Hindi malakas ang kaniyang boses, ngunit umalingawngaw ito sa Vector Mountains.Nagpalitan ng tingin ang mga sundalo at heneral ng Godly Region, ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na magsalita.'Sya ang magiging Heaven Emperor?'Napasimangot si Darryl, namuo ang gulat at galit sa kaniyang dibdib nang marealize niya kung ano ang nangyayari.Hindi nabigo sa paglilinang ang Ancient Ancestor. Pinatay siya ni Emperor Aurelias..."Emperor Aurelias!"Isang heneral ng Godly Region ang naglakas-loob na lumabas at sabihin kay Emperor Aurelias na, "Sa kung anong mga nangyayari ngayon sa Godly Region, talagang totoo na kelangan ng isang taong maninindigan at kokontrol ng sitwasyon. Gayunpaman, isang malaking bagay ang papel ng Heaven Emperor, at sa palagay ko, dapat maglaan tayo ng oras sa pagpasya tungkol dun."'Maglaan ng oras sa pagpasya?'Napangisi si Emperor Aurelias sa mga sinabi nito bago nagbato ng atake na kasing bilis ng kidlat.Thump!Hindi man lamang nagkaroon ng oras
"Masusunod, Kamahalan."Sumagot ang mga sundalo bilang tugon, at tinali si Darryl.Napunta ang tingin ni Emperor Aurelias kay Empress Heidi. "Hindi mo na kelangan makialam pa sa mga royal affair, Heidi. Mas magiging maayos para sayo kung mananatili ka na lang sa Jade Fairy Realm mula ngayon."Hindi na hinintay ni Emperor Aurelias na sumagot si Empress Heidi, at inutusan ang ilang mga heneral ng Godly Region upang ibalik siya sa Jade Fairy Realm....Nakaupo nang naka-cross-legged na posisyon si Master Magaera sa Westham City sa Nine Continents, tahimik na inaangkin ang paglilinang ng lason ni Yusof.Sa wakas, nagpakawala siya ng hininga, nararamdaman ang enerhiya sa kaniyang katawan at kontentong nakangiti.'Antas ng Martial Emperor. Hindi na masama.'Umalingawngaw ang tunog ng takong mula sa itaas. Patulak na binuksan ang pinto ng kuwarto, at tumambad ang asawa ni Noha na si Jillian Webber.Nang makapasok, tumitig ng masama si Jillian kay Master Magaera bago malamig na sinabi
"Ikaw..."Sa ilalim ng matinding sakit, nablangko ang isip ni Quenton. Isang salita lamang ang kaniyang nasabi bago bumagsak sa lupa nang patay. Nanlaki ang kaniyang mga mata na puno ng takot at galit.Nang makita ang eksenang ito, napasinghap ang mga lalaking nakaitim. Nakaramdam sila ng panlalamig sa kanilang gulugod.Masyadong mabilis si Master Magaera. Halos hindi nila ito nakita ng maayos at nalaman na lamang nilang patay na si Quenton.Kelan pa naging hindi lamang isang maglilinang kundi naging isang kakila-kilabot na makapangyarihan din sa ganoong bagay ang talunang palikerong ito?Hindi na nag-abalang magsalita si Master Magaera. Mabilis siyang gumalaw at muling umatake.Slam! Slam! Slam!Hindi nakapag-react ang mga lalaki sa oras. Matapos ang ilang mga mahihinang ungol, bumagsak silang lahat sa lupa at nahimatay.Hindi mapigilan ni Jillian, na nagtago sa sala sa itaas, ang kaniyang pagiging mausisa at pag-aalala. Palihim siyang naglakad papunta sa balkonahe upang pagma
Ang hanapin muna si Empress Heidi ang tanging solusyon....Sa pangunahing bulwagan sa Jade Fairyland, pabalik-balik na naglalakad si Empress Heidi sa kaniyang eleganteng mahabang damit. Puno ng galit ang kaniyang magandang mukha.Hindi nangahas na magpakawala ng kahit isang hininga ang ilang mga alilang babae sa gilid at ang godly soldier sa tabi ng pinto."Napakasama."Matapos ang ilang pabalik-balik na lakad, umupo si Empress Heidi sa sopa na gawa sa kahoy at mabangis na sinabing, "Yung Aurelias na yun. Bago lang sya sa pagiging emperador nya, at binabantayan na nya kagad ako. Nakakasuklam."Matagal na niya itong pinlano. Nang halos malapit na niyang mapamunuan ang Godly Region nang dumating si Emperor Aurelias, wala sinuman sa kaniyang posisyon ang makakatanggap ng ganoong bagay. Ang pagpapadala ni Emperor Aurelias ng mga godly soldier upang bantayan ang kaniyang bawat galaw sa Jade Fairyland ang nagpalala pa rito.Pagkatapos noon, hindi napigilan ng isang godly soldier na
