‘Isang malaking kahihiyan ang mamatay sa kamay ng mangkukulam na ito.’ Isip ni Darryl.“Master!”“Master, hindi!”Dito na nagreact at sumigaw sina Lilo at Joanne. Gustong sumugod ng mga ito para pigilan ang kanilang master pero huli na ang lahat.Nang bigla nilang marinig ang angil ng isang dragon nang malapit ng tumusok ang kutsilyo sa katawan ni Darryl bago magpakita ang isang dambuhalang imahe na lumipad papunta sa dalawa. Ito ang makaliskis na dragon na kanilang naengkwentro kanina.Nanginig ang katawan nina Lilo at Joanne nang makita nila ang makaliskis na dragon.Maging si Granny Rafflesia ay natigilan habang takot niyang tinititigan ang dragon gamit ang kanyiang mga mata. Inatake siya ng dragon na ito na nagresulta sa pagkahulog niya sa lawa na nagdala sa kaniya sa Mysterious Godly Fire Formation. Kaya alam niya kung gaano kalakas ang dragon na ito.Hindi niya inaasahan na muling magpapakita ang dragon na iyon sa importanteng sandali ng pagpatay niya kay Darryl.“Ignoran
Natulala sina Lilo at Joanne sa mga sinabi ni Darryl.Kung walang paraan kahit si Darryl para magawa ito, wala ng kahit na sino ang makakapagligtas sa kanilang Master…"Argh…"Walang tigil na binalot si Granny Rafflesia ng naglalagablab na apoy. Gumawa ito ng miserableng mga sigaw bago ito tuluyang tumigil at humiga ng hindi gumagalaw sa lupa. Tuluyan na ring natutong ang kaniyang katawan noong mga sandaling iyon.Namatay ang isang kinikilalang alamat sa mundo ng mga cultivator nang ganoon ganoon na lang…“Master…”“Hindi…”Hindi na nakapagpigil pa sina Lilo at Joanne, napaluhod ang mga ito habang umiiyak sa kaniyang puwesto. Walang tigil na tumulo ang kanilang mga luha habang nababalot ng pagdadalamhati ang kanilang mga puso.Nawasak ang kanilang mga mundo nang mamatay ang kanilang master pero hindi sila nagtanim ng sama ng loob kay Darryl nang hindi niya iligtas ito. Sabagay, siya ang papatayin ng kanilang master bago pa dumating ang dragon na ito…Napabuntong hininga naman
Napabuntong hininga si Darryl, hindi na niya itinago ang kaniyang pakay nang sabihin niyang, “Nagpunta ako rito para maghanap ng mahahalagang kayamanan.”Habang nagsasalita, detalyadong inilarawan ni Darryl sa dragon ang nangyari kay Kye.At sa huli ay napatitig na lang si Darryl sa makaliskis na dragon. “Mayroong balibalita na hindi raw mabilang ang mga kayamanan sa kristal na palasyo sa ilalim ng lawing ito pero tanging ginto ang pilak lamang ang nakita ko rito. Wala akong natagpuan na kahit na isang mahalagang kayamanan doon. Maaari mo ba akong dalhin sa mga kayamanang ito?”Bahagya namang natahimik ang makaliskis na dragon bago ito sumagot ng, “Tungkol sa bagay na iyan… mga mineral at materyal na kayamanan lamang ang matatagpuan sa kristal na palasyo kaya wala kang makikita na kahit isang mahalagang kayamanan doon. Masyado lang napalaki ng mga tao ang balita.”Agad nadismaya si Darryl nang marinig niya ng sinabi ng dragon.Napunta lang ba sa wala ang lahat ng ito?Nang biglan
Kumislap ang mga mata ni Dewey habang nagsasalita.Napasimangot naman si Moriri nang makita niya ang mukha ni Dewey, alam niya na mayroon siyang mali kaya agad niyang sinabi na, “Itigil mo na ang mga papuri mo. Hinding hindi kita susuportahan bilang Sect Master! Patayin mo na ako kung gusto mo.”Dito na nabalot ng determinasyon ang mukha ni Moriri.Hindi naman nagalit dito si Dewey. At sa halip ay ngumiti lang ito habang dahan dahan siyang nagsasabi ng, “Magiging madali lang para sa akin na patayin ka kung gugustuhin ko, iha, pero mas pinili ko na huwag itong gawin. May pakinabang ka pa sa akin.”Habang nagsasalita, ikinaway ni Dewey ang kaniyang kamay sa mga altar master sa tabi. “Makakaalis na kayo.”“Opo, Sect Master!”Hindi naman nagawang magdalawang isip ng mga altar master, sumagot ang mga ito bago sila umatras.Dito na ninerbiyos si Moriri sa kaniyang nakikita. “Ano… ano ang sinusubukan mong gawin?”Alam na ni Alice kung ano ang susunod na mangyayari, nagdalawang isip si
