Si Jalen ay isang mayabang na tao. Hindi siya duwag. Gayunpaman, ang pagkatalo sa kanya ni Darryl sa Sunflower Secret Realm ay naging isang trauma sa kanya pagkatapos ng laban.Alam niyang may tulong mula sa Blazing Tiger si Darryl, kaya hindi siya tumagal.Tumawa si Darryl habang pinapanood si Jalen na tumatakas. Nakahinga siya ng maluwag sa parehong oras. 'Buti na lang, natatakot ko siya. Kung hindi, mahirap labanan ito.'Nag-iisip si Darryl sa sarili niya nang lumapit ang Blazing Tiger at umungal sa pasasalamat sa kanya.Tumango si Darryl at ngumiti. "Walang anuman. Huling beses, tinulungan mo akong labanan ang aking kaaway, tinulungan din kita bilang kapalit. Wala na tayong atraso sa isa’t isa."Nakita niya ang sugat ng Blazing Tiger at sinabi, "Dahil nandito ako, gamutin ko na ang sugat mo."Umungal at tumango ang Blazing Tiger. Pagkatapos ay humiga ito sa lupa na masunurin.Tiningnan ni Darryl ang paligid. Dahil ito ang lugar kung saan lumalago ang Fire Fungi, sagana ito s
“Moriri!” Sigaw ni Kye sa sobrang galit. Gusto niyang umalis sa maliit na lawa pero ito ang pinakaimportanteng sandali ng kaniyang pagpapagaling kaya napagdesisyunan nitong magtiis.Makikita ang marka ng palad sa magandang mukha ni Moriri. Dahan dahan itong tumayo habang sinasabi na, “Okay lang po ako, Master.”Sumigaw siya kay Granny Rafflesia sa sobrang galit. ‘Masyado siyang walang awa at walang puso. Nakakadiri! Umaatake siya kung kailanman niya gustuhin at hindi rin siya maayos magisip.’Huminga ng malalim si Kye nang marinig niya ang sinabi ni Moriri. Dito na niya sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili.Hindi natagal, tumingin siya kay Granny Rafflesia para sabihing, “Nakakatanda ka na Granny kaya hindi na tama para sa iyong manakit ng mga bata.”Suminghal naman dito ang arogante na si Granny Rafflesia. “Itigil mo na ang mga kalokohan mo Kye! Pinatay mo ang disipulo ko kaya nararapat lang na patayin kita.”Nanlalamig at hindi makukuwestiyon ang tono ng kaniyang boses.H
Maaari nga na mukhang nanghihina si Moriri pero hindi pa rin natin maaalis ang tanglay niyang determinasyon. Nagalit siya ng husto nang masampal siya ni Lilo. Dito na niya nanenermong sinabi na, “Isang matandang hukluban ang master mo na hindi marunong kumilala sa mga bagay na totoo at hindi! Hayop siya! Natural lang na maging katulad ka ng iyong master ngayong isa ka niyang disipulo! Isa ka ring mangkukulam!”Nagalit dito si Lilo habang nanenermon itong sumasagot ng, “Hayop kang babae ka!”Dito na niya sinampal si Moriri ng paulit ulit nang walang tigil.Nagalit ng husto rito si Moriri. Gusto niya sanang tumakas pero hindi niya ito magawa ngayong nakaselyo ang kaniyang acupoint.“Tama na!” Dito na umangat ang galit sa dibdib ni Kye. Agad itong sumigaw ng, “Granny Rafflesia. Problema natin itong dalawa kaya huwag ka ng mandamay ng ibang tao. Umatake ka na lang gamit ang buo mong lakas!”Disipulo niya si Moriri pero itinuturing na niya ito bilang kanyiang anak. Kaya natural lang na
Ginamit ni Kye ang advantage na nagbigay sa kaniya ng oportunidad na bumaba sa burol. Nakalayo na siya ng isang daang metro nang mapagtanto ng mga mamamatay tao ang kaniyang ginagawa. Oo, ginawa niya iyon para ilayo sina Granny Rafflesia at ang mga tauhan nito kay Moriri.Alam niya na siya ng tunay na pakay ni Granny Rafflesia kaya wala itong pakialam kay Moriri. Ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na maniwala na siya ang hahabulin ni Granny Rafflesia sa sandaling gawin niya iyon.“Gusto mong tumakas?” Agad na nagdilim ang mukha ni Granny Rafflesia habang sumisinghal nitong sinasabi na, “Iniisip mo ba na matatakbuhan mo ako?”Dito na siya sumigaw sa mga taong pumatay sa kaniya ng. “Dali! Habulin ninyo siya!”Mabilis na nagreact ang mga mamamatay tao na humabol kay Kye.Huminga naman ng malalim si Moriri habang nakatingin siya sa direksyon kung saan pumunta si Kye gamit ang nagaalala niyang mga mata. Dito na siya nagdasal sa kaniyang puso ng, ‘Master, kailangan mong maging
