“Darryl!”Hindi na naitago ni Joanne ang kaniyang takot nang bahagya niyang makita ang napakalaking formation sa kaniyang harapan. “Ano ang bagay na ito?”Natrauma siya ng husto nang makulong ang kaniyang master sa isang formation na gawa sa apoy kaya mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib nang makita niya ang malaking formation.Nainis naman si Granny Rafflesia nang makita niyang nakikipagusap sina Lilo at Joanne kay Darryl. Pero mabilis niyang inalala ang kaniyang pagkakakilanlan bago pa siya magsalita para sermonan ang mga ito.Nagbuntong hininga si Darryl habang sinasabi na, “Isa itong Portal Formation pero matagal na itong hindi nagagamit. Wala itong dalang panganib kaya hindi ninyo kailangang mangamba.”Nakahinga naman ng maluwag si Joanne nang marinig niya iyon.Dito na nadiskubre ni Lilo ang isang bagay kaya agad nitong sinabi na, “Tingnan niyo, mayroong isang batong inukitan ng mga salita roon.”Nabalot ng pananabik ang kaniyang boses noong mga sandaling iyon.Pagkatap
Natakot naman si Joanne nang magalit ang kaniyang master. Dito na siya nagmamadaling sumagot ng, “Hindi po, Master. Hinding hindi ko po ito magagawa. Hindi po ito ang ibig kong sabihin.”Sumama ang kaniyang loob noong mga sandaling iyon. Palaging siyang tinatrato ng maayos ng kaniyang master. Hindi pa siya nakakaranas ng sermon nang dahil sa hindi makatwirang paguugali ng kaniyang master noon.Inobserbahan naman ni Granny Rafflesia ang itsura ni Joanne. Malalim siyang huminga para kontrolin ang kaniyang emosyon. “Sige. Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko kung ayaw mong sermonan kita. Naiintindihan mo ba?”Tumango naman dito si Joanne habang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon sa kaniyang puso.Sa kinaroroonan ni Darryl.Maingat niyang binasa ang mga salitang nakaukit sa bato na nasa kaniyang harapan. Dito na niya napagtanto ang ibig nitong sabihin.Nagmula pala sa Godly Region ang nilalang na nagtayo ng Imperial Dragon Sect. Dati itong isang heneral ng Imp
Masyado pang mababa ang enerhiya ni Granny Rafflesia matapos nitong makulong sa misteryosong Godly Fire Formation. Uminom siya ng pill pagkatapos siyang iligtas ni Darryl. Gumanda ganda na ang kaniyang pakiramdam sa pangangalaga ng mga disipulo niyang sina Joanne at Lilo.Pero naging confident pa rin siya na mapapatay na si Darryl ngayong nakafocus ito sa formation.‘Buwisit!’ Mareresolba na ni Darryl ang Amulet Formation nang bigla siyang makaramdam ng panganib sa kaniyang likuran. Agad niyang nakita ang umaatakeng si Granny Rafflesia nang mapalingon siya sa sobrang gulat. Dito na umusbong ang galit sa kaniyang dibdib. “Ang lakas ng loob mong matandang mangkukulam ka!”‘Wala ng kasing sama ang mangkukulam na ito. Iniligtas ko na siya sa pagkamatay pero nagawa mo pa rin akong tambangan.”“Hayop kang bata ka!” Naging mabagsik ang itsura ni Granny Rafflesia noong mga sandaling iyon habang nagpapakita ng hinanakit at kasamaan ang kaniyang mga mata. “Iniisip mo ba na pakakawalan kita m
Naging determinado at matulis ang tono ng boses ni Darryl nang sabihin niya iyon habang namumutla at nanghihina ang kaniyang mukha.Mas naging malubha ang sitwasyon ni Darryl kaysa kay Granny Rafflesia. Nagsisimula ng gumulo ang lakas ng diwata niyang kaluluwa. Siguradong mas lulubha ang kaniyang lagay kung hindi niya ito maayos sa lalong madaling panahon.Nagbago naman ang mukha ni Granny Rafflesia sa kaniyang narinig, naging agresibo ang kanyiang mga mata nang makita niya na mayroon pang lakas si Darryl para asarin siya. “Sinusubukan mo pa rin bang umarte bilang isang malakas na nilalang. Magaling.”Dito na siya tumingin kina Lilo at Joanne para sabihing. “Kayong dalawa! Patayin ninyo siya ngayundin! Dali!”Naging demanding ang itsura ng kanyiang mga mata dahil nakikita niyang nanghihina si Darryl na kasing lakas na lang ngayon ng isang pangkaraniwang tao kahit na nagawa nitong makaligtas sa pagatake niya kanina. Kaya siguradong mamamatay na ito kahit na sa pagatake ng isang ordi
‘Isang malaking kahihiyan ang mamatay sa kamay ng mangkukulam na ito.’ Isip ni Darryl.“Master!”“Master, hindi!”Dito na nagreact at sumigaw sina Lilo at Joanne. Gustong sumugod ng mga ito para pigilan ang kanilang master pero huli na ang lahat.Nang bigla nilang marinig ang angil ng isang dragon nang malapit ng tumusok ang kutsilyo sa katawan ni Darryl bago magpakita ang isang dambuhalang imahe na lumipad papunta sa dalawa. Ito ang makaliskis na dragon na kanilang naengkwentro kanina.Nanginig ang katawan nina Lilo at Joanne nang makita nila ang makaliskis na dragon.Maging si Granny Rafflesia ay natigilan habang takot niyang tinititigan ang dragon gamit ang kanyiang mga mata. Inatake siya ng dragon na ito na nagresulta sa pagkahulog niya sa lawa na nagdala sa kaniya sa Mysterious Godly Fire Formation. Kaya alam niya kung gaano kalakas ang dragon na ito.Hindi niya inaasahan na muling magpapakita ang dragon na iyon sa importanteng sandali ng pagpatay niya kay Darryl.“Ignoran
Natulala sina Lilo at Joanne sa mga sinabi ni Darryl.Kung walang paraan kahit si Darryl para magawa ito, wala ng kahit na sino ang makakapagligtas sa kanilang Master…"Argh…"Walang tigil na binalot si Granny Rafflesia ng naglalagablab na apoy. Gumawa ito ng miserableng mga sigaw bago ito tuluyang tumigil at humiga ng hindi gumagalaw sa lupa. Tuluyan na ring natutong ang kaniyang katawan noong mga sandaling iyon.Namatay ang isang kinikilalang alamat sa mundo ng mga cultivator nang ganoon ganoon na lang…“Master…”“Hindi…”Hindi na nakapagpigil pa sina Lilo at Joanne, napaluhod ang mga ito habang umiiyak sa kaniyang puwesto. Walang tigil na tumulo ang kanilang mga luha habang nababalot ng pagdadalamhati ang kanilang mga puso.Nawasak ang kanilang mga mundo nang mamatay ang kanilang master pero hindi sila nagtanim ng sama ng loob kay Darryl nang hindi niya iligtas ito. Sabagay, siya ang papatayin ng kanilang master bago pa dumating ang dragon na ito…Napabuntong hininga naman
Napabuntong hininga si Darryl, hindi na niya itinago ang kaniyang pakay nang sabihin niyang, “Nagpunta ako rito para maghanap ng mahahalagang kayamanan.”Habang nagsasalita, detalyadong inilarawan ni Darryl sa dragon ang nangyari kay Kye.At sa huli ay napatitig na lang si Darryl sa makaliskis na dragon. “Mayroong balibalita na hindi raw mabilang ang mga kayamanan sa kristal na palasyo sa ilalim ng lawing ito pero tanging ginto ang pilak lamang ang nakita ko rito. Wala akong natagpuan na kahit na isang mahalagang kayamanan doon. Maaari mo ba akong dalhin sa mga kayamanang ito?”Bahagya namang natahimik ang makaliskis na dragon bago ito sumagot ng, “Tungkol sa bagay na iyan… mga mineral at materyal na kayamanan lamang ang matatagpuan sa kristal na palasyo kaya wala kang makikita na kahit isang mahalagang kayamanan doon. Masyado lang napalaki ng mga tao ang balita.”Agad nadismaya si Darryl nang marinig niya ng sinabi ng dragon.Napunta lang ba sa wala ang lahat ng ito?Nang biglan
Kumislap ang mga mata ni Dewey habang nagsasalita.Napasimangot naman si Moriri nang makita niya ang mukha ni Dewey, alam niya na mayroon siyang mali kaya agad niyang sinabi na, “Itigil mo na ang mga papuri mo. Hinding hindi kita susuportahan bilang Sect Master! Patayin mo na ako kung gusto mo.”Dito na nabalot ng determinasyon ang mukha ni Moriri.Hindi naman nagalit dito si Dewey. At sa halip ay ngumiti lang ito habang dahan dahan siyang nagsasabi ng, “Magiging madali lang para sa akin na patayin ka kung gugustuhin ko, iha, pero mas pinili ko na huwag itong gawin. May pakinabang ka pa sa akin.”Habang nagsasalita, ikinaway ni Dewey ang kaniyang kamay sa mga altar master sa tabi. “Makakaalis na kayo.”“Opo, Sect Master!”Hindi naman nagawang magdalawang isip ng mga altar master, sumagot ang mga ito bago sila umatras.Dito na ninerbiyos si Moriri sa kaniyang nakikita. “Ano… ano ang sinusubukan mong gawin?”Alam na ni Alice kung ano ang susunod na mangyayari, nagdalawang isip si