Makalipas ng isang buwan, nag-iimpake na ako ng gamit at nilalagay ko sa maleta nang bumukas ang kwarto namin ng asawa ko. Lumingon ako at nakita ko na pumasok ang asawa ko na may hawak na saging."Katatapos lang natin kumain ah?" banggit ko sa asawa ko at tumabi siya huminto naman ako sa ginagawa ko."Gutom pa si baby eh, honey mamimiss ko kayo ni Jerri." sabi niya at kinakain pa rin ang saging naiiling na lang ako sa kanya.Tinuloy ko naman ang ginagawa ko at nagsalita ako sa kanya."Sabi ko naman sa'yo, honey na pwedeng dito na muna ako at next year na lang ako magpapa-check-up sa hospital para masamahan kita sa mga check-up mo kay baby." sagot ko sa kanya nang hindi lumilingon sa asawa ko."Hindi, ituloy mo sasamahan ka ng anak natin maliban sa manager nyo alam naman ng management ang tungkol dito at pumayag sila basta sa pagbabalik mo ng Pilipinas gumaling ka na." nasabi na lang sa akin ng asawa ko natahimik naman ako."Mamimiss mo naman kami ng anak mo," sabi ko sa kanya at ngum
Nang malaman kong umalis ng bansa si Liam kasama ang anak nito kinausap ko ang personal assistant ko na i-cancel ang schedule ko sa susunod na linggo susunod ako sa kanila."Tama na, Rea ginamit mo pa ako para mabuntis ka? Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon!" sigaw niya sa akin nasa loob kami nang condo ko.Nalaman ko na nagdadalang-tao ako nang matumba ako nung nakaraang linggo hindi ko 'yon alam at nagalit siya nang sabihin ko sa kanya ang balak ko."Mahal ko siya at akin lang siya," sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang maliit kong tyan hindi ko alam na may sanggol na sa loob ng sinapupunan ko at uminom pa ako ng beer nung hapon.Hindi na lang ako nagsalita nang magmura siya sa harapan ko. Unang beses niyang magmura sa harapan ko at nilampasan niya ako tinignan pa niya ako nang masama.Wala naman kaming relasyon pero may nangyayari sa amin, siya ang ginagamit ko para mabuo ang batang nasa sinapupunan ko ngayon.Itong bata ang gagamitin ko para mapa sa akin si Liam kailangan ko
Nang makarating kami ng anak ko sa airport ng Taiwan pina-tawagan ko sa kanya ang pinsan ko na susundo sa amin na tito niya."Papunta na sila dito, Papa nasa parking lot sila ni tito na kasama pala niya." banggit ng anak ko sa akin nang ibaba niya ang tawag sa hawak niyang cellphone.Tinulak namin ang cart nasa harapan namin at nag-kwento ang anak ko tungkol sa nangyayari sa pag-aaral niya."Masaya ka ba ngayon na hindi mo nagagawa ang hilig mo?" tanong ko naman sa kanya syempre na-kwento niya sa akin na gustong-gusto niya na maging actor pero, dahil wala na siyang oras sa pag-aaral kailangan niyang mamili sa dalawang gusto niya.Pwede niyang pag-sabayin at kaya naman niya 'yon ang parehas na hindi namin gusto ng asawa ko ang pagurin nito ang isip at katawan niya sa dalawang bagay na gusto niya."Shi de, Papa, wo xihuan ta, wo xiangnian zai dianshi shang biaoyan, danshi, xianzai wo bu hui huiqu biaoyan, dang wo jiejuele wo xianzai xiang yao wancheng de shiqing shi, wo hui huilai de."
