nakikita ang mga preskong gulay na bagong ani ng mga magsasaka sa bukid. Minsan nga naisip n'ya, 'paano kaya kung sa bukid nalang sila tumira at magtanim ng iba't-ibang gulay.' Ngunit naisip naman n'ya na ngayon kailangan n'ya ring isaalang-alang ang kapakanan ng kanyang anak. Nais n'yang unahin muna ang siguridad at kinabukasan nito, total maayos naman ang kanilang bu
***Wala sa sarili na lumabas si Anastasia sa Presidential Suite. Tumutulo ang kanyang mga luha habang binabagtas niya ang mahabang pasilyo ng hotel. Pagdating n'ya sa elevator nakatingin ang mga nakasabayan n'ya sa loob dahil nanginginig ang kanyang mga kamay na pinindot ang button. She slowly walked through the hotel lobby until she got out.Nangangatog ang kanyang mga tuhod habang pumapara ng taxi. Habang nasa daan walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Nag-aalala siya na baka malaman ito ng kanyang ina. Habang lulan ng taxi, hinaplos n'ya ang kanyang braso't binti. She's still felt the soreness in her private parts. She looked out the car window. What if Marga reported it to their mother, what should she do?Pagbaba niya ng taxi, minabuti niya munang ayusin ang kanyang sarili saka naglakas-loob na pumasok sa bahay. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ng mga Sevilla. Bungalow style ito, salamin ang mga bintana. Hindi mahilig sa halaman ang kanilang ina kaya walang kang makiki
All VM Group employees are busy preparing to welcome their big boss. They are happy because their company won a bidding held in Singapore. Dahil iyon sa kanilang magaling na leader na si Vance Michael Enriquez ang CEO ng VM Group "Mr. Enriquez, congratulations!" bati ng mga empleyado sa kanya. Nakaabang ang mga ito sa malaking bulwagan ng headquarters. "Thank you!" nakangiting sagot niya sa kanyang mga empleyado. He was happy as he watched the smiling employees waiting for him. His team also prepared this big project for almost two months, so he is very grateful to everyone. "Huwag kayong mag-alala hindi ko makakalimutan ang bunos n'yo!" biro n'ya sa mga ito, kaya isang masigabong na hiyawan ang pumaibabaw sa buong lobby dahil sa kasiyahan.Simula noong siya ang namahala sa kanilang negosyo mas lalong lumawak ito. Isa sa nakuha nila ang sikat na Entertainment Company. Ang SAM Entertainment, pag-aari ito ng kaibigan ng kanyang ama. Ngayon ay tinaguriang pinakamalaki at sikat sa buo
Hindi alam ni Anastasia kung bakit ang bilis nang tibok ng kanyang puso. Nang magtama ang mga mata nila ng gwapong kasama ni Sir Rex. Kapatid nito ang may-ari ng club. Dahil weekend ngayon kaya punong-puno ang club. Nahirapan siyang makalusot pabalik sa counter. Pilit niyang inalis sa isipan ang mukha ng lalaki. "Gerlie, baka hanapin ako punta lang ako ng toilet ha!" paalam niya sa kaibigang waiter. "Okay!" Dumaan siya sa tabi dahil hindi masyadong masikip ang daan. Kaya matagumpay siyang nakaabot sa restroom na nasa 2nd floor na walang hassle. Habang nasa toilet, pilit niyang pinakalma ang sarili bago lumabas ng banyo. Pagkatapos maghugas ng mga kamay huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang door knob. Habang naglalakad sa pasilyo, sinulyapan niya ang malaking wall clock sa tabi. Mag-alas-dose na mayamaya uuwi na siya. Ang bilis ng oras, pero mabuti na rin iyon at nang makauwi na siya. Busy ang kanyang isipan hindi niya napansin ang papalabas sa VIP room na lalaki. Naba