Buong pamilya namin naghahanda para sa chinese year dalawang beses namin hinahanda ito dahil ang bagong taon para sa mga pinoy at sa katulad namin na may dugong chinese.Saan ka?Dito pa ako sa trabaho tatapusin ko ang taping, Yuan—laopo.(Wifey)Ingat ka, laogong damulag ko.(Hubby)"Hoy, Yuan! 'Yang ngiti mo mapupunit na." pag-bungad ni ate sa harap ko napatingin tuloy ako natawa naman ako sa itsura ng mukha niya."Nag-text si Liam, ate." inform ko lang para alam niya nabatukan naman ako sa ulo napa-aray ako sa ginawa niya."Iniinggit mo ba ako?" sabi ni ate at umiling ako sinakal niya ako nang kunwari nag-tawanan kaming dalawa.Ka-edad niya si Liam kaya hindi ko alam kung bakit mas bata kung umasta ito sa akin. Umatras ako nang tumunog ang cellphone ko at napatingin kami nang sabay sa notification na natanggap ko.Magkita na lang tayo sa bahay dun daw mag-celebrate?No, sa resthouse sabi ni Mama.Dun nga, okay, saan ka?Oo, Mama na ang tawag ko sa ina ni Liam na biyenan ng ate ko.
Nang mapansin ko na wala sa tabi ko si ate kaagad akong bumangon sa kama nakatulog pala ako ng mahaba. Nagpalit ako nang damit na medyo komportable ako at pinulupot ko ang mahabang buhok bago ako lumabas ng kwarto napa-atras ako nang bumungad si Liam sa akin."Hubby!" tawag ko sa kanya nang may ngiti sa labi ko at napa-yakap ako sa kanya nang binuka niya ang kamay.Kapag nag-text kami sa isa't-isa chinese mandarin ang tina-type namin para walang makaalam ang relasyon namin at kapag kasama ang pamilya namin at iilang kaibigan kasama ang manager namin broadcast ang tawagan namin."Wifey!!" sabi niya at inamoy ko ang katawan niya."Kanina ka pa dumating?" tanong ko na lang at humiwalay kaagad ako nang yakap. "Oo, hindi lang kita ginising dahil alam kong napagod ka sa trabaho, wifey happy chinese new year!" sabi niya sa akin at binati ko na rin siya na may ngiti sa labi.Unang binigay ko sa kanya ang unang halik ko sa lalaking mahal ko, noong naging official ang relasyon namin sa pamilya
Nagpunta ako sa network na kasama si Rea kasunod ko ang manager namin. Kinausap kami ng buong management at buong production team ng teleserye kasama ang mga cast. Nang matapos pina-alis na kami para bumalik sa set."Kamusta na ang injury mo sa likod?" tanong ng manager ko sa akin habang kasabay ko sa paglalakad."Hindi na masakit, brad naka-isang buwan akong leave kaya nakapag-pahinga ako." nasabi ko na lang sa manager ko.Dahil sa matinding eksena ko sa isang teleserye nagka-injury ako sa likod kaagad nila ako sinugod sa hospital nung araw na 'yon. Nag-alala siya nang malaman niya 'yon mula sa manager ko na ka-close na niya.Kada maaga siyang matatapos pinupuntahan niya ako nang patago kasama ang manager o ang personal assistant ko para hindi kami mahuli o pag-usapan."Magaling ang nurse ko eh," biro ko sa manager ko.Umiling na lang siya sa akin at pumunta kami sa set na malapit sa network kaya pabalik na kami ngayon. "Grabe! First time mo magkaroon ng injury sa set." sabi na lang
"Ma, pwede ba kami mamasyal ni Liam na kaming dalawa lang?" bungad ko sa kusina nang bahay namin.Lumingon sa akin si Mama at tumaas ang kilay niya nang tignan ako."Mapagkaka-tiwalaan ba kita?" tanong ni Mama sa akin tumigil siya sa ginagawa niya."Balak kong surpresahin si Liam sa birthday niya, Ma," sabi ko.Humahukipkip nang kamay si Mama sa harapan ko at tumitig sa akin."Ano ba ang surpresa mo sa kanya at matulungan kita?" tanong ni Mama sa akin.Hinila niya bigla ang buhok napa-aray ako sa ginawa ni Mama at kaagad niya ako binitawan."Hindi ko ibibigay si bataan sa kanya, Ma kung 'yan ang nasa isip mo kung ibibigay ko man 'to sa kanya alam kong handa ako responsibilidad saka, mag-nineteen pa lang ako," sabi ko."Sa edad mong 'yan, pwede ka nang mabuntis saka-" putol ni Mama nang magsalita ako."Kilala mo si Liam, Ma boto ka pa sa kanya at hindi 'yan ang surpresa ko sa kanya." tukoy ko naman kay Mama."Ano ba kasi 'yan?!" tanong ni Mama sa akin.Pinakita ko sa kanya ang nabili ko
