Ang mga tingin ni Simon ay mas lumamig. Hindi masyadong matanda ang itsura ni Darryl ngunit medyo malaki ang kanyang boses. “Kung ganon ang kaso, kailangan nating maging seryoso sa pustahan.” Nakangiting sinabi ni Darryl. “Kapag natalo ako, tatawagin kong pinuno ang attendant mo, pero kapag nanalo ako, tatawagin akong pinuno ng asawa mo. Maraming reporters ngayon, kaya wag mong babawiin ang sinabi mo.” Malakas na tumawa ang mga audience. “Akala talaga ng batang ‘to ay mananalo siya!” “Oo, si Manong Crescent ay isang matanda galing sa Artemis Sect at marami na siyang nasulat na tula. Sino ba ‘tong batang ‘to kumpara sakanya?” “Ang batang ito ay walang ideya na maraming talentadong tao rito. Akala niya siya ang pinakamagaling!” Nang marinig siya ang bulong ng mga tao, tumawa si Simon at sinabing, “Bilang isang matanda na galing sa Artemis Sect, hindi ko babawiin ang mga sinabi ko.” Ang asawa ni Simon na si Summer, ay tumango habang tumatawa. Kilala si Summer bilang isang
“Paano sila magkakaroon ng isang round lang?”Ang mga tao ay sumang-ayon sa suhestyon na tatlong round. Gustong gusto nilang panigan si Simon. Sumakit ang puso ni Darryl. ‘Ugh! Lahat sila ay nasa paligid!’ Nagbigay ng pekeng ngiti si Darryl sa mukha niya at sinabing, “Sige, dalawang panalo sa tatlong round. Sisiguraduhin kong mananalo ako. Sige na, sinong gustong magisip ng panibagong tema?” “Ako na!” Isang medyo matandang lalaki ang tumayo bigla sa audience. Ang lalaking ito ay ang may-ari ng Wealth Dance Hall, si Howard Wallis. Syempre, walang tututol kapag ang may-ari ang gustong magisip ng tema.Napag-isipan ni Howard nang matagal bago niya sabihin, “Sige, gumawa ka ng tula tungkol sa papuri sa katabi mong babae.” Ang buong hall ay natahimik.Lahat sila ay nakatingin kay Simon. ‘Purihin ang babae na nasa tabi ko? Ang dali naman.’May tiwala si Simon sakanyang sarili. Tiningnan niya ang kanyang asawa na si Summer nang nakangiti. Nagisip pa siya nang tatlong minute bag
Tiningnan ni Cheryl si Darryl nang malapitan habang ang mga mata niya ay kumikinang. Ang saya niya! Ang ginawa tula para sakanya ng kanyang pinuno ay napakaganda! ‘Ang magandang kalangitan ay ang kanyang damit at ang magandang bulaklak ay ang kanyang mukha.’ Ang ibig sabihin nito ay ang magandang ulap sa kalangitan ay ang kanyang damit at ang mga bulaklak ay kasing ganda ng kanyang mukha… Ang konsepto nito ay halatang mas mataas kaysa kay Elder Crescent; mas mataas na antas!‘Ang magandang kalangitan ay ang kanyang damit at ang magandang bulaklak ay ang kanyang mukha!’ ito ay isang magandang linya. Maraming tao sa audience ang kumuha ng papel at sinulat ang tula rito. Lahat sila ay nakatingin kay Darryl na may halong gulo sakanila ekspresyon. ‘Napakatalentado niya…’ Nakangiting tumingin si Darryl kay Simon. “Bilang isang matanda galing sa Artemis Sect, ang mga tula mo ay walang kwenta. Sa tingin ko ay hindi mo na dapat akong kalabanin, wag mong ipahiya ang sarili mo.” Masa
Gayunpaman, madudungisan ang kanilang reputasyon. Kahit anong mangyari, marami ang tao sa lugar. Lahat sila ay sikat at mayayaman. Naroon din ang press.Dahil sila ay natalo, kailangan niya itong aminin.“Aking mabuting alagad, pwede ka nang tumayo.” Natuwa si Darryl, dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta kay Summer. Pagkatapos ay tinapik niya ang ulo ni Summer.Ang ginawa ni Darryl ay naging dahilan kung bakit namula si Summer.Tumawa si Darryl at sinabi kay Cheryl, “Hindi ba mabait naman ako sa’yo? Nahanap na kita ng kapatid. Tawagin niyo akong pinuno.”“Opo, Pinuno.” Napagsama-sama ni Cheryl ang kanyang naiisip. Hindi na siya kumurap nang tingnan niya si Darryl. Nagsimula na siyang hangaan si Darryl.Alam nang lahat na sikat si Summer dahil sakanyang talent at siya ay naging kapatid ni Cheryl. Hindi pinangarap ni Cheryl ito.Bang!Nang makita ni Simon na yumuko ang asawa niya kay Darryl at tinawag itong pinuno, nagalit siya. Tapos ay nahimatay siya.“Nahimatay si El
