Naririnig lang ni Romeo ang lahat ng tungkol kay Darryl, hindi pa niya ito nakikita sa personal. Kaya natural lang na hindi niya alam ang mukha ni Darryl.Bahagyang nagbuntong hininga si Circe bago ito mahinang sumagot ng, “Siya si Darryl.”Nagpakita ng pagmamalaki ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.Gusto niya si Darryl noon hanggang sa mangyari ang isang insidente na kinasangkutan nila ni Archfiend Antigonus na siyang kinikilalang lider ng mga fiend na siyang naging dahilan ng pagmamahal niya rito. Dito na bumaba sa pagiging paghanga ang pagmamahal niya kay Darryl.‘Si Darryl? Siya si Darryl?’ Bulong ni Romeo sa kaniyang sarili habang tinitingnan niya si Darryl. “Naririnig ko ang kaniyang pangalan pero ngayon ko lang siya nakita.”Nang biglang mapansin niya ang pagtingin ni Circe kay Darryl. Dito na siya nakaramdam ng hinid maganda. ‘huwag mong sabihin na may gusto sa kaniya si Senior. Oo nga, masyado nga siyang malakas at kilala pero hindi pa rin siya karapat dapat para k
Hindi nagpakamatay si Yusof. Ginamit niya ang isa sa pinakatatago niyang technique sa pagtakas mula sa Venom God Scripture—ang Bloody Fog Escape Technique. Sa pamamagitan nito, magagamit ni Yusof ang nakalalasong hamog para makatakas sa sandaling malagay siya sa panganib. Masyado itong misteryoso at kakaibang technique.“Magiingat kayo!”“Magiingat kayo sa nakalalasong hamog!”Sumigaw si Chester at ang kaniyang mga kasama nang makita nila ang nakalalasong hamog. Alam nila kung gaano ito kanakamamatay dahil ito ang naging dahilan ng kanilang pagkakahuli.Narinig din ito ng makaliskis na dragon kaya agad itong naging alerto sa hamog. Lumipad ito ng mataas sa ere para ilagan ang nakalalasong hamog.Sa kabilang banda, nanatili naman doon si Darryl habang hinahayaan niyang balutin siya ng nakalalasong hamog. Nakaramdam siya ng pagkasurpresa habang determinadong naghahanap ang kaniyang mga mata sa hamog. ‘Hindi pa patay ang lalaking ito. Nagtatago lang siya sa nakalalasong hamog na iyan
Hindi naiwasang matawa ni Darryl sa kaniyang narinig. “Oh, ikaw pala iyan! Huwag kang magalala dahil hindi ko pinapalaki ang mga maliliit na hindi pagkakaintindihang kagaya nito. Masyado mo naman akong minamaliit, Kuya Zhu!”Ngumiti naman si Zhu Bajie habang humaharap ito kay Romeo para hikayatin ito ng, “Ano pang tinatayo tayo mo riyan? Humingi ka na ng tawad ngayundin!”Nagpakita ng katigasan ng ulo ang itsura ni Romeo. “Wala naman akong sinabing mali. Kaya bakit ako hihingi ng tawad sa kaniya?”Masyadong matigas ang personalidad nito kaya hindi ito natakot ng kahit na kaunti maging kay Zhu Bajie.Hindi naman napigilan ni Zhu Bajie ang kaniyang galit. “Ikaw… ang lakas ng loob mong sumagot sa akin ah? Humingi ka na ng tawad bago pa kita itakwil bilang anak ko!”Dito na dahan dahang nagsalita si Lu Dongbin. “Masyadong hindi maganda ang sinabi mo, iho. Hindi alam ni Sect Master Darryl kung ano ang nangyayari at masyado ring tuso ang magnanakaw na iyon kaya natural lang na makatakas
Huminga ng bahagya si Darryl habang nakangiti niyang ikinikuwento ang mga nangyari.Nagpakita ng pagtatanto ang lahat nang madiskubre nila ang pinanggalingan ng makaliskis na dragon.Dito na lumapag ang dragon sa lupa para yumuko kay Chester at sa mga kasama nito.Dito na nagsabi si Darryl ng, “Kuya Chester, Dax! Alam ko na marami na akong utang na inuman sa inyo matapos kong mawala ng matagal, pero nangako ako sa dragon na ito na dadalhin ko siya sa makasaysayang isla ng mga dragon. Magkita kita tayong muli sa sandaling maihatid ko ito roon!”Sa totoo lang,g usto talagang makipagcatchup ni Darryl pagkatapos niyang mawala ng matagal pero nangako na siya sa dragon kaya kinakailangan niya itong panindigan.Matagal na rin niyang hindi nakikita si Jewel. Iniisip niya kung kumusta na kaya ito.Tumango naman dito sina Chester at Dax.Bahagyang napakagat si Debra sa kaniyang labi habang sumasagot ito ng, “Magiingat ka, at bumalik ka agad ah.”Tumango naman dito si Darryl, tumingin siy
