Napabuntong hininga na lang si Circe sa tanong na iyon habang nagpapakita ng kumplikadong emosyon ang kaniyang mukha.“Mahabang kuwento…”Matalinong babae si Debra kaya hindi na siya nagtanong pa ng tungkol dito nang makita niya ang mukha ni Circe.“Paano nga ba tayo makakalabas dito?”“Naghahanap din ako ng daan palabas,” Sagot ni Circe bago niya mapagtanto ang sitwasyon ni Debra. Dito na siya nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Nanghihina ka pa kaya mas maigi siguro kung magpapahinga ka na muna ngayon. Sabay tayong maghanap ng daan sa sandaling makapagpahinga ka na.”Malinaw na naramdaman ni Circe na nanghihina at nangininig si Debra kaya agad niyang naisip na hindi ito magtatagal sa sandaling ituloy nila noong mga sandaling iyon ang paghahanap ng daan palabas.Tumango naman si Debra bago siya umupo sa sahig para ibalik ang kaniyang lakas. Hindi na niya kailangan pang magalala sa kaniyang kaligtasan ngayong naririto si Circe sa kaniyang tabi.Tahimik namang nagbantay si Circe
At maliban pa rito, hindi pa siya nakakakuha ng kahit na anong impormasyon sa ginagawa niyang paghahanap kay Darryl sa nakalipas na dalawang araw.Habang nasa gitna ng kaniyang pagkairita si Bosco, isang malakas na aura ang kaniyang naramdaman mula sa kalangitan hindi kalayuan sa kanila. Sinundan ito ng paglapag ng isang imahe sa bakuran.Buwisit! Sino ang naglakas loob na pumasok sa side altar ng Heaven Deviation Path?Nagbago ang itsura ni Bosco nang marinig niya ang ingay. At pagkatapos ay agad siyang naglakad palabas hanggang sa makita niya ang pagsugod papunta roon ng karamihan sa mga disipulo ng Heaven Deviation Path.‘Siya nga iyon.’Mabilis na nanikip ang dibdib ni Bosco nang makita niya kung sino ito. Napatigil maging ang kaniyang mga disipulo sa kanilang nakita.Nagpakita ng maladiyos na presensya at kakaibang aura ang lalaking ito.Ito ay walang iba kundi ang punong elder sa Heaven Deviation Path na si Edgar Cornishly.Nabalitaan ni Edgar ang tungkol sa mga sugat na
Mabilis na lumipas ang dalawang oras.Naramdaman ni Bosco na mukhang matagal tagal na ring nakapagpahinga si Edgar kaya agad siyang nagtungo sa kuwarto nito para mahinang kumatok at sabihing, “Punong Elder, nakapagpahinga na po ba kayo?”Creak…Binuksan ni Edgar ang pinto nang marinig niya ang mga sinabi ni Bosco sa hangin, dito na siya kalmadong nagtanong ng, “Oh? Nakabalik na ba si Darryl at ang Sect Master?”Wala ng ibang inalala si Edgar kundi ang malubhang mga sugat ni Kye.Nagpakita naman ng paggalang ang mukha ni Bosco habang maingat itong nagsasalita ng, “Hindi pa po… hindi pa rin po nakakabalik si Darryl at ang Sect Master. Mukhang malayo layo po ang inyong nilakbay, Punong Elder kaya naisip ko pong dalhan kayo ng masarap na wine.”Nagpakita ng sinseridad ang mukha ng nagsasalitang si Bosco habang tuso namang kumikislap ang kaniyang mga mata.Hindi lang sa medisina at panggagamot naging interesado si Edgar dahil mahilig din itong uminom. Hindi na ito lihim sa buong Heav
Hindi rin nahiya si Edgar, agad niyang ipinagsalin ang kaniyang sarili ng wine na kaya niyang inumin. Noong una ay wala siyang naramdaman na kahit ano hanggang sa makaramdam siya ng mali rito.‘Ano ang nangyayari? Ganito ba katapang ang wine na ito?’Dito na naramdaman ni Edgar na umiikot at nawawalan ng balanse ang kaniyang isipan. Dito na rin niyang naramdaman ang panlalambot ng kaniyang katawan hanggang sa hindi na niya maitayo ang kaniyang sarili.Pero ang pinaka ikinagulat nito ay ang pagpigil ng wine sa kaniyang enerhiya.‘Hindi ito tama!’Mabilis namang nahimasmasan si Edgar. Agad niyang ibinaba ang kaniyang baso habang nakatitig niyang sinasabi kay Bosco na, “Mayroong mali sa wine na ipinainom mo sa akin hayop ka! Ang lakas ng loob mong lagyan ito ng gamot!”Nabalot ng galit si Edgar habang nagsasalita. Inakala niyang nagsisisi na si Bosco sa kaniyang mga kasalanan kaya ito tinanggap muli ni Kye sa Heaven Deviation Path hanggang sa makita niyang muli ang kawalanghiyaan ni
