Nanood na lang kaming dalawa sa sala nakasandal ako sa paanan niya at ako nasa sofa. Napag-pasyahan namin na uminom din ng alak habang nanonod ng pelikula."Honey, cheers!" sigaw ko na lang sa kanya at tinaas niya ang basong hawak ko.Kinuha niya ang hawak ko nang iinumin ko na ang laman ng baso."Hep! Awat muna, honey," sabi naman niya sa akin at inagaw ang basong hawak ko.Lumungayngay ako sa likod niya ramdam ko na ang kalasingan ko at hinawakan ko ang leeg niya."Honey?" pag-tawag niya sa akin dinilat ko ang mata ko para makita ko siya."Huwag mo—ako iwanan—" utal ko sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya.Naramdaman ko na tinulak niya ako pahiga sa sofa umingit na lang ako. Bumangon siya at binuhat niya ako sumandal na lang ako sa sldibdib niya.Hiniga niya ako sa kama at nang aalis na siya hinila ko siya pahiga sa akin."Honey, matutulog na ako sa kwarto—" utal niya sa akin nang humiga siya sa dibdib ko.Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at umalis siya nang hindi ko namalay
Tahimik lang ako sa gilid ng kama ng kapatid ko kasama ko si ate Li Jing pati si ate Xiulan. Nang nakaraang araw nagtataka ako kung bakit madalas akong mapagod sa trabaho na dati hindi nangyayari sa akin.Kaya madalas nasa bahay lang ako at nagtataka ang pamilya ko. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin dahil alam kong wala akong sakit."Yuan, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Liam?" tanong ni ate Xiulan nang lumapit ito sa akin yumuko naman ako dahil nahihiya akong umamin.Tinaas ni ate ang mukha ko at naiiyak akong tumitig sa kanilang dalawa."Nang maiwan kami sa ibang bansa—" putol ko nang sampalin ako ni ate Xiulan sa mukha mas lalo akong umiyak."Nagtataka na ang magulang natin, Yuan pati kami ni Li Jing kung anong meron sa'yo at madalas kang pagod na walang dahilan at tama ang hinala namin ni Li Jing, alam mo bang buntis ka?" seryosong tanong ni ate umiling ako kaagad sa sinabi niya."Buntis? Hindi ko pa alam kung buntis ako." pag-amin ko, at mas lalo akong umiyak sa
Napalingon kami ng dalawang ate ko sa pumasok na doctor nabaling ang tingin niya sa akin. Umupo ang doctor sa pwesto para akong pinag-papawisan ng malapot tatakot din ako sa malalaman ko."Doc, ano ang resulta?" tanong ni ate Xiulan nang ibaba niya ang cellphone alam kong nasa linya pa rin ang Mama namin."Buntis siya at dalawang buwan ang dinadala niyang bata, hija ano ang nararamdaman mo normal sa nagdadalang-tao hindi maselan ang pagbubuntis mo sa unang anak mo at ng jowa mo." sagot ng doctor sa akin napatingin sa akin ang dalawang ate ko natatakot ako ngayon sa sasabihin ng magulang namin.Lumuha na lang ako sa nalaman ko ang nararamdaman ko ngayon-saya at lungkot ganito pala ang nararamdaman ni ate Xiulan noong dinadala niya ang pamangkin ko kaya bilib ako sa bayaw ko ngayon dahil ang pasensya sobrang haba."Congrats! Magkaka-anak na kayong dalawa!" tili ni ate Li Jing sa akin sinaway siya ni ate Xiulan."Li Jing!" pananaway ni ate Xiulan sa kapatid namin.Hindi ako makapaniwala n
Nang malaman kong nagdadalang-tao si Yuan natuwa ako at hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko naka-titig lang ako sa kanya habang kausap niya ang magulang niya."Bro, congrats 30's ka pala magkakaroon ng anak." pag-bungad ni Zhang sa akin at tinabihan niya ako sa gilid ng resthouse."Zhang...ano ang pakiramdam mo noong una mong malaman na buntis si Xiulan?" pagtatanong ko nakatingin ako sa fiancee ko.Sobra akong masaya ngayon at hindi pa niya nilihim sa akin pati sa pamilya namin."Nagulat ako nung nalaman ko na buntis siya, bro gumagamit ako ng condom kaya shock ako nang matuklasan kong buntis siya hindi ba nga muntik ko nang hindi panagutan si Xiulan? Takot ako na masira ang career ko noong panahon na 'yon at kinausap ako ni Papa noon na huwag daw ako gumaya sa kanya na naging i-responsableng ama saka, namulat lang ako nung makita ko ang anak ko nung pinanganak siya ni Xiulan sabi ko sa sarili ko, ano man mangyari sa career ko lumaos man ako o hindi hindi ko iiwanan ang mag-ina
