Siguradong magmumukha siyang kahiya hiya sa harapan ni Melanie kaya mas piniling manatili at magtiis ni Samantha sa kaniyang kinauupuan. Nakapagdesisyon na rin siyang utusan ang kaniyang anak na makipagdivorce kay Darryl sa sandaling makauwi sila mamaya. At sisiguruhin na niya sa pagkakataong ito na matatapos na matatapos na ng dalawang fillupan at pirmahan ang mga papeles bukas. Inisip naman ni Lily na sumosobra na si Melanie pero wala na rin siyang nagawa pa rito nang makita niya ang katabi niyang si Darryl.“Nagawang magpaimpress ng mga napangasawa ng mga kasama namin dito ang mga kaibigan ng kanikanilang mga kaibigan maliban na lang sa napangasawa kong ito. Bahala na nga!” Isip ni Lily.Sa mga sandaling ito, nakangiting tumingin si Melanie kay Darryl at sinabing, “Anong masasabi mo sa regalong ibinigay ng manugang kong si Jimmy sa akin, Darryl?”Nang hindi tumitingala, tila walang pakialam na sinagot ni Darryl ang tanong ni Melanie, “Hindi na masama.”“Hindi na masama? Nagbib
Makikita sa loob ng box ang isang napakaglamorosong necklace.Maging ang mga ruby na makikitang nakakabit sa necklace ay naging kasing laki ng mga itlog ng kalapati. Napakagandang kuminang ng necklace na ito sa ilalim ng liwanag. Kaya kung ikukumpara magmimistulang buhangin ang mga diyamanteng nakakabit sa dress na ibinigay ni Jimmy sa necklace na ito. Siguradong masasabi ng sinumang may dalawang mata na mas malaki ang halaga ng necklace na ito sa dress na ibinigay ni Jimmy.Pero…“Nagkakahalaga na ng ilang milyon ang bawat isang ruby na may ganitong laki hindi ba? At kung titingnan mukhang aabot sa halagang hindi bababa sa twenty million ang necklace na ito?”“Mula sa isang kagaya niya? Nagawa ng isang basurang kagaya ni Darryl na magbigay ng isang mamahaling regalo? Imposible!”“Oo nga, kaya iniisip kong baka peke ang isang ito.”Binatikos ito ng mga nakapaligid na tao habang nabablangko naman ang isipan ni Jimmy. Maaaring hindi ito nakikita ng lahat pero nagtrabaho si Jimmy no
Napasimangot si Lily habang pinapanood ang sasakyaang mabilis na nawala sa kaniyang paningin, matapos nito ay agad na siyang naglakad papasok sa kanilang tahanan.…Sa Seaview Mansion na pagmamayari ng mga Darby.Bumangon na si Jackson sa kaniyang kuwarto. Nacoconfused nitong minulat ang kaniyang mga mata habang nakakaramdam ng hangover. Hindi na niya maalala kung gaano karami ang kaniyang nainom sa kaniyang kasal. Pero mukhang nakuntento naman siya rito. Matapos ng dalawang taon nilang pagsasama ni Rebecca, nagawa na rin nilang magpakasal, at ang mas lalong nakapagpatuwa sa kaniya ay ang pagpapakita ni Darryl, na hindi niya nagawang makita sa loob ng ilang taon. Kaya isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mukha habang bumabangon at naglalakad palabas ng kuwarto.“Rebecca?”Tinawag niya ang kaniyang asawa sa kanilang sala pero hindi ito sumagot sa kaniya, dito na siya nakaramdam ng hindi maganda.Nakita niyang nakabukas ang pintuan papasok sa guest room kaya agad siyang
”Nakaramdam ako ng hapdi noong una, pero naisip ko na baka ikaw lang ito, kaya…”Matapos itong alalahanin, nakaramdam ng matinding sakit si Rebecca. Dito na niya tiningnan ang eight diagram na salamin at nagsimula sa pagsususpetsa kay Darryl.Hindi na nagsalita pa rito si Jackson na yumakap sa kaniyang asawa habang nakasara nang husto ang kaniyang mga kamao na halos magdugo na sa sobrang diin ng kaniyang mga kuko sa laman ng kaniyang palad. Para maprotektahan ang kaniyang reputasyon, hindi nila sasabihin ang nangyaring ito sa publiko. At ang pinakamaganda nilang naisip ay ang paggawa ng sarili nilang imbestigasyon tungkol dito.Pero narinig ng dalawang mga maid sa labas ng kuwarto ang usapan ng magasawa. Agad na nagtinginan ang mga ito sa sobrang gulat.Nang makita ni Rebeccang pagod na ang dalawang mga maid nila sa wedding reception, sinabihan na niya ang mga itong magpahinga. Kaya nang mangyari ang pangaabuso kay Rebecca, kasalukuyang nagpapahinga ang mga maid na walang kaalam al