Mukhang tama ang direksyon na kaniyang tinatahak.Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Darryl nang maramdaman niya ang lamig sa kaniyang paligid, at sa halip ay mas tumindi pa ang kaniyang pananabik.Nabanggit ng dragon na kasing lamig ng yelo ang tubig malapit sa Spinheart Land. Nangangahulugan lang ito na malapit na siya sa kaniyang destinasyon.Pagkatapos ng sampung minuto pa ng paglangoy, nakita ni Darryl ang pagdilim ng tubig sa kaniyang harapan. Makikita rin dito ang isang whirlpool sa kaniyang paligid.Mas tumindi pa ang paglamig ng tubig noong mga sandaling iyon, pumasok ang lamig sa kaniyang mga buto na parang isang libong karayom na gawa sa yelo. Masyado na itong matindi maging para kay Darryl.Pero hindi pa rin nagpanic si Darryl at sa halip ay ginamit niya ang enerhiya ng Red Lotus Fayette para bumuo ng isang protective shield sa kaniyang paligid na naghiwalay sa kanyiang katawan sa napakatinting lamig ng tubig habang lumalangoy.Pagkalipas ng ilang minuto, muli
Hindi ito pinalampas ni Darryl kaya agad niyang itinaas ang kanan niyang kamay para umatake sa direksyon ng matanda.Nakangiti namang umilag ang matanda, hindi ito nakaramdam ng kahit na kaunting galit kay Darryl. “Palaban ka palang bata ka ah. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot.”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, isang napakalakas na enerhiya ang sumabog mula sa matanda habang dinadala nito ang kaniyang sarili papunta kay Darryl, dito na umusbong ang isang mabangis na laban sa pagitan nilang dalawa.Kapansin pansin ang bilis at liksi ng matanda na umatake ng paulit ulit habang iniilagan ang mga pagatake ng mga White Lily Cold Flame sa kaniyang paligid na siyang gumulat kay Darryl.Kailan pa nagkaroon ng ganito kalakas na nilalang sa kontinente ng Keygate?Kahit na ano ang mangyari, hindi hahayaan ni Darryl makuha ng ibang tao ang mahala niyang kayamanan.…Matatagpuan ang dagat dagatang mga bundok daan daang kilometro ang layo sa timog kanluran ng Daim imper
Nagbulungan ang mga tinipong disipulo sa sobrang pagtataka.“Ano ang nangyayari rito?”“Hindi rin ako sigurado eh…”“Mukhang may hindi magandang nangyari sa Sect Master kaya dinala ni Moriri rito ang bagong Sect Master…”Nabalot ng bulungan ang main hall na nagpakalat ng seryoso at tensyonadong hangin sa paligid.…Umupo si Dewey sa trono ng main hall kasama sina Alice at Moriri na umupo sa magkabila niyang tabi. Tahimik namang tumayo sa isang tabi ang ibang mga altar master.Isa sa mga altar master ang umabante at tumingin sa paligid ng main hall bago ito sumigaw ng, “Katahimikan!”Nagngangalang Gale Boetticher ang altar master na ito na isa sa pinakasupportive na altar master kay Dewey.Nang marinig nila ang mga salitang ito sa hangin, natahimik ang lahat ng mga elite na disipulo habang nakatingin ang kanilang mga mata kay Gale.Natutuwa namang tumango rito si Gale na nagayos sa kaniyang lalamunan bago niya buong pagdadalamhati at dahan dahang sabihin na, “Mayroon akong dal
‘Ano…’ Kumabog sa sobrang gulat ang dibdib ng mga disipulo habang hindi sila makapaniwalang tumitingin sa isa’t isa.Naging bayani ng publiko si Darryl nang tulungan nito si Haring Astro na maprotektahan ang Gem City. Kaya bakit niya sasadyaing mapalapit kay Kye?Sa sobrang pagtataka, sinabi ng isa sa mga disipulo na, “Walang kapantay ang respeto ng lahat kay Darryl maging ng mga palasyo kaya sigurado ako na isa siyang bayani. Kaya bakit hindi niya magagawang maging kinakapatid ng ating Sect Master nang dahil lang sa tunay nilang pagkakaibigan?”Tumango ang mga disipulo sa paligid nang marinig nila ang mga salitang ito sa hangin.Naging kalmado ang itsura ni Moriri habang dinedeny nito ang mga sinabi ng disipulo.“Siyempre naman hindi! Isang tusong lalaki si Darryl. Nakalatag na ang kaniyang plano at isa na rito ang pagiging kinakapatid ng atign Sect Master. Sa totoo lang, isa si Darryl sa mga tauhan ni Granny Rafflesia. Sinadya niyang mapalapit sa ating Sect Master para matulun