"Ano?"Nagulat si Kye, Moriri, at ang iba pa nang marinig ito.Pagkalipas ng isang saglit, bumalik sa kanyang sarili si Kye. Malungkot siyang makitang aalis si Darryl. "Kapatid, a...aalis ka na ba?"Huminga ng malalim si Darryl at ngumiti. "Oo. Ang lahat ng magandang bagay ay may katapusan. Sa huli, kailangan kong bumalik sa aking tunay na mundo. Ngunit huwag kang malungkot. Baka bumalik ako dito sa hinaharap kung papalarin.""Sige na nga," iniisip ni Kye habang tumango. "Dahil nais mong umalis, mali para sa akin na hilingin sa iyo na manatili."Nag-usap pa sandali si Darryl kay Kye at sa iba pa.Pagkatapos, lumipad siya patungong langit papunta sa Emerald Lake."Darryl!" Hindi na napigilan ni Moriri ang kanyang damdamin. Siya'y sumigaw, "Ba...babalik ka pa ba?"Nalungkot siya na aalis si Darryl sa kanilang mundo.Habang lumilipad sa ere, lumingon si Darryl kay Moriri. Ngumiti siya at nagsabi, "Oo. Magkikita ulit tayo kung itinakda ito ng tadhana!"Pagkatapos ay tuloy-tuloy n
Nang magising si Yusof matapos mahugasan sa baybayin, huminga siya nang malalim."Hindi ako namatay!" Sa sandaling binuksan niya ang kanyang mga mata, siya ay labis na natuwa.Matapos tingnan ang paligid, siya ay naulat. "Teka, ano ito—"Sa taluktok ng bangin ay may kamangha-manghang pintuang bato. Ito ay tumindig ng maraming talampakan at may ukit na fulu. Sa kabilang dako, ang kuwadro ng pinto ay may ukit na mga disenyo ng mga lason na insekto sa magkabilang panig. Mayroong mga alupihan, skorpion, lason na ahas, at iba pang gayong nilalang. Lahat sila ay tila buhay at tunay.Mayroong landas ng bluestone sa harap ng pintuang bato. Ito ay umabot sa mga paa ni Yusof. Sa mga kuwadro ng pinto ay may mga salitang ukit.'Isang maswerte na yungib na sagana sa yaman at kapalaran.'Si Yusof ay labis na nagulat. Nang makabawi siya, siya ay labis na na-excite at kinabahan din. 'Ito na kaya ang lugar kung saan matatagpuan ang yaman? Alam kong palaging pumipihit sa akin ang kapalaran matapos
Ang mukha ni Debra ay tila masama; siya'y nakadama ng hiya at galit nang makita si Yusof.Nagkunot-noo si Chester, Dax, at ang iba pa.Namutawi ang masamang halakhak mula kay Yusof habang patuloy na hinahangaan ang kagandahan ni Debra. "Magandang Debra, kumusta ka na?"Pagkatapos ay tumingin siya kay Circe. "O, Circe. Hindi ko makakalimutan kung paano mo ako sinaktan kanina. Pag-uusapan natin 'yan mamaya!"Habang nagsasalita, buong kayabangan at kawalan ng hiya niyang tinitingnan ang kaakit-akit na katawan ni Circe.Napuno ng galit si Circe habang nadama ang hindi magandang pagtingin mula sa kanya. "Wala kang hiya! Nagsisisi ako na hindi kita napaslang sa aking pag-atake!"Sinigawan din siya ni Debra. "Yusof! Ikaw ay isang karimarimarim na tao! Papatayin kita!"Nahihirapan siyang manatiling kalmado habang naaalala kung paano siya halos gahasain ni Yusof.Sa puntong iyon, nalaman na ni Chester at ng iba kung ano ang tunay na nangyari.Si Dax, na kilala sa kanyang pagiging maini
“Pero huwag kang magalala. Tatratuhin kita ng tama. Ituturing kitang asawa sa sandaling makuha ko na ang posisyon gn Sect Master.”Hindi nito naiwasang ipakita kay Debra ang kaniyang ego.“Ikaw—” Mukha namang naguluhan si Debra. “Gusto mong maging Alliance Master? Iniisip mo ba na karapat dapat ka para sa posisyong iyan?”Hindi naman naapektuhan si Yusof sa mga sinabi ni Debra. Ngumiti lang ito habang sinasabi na. “Natutunan ko ang walang katulad na sining ng mga lason kaya paanong hindi ako magiging karapat dapat na maging Sect Master? Naririto si Master Wilson at si Master Dax. Kilala sila ng lahat. Magpapadala ako ng imbitasyon gamit ang kanilang mga pangalan sa mga elite. At ipapadampot ko ang sinumang dadalo sa pagdiriwang na ito. Sa pamamagitan nito, mapapasaakin na rin ang mundo ng mga cultivator sa Nine Mainlands!”Sumama naman ang mukha nina Chester at Dax dito. “Masyado itong tuso at masama para gumamit ng ganitong klase ng taktika.”Dito na galit na sumigaw si Dax ng, “
Dahandahang lumapag si Darryl at ang dragon sa loob ng isang iglap.Tumalon si Darryl sa mula sa makaliskis na dragon at bago pa man siya makalapag sa lupa, tinanong nito si Skykissing Wolf ng, “Ito na ba ang World Universe?”Malaki na ang ipinagbago ng Wicked Valley mula noong maging tourist attraction ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi na nakilala ni Darryl ang lugar na iyon.Mabilis namang nagreact at sumagot si Skykissing Wolf ng, “Oo, ito na nga ang World Universe. Nasa hilagang bundok ka ng Donghai City.”Nakahinga ng maluwag at natuwa ng husto si Darryl nang marinig niya iyon.‘Nakabalik na rin ako rito ng ligtas,’ Isip niya habang nakangiti siyang sumasagot kay Skykissing Wolf ng, “Salamat!”Pagkatapos nito, mabilis niyang tinawag ang makaliskis na dragon para umalis sa lugar na iyon.Dito na napatanong ang hindi makapagisip ng maayos na si Skykissing Wolf ng, “Ikaw ba—"Bago pa man siya matapos sa pagtatanong, nakangiting sumagot si Darryl dito ng, “Darryl, mula sa
Bantay saradong inilabas sina Chester, Dax at ang iba pa nitong mga kasama nang ipalakpak ni Yusof ang kaniyang mga kamay. Nakagapos ang mga kamay at binti ng mga ito na nagpakita ng kahihiyan sa mga tao sa paligid.Ikinagulat ito ng husto ng mga sect master. ‘Sino siya? Paano niya nagawang damputin sina Master Chester at Master Dax?’“Kayong lahat!” Bumalik na si Yusof sa kaniyang upuan habang nagpapakita ng pagkaproud sa kaniyang mukha. “Ako ng apala si Yusof Tinker. Ang tagapagmana ni Venom King. Oo, wala akong hinanakit sa inyo kaya hindi ako nagpunta rito para patayin kayong lahat.”“Simple lang ang rason kung bakit ko kayo inimbitahan dito. Mabubuhay ang sinumang susuporta sa akin para maging Alliance Master. Hindi na sisinagan pa ng araw ang sinumang tututol dito!”Hindi na nakapagsalita ang mga sect Master sa sobrang galit. ‘Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para isipin na magiging isa siyang Alliance Master sa kabila ng walang kasing sama niyang ginawa? Managini
Naririnig lang ni Romeo ang lahat ng tungkol kay Darryl, hindi pa niya ito nakikita sa personal. Kaya natural lang na hindi niya alam ang mukha ni Darryl.Bahagyang nagbuntong hininga si Circe bago ito mahinang sumagot ng, “Siya si Darryl.”Nagpakita ng pagmamalaki ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.Gusto niya si Darryl noon hanggang sa mangyari ang isang insidente na kinasangkutan nila ni Archfiend Antigonus na siyang kinikilalang lider ng mga fiend na siyang naging dahilan ng pagmamahal niya rito. Dito na bumaba sa pagiging paghanga ang pagmamahal niya kay Darryl.‘Si Darryl? Siya si Darryl?’ Bulong ni Romeo sa kaniyang sarili habang tinitingnan niya si Darryl. “Naririnig ko ang kaniyang pangalan pero ngayon ko lang siya nakita.”Nang biglang mapansin niya ang pagtingin ni Circe kay Darryl. Dito na siya nakaramdam ng hinid maganda. ‘huwag mong sabihin na may gusto sa kaniya si Senior. Oo nga, masyado nga siyang malakas at kilala pero hindi pa rin siya karapat dapat para k
Hindi nagpakamatay si Yusof. Ginamit niya ang isa sa pinakatatago niyang technique sa pagtakas mula sa Venom God Scripture—ang Bloody Fog Escape Technique. Sa pamamagitan nito, magagamit ni Yusof ang nakalalasong hamog para makatakas sa sandaling malagay siya sa panganib. Masyado itong misteryoso at kakaibang technique.“Magiingat kayo!”“Magiingat kayo sa nakalalasong hamog!”Sumigaw si Chester at ang kaniyang mga kasama nang makita nila ang nakalalasong hamog. Alam nila kung gaano ito kanakamamatay dahil ito ang naging dahilan ng kanilang pagkakahuli.Narinig din ito ng makaliskis na dragon kaya agad itong naging alerto sa hamog. Lumipad ito ng mataas sa ere para ilagan ang nakalalasong hamog.Sa kabilang banda, nanatili naman doon si Darryl habang hinahayaan niyang balutin siya ng nakalalasong hamog. Nakaramdam siya ng pagkasurpresa habang determinadong naghahanap ang kaniyang mga mata sa hamog. ‘Hindi pa patay ang lalaking ito. Nagtatago lang siya sa nakalalasong hamog na iyan