‘Buwisit!’Mura ni Darryl sa kaniyang sarili nang makita niya iyon, agad siyang tumalikod para tumakbo papunta sa mga gusali sa likuran. Wala na siyang ibang naramdaman kundi frustration noong mga sandaling iyon.Inakala ni Darryl na makakaalis na siya sa Godly Region pabalik sa Nine Mainlands para lang lagyan ni Empress Heidi ng harang ang paligid ng mga teleportation array dito.Mabilis namang humabol sa kaniya si Heneral Sheka habang galit itong sumisigaw ng, “Darryl Darby, hindi ka na makakalayo sa pagkakataong ito! Sumuko ka na hangga’t kaya mo.”Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, dali daling lumipad si Heneral Sheka hanggang sa makalapit siya kay Darryl.Nakaramdam naman ng pagpapanic si Darryl sa kaniyang nakita.Dito na niya nakita ang isang itim na palasyo hindi kalayuan na may babala sa entrance nito na nagsasabing ‘Mamamatay ang sinumang papasok dito’ bago niya tuluyang maramdaman na wala na siyang magagawa pa.Ang Libingan ng mga Imortal… paano siya nakara
“Binuo ni Empress Heidi ang harang na iyon kasama ang 36 na mga heneral ng Godly Region kaya masyado itong naging malakas. Kaya hindi ko na ito magawa pang sirain.”Nagpakita ng pagaalala si Darryl habang nagsasalita.Nanlalamig namang ngumisi si Emperor Aurelias sa kaniyang narinig, “36 na mga heneral ng Godly Region? Wala lang ang mga ito sa akin. Kaya naniniwala ako na magagawa kong sirain ang harang na binuo nila roon.”Nagpakita ng matinding pagkaarogante si Emperor Aurelias noong mga sandaling iyon.Dito na napakamot sa kaniyang ulo si Darryl. “Tama ka nga rito, Senior. Maaari ngang wala silang laban po sa inyo, pero sa akin…”At sa huli, isang ideya ang pumasok sa isipan ni Darryl. Bakit hindi niya ito naisip noon?Si Emperor Aurelias ang kapatid ni Nine Heaven Emperor na nagtatanglay ng matinding lakas. Matatapos na ba ang mga problema sa Godly Region sa sandaling mailabas ni Darryl si Emperor Aurelias doon?Sabagay, disipulo rin si Emperor Aurelias ni Ancient Ancestor k
Huminga ng malalim si Master Magaera bago ito sumagot gamit ang kalmadong tono ng kaniyang boses. “Sige, naiintindihan ko.”Bahagya namang naging emosyonal si Lucifer sa kabilang linya. “Hahanapin ko po ang may gawa nito, Sir! Ang lakas ng loob niyang pagplanuhan ang inyong pagkamatay?! Hinding hindi ko siya mapapatawad.”Hindi naman nagfocus sa bagay na iyon si Master Magaera. “Ikuha mo ako ng sasakyan ngayundin.”Napatigil naman dito si Lucifer. “Oh? Saan po kayo pupunta ng ganitong oras, Sir? Makikipagkita po ba kayo kay Yitty?”Napasimangot naman ang naiinis na si Master Magaera sa mga sinabi ni Lucifer.‘Sino si Yitty?’“May mga kailangan lang akong asikasuhin.”Napagisip isip na ni Master Magaera ang kaniyang gagawin. Sasabihin niya sa Heaven Watcher kung sino talaga siya para magpadala ng mensahe kay Empress Heidi gamit ang mga sundalo ng Godly Region.Malayo layo ang lokasyon niya sa Heaven Watcher at kasalukuyan din siyang hindi makakalipad gamit ang kaniyang lakas.K
“Tinrack mo ang lokasyon ko?”Napasimangot si Master Magaera sa naging sagot ni Lucifer pero hindi na siya nagtanong pa habang naglalakad siya papunta sa sasakyan ni Lucifer para sumakay at sabihing, “Sige, bumalik na tayo!”Nawalan ng gas ang kaniyang sasakyan at tamang tama lang ang dating ni Lucifer.Umoo naman si Lucifer habang nirerev nito ang makina bago ito magmaneho papunta sa Westham City.Habang nasa daan, wala ng ibang gusto si Lucifer kundi tanungin si Magaera kung ano ang ginagawa niya roon. Pero mas pinili niyang huwag na magtanong nang makita niya ang pumapatay na itsura sa mukha nito.Nang biglang magpakita ang isang imahe mula sa kakahuyan para harangan ang kanilang daraanan.Natakot ng husto rito si Lucifer, nagmamadali niyang inikot ang manibela habang napapahinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada.“Buwisit!”Nasanay sina Lucifer at Noha na palaging mapagbigyan bilang mga mayayamang nilalang sa Nine Mainlands kaya hindi nakaligtas ang pagkakataong ito para buks
Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, naglabas si Yusof ng isa pang pill na kaniyang ibinato kay Lucifer.Nagmamadali namang ininom ni Lucifer ang pill bago ito yumuko ng buong pagpapasalamat kay Yusof. “Maraming salamat po sa pagbuhay ninyo sa akin.”Nacucurious na tiningnan ni Lucifer si Magaera habang nagsasalita.‘Ano ang nangyayari kay Sir Noha? Kinamumuhian nito ang mga cultivator noon kaya bakit siya biglang nakipagkaibigan sa isa sa mga ito? Para lang ba ito sa buhay ko?’Nang maramdaman niya ang pagtataka ni Lucifer, humarap si Magaera para pasimpleng umiling dito na pipigil sa anumang mga tanong ni Lucifer sa kaniyang isipan.Hindi nagtagal, sumakay na ang tatlo sa sasakyan at agad na nagpunta sa Westham City.Pagkalipas ng ilang oras, nakarating na rin ang sasakyan sa Westham City.Hindi pinapunta ni Master Magaera si Lucifer sa mansyon. At sa halip ay pinagmaneho niya ito papunta sa isang club sa likuran ng isang bundok sa hilaga.Hindi pa sumisikat ang liw
Ugh!Hindi pa gaanong nakakalayo si Yusof nang biglang namula ang kaniyang mukha, sariwang dugo ang lumabas mula sa kaniyang bibig habang kaagad siyang nanghina.Naubos mula sa kaniyang kasiyahan kanina ang kaniyang awra ng dugo at lalo lamang pinahirapan ng Triple Yang Formation ang kaniyang sitwasyon, na naging dahilan upang magkaroon ng baligtad na epekto sa kaniya ang paglalabas ng panloob na enerhiya."Ikaw..."Malinaw na naramdaman ni Yusof na nabaligtad ang panloob na enerhiya sa kaniyang katawan at halos imposible na makontrol. Sumiklab siya sa gulat at galit, at nakatitig ng masama kay Master Magaera."Sino... Sino ka?"Hindi kailanman magkakaroon ng ganoong kapangyarihan ang kahit sinong ordinaryong mayaman.Hindi naabala si Master Magaera na paliwanagan si Yusof. "Sabi ko sayo, wala kang karapatan para malamaman kung sino talaga ako. Ikaw ang humiling neto, binangga ako sa ganyang pag-uugali mo."Parehong nagalit at natakot si Yusof. Gusto niyang pigilan ang awra sa
Si Empress Heidi iyon.Nang malaman na nag-uudyok ng kaguluhan ang spirit beast ng Ancient Ancestor na si Tarrasque sa Vector Mountains, hindi na nangahas si Empress Heidi na mag-aksaya ng segundo bago dalhin ang kaniyang mga hukbo.'Naglalaban parin sila...'Napangiti si Darryl sa nakikita sa kaniyang harapan, at nakaramdam ng alon ng kasiyahan.Inakala ni Empress Heidi na kaya niyang pamunuan ang Godly Region kasama ang lahat ng kaniyang mga tagasuporta. Ngunit, medyo sisirain ni Tarrasque ang kaniyang kasiyahan.Mapanghamak at naiinip lamang ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. "Tarrasque? Sa palagay ko hindi naman yan ang pinakamasamang pwedeng mangyari. Hayaan mo lang yung halimaw na pigilan sila saglit."Kasunod nito, lumingon si Emperor Aurelias kay Darryl. "Pupuntahan ko yung Master ko. Dito ko lang at magbantay kung may mangyari."Naisipan ni Darryl na sumama sa kaniya, ngunit napatango lamang bago itago ang kaniyang sarili upang panoorin ang labanan.Hindi na nag-aksay
Sa wakas, tumayo si Darryl sa kaniyang mga paa at sumulyap sa pasukan ng barrier.Napakatagal nang nandoon ni Emperor Aurelias. Bakit hindi pa siya lumalabas?May nangyari kaya sa kaniya?Habang napapaisip sa kaniyang sarili si Darryl, isang nakakasira ng lupa na dagundong ang tumunog mula sa barrier. Sa isang kisap-mata, sabay-sabay na napatingin ang lahat.Namangha at hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.Isang sinag ng liwanag na dumadaan sa barrier ang tanging makikita lamang, na umaaligid sa kalagitnaan ng ere. Sa ilalim ng napakalaking puwersa, nagsimulang lumitaw ang mga bitak sa barrier bago ito tuluyang nabasag.Lumulutang sa gitna ng liwanag ang isang matangkad at malapad na pigura na dahan-dahang lumalabas. Mayabang ang kaniyang ekspresyon, at naglalabas ng nakakatakot na awra.Syempre, si Emperor Aurelias iyon.Whew...Hindi napigilan ng mga sundalo at heneral ng Godly Region na mapasinghap sa presensya ng kaniyang makapangyarihang awra.Nanginig si Empres