Nagising ako sa boses ng anak ko at napalingon pa ako sa paligid dahil akala ko nasa loob siya ng kwarto humikab pa ako at pinunasan ang mukha ko at nag-alis ng muta sa mga mata. Tumayo ako sa kama at nagpunta sa banyo para mag-hilamos bago umihi sa toilet. Lumabas naman ako sa kwarto at wala na ang anak ko na nag-tatawah sa akin kanina.Bumaba naman ako sa hagdanan may naabutan ako mga kasambahay na naglilinis yumuko sila bigla nang makita nila ako. Nasa mansyon pa rin kami ng grandparents ko ayokong bumalik sa mansyon namin hindi pa umaalis si Papa at ang bago niyang pamilya nagmamatigas ang kabit pati ang ampon nito ayaw nila umalis."Papa!" tawag sa akin ng anak ko hinanap ko ang boses nito at nagpunta sa veranda ng mansyon nandoon ang Ayi, Shushu at ang Tangge, Tangdi, Tangjie, Tangmei sila ang mga pinsan ko sa father side.Nandoon ang pinsan ko sa mother side at ang Ayi, Shushu pati ang mga pinsan ko, Biaoge, Biaodi, Biaojie, Biaomei.(Auntie) (Uncle) (Older brother) (Younger br
Umalis kami ng anak ko sa mansyon pagkatapos makipag-away sa pinsan nito tahimik lang ito kanina pa at hindi binabanggit kung ano ba talaga ang dahilan ng pinag-awayan maliban sa tungkol sa amin ng Mama niya."Marunong ka nang magtago ng ganyan sa murang edad," puna ko naman sa anak ko naglalakad kami ngayon sa malawak na lugar sa Taipei 101.Tumingala naman ang anak ko sa akin at kinuha ang cellphone niya sa bag kinuhanan niya ang tower. Nag-selfie pa kaming dalawa natatawa na lang ako sa itsura naming dalawa may nakaka-kilala naman sa amin pero, walang lumalapit dahil napansin nila na private moment namin ito ng anak ko.Nag-selfie kami ng anak ko habang naghahanap ng view nakatanggap naman ako ng text mula sa asawa ko. Tumigil ako sa pagsama sa ginagawa ng anak ko at bahagyang lumayo sa tabi ng anak ko binasa ko naman ang text ng anak ko.Text messageHoney (Barbie): Kamusta na kayo ng anak natin?Honey (Barbie): Okay lang ba kayo dyan?Honey (Barbie): Miss ko na kayo, honey privat
Naka-sakay na kaming dalawa ni ate sa van at tinitignan ko ulit ang hand bag na hawak ko kung kumpleto ang naka-lagay sa loob at wala ba ako nakalimutan."May nakalimutan ka ba?" tanong ni ate sa akin nang mapansin niya na may kinakalikot ako sa loob ng bag ko.Huminto ako sa ginagawa ko at nabaling ang tingin ko sa kanya."Tinitignan ko kung may nakalimutan pa ba ako o naiwanan," baling nasabi ko at naka-hinga ako na wala akong naiwan o nakalimutan sa bahay."Na-excite ka lang lahat ng gamit mo sa maleta nadala mo na nga inawat pa nga kita," nasabi na lang niya sa akin hindi na ako nagsalita nahiya na ako dahil totoo naman.Hinimas ko naman ang umbok kong tyan at binulungan na lang ang pangalawa naming anak. Kahit hindi pa tuluyang nakaka-balik ang alaala ni Liam nandoon pa rin sa isip at puso niya kung sino ang mahal niya.Baby, makakasama natin ang Papa at ang kuya mo ngayong pupuntahan natin sila sa Taiwan naramdaman ko na gumalaw siya sa loob at hindi ko maiwasang ngumiti."Nataw
Nagpa-check up na ako sa doctor at kasama ko ang anak ko pati ang bodyguard namin nang umalis ang doctor sa clinic nito para may kausapin sa pumasok na babae pinabasa ko sa kanya ang sagutan namin ng Mama niya."Nandito na si Mama?" tanong ng anak ko at ngumiti ako sa kanya sinaway ko na lang nang tumalon-talon siya ng lumayo siya sa akin."Mamaya magkikita kayo," sabi ko na lang.Kanina pina-MRI ako ng doctor na nirekomenda ni Mama nagpunta kaming dalawa sa isang kwarto kasama ng iba pang assistant o doctor hindi ko alam ang tawag sa kanila at naiwan sa clinic nito ang anak ko. Nakita ko ang saya sa mukha ng anak ko habang minamasdan ko naghihintay kami sa pagbabalik ng doctor ko. "14 weeks din natin hindi nakasama si Mama ng dumating tayo dito po sa Taiwan," pahayag ng anak ko sa akin hindi ko naisip ilang linggo na pala ang nakalipas mula nang dumating kami sa Taiwan."Matagal na para sa ating dalawa 'yon pero hindi naman tayo pumapalya sa video call kapag may oras ang Mama mo kin