Nang matapos ang performance ko sa variety show nagpaalam na ako sa mga kapwa kong celebrity at sa director, at mga staff kasama na rin ang cameraman."Bye!" sabi ko na lang sa kanilang lahat nakita ko si Papa sa ibaba nang stage kaagad akong lumapit sa Papa ko.Pumunta naman kami sa dressing room kung nasaan ang gamit ko at magpapalit pa ako nang kasuotan."Sina ate, Pa?" tanong ko na lang at tumingin ako sa make-up artist na tumingin sa aming dalawa."Nasa hotel, anak nagkataon na pinag-bakasyon pa kami nang ate mo libre daw niya ang lahat saka para maiba ang view namin ng Mama mo." sagot naman ng Papa ko best actor na rin si Papa at ngumiti na lang ako."Sino ang humahawak sa business natin?" tanong ko na lang kunwari sa Papa ko at sumagot siya."Ako pa rin," sagot naman ng Papa ko sa akin, at binitbit na ang gamit ko nagpaalam kami sa make-up artist at sa iba pang staff."Best actor ka dun ah?" biro ko na lang sa Papa ko.Kumaway na lang ako sa mga kapwa kong celebrity nasalubong
Umalis na rin kaming dalawa sa hotel na tinutuluyan nila lumipat sila nang bansa para maka-gala nang normal nagpunta kami sa England kung saan unang destinasyon nilang dalawa."Welcome to England!" bungad sa amin nang staff sa airport humingi kami nang tulong para sa dala namin."Thank you," sabi naming dalawa nang tulungan kami na sumakay sa kanilang transportation.Kaagad na pinasok sa loob ng sasakyan ang mga maleta namin at nauna akong umupo sa loob ng sasakyan. Umusog lang ako nang bahagya na makita kong tatabi na siya sa akin."Panyo oh," tukoy ko na lang sa hawak kong panyo at inabot ko sa kanya nang mapansin ko ang pawis sa noo at leeg niya."Are you tourists in our country?" tanong ng driver sa aming dalawa."Yes, sir." nasabi ko na lang at sinabi niya ang hotel na tutuluyan naming dalawa."Welcome to our country." masayang sabi ng driver sa amin.Nag-text ako sa pamilya ko para alam nilang lahat nakarating na kaming dalawa sa England."Idlip ka muna," bulong niya sa akin at
Nanood na lang kaming dalawa sa sala nakasandal ako sa paanan niya at ako nasa sofa. Napag-pasyahan namin na uminom din ng alak habang nanonod ng pelikula."Honey, cheers!" sigaw ko na lang sa kanya at tinaas niya ang basong hawak ko.Kinuha niya ang hawak ko nang iinumin ko na ang laman ng baso."Hep! Awat muna, honey," sabi naman niya sa akin at inagaw ang basong hawak ko.Lumungayngay ako sa likod niya ramdam ko na ang kalasingan ko at hinawakan ko ang leeg niya."Honey?" pag-tawag niya sa akin dinilat ko ang mata ko para makita ko siya."Huwag mo—ako iwanan—" utal ko sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya.Naramdaman ko na tinulak niya ako pahiga sa sofa umingit na lang ako. Bumangon siya at binuhat niya ako sumandal na lang ako sa sldibdib niya.Hiniga niya ako sa kama at nang aalis na siya hinila ko siya pahiga sa akin."Honey, matutulog na ako sa kwarto—" utal niya sa akin nang humiga siya sa dibdib ko.Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at umalis siya nang hindi ko namalay
Tahimik lang ako sa gilid ng kama ng kapatid ko kasama ko si ate Li Jing pati si ate Xiulan. Nang nakaraang araw nagtataka ako kung bakit madalas akong mapagod sa trabaho na dati hindi nangyayari sa akin.Kaya madalas nasa bahay lang ako at nagtataka ang pamilya ko. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin dahil alam kong wala akong sakit."Yuan, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Liam?" tanong ni ate Xiulan nang lumapit ito sa akin yumuko naman ako dahil nahihiya akong umamin.Tinaas ni ate ang mukha ko at naiiyak akong tumitig sa kanilang dalawa."Nang maiwan kami sa ibang bansa—" putol ko nang sampalin ako ni ate Xiulan sa mukha mas lalo akong umiyak."Nagtataka na ang magulang natin, Yuan pati kami ni Li Jing kung anong meron sa'yo at madalas kang pagod na walang dahilan at tama ang hinala namin ni Li Jing, alam mo bang buntis ka?" seryosong tanong ni ate umiling ako kaagad sa sinabi niya."Buntis? Hindi ko pa alam kung buntis ako." pag-amin ko, at mas lalo akong umiyak sa
Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang
Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila
Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula
Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n
Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin
Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya
Humagulgol na ako nang iyak sa harapan ni daddy. Nakipag-titigan lang ako kay daddy na hindi pa rin nagpapakita ng reaksyon sa mukha pero, may binigkas ang labi niya sa harapan ko."Pinaramdam nyo sa akin ni mommy na hindi nyo ako anak, dad mula't-sapul na nagka-isip ako...sinasabi sa akin ni yaya na walang katotohanan ang hinala ko sa pag-trato nyo sa akin, dad pero, bakit ganoon ang naramdaman ko sa inyo ni mommy!!" sigaw ko na lang habang humahagulgol nang iyak sa harap niya.Wala pa rin siyang reaksyon pero, nakikita ko na may gusto siyang sabihin sa akin."Ano, dad? Hanggang ngayon ba ganyan kayo pag-dating sa akin palagi na lang ang tingin nyo sa akin ang sama kong anak! Lahat kilos ko may mali sa paningin nyo ni mommy, ito ako at dito ako masaya." sabi ko sa kanya wala ring sinasabi si daddy.Ang manhid nila ni mommy para hindi maramdaman at makita ang nangyayari sa akin."Nasisiraan ka ng bait, Rea! Ano ang pinag-sasabi mo?" paninita ni daddy sa akin.Umiling na lang ako sa ka
Wala na akong babalikang trabaho dahil nang nagpunta ako sa network hindi na ako pinapasok ng security guard sa loob dahil banned na ako. Kasama ko ang isang bodyguard ko mula nang magkausap kami ng manager ko at ka-team sa hotel room 'yon ang huling pagkikita namin.Umuwi na lang ako sa condominium namin wala pa ang dalawang anak ko dahil may klase pa sila sa school nang malaman kong na-bully sila sa kanilang school pumunta kaagad ako para kausapin ang principal pati ang adviser nila sa classroom. Galit na galit ako nang malaman ko 'yon at tinakot ko pa sila. Hindi ako natutuwa na sa mga anak ko nababaling ang pagka-inis nila sa akin. Huwag nila ibuntong sa mga anak ko ang lahat wala silang ginawa hindi maganda para gawin ito sa kanila. Nang makarating kami sa condo maraming reporters ang naka-abang sa may entrance kaya inutusan kong umalis na lang kami ng bodyguard ko. Nang makarating ako sa mansyon namin pinarada ng bodyguard ko ang sasakyan sa garahe. Binuksan ko ang pintuan at
Nag-aalmusal kami nang makarinig ng sigawan sa may pool area kaya tumayo ang lahat para puntahan kung anong nangyayari doon. Naabutan namin na umiiyak si Soren at nasa pool kaya tumalon ang mas matanda na kasama namin para sagipin ito. Umiiyak si Molly sa tabi ng pool area at parang natatakot kaya nilapitan ko ito para pa-kalmahin nanginginig ang buong katawan nito. "Sino ang tumulak kay Soren?" pagtatanong ni ate Xiulan sa mga batang nandoon may tumaas ng kamay at pinagalitan ito ng mga relative ni Liam."Bakit mo 'yon ginawa?!" paninita nila sa isa sa batang nandoon hindi siya pamilyar sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa nito.Kahit sabihin na may alam sila sa sitwasyon ng magkapatid sa buhay ng pamilya ko wala silang karapatan para i-bully sila."Sinbihan niya si ate Molly na malandi katulad ng mommy niya pinag-tanggol lang ni Soren kaya nahulog siya kasi umilag si kuya," sagot ng isa sa bata nandoon isa-isa pinagalitan ng mga magulang ang mga batang nandoon."Napaka-bully nyo nama