Nauna kami umalis ng pamilya ko papunta sa ibang bansa kung saan pinanganak ang ancestor ng pamilya namin. Alam nang buong angkan namin ang kasal namin ni Liam nabigla sila pero masaya dahil kalahi pa rin namin ang mapapanga-asawa ko. Ang pamilya namin hindi katulad ng iba na may inggit sa katawan para magtalo-talo ang buong angkan open-minded kami sa lahat maliban noong panahon ng ancestors namin nabago lang nang maging asawa ng lolo ko ang lola ko noon pangalawa sa bunso ng lola ko na Mama nang lolo ko.Isang purong pinay ang lola ko at half blood kami maliban sa ibang kamag-anak namin na may halong European blood.Malawak ang mansyon ng ancestor namin parang mula Pasay hanggang sa Laguna ang lupa."Jiejie! Biao ge!" narinig ko mula sa gilid nabaling ang tingin ko nakita ko ang palapit ang mga pinsan ko.(Sister! Cousin!)Sina ate Li Jing kasama ng ka-edad naming pinsan gusto ko sanang sumama sa kanila kaso pinag-bawalan ako ng Yeye at ng Ayi ko wala namang bawal sa akin basta mag-
After 9 yearsNag-babakasyon ang buong pamilya namin sa ibang bansa. Tahimik ang pamumuhay namin ng asawa ko mula nang manirahan kaming dalawa kasama ang anak namin."Papa!" narinig kong tawag ng nag-iisa kong anak may lumundag sa likod ko kaya muntik ako dumapa mabuti na lang naka-balanse ako."Jerri Yang!" pananaway ko sa anak ko at umalis na siya sa likuran ko bago ako umayos nang pwesto.Bumaling ang tingin ko sa anak ko nag-sign nang peace sign napapailing na lang ako mabuti na lang ang mukha nang anak namin magka-halo hindi mapagkakamalan na anak namin ng asawa ko.Natawa na lang ito sa kakulitang ginawa niya sa akin at minasdan ko siya nang dumating ang anak ko sa buhay namin nagbago ang naging pananaw ko—namin naintindihan ko na ang nararamdaman ni Mama sa akin maliban kay Papa na hindi pa rin nagbago kahit may apo na sa amin.Isang child star ang anak ko noong una hindi ko gusto ang pagpasok nito sa showbiz sa murang edad mas gusto na maging normal na bata siya habang lumalak
Nang mag-hiwalay na kami ng landas may natanaw pa akong babae nakatingin sa mag-ama ko mabuti na lang hindi ako bumaba ng taxi nang lumabas sila kanina. Hindi ko namukhaan ang babae pero hindi siya fans ng mag-ama ko marunong ako tumingin ng mga taong fans o hindi at kung nagmamatyag lang ba ang isang tao sa amin dahil tinuruan ako ni Mama ko nang subukan kong hawakan ang negosyo namin kailangan kong kilatisin ang mga taong nakikita ko kung nag-sisinungaling ba ito o hindi sa negosyo namin.May stalker ang mag-ama ko, ito ang unang hinala ko.Nang dalhin na ako ng driver sa hotel na malapit sa airport bumaba na kaagad ako at humingi ng tulong sa isang crew na tulungan akong dalhin ang gamit ko. "Thank you," sabi ko na lang sa crew at umupo ako sa lobby ng hotel katabi ng maleta ko.Naka-disguise ako ng bahagya nang hindi makikilala ng mga tao. Tumayo kaagad ako nang mapansin ko ang oras kaya humingi ulit ako ng tulong sa dumaan na crew sa tabi ko na ilabas ang mga maleta ko at tumawa
Nang makarating kami ng anak ko sa terminal airport sinalubong naman kami ng mga media at fans na naghihintay sa pagdating namin.Alam nila na nag-babakasyon ang pamilya namin."Totoo ba ang balita na kasama nyo sa pag-babakasyon ang stranged wife nyo?" tanong ng isang reporter sa harap namin.Hindi ako sumagot sa tanong ng reporter at hinarang ko ang mga kamay ko sa harap ng anak ko nang ididikit nito ang mic sa bibig ng anak ko."Excuse me, kailangan namin ng pahinga." sabi ko na lang at mahigpit kong hinawakan ang kamay ng anak ko.Sumunod sa amin ang mga guard nasa gilid namin at sinalubong naman kami ng manager namin at ni Zhang kasama ang pamangkin ko na sumunod sa pagiging celebrity namin nang ama niya."Antok ka pa, insan?" bungad ng pamangkin ko sa anak ko nang tabihan siya."Oo, naiwan namin si Mama dun sabay tayo mag-review ng i-exam natin." sabi ng anak ko sa pinsan niya tumabi naman ako sa kapatid ko na umiiling dahil sa narinig mula sa anak namin."Iniwan nyo talaga si Xu
Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang
Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila
Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula
Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n
Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin
Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya
Humagulgol na ako nang iyak sa harapan ni daddy. Nakipag-titigan lang ako kay daddy na hindi pa rin nagpapakita ng reaksyon sa mukha pero, may binigkas ang labi niya sa harapan ko."Pinaramdam nyo sa akin ni mommy na hindi nyo ako anak, dad mula't-sapul na nagka-isip ako...sinasabi sa akin ni yaya na walang katotohanan ang hinala ko sa pag-trato nyo sa akin, dad pero, bakit ganoon ang naramdaman ko sa inyo ni mommy!!" sigaw ko na lang habang humahagulgol nang iyak sa harap niya.Wala pa rin siyang reaksyon pero, nakikita ko na may gusto siyang sabihin sa akin."Ano, dad? Hanggang ngayon ba ganyan kayo pag-dating sa akin palagi na lang ang tingin nyo sa akin ang sama kong anak! Lahat kilos ko may mali sa paningin nyo ni mommy, ito ako at dito ako masaya." sabi ko sa kanya wala ring sinasabi si daddy.Ang manhid nila ni mommy para hindi maramdaman at makita ang nangyayari sa akin."Nasisiraan ka ng bait, Rea! Ano ang pinag-sasabi mo?" paninita ni daddy sa akin.Umiling na lang ako sa ka
Wala na akong babalikang trabaho dahil nang nagpunta ako sa network hindi na ako pinapasok ng security guard sa loob dahil banned na ako. Kasama ko ang isang bodyguard ko mula nang magkausap kami ng manager ko at ka-team sa hotel room 'yon ang huling pagkikita namin.Umuwi na lang ako sa condominium namin wala pa ang dalawang anak ko dahil may klase pa sila sa school nang malaman kong na-bully sila sa kanilang school pumunta kaagad ako para kausapin ang principal pati ang adviser nila sa classroom. Galit na galit ako nang malaman ko 'yon at tinakot ko pa sila. Hindi ako natutuwa na sa mga anak ko nababaling ang pagka-inis nila sa akin. Huwag nila ibuntong sa mga anak ko ang lahat wala silang ginawa hindi maganda para gawin ito sa kanila. Nang makarating kami sa condo maraming reporters ang naka-abang sa may entrance kaya inutusan kong umalis na lang kami ng bodyguard ko. Nang makarating ako sa mansyon namin pinarada ng bodyguard ko ang sasakyan sa garahe. Binuksan ko ang pintuan at
Nag-aalmusal kami nang makarinig ng sigawan sa may pool area kaya tumayo ang lahat para puntahan kung anong nangyayari doon. Naabutan namin na umiiyak si Soren at nasa pool kaya tumalon ang mas matanda na kasama namin para sagipin ito. Umiiyak si Molly sa tabi ng pool area at parang natatakot kaya nilapitan ko ito para pa-kalmahin nanginginig ang buong katawan nito. "Sino ang tumulak kay Soren?" pagtatanong ni ate Xiulan sa mga batang nandoon may tumaas ng kamay at pinagalitan ito ng mga relative ni Liam."Bakit mo 'yon ginawa?!" paninita nila sa isa sa batang nandoon hindi siya pamilyar sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa nito.Kahit sabihin na may alam sila sa sitwasyon ng magkapatid sa buhay ng pamilya ko wala silang karapatan para i-bully sila."Sinbihan niya si ate Molly na malandi katulad ng mommy niya pinag-tanggol lang ni Soren kaya nahulog siya kasi umilag si kuya," sagot ng isa sa bata nandoon isa-isa pinagalitan ng mga magulang ang mga batang nandoon."Napaka-bully nyo nama