Masayang-masaya ako na kumpleto na kaming magkasama ng pamilya ko dumating din si Zhang kasama ang pamilya niya pati si Mama na nanggaling mula sa Beijing hindi niya kasama ang bago niyang kinakasama.Oo, may boyfriend na si Mama ng sabihin niya na kailangan kong magpa-gamot dito sa Taiwan. Madalas wala siya sa Pilipinas hindi lang dahil sa negosyo nila ni Papa kundi, may kinakasama na siya ngayon."Ba!" tawag ng anak ko nang kumakaway ito mula sa malayo kasama nito ang mga pinsan.(Pa!)Nasa beach kami ngayon ng pamilya ko para sumagap ng sariwang hangin. Gusto namin ng pamilya ko na maging masaya ang grandparents namin bago man sila mawala sa mundo. Kumaway na lang ako kasama ko ang mga pinsan ko at si Zhang may ginagawa naman ang asawa namin at hindi namin iniistorbo ang hipag ko na si Li Jing na kasamang dumating ng asawa ko dito sa Taiwan umalis para pumunta sa America babalik ito sa susunod na buwan para may makasama ang asawa ko kapag nasa hospital ako. "Zaogao de! Wo ganjue
Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang
Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila
Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula
Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n
Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin
Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya
Humagulgol na ako nang iyak sa harapan ni daddy. Nakipag-titigan lang ako kay daddy na hindi pa rin nagpapakita ng reaksyon sa mukha pero, may binigkas ang labi niya sa harapan ko."Pinaramdam nyo sa akin ni mommy na hindi nyo ako anak, dad mula't-sapul na nagka-isip ako...sinasabi sa akin ni yaya na walang katotohanan ang hinala ko sa pag-trato nyo sa akin, dad pero, bakit ganoon ang naramdaman ko sa inyo ni mommy!!" sigaw ko na lang habang humahagulgol nang iyak sa harap niya.Wala pa rin siyang reaksyon pero, nakikita ko na may gusto siyang sabihin sa akin."Ano, dad? Hanggang ngayon ba ganyan kayo pag-dating sa akin palagi na lang ang tingin nyo sa akin ang sama kong anak! Lahat kilos ko may mali sa paningin nyo ni mommy, ito ako at dito ako masaya." sabi ko sa kanya wala ring sinasabi si daddy.Ang manhid nila ni mommy para hindi maramdaman at makita ang nangyayari sa akin."Nasisiraan ka ng bait, Rea! Ano ang pinag-sasabi mo?" paninita ni daddy sa akin.Umiling na lang ako sa ka
Wala na akong babalikang trabaho dahil nang nagpunta ako sa network hindi na ako pinapasok ng security guard sa loob dahil banned na ako. Kasama ko ang isang bodyguard ko mula nang magkausap kami ng manager ko at ka-team sa hotel room 'yon ang huling pagkikita namin.Umuwi na lang ako sa condominium namin wala pa ang dalawang anak ko dahil may klase pa sila sa school nang malaman kong na-bully sila sa kanilang school pumunta kaagad ako para kausapin ang principal pati ang adviser nila sa classroom. Galit na galit ako nang malaman ko 'yon at tinakot ko pa sila. Hindi ako natutuwa na sa mga anak ko nababaling ang pagka-inis nila sa akin. Huwag nila ibuntong sa mga anak ko ang lahat wala silang ginawa hindi maganda para gawin ito sa kanila. Nang makarating kami sa condo maraming reporters ang naka-abang sa may entrance kaya inutusan kong umalis na lang kami ng bodyguard ko. Nang makarating ako sa mansyon namin pinarada ng bodyguard ko ang sasakyan sa garahe. Binuksan ko ang pintuan at
Nag-aalmusal kami nang makarinig ng sigawan sa may pool area kaya tumayo ang lahat para puntahan kung anong nangyayari doon. Naabutan namin na umiiyak si Soren at nasa pool kaya tumalon ang mas matanda na kasama namin para sagipin ito. Umiiyak si Molly sa tabi ng pool area at parang natatakot kaya nilapitan ko ito para pa-kalmahin nanginginig ang buong katawan nito. "Sino ang tumulak kay Soren?" pagtatanong ni ate Xiulan sa mga batang nandoon may tumaas ng kamay at pinagalitan ito ng mga relative ni Liam."Bakit mo 'yon ginawa?!" paninita nila sa isa sa batang nandoon hindi siya pamilyar sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa nito.Kahit sabihin na may alam sila sa sitwasyon ng magkapatid sa buhay ng pamilya ko wala silang karapatan para i-bully sila."Sinbihan niya si ate Molly na malandi katulad ng mommy niya pinag-tanggol lang ni Soren kaya nahulog siya kasi umilag si kuya," sagot ng isa sa bata nandoon isa-isa pinagalitan ng mga magulang ang mga batang nandoon."Napaka-bully nyo nama