"Dad!!" gulat na bulalas ni Axis pagpasok niya sa hotel room ng pinsan niyang si Amara. Kararating lang niya at dito siya agad pumunta dahil dito na rin siya mag-stay habang narito siya sa Baguio. Hindi niya inaasahan na kasama ng pinsan niya ang amang si Ryker na ngayon ay prenteng nakaupo sa pang-isahang upuan at umiinom ng wine. Habang si Amara ay nakaupo sa mahabang sofa at nasa harap ang laptop at mga dokyumentong nakalapag na rin doon.At kahit hindi niya hulaan ay nagbibigay ng advice ang kaniyang ama sa pinsan niya.Tumingin ang kaniyang ama sa kaniya. Seryoso ang mukha nito at hindi niya matukoy kung ano ang iniisip nito. Huminto pa nga ito sa akmang pagsimaim sa wine glass at itinaas iyon sa kaniya."Hindi ko inaasahan na sasama ka," kaswal na bigkas niya.Saka niya nakita ang pagdilim ng anyo nito."Kung hindi pa ako sasama sa pinsan mo rito para makita ka ay hindi ko masisilayan iyang mukha mo. Ano bang ginawa mo roon sa mountain province at sunog iyang balat mo?" tanong n
"Abigail," tawag ni Mia sa dalaga na kagigising lang pero halatang hindi nakatulog dahil sa malaking eyebags nito. Namumungay rin ang mata niya na makikitang inaantok pa rin. Animo wala itong lakas na naglalakad at panay pa ang hikab.Animo 'di pa gising ang diwa na nilingon niya si Mia."Ah?" blangko ang mukhang usal niya."H-Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" gulat na hayag ni Mia.Tabingi ang ngiting tumango siya at laglag ang balikat na naupo siya sa silya. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas kahit man lang ang tumayo.Alas onse ng gabi siya pumasok at nahiga sa kama. Pero kahit na mariing ipikit niya ang mata ay 'di pa rin siya makatulog. At nang tuluyang agawin ng antok ang diwa niya ay tumitilaok na ang manok sa labas. Pero kaunting kaluskos lamang ay agad siyang nagising. At kahit subukan niyang ituloy matulog ay hindi na siya makatulog."Mamaya pagkatapos nating mag-agahan ay puwede ka namang umidlip," nakakaunawang saad nito at binigay ang hawak nitong cellphone. Nagtatakang
Nang makita ni Abigail na pumasok si Roger sa bakuran ng bahay nila ay agad siyang napatayo. Bumakas din ang tuwa sa mukha niya. Hindi na kasi muling tumawag si Axis kaya hindi nito sinabi na uuwi sila ngayon. Kaya ito at binaha siya ng tuwa na nakauwi na pala sila. Tumutok ang mata niya sa likod ng lalaki at hinihintay na masilayan ang mukha ni Axis pero hindi niya ito nakita. At kahit ilang minuto pa ang nagdaan ay walang sumunod kay Roger.Pero nang ma-realize niyang nag-iisa lang ang lalaki na dumating ay unti-unting nawawala ang ngiti niya at tumabingi ito. Bumakas na ang pagkadismaya sa mata niya at kumirot ang dibdib niya. Subalit pinilit pa rin niyang ngumiti at inalo ang sarili. Umaasa siya na naunang umuwi si Axis sa bahay nito at susunduin siya mamaya. Na gusto lang siya nitong surpresahin para tignan ang magiging reaksyon niya."H-Hindi mo kasama si Axis na umuwi? Nauna ba siya sa bahay?" atubling tanong niya. Kumuyom ang kamao niya habang hinihintay na sumagot ito.Nakita