“Ano pang hinihintay hintay ninyo riyan?” Simangot ni Granny Rafflesia nang mapansin niya na hindi magawang patayin ng mga mamamatay tao si Kye ngayong napaligiran na nila ito. “Isa siyang palaso na malapit ng matapos sa kaniyang paglipad. Isang tigre na walang mga pangil at kuko. Patayin niyo na siya ngayundin!”Ginamit ni Granny Rafflesia ang kanyiang lakas at gumalaw na parang isang kidlat para atakihin si Kye nang mabanggit niya ang huling salita sa kaniyang bibig. Hidni naman nagdalawang isip ang mga mamamatay tao nang makita nilang umatake ang matanda. Agad silang umatake kay Kye.“Gusto ninyo akong patayin? Halikayo rito!” Nabalot ng napakalakas na determinasyon si Kye na lumaban. Iwinagayway niya ang mahaba niyang espada habang nakikipaglaban kay Granny Rafflesia at sa mga kasama nitong mamamatay tao.Pero hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya agad niyang naramdaman ang kaniyang limitasyon sa pakikipaglaban. Mas humirap pa ito para kay Kye nang sumali n
Pagkatapos ng isang segundo, isang lalaki ang nagmamadaling sumugod papunta sa kaniya. Nagkaroon ito ng makorte at guwapong mukha. Ito ay walang iba kundi si Darryl.Hindi na nagsayang ng oras pagkatapos niyang gumaling sa pamamagitan ng Blazing Tiger kaya agad na siyang bumalik sa lugar na iyon sa lalong madaping panahon. At nang makalapit siya sa kaniyang pupuntahan, napansin niya ang nakatayo at hindi gumagalaw na si Moriri habang makikita naman sa katawan nito ang isang nakalalasong gagamba.Hindi na siya nagdalawang isip pa na pumulot ng bato para patayin ang gagamba.Nang makarating, tinanggal niya ang selyo sa mga acupoint ni Moriri bago siya magtanong ng, “Ano ang nangyari? Nasaan na ang nakakatanda kong kinakapatid?”Napatingin siya sa malamig na lawa pero hindi niya nakita rito si Kye. Napansin niya rin ang bakas sa paligid na nagpakita sa labang naganap sa lugar na iyon.“Si Granny Rafflesia!”Hindi niya ipinagdiwang ang muling paggalaw ng kaniyang katawan. At sa halip
“Hindi!”Nasasaktang iyak ni Moriri, hindi na maipapakita pa ng kaniyang luha ang pagdadalamhati na kaniyang nararamdaman. “Huwag mo akong iwan dito, Master. Huwag niyo po akong iwan dito!”Sumikip din ang dibdib ni Darryl noong mga sandaling iyon.Huminga naman ng malalim si Kye habang ginagamit ang buo niyang lakas para hawakan ang kamay ni Darryl. “Mayroon akong gustong ibilin sa iyo, aking disipulo. Huwag mo sana akong tanggihan sa kagustuhan kong ito.”Nagpakita ng matinding desperasyon at pagasa ang mga mata ni Kye habang nagsasalita.Pinigilan ni Darryl ang sakit na kaniyang nararamdaman habang walang pagaalinlangan itong tumatango, “Sige. Ano iyon, Kuya? Gagawin ko ang lahat para sa iyo.”Dito na ngumiti si Kye sa naging sagot ni Darryl na para bang nawala ang bigat sa kaniyang mga balikat bago niya dahan dahang sabihin na, “Umaasa ako na ikaw ang magpapatuloy sa iiwan kong posisyon ng Sect Master sa Heaven Deviation Path sa sandaling mawala na ako.”Habang nagsasalita,
Hindi inasahan ni Darryl na aatakihin si Kye ng kanilang mga kalaban bago pa man matupad ang pangaral niyang iyon.“Huwag niyo po akong iwan, Master…”Nakahiga pa rin si Moriri sa katawan ni Kye habang bumabaha ang luha mula sa kaniyang mga mata.Huminga naman ng malalim si Darryl para pakalmahin ang kaniyang sarili bago niya simulang asikasuhin si Kye. Pero kahahawak pa lang niya sa katawan ni Kye nang mapatigil ito sa kaniyang natuklasan.Hindi pa patay si Kye… buhay pa ito.Malinaw na naramdaman ni Darryl ang mahinang paghinga ni Kye matapos matusok ng ugat nito sa puso—masyado itong mahina kaya hindi na ito naramdman ni Moriri.Nagkaroon ng sage na katawan at kaluluwa ng diwata si Darryl kaya mas naging sensitibo ang kaniyang pakiramdan kaysa kay Moriri. Ito ang dahilan kung bakit niya naramdaman ang paghinga ni Kye.‘Magaling!’Nasabik ng husto si Darryl habang humaharap siya kay Moriri para sabihing, “Huwag ka ng umiyak, Moriri! Hindi pa patay ang master mo.”Nanginig na