Habang siya ay nagsasalita, tumingin si Cheryl kay Darryl pagkatapos ay kay Jewel. “Ang Mysterious Canyon ay punong-puno nang kapahamakan. Pinuno, mayroon ka lamang isang alagad na babae na kasama. Hindi kayo makadadaan sa canyon sa kasalukuyang kalagayan mo.”Ugh! Ang Mysterious Canyon ay ganon kapanganib?Habang iniisip niya ito, huminga nang malalim si Darryl at sinabing, “Hindi mo na ako kailangang isipin kung kaya ko bang malampasan ang canyon. Kailangan mo lang sabihin sakin kung saan ang daan papunta roon.”Kahit anong hirap pa ‘yon, kailangan niya pa ring umalis. Hindi siya pwedeng manatili sa lugar kung nasaan siya habang buhay.Kinuha ni Jewel ang braso ni Darryl at sinabing, “Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Hindi ako natatakot, kahit anong hirap pa ‘yan.”Natigilan si Cheryl. Tapos, ngumiti siya. “Pinuno, kahit na sabihin ko sa’yo ang daan papuntang Mysterious Canyon, hindi ka pa rin makapupunta roon. Ang Mysterious Canyon entrance ay matatagpuan sa bundok likod
Sa Great East Continent, lahat sila ay naglalakbay gamit ang traysikel. Ang mga mayayamang pamilya lamang ang may kayang sumakay sa kotse. Ang kotse nila ay ‘yong mga makaluma.Si Marcus ang nagmaneho at dinala sila sa labas ng siyudad. Ang kanyang mga tao ay nakasunod sa likod ng kotse.Excited si Jewel makasakay sa kotse. Kahit na lumaki siya sa Great East, ‘yon ang unang beses niyang makasakay sa isang makalumang kotse. Siya ay mausisa sa kotse.“Hindi ordinaryo ‘tong kotse na ‘to, Pinuno.” Hindi mapigilan ni Jewel ang kanyang saya. Tinitigan niya ang manibela na hindi kumukurap. “Isang bilog ang nagpapaandar sakanya at umaandar na siya, umaandar ito nang mabilis.”Ang cute ni Jewel!Tumawa si Darryl habang tinatapik niya ang ulo ni Jewel. “Bibilhan kita balang araw. Maaari kang mag-enjoy kapag mayroon ka na.”Mabagal ang pag-andar ng isang makalumang kotse.‘Ipapakita ko sa’yo ang pinakamabilis na kotse sa World Universe kapag balik natin doon, mas mabilis ang kotse na ‘yon.
“Jewel!” natigilan si Darryl. Tumalin siya pababa ng talampas at hinawakan ang kamay ni Jewel na walang pag dadalawang isip.Niyakap siya ni Darryl papunta sa dibdib niya. Tapos, hinabaan niya ang kanyang braso para maabot ang kahit anong bagay na pwede niyang kapitan pero wala siyang ibang makapitan kundi madulas na mga dingding sa talampas.‘Ugh! Hayop na Marcus ‘yon! Tinuro niya samin ang daan papunta sa kamatayan!’Mahigipit na niyakap ni Darryl si Jewel. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang bangin. Nagdasal siya na sana hindi pa ito ang katapusan nila.……Sa World Universe.Sa bahay ng pamilya Lyndon sa Donghai City.Ang bahay ng mga Lyndon ay punong puno ng mga ilaw at dekorasyon. Ang hall ay punong puno ng mga dekorasyong pangcelebrasyon.Nakaupo si Lily sa sofa sa sala at maganda ang kanyang kalagayan. Ang mga mata niya ay punong puno ng kasiyahan.Matapos niyang makasama si Wade nang higit isa ng buwan, masyadong natuwa si Lily sakanya. Siya ay malambing at maalaga
Nang mahulog sila, sinubukan ni Darryl ang kanyang makakaya para protektahan si Jewel, hindi nasaktan si Jewel.Umubo si Darryl nang ilang beses bago siya ngumiti, “Okay lang ako, hindi pa naman ako patay.”Habang nagsasalita siya, galit siya.Hayop na Marcus ‘yon! Anong karapatan niyang paglaruan kami! Maswerte lamang dahil mayroon siyang intense internal energy. Ang pagtama sa dingding ay binawasan ang gravity. Kung hindi man, pareho silang mahuhulog at magpi-piraso.Kahit na hindi pa siya patay, nagkaroon ng matinding shock ang kanyang katawan.Huminga nang malalim si Jewel at napanatag nang marinig niya na okay lang si Darryl.Tumingin sa paligid si Darryl. Madilim pero napagtanto niya na ang mataas na talampas ay napaliligiran ng gubat.‘Hatinggabi na. Kailangan pa naming mag hintay nang umaga kinabukasan bago kami makaalis. Kailangan ko mabawi ang internal energy ko.’Noong iniisp niya ang mga bagay na ‘yon, sinubukan niya pakalmahin si Jewel. “Wag ka na mag-alala. Magpah