"Hubby, kalma na...." sabi ko nang nakalayo na kaming dalawa sa set sumakay kaming dalawa sa sasakyan.Hinawakan ko ang kamao niya na naka-hawak sa manibela ng sasakyan nabaling ang tingin niya sa akin."Bakit hinayaan mo pa rin na ituloy ang taping kung binastos ka na?" tanong niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko pabalik."Alam mo ang sagot dyan, hubby kung pwede lang tapusin kaagad ang taping para hindi ko na-" putol ko nang magsalita ang asawa ko nabaling ang tingin ko sa kanya."Alisin natin siya sa casting pwede siya palitan ng ibang actor sabihin natin ang nangyari may saksi tayo sa pangyayari sa set-" putol naman niya nang sumabat ako naisip ko na 'yan kaso baka bumalik kami sa zero."Kahit alisin siya mahihirapan na kami dahil baka bumalik kaming lahat sa simula, honey," banggit ko dahil totoo naman ang sinasabi ko."Kakausapin natin ang director at writer pati ang management sa mundo nang showbiz maraming gago pero hindi ganito ang nangyayari dumaan na ako sa ganitong
Nang malaman ko ang totoong relasyon nina Barbie at Liam na akala ko mag-hipag lang silang dalawa dahil ang kapatid nilang dalawa mag-asawa, tapos malalaman ko mag-asawa pala sila at may anak silang dalawa ang batang nangangalang, Jerri Yang nagwala ako sa condo ko at sinira ang mga appliances sa loob at hindi ako inawat ng personal assistant ko na kasama ko palagi. Mula nang magsimula ako sa showbiz siya na ang kasama ko.Hindi ko matanggap na hindi magiging akin si Liam!"Ahhhhhh!!!!" sigaw ko na lang habang nagawawala ako pinanood ko nang paulit-ulit ang video na kumalat sa social media."Rea!" sigaw ng personal assistant ko sa akin humagulgol na ako nang iyak at napaupo ako sa sahig.Alam niya, kaya ako pumasok sa showbiz dahil kay Liam hindi dahil passion ko talaga ang pag-arte. Unang nakita ko si Liam noong inimbitahan ito nang close friend ng magulang ko sa charity. Na-love at first sight ako sa kanya at hindi na siya mawala sa isip ko mula noon. Natatandaan ko kung paano nags
Nagulat ang buong industriya ng showbiz nang mabalita na-aksidente si Liam kasama ang manager nito at personal assistant pabalik na sila sa Manila nang mangyari ang aksidente. Nang malaman ko ang balita kaagad akong umalis sa set para puntahan ito sa hospital. Naabutan namin na maraming reporters naka-abang sa bukana ng hospital nang dadaan na ako sa kanilang harapan biglang nagkagulo ang lahat nabaling ang tingin ko sa likuran ko natigilan ako ng makita ko si Barbie kasama ang anak nito pati ang dalawang kapatid nito at kapatid ni Liam.May kasama silang dalawang matandang babae nasa palagay ko magulang nila. Nakita ko pa ang pag-tingin sa akin ng kapatid ni Barbie.Kinarga nito ang kasamang bata at may binulong sa katabi nito. Hindi ko naintindihan ang kanilang pinag-uusapan dahil mandarin ang gamit nila sa kanilang pagsasalita. Nang papasok na ako sa loob ng hospital napa-atras kami ng handler ko nang hinarang kami ng security guard."Manager niya ang na-aksidente!!!" sabi ng handl
Hindi pa rin nagigising ang asawa ko nasa VIP room siya nang nilagay ng mga nurse. Bumuntong-hininga na lang ako tuwing biyernes ng gabi kasama ko ang anak namin na mag-bantay.Kailan ka magigising, Liam?Napatingin ako sa anak ko nakatulog sa couch habang nag-aaral. Lumapit ako para alisin ang laptop sa ibabaw ng hita niya at tinabi ko at inayos ko naman ang pagkaka-higa niya bumuntong-hininga na lang ako dahil alam kong nag-aalala na siya sa kalagayan ng Papa niya.Nakarinig ako nang ungol at nabaling ang tingin ko sa pwesto ng asawa ko. Kaagad akong lumapit nakita kong nagising na siya kaya pinindot ko ang monitor nasa gilid ng kama niya."Honey? Liam?" tawag ko sa asawa ko pinapa-kalma ko ang sarili ko habang hawak ang kamay nito.Kaagad na bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang paglapit ng doctor binitawan ko pansamantala ang kamay ng asawa ko. Lumayo ako nang bahagya nagising ang anak namin at inutusang kontakin ang pamilya ng Papa niya at ang magulang ko.Naluluha ako sa n