“Gisingin mo siya!”Ito ang mga salitang nanlalamig na lumabas sa mga labi ni Bosco. Kasabay nito ang pagkuha ng mga disipulo saisang timba ng malamig na tubig para ibuhos sa mukha ni Edgar.Splash!Nagugulat namang nagising si Edgar nang dahil sa lamig ng tubig. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa kaniyang paligid habang nanginginig sa galit ang kaniyang katawan.Kasunod nito ang pagtitig ni Edgar kay Bosco habang sumisigaw ito ng, “Hayop ka! Totorturin mo baa ko? Naisip mo na ba ang maaaring maging kapalit ng mga ito?”‘Kapalit ng mga ito?’Nanlalamig na ngumiti si Bosco sa mga sinabi ni Edgar.“Tumigil ka na sa pagkukunwari mo, tanda. Maaari nga na manggagamot ka para sa ibang tao pero wala ka lang para sa akin.“Pinatalsik ako ni Kye Deleon sa Heaven Deviation Path. Iniisip mo ba na babalik ako rito ng nagmamakaawa para sa kaniyang kapatawaran?”Nagpakita ng matinding pagkaarogante ang mukha ni Bosco habang nagsasalita.Napasimangot naman si Edgar sa kaniyang mga narini
Nanlalamig na kumislap ang mga mata ni Bosco habang nagsasalita.Walang duda na hindi lang ang paghahanap kay Kye ang kaniyang naging plano. Gusto niya ring makuha ang isinulat na libro ni Edgar.Dapat nating malaman na isa sa mga nangungunang doktor si Edgar sa mundo ng mga cultivator kaya siguradong irerespeto ni Dewey si Bosco sa sandaling magawa niya iyon. Kasabay na nito ang pagtaas ng kaniyang posisyon sa Heaven Deviation Path.Hindi naman naiwasan ni Edgar na mapangisi sa mga narinig niyang salita. ‘Buwisit. Gusto pala ng hayop na ito ang libro ko.’Huminga ng malalim si Edgar nang maisip niya iyon bago siya sumagot kay Bosco nang paisa isa.“Gumawa nga ako ng ganoong klase ng libro pero para ito sa ikabubuti ng sangkatauhan. Sinulat ko ito para malaman ng mga tao ang pinakamagandang pamamaraan para mabuhay. Isa kang walang kuwentang nilalang—na malayo sa aking inilarawan kanina. Iniisip mo ba na karapat dapat ka para sa libro ko? Karapat dapat ka nga ba para rito?”‘Karap
Habang nagsasalita, bumalik si Bosco sa kaniyang kinauupuan para sabihing. “Huling pagkakataon. Ibibigay mo ba sa akin ang libro o hindi?”“Mauna ka na lang sa impyerno!”Hindi sumagot ng direkta si Edgar sa naging tanong ni Bosco habang dumudura ito sa sahig. Pero naging malinaw pa rin para kay Bosco ang naging sagot nito.Gumuho ang mukha ni Bosco sa kaniyang nakita habang sumisigaw ito ng, “Kunin ninyo siya! Tingnan natin kung gaano ka talaga katigas!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, isang disipulo ang kumuha ng isa sa mga mahahaba at namumula sa init na bakal sa sahig. Lumapit siya para idiin ito sa katawan ni Edgar.Hiss…Dito na umangat ang usok sa hangin habang nagliliyab ang suot na damit ni Edgar. Mabilis ding naluto ang kaniyang balat na nagpakita sa sariwa niyang laman."Argh…"Walang sinuman ang makakatiis sa ganito kalupit na torture kaya maging si Edgar ay napasigaw sa sobrang sakit habang basang basa sa pawis ang kaniyang katawan.Nagpakita naman
Nabalot ng matinding galit si Darryl noong mga sandaling iyon.Napagtanto niya na si Edgar ang sumisigaw mula sa bilangguan pero hindi niya inasahan na magiging malupit si Bosco para itorture ang matanda ng ganito.‘Yare!’Napalunok na lang si Bosco nang maramdaman niya ang galit ni Darryl.Mabilis niyang ibinalik ang kaniyang postura para tumayo at tumuro kay Darryl habang sumisigaw ng, “Ano naman kung ikaw iyan, Darryl Darby? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganiyan ah? Matagal na kitang hinahanap pero sino nga ba ang magaakala na ikaw mismo ang magpapakita sa akin!”Nang masabi niya ang huling salita sa ere, agad na kumaway si Bosco para sabihing, “Pabagsakin ninyo siya!”Swish!Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, sumabog ang enerhiya ng mga disipulo sa paligid bago sumugod ang mga ito kay Darryl.Huminga naman ng malalim si Darryl habang sumisigaw siya ng, “Umalis kayo sa daraanan ko!”Itinaas niya ang kaniyang kamay na nagpatalsik sa mga sumusugod na d