Nang makita ni Abigail ang taong bumungad sa pinto ng kusina ay nabura ang ngiti niya at pilit na itinago niya ang disgusto. Hindi niya inaasahang susulpot ito ngayon dito. Nagbaba siya ng tingin at hindi na muling sumulyap kay Odette na ramdam din niyang malalim ang tingin sa kaniya. Hindi talaga niya kayang itago ang disgusto niya rito pagkatapos nang away nila sa bahay ni Axis. Simula ng araw na 'yun ay naiinis na siya rito. Ang makasalubong pa nga ito sa daan ay iignorahin niya ito at ituturing itong hangin na parang hindi niya ito nakikita.Siguro ay kung hihingi ito ng tawad sa ginawa nitong panunulak sa kaniya ay baka mapatawad niya ito. Kasi siya iyong klase ng tao na 'pag siya ang nasa tama ay hindi siya ang magpakumbaba. Pero kung siya naman ang nagkamali ay marunong siyang tumanggap ng kaniyang pagkakamali. Even though she doesn't yield easily, she will still consider apologizing to them. Ang babae ang unang nambastos sa kaniya kaya bakit siya ang mauunang hihingi ng tawad
Inilapag ni Axis ang briefcase sa sofa at naupo roon kapagdaka. Kagagaling lang niya sa meeting nila ng investor laking gulat niya ng makita si Faith at ang asawa nito. Ito iyong lalaking naabutan niyang kasama nito noon sa pad ng babae. He's not affected after seeing them together. He already forgot how he feels about her. But the thing he was shocked about was that Mister Fernando also knew her. At lahat ng binanggit nito tungkol sa dalaga ay parang nabilog ang ulo niya.Katatapos lang nilang mag-usap about sa business at kasalukuyang kumakain sila nang makita nilang dumating ang dalawa. Nang makita pa siya ng magkapareha ay parang hindi siya kilala at nilampasan ang table nila. Napansin pa nga niya ang smug look sa mata ng lalaki na kahit saglit lang na tumingin sa kaniya ay nakita pa rin niya. Parang silang mga mayayaman lalo na si Faith sa hitsura nito. The clothes she wore, the way she walked with her head held up high, and everything she did was very refined and flawless. At it
Excited si Abigail na nagpatulong kay Mia na ihanda ang iluluto niyang pakbet at adobo. Dahil ang mga ito ang itinuro nito na mas madali at gustong inuulam ni Axis. At nalaman niya rin mismo kay Mia na hindi totoong adobo ang paborito ng binata kundi lahat ng pagkain ay gusto nito. At gusto niyang sabunutan ang Odette na 'yun dahil akala mo ay alam lahat pero hindi naman pala.Proud pa talaga itong sabihin na ang adobo ang favorite ulam ni Axis pero hindi pala. Kung nandito lang ang babae ay baka inarkuhan na niya ito ng kilay. Ipapamukha niya sa babae na nagmamarunong lang ito para lang sabihin sa kaniya na mas matagal nitong kilala ang lalaki.Hindi niya sure kung anong oras makakauwi si Axis pero gusto niya pa ring ihanda ang lulutuin. Dahil ayaw niyang ang unang pagkain na matitikman ni Axis na niluto niya ay palpak. She wants it to be perfect at makitang nagustuhan iyon ng lalaki. Dito na rin niya ito iluluto at pagkatapos ay ilalagay niya sa container at uuwi sa bahay ng binata.