Ang personal assistant at ang manager ng asawa ko ang kasama niya ngayon sa bahay nila. Tatapusin ko lang ang ilang project na naka-schedule bago ako magpapaalam sa management namin na mag-lie low kami ng anak ko sa showbiz. Inaayusan ako sa dressing room nang may kumatok sa pintuan at may sumilip."Ikaw pala, pasok ka." tawag ko na lang sa katulad kong actress."Kamusta na kayo?" tanong nito kaagad sa akin nang lapitan ako umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko."Pagod," sabi ko dahil totoo naman at biglang tumunog ang cellphone ko.Inabot niya sa akin ang cellphone at tinanggap ko lang saka tumingin sa kausap ko."Pahinga muna kayo ng anak mo samahan mo ang asawa mo sa pagpapagaling niya, kamusta pa si Liam?" tanong naman nito sa akin."Ayon gumagaling na kaso malakas ang tama sa kanya nang aksidente nakalimutan niya ang asawa at anak niya ayoko siyang pilitin na maka-alaala pero bilin ng doctor na ilayo siya sa nakaka-stress na mundo para hindi siya ma-stress o maging iritable
Nang magising ako nakita ko ang isang batang lalaki nakatayo sa harapan ko umiwas naman ako nang tingin dahil sa titig nito, sino ang batang 'to?"Papa, ni xingle!" umiiyak nasabi nito kumunot ang noo ko sa binanggit niya.(you're awake!)Papa? Sino siya?"Sino ka?" tanong ko na-blurd pa ang mata ko, nasaan ba ako?Ang huling tanda ko nasa taping ako kasama ang mga cast sa isang teleserye. Nang luminaw na ang paningin ko napatingin ako sa batang lalaking kaharap ko. "Nasa hospital ka, Pa na-aksidente ka mabuti na lang nagising ka nag-alala sina lola at tito Zhang sa'yo." pahayag naman ng batang lalaki sa akin kumukunot ang noo ko."Tito Zhang?" bulalas ko ibig sabihin may anak na ako?Wala pa akong anak ah?"Sabi sa amin ng doctor, Pa mawawalan ka talaga ng memory dahil sa aksidente nangyari sa'yo miss na miss kita..." umiiyak nasabi ng batang lalaki nang lalapitan niya ako kaagad kong tinaas ang kamay ko para awatin."Sino ka? Sino ang magulang mo?" tanong ko ulit sa kanya."Ayon si
Nang malaman kong naka-labas na sa hospital si Liam kaagad akong nagpunta sa kanilang bahay kasama ang bago kong manager naabutan namin ang dati kong manager at ang personal assistant nito sa labas. Nabaling ang tingin ko sa kanya nang tumitig siya sa akin bigla ako kinilig."Hi, Liam—" putol kong tawag nang tumalikod siya kaagad sa amin.Kumunot naman ang noo ko sa nakita kong itsura niya parang may kakaiba sa kanya nang hindi mapaliwanag nang magsasalita na ako sumagot siya na naiirita ang itsura. Hindi kaagad ako nagsalita at nagmasid lang ako dahil feeling ko outsider kaagad ako sa kanya."Manager, pakisara ang gate kailangan ko ng pahinga," pahayag niya nang tumalikod sinundan ko na lang siya nang tingin nang lalapitan ko ang dati kong manager.Hinarang naman ako nang dati kong manager tumaas naman ang kilay ko sa inasta nila gusto ko lang kausapin si Liam para kamustahin."Huwag ngayon, Rea wala siya sa mood makipag-usap sa ibang tao pa." tugon ng dati kong manager ko sa akin na
Tuwing weekend dinadala ako ng hipag ko sa hospital para follow-up check-up ko kasama namin ang anak niya na si Jerri na isang child star hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing tumatabi ito sa akin ako na lang ang umiiwas ang sabi ni Xu anak niya sa ibang lalaki ang bata at inampon ko lang daw dahil mahilig ako sa bata.Hindi ako pumayag sa gusto nilang vacation ko sa pagpapa-galing sa nangyaring aksidente sa akin. Gusto kong bumalik kaagad sa trabaho sa isang kondisyon isang buwan akong magpapahinga bago bumalik sa trabaho ko at pumayag ako gusto ko din makilala si Xu sa buhay ko. Ang naririnig ko sa balita, asawa ko daw ito at anak namin si Jerri pero sabi nito sa akin anak niya ito sa ibang lalaki bago kami nagpakasal nabuntis daw ito nung ex nito kahit may relasyon daw kaming dalawa.Ang kwento naman sa akin ng manager ko nung nagtanong ako sa mga naririnig ko sa TV walang katotohanan 'yon dahil gusto lang daw ni Xu na huwag akong pilitin na ibalik kaagad ang nawalang
Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang
Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila
Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula
Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n
Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin
Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya
Humagulgol na ako nang iyak sa harapan ni daddy. Nakipag-titigan lang ako kay daddy na hindi pa rin nagpapakita ng reaksyon sa mukha pero, may binigkas ang labi niya sa harapan ko."Pinaramdam nyo sa akin ni mommy na hindi nyo ako anak, dad mula't-sapul na nagka-isip ako...sinasabi sa akin ni yaya na walang katotohanan ang hinala ko sa pag-trato nyo sa akin, dad pero, bakit ganoon ang naramdaman ko sa inyo ni mommy!!" sigaw ko na lang habang humahagulgol nang iyak sa harap niya.Wala pa rin siyang reaksyon pero, nakikita ko na may gusto siyang sabihin sa akin."Ano, dad? Hanggang ngayon ba ganyan kayo pag-dating sa akin palagi na lang ang tingin nyo sa akin ang sama kong anak! Lahat kilos ko may mali sa paningin nyo ni mommy, ito ako at dito ako masaya." sabi ko sa kanya wala ring sinasabi si daddy.Ang manhid nila ni mommy para hindi maramdaman at makita ang nangyayari sa akin."Nasisiraan ka ng bait, Rea! Ano ang pinag-sasabi mo?" paninita ni daddy sa akin.Umiling na lang ako sa ka
Wala na akong babalikang trabaho dahil nang nagpunta ako sa network hindi na ako pinapasok ng security guard sa loob dahil banned na ako. Kasama ko ang isang bodyguard ko mula nang magkausap kami ng manager ko at ka-team sa hotel room 'yon ang huling pagkikita namin.Umuwi na lang ako sa condominium namin wala pa ang dalawang anak ko dahil may klase pa sila sa school nang malaman kong na-bully sila sa kanilang school pumunta kaagad ako para kausapin ang principal pati ang adviser nila sa classroom. Galit na galit ako nang malaman ko 'yon at tinakot ko pa sila. Hindi ako natutuwa na sa mga anak ko nababaling ang pagka-inis nila sa akin. Huwag nila ibuntong sa mga anak ko ang lahat wala silang ginawa hindi maganda para gawin ito sa kanila. Nang makarating kami sa condo maraming reporters ang naka-abang sa may entrance kaya inutusan kong umalis na lang kami ng bodyguard ko. Nang makarating ako sa mansyon namin pinarada ng bodyguard ko ang sasakyan sa garahe. Binuksan ko ang pintuan at
Nag-aalmusal kami nang makarinig ng sigawan sa may pool area kaya tumayo ang lahat para puntahan kung anong nangyayari doon. Naabutan namin na umiiyak si Soren at nasa pool kaya tumalon ang mas matanda na kasama namin para sagipin ito. Umiiyak si Molly sa tabi ng pool area at parang natatakot kaya nilapitan ko ito para pa-kalmahin nanginginig ang buong katawan nito. "Sino ang tumulak kay Soren?" pagtatanong ni ate Xiulan sa mga batang nandoon may tumaas ng kamay at pinagalitan ito ng mga relative ni Liam."Bakit mo 'yon ginawa?!" paninita nila sa isa sa batang nandoon hindi siya pamilyar sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa nito.Kahit sabihin na may alam sila sa sitwasyon ng magkapatid sa buhay ng pamilya ko wala silang karapatan para i-bully sila."Sinbihan niya si ate Molly na malandi katulad ng mommy niya pinag-tanggol lang ni Soren kaya nahulog siya kasi umilag si kuya," sagot ng isa sa bata nandoon isa-isa pinagalitan ng mga magulang ang mga batang nandoon."Napaka-bully nyo nama