Masyado ng naging madiskarte si Romeo sa kaniyang edad. Mapaglaro itong tumawa bago siya sumagot ng, “Sige na. Nakita ko kung paano mo siya tingnan sa main hall kanina. Iyon ang tingin ng pagmamahal.”“Tigilan mo na iyan!”Padyak ni Circe sa kaniyang paa, dehado itong sumigaw habang namumula ng husto ang kaniyang mukha.Dito na niya itinaas ang kaniyang kamay para sampalin si Romeo.Mabilis namang umilag si Romeo bago niya seryosong sabihin na, “Hoy, hoy huwag kang magalit. Kung ano ang tatanungin, maaari ngang isang tinitingalang bayani si Darryl pero hindi siya bagay sa iyo.”Napatigil si Circe sa kaniyang mga narinig bago ito gumawa ng isang naiinis na tawa. “Demonyo ka talagang bata ka. Sige, sino naman ang bagay sa akin kung ganoon?”Ito na ang pinakahihintay na tanong ni Romeo. Bahagya siyang tumawa bago siya tumalon sa katabing bato para tagtagin ang kaniyang dibdib habang sinasabi na. “Haha! Siyempre, ako. Huwag kang magalala dahil magdaraos tayo ng isang engrandeng kasal
Nang makapasok siya sa kuweba, gumawa ng bilog ang mga insekto sa paligid ni Yusof bago nila ito pisikan ng kanilang mga lason.Siguradong matatakot ng husto ang sinumang makakakita sa eksenang ito.Nilabas ng halos sampunglibong mga insekto ang kanilang mga lason sa iisang tao. Isa itong makapigil hiningang tanawin na hindi maiimagine ng kahit na sino.Whoosh!Nagevaporate sa nakalalasong hamog ang lason ng mga insekto na inabsorb ni Yusof.Nagkakulay na rin ng kahit na kaunti ang namumutla niyang mukha habang unti unting umaangat ang kaniyang lakas nang gawin niya iyon…Walang duda na ito ang pinakanakakatakot na bahagi ng kaniyang pagpapalakas. Hindi ito nangangailangan ng personal na pagpapalakas dahil sapat na ang pagabsorb sa lason ng mga insekto para makarecover ang sinumang gumagamit ng technique na iyon.Naglalakad si Romeo at Circe ilang daang metro mula sa kuweba.Nairita at nabahala ang itsura ni Circe habang sinasabi nito na, “Halika na. Bumalik na tayo.”Nagpakit
Napatigil si Yusof nang makita niya ang dalawa.Pagkatapos ng isang segundo, nahimasmasan ito habang nagpapakita ang ubod ng samang ngiti sa kaniyang mukha. “Kanina pa ako nagiisip kung sino ito, ikaw lang pala iyang diwata ng pamilya Lange.”Tumagos sa perpektong katawan ni Circe ang paningin nito habang nagsasalita, dito na naglaway ang kaniyang bibig. Napakagat naman sa kaniyang labi si Circe nang hindi niya mapigilan ang kaniyang galit pagkatapos siyang tingnan ng ganoon ni Yusof.“Walanghiya kang hayop ka! Tingnan natin kung gaano kalayo ka makakatakbo ngayong araw.”Nagawa siyang tambangan ni Yusof noong kasama niya si Chester at ang iba pa. Binigyan siya nito ng matinding kahihiyan kaya nanginig sag alit ang buo niyang katawan nang makita niya ito.Pero hindi naman hinayaan ni Circe na dumiretso ang lahat ng ito sa kaniyang isipan.Walang awa at walang kasing sama ang lalaking ito. At kung titingnan ang napakaraming mga makamandag na insekto na kaniyang pinapunta sa kuweba
Sumigaw naman dito si Romeo, “Gusto mong tumakas?! Iniisip mo bang makakatakas ka sa amin?”Sumabog ang lakas ni Romeo papunta kay Yusof na parang isang kidlat habang naririnig ng lahat ang mga salitang iyon sa hangin.Nahuli lang ni Yusof si Romeo sa sinaunang libingan dahil masyado siyang nagpadalos dalos kaya hinintay niya ang pagkakataong ito para makapaghiganti kay Yusof. At ngayong nakuha na niya ang pinakahihintay niyang pagkakataon, hinding hindi na pakakawalan pa ni Romeo si Yusof.Masyadong naging mabilis ang dalawa na nawala sa kakahuyan sa loob lang ng ilang segundo.“Romeo!”Napasigaw si Circe sa kaniyang nakita habang nagmamadali itong humahabol kay Romeo. Pero masyadong masukal ang gubat na iyon kaya agad na nawala sa kaniyang paningin ang imahe ng dalawa.Dito na nakaramdam ng pagkabahala at galit si Circe.Sakit talaga sa ulo itong si Romeo.At higit sa lahat, masyadong bihasa si Yusof sa paggamit ng lason na nakilala rin sa kaniyang pagkatuso. Pero kahit na ma