Hapon na nang lumabas sila ng kuwarto. Saka lamang naalala ni Abigail ang mga niluto niya. Natatarantang binuksan niya ang bag at inilabas ang mga container at binuksan iyon isa isa. Nag-aalala siya na baka napanis na ang mga ito sapagkat mainit pa nang ilagay ni Mia sa container.Kung hindi ba naman dahil sa kalibogan nilang dalawa ay hindi ito mawawala sa isip niya."Ano ba ang mga iyan?" Sinilip ni Axis ang laman ng container at tumaas ang kilay niya nang makita ang laman ng mga iyon. Hindi niya inaasahan na mga pagkain pala ito."H-Hindi naman ito panis, 'di ba? Pinaghirapan kong iluto ito para sana matikman mo," kagat labing hayag nito. Nalungkot ito dahil masasayang ang effort nito kaninang umaga.Ngumisi siya at pinisil ang puwet ng dalaga sabay sabing, "ibang pagkain ang nauna mong pinakain sa akin, eh! Dapat kasi ito na muna ang pinatikim mo sa akin."Pilyang humagikgik ito at pabirong hinawakan ang pribadong katawan niya bago binawi agad iyon. Mapang-akit pa na kinagat nito
Pakiramdam ni Abigail ay mahahati sa dalawa ang utak niya nang gumising siya. She has an extreme headache that she can't bear it. At nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay parang mas lalong sumakit pa ang kaniyang ulo nang tumama ang liwanag sa mata niya. Kaya naman ilang segundo siyang pumikit muli bago nagmulat. Dahan-dahan siyang bumangon dahil matindi pa rin ang pagkirot ng ulo niya. At parang nababang-ag na tumingin siya sa dingding dahil hindi niya matandaan lahat ng mga nangyari kagabi.Ang tanging naalala niya lang ay ang pag-inom niya ng matamis na rice wine. At parang juice kung lagukin niya iyon. She even boosted to them na mataas ang tolerance niya sa alak. Pero hanggang doon lang 'yun. At ang mga sumunod pa na eksena ay blangko at 'di na niya matandaan. At kung pilitin naman niyang alalahanin ay parang sasabog na ang ulo niya kaya isinantabi na muna niya."F*ck sh*t!" mahinang mura niya nang maramdaman muli ang pagpintig ng sentido niya. Kahit gusto niyang humiga uli d
Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling
"Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni
Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even
Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum
Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub
Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear
"What do you mean we're going to the Philippines?" puno ng kalituhan na tanong ni Abigail sa kaniyang ama. Kagigising lang niya at nagkakape sila nang biglang sabihin ito ng ama niya. Napaso pa ang dila at labi niya dahil sa gulat. Hindi niya lubos maisip na maririnig sa bibig ng kaniyang ama ito. Dahil wala sa isip niya ang bumalik muna roon habang wala pa siyang napapatunayan kay Axis. She's still not good enough to become the next CEO of their company."Ako lang sana ang pupunta pero total gusto mo naman na maging pamilyar sa business natin ay magsisimula ka sa pagiging assistant ko. Isasama kita sa mga meetings ko at mag-take note para sa akin," esplika nito."P-Pero bakit kailangan nating pumunta roon?" may pagtutol sa tonong bigkas niya. "A-Ayaw ko pa ang bumalik sa pinas, Dad." Dahil kung pupunta siya ay baka hindi niya mapigilan ang sariling puntahan si Axis."Dahil katatagpuin ko ang may-ari ng Levanter —""Samson, honey," may warning sa boses na tawag ni Stephie sa asawa. "B
It's been a week since Abigail came back. At aminin niyang parang kagigising lang niya sa isang napakagandang panaginip sa gitna pero sa wakas ay naging sad ending. Kahit pa gaano siya kalungkot sa paglayo niya ay pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya ipinahalata sa magulang na sa kalooblooban niya ay umiiyak at nagdurusa siya sa pag-ibig niyang agad natapos pagkalipas lang ng dalawang buwan. Those two months were the happiest and memorable days of her life with Axis. At kapag nakahiga na siya ay ang mukha at ngiti ng binata ang agad na naglalaro sa kaniyang balintataw. At sa hindi nakikita ng magulang niya ay umiiyak siya at tinatawag ang pangalan ng binata.At sa isang linggo na narito siya sa kanilang bahay sa Los Angeles ay ang tignan ang mga assets at nakaraang financing activities ng kanilang pabrika. Ito ang inatupag niya mula umaga hanggang sa hating gabi. Pero hindi pa rin ito sapat para maiwaglit niya sa isip si Axis. Dahil kahit na anong gawin niya ay ito pa rin ang laman
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito