Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, naglabas si Yusof ng isa pang pill na kaniyang ibinato kay Lucifer.Nagmamadali namang ininom ni Lucifer ang pill bago ito yumuko ng buong pagpapasalamat kay Yusof. “Maraming salamat po sa pagbuhay ninyo sa akin.”Nacucurious na tiningnan ni Lucifer si Magaera habang nagsasalita.‘Ano ang nangyayari kay Sir Noha? Kinamumuhian nito ang mga cultivator noon kaya bakit siya biglang nakipagkaibigan sa isa sa mga ito? Para lang ba ito sa buhay ko?’Nang maramdaman niya ang pagtataka ni Lucifer, humarap si Magaera para pasimpleng umiling dito na pipigil sa anumang mga tanong ni Lucifer sa kaniyang isipan.Hindi nagtagal, sumakay na ang tatlo sa sasakyan at agad na nagpunta sa Westham City.Pagkalipas ng ilang oras, nakarating na rin ang sasakyan sa Westham City.Hindi pinapunta ni Master Magaera si Lucifer sa mansyon. At sa halip ay pinagmaneho niya ito papunta sa isang club sa likuran ng isang bundok sa hilaga.Hindi pa sumisikat ang liw
Ugh!Hindi pa gaanong nakakalayo si Yusof nang biglang namula ang kaniyang mukha, sariwang dugo ang lumabas mula sa kaniyang bibig habang kaagad siyang nanghina.Naubos mula sa kaniyang kasiyahan kanina ang kaniyang awra ng dugo at lalo lamang pinahirapan ng Triple Yang Formation ang kaniyang sitwasyon, na naging dahilan upang magkaroon ng baligtad na epekto sa kaniya ang paglalabas ng panloob na enerhiya."Ikaw..."Malinaw na naramdaman ni Yusof na nabaligtad ang panloob na enerhiya sa kaniyang katawan at halos imposible na makontrol. Sumiklab siya sa gulat at galit, at nakatitig ng masama kay Master Magaera."Sino... Sino ka?"Hindi kailanman magkakaroon ng ganoong kapangyarihan ang kahit sinong ordinaryong mayaman.Hindi naabala si Master Magaera na paliwanagan si Yusof. "Sabi ko sayo, wala kang karapatan para malamaman kung sino talaga ako. Ikaw ang humiling neto, binangga ako sa ganyang pag-uugali mo."Parehong nagalit at natakot si Yusof. Gusto niyang pigilan ang awra sa
Si Empress Heidi iyon.Nang malaman na nag-uudyok ng kaguluhan ang spirit beast ng Ancient Ancestor na si Tarrasque sa Vector Mountains, hindi na nangahas si Empress Heidi na mag-aksaya ng segundo bago dalhin ang kaniyang mga hukbo.'Naglalaban parin sila...'Napangiti si Darryl sa nakikita sa kaniyang harapan, at nakaramdam ng alon ng kasiyahan.Inakala ni Empress Heidi na kaya niyang pamunuan ang Godly Region kasama ang lahat ng kaniyang mga tagasuporta. Ngunit, medyo sisirain ni Tarrasque ang kaniyang kasiyahan.Mapanghamak at naiinip lamang ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. "Tarrasque? Sa palagay ko hindi naman yan ang pinakamasamang pwedeng mangyari. Hayaan mo lang yung halimaw na pigilan sila saglit."Kasunod nito, lumingon si Emperor Aurelias kay Darryl. "Pupuntahan ko yung Master ko. Dito ko lang at magbantay kung may mangyari."Naisipan ni Darryl na sumama sa kaniya, ngunit napatango lamang bago itago ang kaniyang sarili upang panoorin ang labanan.Hindi na nag-aksay
Sa wakas, tumayo si Darryl sa kaniyang mga paa at sumulyap sa pasukan ng barrier.Napakatagal nang nandoon ni Emperor Aurelias. Bakit hindi pa siya lumalabas?May nangyari kaya sa kaniya?Habang napapaisip sa kaniyang sarili si Darryl, isang nakakasira ng lupa na dagundong ang tumunog mula sa barrier. Sa isang kisap-mata, sabay-sabay na napatingin ang lahat.Namangha at hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.Isang sinag ng liwanag na dumadaan sa barrier ang tanging makikita lamang, na umaaligid sa kalagitnaan ng ere. Sa ilalim ng napakalaking puwersa, nagsimulang lumitaw ang mga bitak sa barrier bago ito tuluyang nabasag.Lumulutang sa gitna ng liwanag ang isang matangkad at malapad na pigura na dahan-dahang lumalabas. Mayabang ang kaniyang ekspresyon, at naglalabas ng nakakatakot na awra.Syempre, si Emperor Aurelias iyon.Whew...Hindi napigilan ng mga sundalo at heneral ng Godly Region na mapasinghap sa presensya ng kaniyang makapangyarihang awra.Nanginig si Empres
Hindi malakas ang kaniyang boses, ngunit umalingawngaw ito sa Vector Mountains.Nagpalitan ng tingin ang mga sundalo at heneral ng Godly Region, ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na magsalita.'Sya ang magiging Heaven Emperor?'Napasimangot si Darryl, namuo ang gulat at galit sa kaniyang dibdib nang marealize niya kung ano ang nangyayari.Hindi nabigo sa paglilinang ang Ancient Ancestor. Pinatay siya ni Emperor Aurelias..."Emperor Aurelias!"Isang heneral ng Godly Region ang naglakas-loob na lumabas at sabihin kay Emperor Aurelias na, "Sa kung anong mga nangyayari ngayon sa Godly Region, talagang totoo na kelangan ng isang taong maninindigan at kokontrol ng sitwasyon. Gayunpaman, isang malaking bagay ang papel ng Heaven Emperor, at sa palagay ko, dapat maglaan tayo ng oras sa pagpasya tungkol dun."'Maglaan ng oras sa pagpasya?'Napangisi si Emperor Aurelias sa mga sinabi nito bago nagbato ng atake na kasing bilis ng kidlat.Thump!Hindi man lamang nagkaroon ng oras
"Masusunod, Kamahalan."Sumagot ang mga sundalo bilang tugon, at tinali si Darryl.Napunta ang tingin ni Emperor Aurelias kay Empress Heidi. "Hindi mo na kelangan makialam pa sa mga royal affair, Heidi. Mas magiging maayos para sayo kung mananatili ka na lang sa Jade Fairy Realm mula ngayon."Hindi na hinintay ni Emperor Aurelias na sumagot si Empress Heidi, at inutusan ang ilang mga heneral ng Godly Region upang ibalik siya sa Jade Fairy Realm....Nakaupo nang naka-cross-legged na posisyon si Master Magaera sa Westham City sa Nine Continents, tahimik na inaangkin ang paglilinang ng lason ni Yusof.Sa wakas, nagpakawala siya ng hininga, nararamdaman ang enerhiya sa kaniyang katawan at kontentong nakangiti.'Antas ng Martial Emperor. Hindi na masama.'Umalingawngaw ang tunog ng takong mula sa itaas. Patulak na binuksan ang pinto ng kuwarto, at tumambad ang asawa ni Noha na si Jillian Webber.Nang makapasok, tumitig ng masama si Jillian kay Master Magaera bago malamig na sinabi
"Ikaw..."Sa ilalim ng matinding sakit, nablangko ang isip ni Quenton. Isang salita lamang ang kaniyang nasabi bago bumagsak sa lupa nang patay. Nanlaki ang kaniyang mga mata na puno ng takot at galit.Nang makita ang eksenang ito, napasinghap ang mga lalaking nakaitim. Nakaramdam sila ng panlalamig sa kanilang gulugod.Masyadong mabilis si Master Magaera. Halos hindi nila ito nakita ng maayos at nalaman na lamang nilang patay na si Quenton.Kelan pa naging hindi lamang isang maglilinang kundi naging isang kakila-kilabot na makapangyarihan din sa ganoong bagay ang talunang palikerong ito?Hindi na nag-abalang magsalita si Master Magaera. Mabilis siyang gumalaw at muling umatake.Slam! Slam! Slam!Hindi nakapag-react ang mga lalaki sa oras. Matapos ang ilang mga mahihinang ungol, bumagsak silang lahat sa lupa at nahimatay.Hindi mapigilan ni Jillian, na nagtago sa sala sa itaas, ang kaniyang pagiging mausisa at pag-aalala. Palihim siyang naglakad papunta sa balkonahe upang pagma
Ang hanapin muna si Empress Heidi ang tanging solusyon....Sa pangunahing bulwagan sa Jade Fairyland, pabalik-balik na naglalakad si Empress Heidi sa kaniyang eleganteng mahabang damit. Puno ng galit ang kaniyang magandang mukha.Hindi nangahas na magpakawala ng kahit isang hininga ang ilang mga alilang babae sa gilid at ang godly soldier sa tabi ng pinto."Napakasama."Matapos ang ilang pabalik-balik na lakad, umupo si Empress Heidi sa sopa na gawa sa kahoy at mabangis na sinabing, "Yung Aurelias na yun. Bago lang sya sa pagiging emperador nya, at binabantayan na nya kagad ako. Nakakasuklam."Matagal na niya itong pinlano. Nang halos malapit na niyang mapamunuan ang Godly Region nang dumating si Emperor Aurelias, wala sinuman sa kaniyang posisyon ang makakatanggap ng ganoong bagay. Ang pagpapadala ni Emperor Aurelias ng mga godly soldier upang bantayan ang kaniyang bawat galaw sa Jade Fairyland ang nagpalala pa rito.Pagkatapos noon, hindi napigilan ng isang godly soldier na