Sa mga sandaling ito, umupo si Grandma Lyndon sa kaniyang kinauupuan, umikot ang kaniyang paningin sa paligid habang seryosong nagsasalita sa mga ito.Binubuo ang mga tao sa kaniyang paligid ng mga miyembro ng pamilya Lyndon. At ang bawat isa sa mga ito ay may bagsak na mga mukha habang nananatiling tahimik sa kanilang kinatatayuan. Sa totoo lang, napasakamay ni Paul James ang kapangyarihang magdesisyon ng mga Lyndon para sa kanilang mga kumpanya. At si Paul James ay hindi rin isang pangkaraniwang tao kaya ang pinaplano ni Grandma Lyndon na ibalik sa kanila ang awtoridad sa kanilang mga kumpanya mula rito ay maituturing na isang panaginip na walang wala sa realidad. Sa mga sandaling ito kuminang ang mga mat ani William Lyndon na tumayo at nagsabing “Mayroon po akong ideya, Grandma.”“Magaling, sabihin mo sa amin ang naiisip mo ngayon, William.” Natutuwang sinabi ni Grandma Lyndon.Dahil sa insidente ng pananabotahe kay Giselle Lindt noon, pinarusahan ng pamilya Lyndon si William na
Muling inulit ni Grandma Lyndon ang kaniyang mga sinabi, “William, sa sandaling mabenta mo ang ating mga shares, hindi lang kita bibigyan ng isang malaking pabuya, dahil ipapahawak ko rin sa iyo ang bagong kumpanyang itatayo natin.”“Maraming Salamat po Grandma. Maraming Salamat po!” Halos sumabog sa sobrang pagkasabik si William habang sinasadyang tingnan si Lily.“Hindi ba’t ikaw ang may pinakamataas na naitulong sa ating pamilya? Ninakaw mo ang deal na ginawa ko sa Platinum Corporation. Pero ngayong naharap sa panganib ang ating mga kumpanya, hindi ba’t ako pa rin ang nagsalba nito para sa ating lahat?” Isip ni William sa kaniyang sarili.Matapos ang isang sandali, isang itim na limousine ang pumarada sa entrance ng mansyon na pagmamayari ng mga Lyndon. Isang lalaki ang naglakad pababa rito na nakasuot ng isang casual na damit at isang pares ng shades sa kaniyang mga mata. Ito ay walang iba kundi si Trent Young na may kasamang mga body guard na sumusunod sa kaniyang likuran. Nasa
Hindi naging kumportable si Elsa dahil sa pressure ng pagtingin sa kaniya ng lahat. Gusto niyang magsalita pero hindi niya ito magawa.Nakabalik na rin si William sa realidad at agad na sinabing “Tinakot mo talaga ako roon kuya! Hindi ako mapakali kaiisip kanina kung ano ang kundisyong hinihingi mo pero ito lang pala iyon!”Hindi nagsalita rito si Trent, umaasa lang itong nakatingin kay Grandma Lyndon. Ang pinopropose niyang kasalan na ito ang magdedetermina sa kinabukasan ng pamilya Lyndon na tanging si Grandma Lyndon lamang may karapatang makapagsabi.Sa mga sandaling ito, hindi na nagdalawang isip pa si Grandma Lyndion at nakangiting sinabi na “Ikinagagalak naming ang pakikipagisa ng aming pamilya sa inyo Master Young sa pamamagitan ng isang kasalan,” Dito na lumingon si Grandma Lyndon kay Elsa at agad na nagtanong ng “Ano sa tingin mo Elsa?”Tumayo rito si Elsang magsisimula na sana sa pagsasalita nang makita nila ang pagiling ni Trent habang nagsasabing “Nagkakamali po kayo Gr
”Tsk tsk, napakasexy! Mas lalo kitang nagustuhan matapos kong makita ang galit mong mukha. Kaya siguradong sigurado ako sa aking sarili na ikaw ang gusto ko.” Hindi napaatras ng naging reklamo ni Lily si Trent na mas lalo pang nasabik sa kaniyang mga nakita.Nang sabihin niya ito, muli niyang hinawakan si Lily. Pero sa pagkakataong ito, ginamit na si Trent ang kaniyang martial skill para kunin ang kaniyang mga kamay. Natural lang na hindi na nagawa pang lumaban ni Lily. Matapos nito ay agad na lumapit si Trent at malakas na inamoy si Lily sa harapan ng lahat at agad na nagkaroon ng parang nananaginip na mukha habang sinasabi na “Napakabango mo talaga.”Dito na tuluyang nagberde ang mukha ni Grandma Lyndon, Sa totoo lang, pumapayag na siya sa inaalok na proposal ni Trent kay Lily, dahil hindi naman ito naging masama para sa kanila. Magbibigay na sana siya ng araw kung kailan maiuuwi ni Trent si Lily sa kanila. Pero agad na nagpakita ng hindi magandang pagaasal si Trent sa harap niya a