"Nakabalik ka narin sa wakas! Napakagandang balita neto!"Pagkasabi noon, naisip ni Empress Heidi ang sitwasyon at malumanay na bumuntong-hininga. Dumilim ng kaunti ang kaniyang nagliwanag na ekspresyon.Nang makita siyang ganoon, hindi naiwasang magtaong ni Master Magaera ng, "Kamahalan, anong problema?"Napabuntong-hininga si Empress Heidi at detalyadong ikinuwento ang sitwasyon. Sa huli, mabangis na sinabi ni Empress Heidi na, "Kasalanan ni Darryl ang lahat ng to. Pinalaya nya si Emperor Aurelias mula sa Immortal Tomb. Kung hindi dahil dun, namumuno na sana ako sa Godly Region."Nang marinig iyon, nanginig si Master Magaera. Mukha rin siyang nangangamba."Kalimutan mo na yun. Wag na nating pag-usapan to."Sa sandaling iyon, may naisip si Empress Heidi. Ngumiti siya at sinabing, "Ang ligtas mong pagbalik ang pinakamagandang bagay na nangyari. Sa Jade Fairyland, nag-imbak ako ng maraming Godly Elixir. Tutulungan kitang mabawi yung fairy soul mo." Iyon mismo ang gusto ni Master
Pagkatapos noon, agad na lumabas ng selda si Romeo.Sandaling natigilan si Circe bago siya hinabol, at nakitang naglaho na si Romeo sa kalangitan....Matapos makuha at ubusin ni Master Magaera ang Godly Elixir sa Jade Fairyland, hindi nagtagal, umabot na sa antas ng Heaven Ascension ang kaniyang kapangyarihan.Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat upang muling mabawi ang kaniyang fairy soul.Sa pagharap sa ganoong sitwasyon, nakapanlulumong napakunot ng noo si Master Magaera. Ayon sa bilis, sa oras na muli niyang mabawi ang kaniyang fairy soul, nakuha na ni Emperor Aurelias ang buong kontrol sa Godly Region. Sa panahong iyon, huli na ang lahat.Ano kaya ang puwede niyang gawin?Pumasok si Empress Heidi sa kuwarto. Nang makita niyang nakaabot na si Master Magaera sa antas ng Heaven Ascension, natuwa siya. "Hindi na masama. Naabot mo na kagad yung antas ng Heaven Ascension nang napakabilis."Mapait na humagikgik si Master Magaera, umiling siya, at sinabing, "Antas lang to ng Heaven
Swoosh!Nang maramdaman ang mayabang na ugali ni Romeo, nagdilim ang ekspresyon ni Dax. Tumayo siya at pinagalitan si Romeo."Bastos kang bata ka! Uncle Dax dapat ang tawag mo sakin. Naiintindihan mo ba?"Noong nakaraan, naging bastos si Romeo kay Darryl sa altar ng Elysium Gate. Pagkatapos noon, inatake niya sina Dax at Chester sa Elixir Sect. Nagbigay ito kay Dax ng masamang impresyon kay Romeo.Sa sandaling iyon, hindi lamang lumampas sa kaniyang mga hangganan si Romeo, ngunit tinawag din niya si Darryl sa kaniyang buong pangalan. Hindi na nakapagpigil si DaxNanatiling kalmado naman si Chester. Malumanay siyang nagtanong ng, "Mabait kong pamangkin, bakit mo hinahanap si Darryl?"Hindi na nag-abala si Romeo na makipag-usap sa kanila. Malamig niyang sinabing, "Sino ang mabait mong pamangkin? Papuntahin nyo si Darryl dito at harapin ang kamatayan nya."Nang marinig iyon, hindi nakapagpigil si Dax. Galit siyang sumigaw ng, "Ikaw bata ka! Sa tingin ko kelangan mo na talagang mabu
"Pfft…" Sa sandaling siya'y bumagsak sa lupa, dumura si Dax ng dugo mula sa kanyang bibig. Napakahina niya.Namutla ang mukha ni Chester. Tiningnan niya si Romeo, hindi siya makapagsalita sa sobrang pagkabigla. Ang lakas na nakamit ni Romeo sa loob lamang ng ilang araw ay hindi kapani-paniwala.Tumawa si Romeo na puno ng panlalait. Kinutsya niya sina Dax at Chester, "Kayong dalawa ay walang kwenta, pero naglakas loob kayong magmalaki sa harap ko."Nagalit si Dax sa kanyang narinig. Gusto niyang sumagot, pero wala siyang masabi.Sa katotohanan, tinalo na sila ni Romeo dati. Ito ang masakit pero totoong nangyari.Sa oras na iyon, hindi pa rin alam nina Chester at Dax na ang bata sa harap nila ay hindi na anak ni Zhu Bajie. Ang kaluluwa ng demonyo na si Archfiend Antigonus sa loob ng kanyang katawan ay ganap ng nagising."Kapatid na Chester, nandito kami para tulungan ka.""Oy, bata, wag kang masyadong mayabang!""Sama-sama nating salakayin siya!"Hindi na makapagpigil ang ibang