Kumunot ang mga kilay ni Shelly habang sinusukat sa tingin si Darryl. “Ikaw naman ay si…”Bago pa man makasagot si Darryl, isang boses na ang maririnig mula sa mga bisita, “Ang batang iyan ay ang nakikitirang manugang ng mga Lyndon. Isa lang siyang boy toy kaya huwag niyo po siyang pansinin, Director Sullivan.”“Hahaha!”Nang marinig ang mga salitang ito, agad na sumabog sa katatawa ang mga tao sa paligid.Hindi pinansin ni Darryl ang pangungutya ng mga bisita at sianbing, “Ako nga iyon, ako ng apala si Darryl, at si Jackson na siyang ikinasal ay ang nakababata kong kapatid.”Napakurap si Shello bago magsalita nang may walang pakialam na tono, “Nagaral ka ba ng medisina noon?”Iniling naman ni Darryl ang kaniyang ulo.“Ano ang ginawaga mo Darryl? Sinabi n ani Director Sullivan na kinakailangan siyang dalhin sa ospital. Ano ba ang gusto mong mangyari? Alam mo ba kung paano siya gamutin? Kung gusto mon ang mamatay, huwag mo nang idamay ang mga Darby,” sabi ni Yumi habang tumatayo
Nagulat si Jackson nang makita niya ang confidence sa mga mata ni Darryl at agad na tumango. Sa ilalim ng mga mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid, tumungtong si Jackson sa isang upuan at ibinaba ang eight-diagram na salaming nakasabit sa dingding.“Nahihibang ka na rin ba, Jackson? Paano mo nagawang maniwala sa nakikitirang manugang na ito?” Reklamo ni Yumi sa isang tabi.Hindi siya pinansin ni Jackson. Naniwala nang husto si Jackson kay Darryl dahil sa napakalalim nilang pinagsamahan mula noong mga bata pa lamang sila.“Dalian ninyo. Bilisan ninyong buhatin si President Guy sa tabi ng maliit na lawa.” Utos ni Jackson sa mga waitress matapos ibaba ang eight diagram na salamin.Natigilan nang isang sandali ang mga waitress at agad na binuhat si Abby palabas.Matapos makita ang pangyayaring ito, mahinhing iniling na lang ng mga tao sa paligid ang kanilang mga ulo.Tama nang si Darryl na lang ang magsalita ng mga walang kabuluhang bagay sa mga sandaling ito, pero nagawa rin mag
”Isa bai tong coincidence o talagang alam lang ng nakikitirang manugang na ito ang tungkol sa bagay na iyon? Isip ng mga bisita.”Bahagyang ngumiti si Darryl at tumango kay Abby. “Tama nga iyan. Kahit isa sa magagandang uri ng antique ang eight diagram na salaming iyon, kinocontradict pa rin nito ang Feng Shui ng villa na ito. Ito ang dahilan kung bakit nahimatay si President Guy. Kahit na gaano pa kagaling si Ms. Sullivan sa larangan ng medisina, hindi pa rin niya magagawang gamutin ang nangyari kay President Guy.”Napayuko nang paunti unti si Shelly sa mga sinabing ito ni Darryl. Minaliit niya noong una si Darryl pero agad din nilang nalaman na isa itong binata na maraming kaalaman sa mga bagay na katulad nito. Hindi rin niya nagawang gamutin si Abby kanina kaya natuto siyang magpakumbaba sa mga sinabing ito ni Darryl.Habang nagsasalita si Darryl, pasimple niyang tiningnan ang katawan at ganda ni Abby.Kahit nasa 30 years old na ang babaeng ito, naalagaan pa rin niya nang husto
Pero wala ritong pakialam si Darryl. Bahagya lang siyang ngumiti at sinundan ang mga lalaki papasok sa isang sasakyan.Matapos ang ilang minute, nakarating na sila sa isang pribadong manor.Kahit na malayo ito sa dagat, nagawa pa ring makipagsabayan ng naging dekorasyon nito sa mga villa na nakatayo sa tabing dagat. Mas naging metikuloso at maayos din ang naging layout ng manor na itong naghighlight sa napakalakas na aura ng taong nagmamayari nito.Naglabas ng makalumang pakiramdam sa paligid ang buong manor na itong mayroong vintage na uri ng style.Agad na umalis ang dalawang mga nakaitim na lalaki pagkatapos nilang samahan si Darryl papasok sa front hall ng manor.Dito makikitang nakaupo si Brandon sa isang eleganteng upuan na gawa sa kahoy. Nang makita niya ang pagdating ni Darryl, tumayo siya at itinuro ang isang box na naglalaman ng regalo sa kaniyang tabi. “Isa itong regalo galing sa aking kapatid bilang pagpapasalamat sa iyong ginawa sa kaniya. Kunin mo ito.”Buong pagpap
”Well, kung hindi po kayo naniniwala sa kakayahan ng Godly Pill na ito, paalam.” Parang walang naging pakialam si Darryl na naghanda nang umalis.“Teka!” Tawag ni Brandon matapos gumawa ni Darryl ng ilang hakbang paalis.“Sigurado ka bang matutulungan ako ng pill na itong makatawid sa level ng Master General?” Tanong ni Brandon.Ayaw nang dagdagan ni Darryl ang mga sinabi niya kanina. Kaya sumagot lang siya gamit ang dalawang simpleng mga salita kay Brandon, “Siyempre naman.”Huminga nang malalim si Brandon at sinabing, “Sige. Bibilhin ko na iyan. Magkano ba ang pill na iyan?”Isang ngiti ang nagpakita sa mukha ni Darryl at inisip na mukhang iniisip ni Brandon na maaayos niya ang lahat gamit ang kaniyang pera. “Sige kung ganiyan ka kayaman, uubusin ko ang laman ng iyong bank account ngayong araw,” Habang nagiisip, itinaas ni Darryl ang dalawa niyang mga daliri kay Brandon.Sa kaniyang isip, pinaplano niyang ibenta ang bawat isang pill sa halagang dalawang bilyon. Pero mukhang hin
Matapos ang mahabang araw, nakaalis na ang halos lahat ng mga bisita sa mansiyon ng mga Darby. Umalis na rin ang ilan sa mga senior ng pamilya Darby na nagiwan na lamang sa mga nakababatang miyembro ng Darby na kasalukuyan pang nagiinuman sa living hall ng mansiyon na nagpupumilit sa groom na ibalik ang bride sa kanilang kuwarto.Ang groom namang si Jackson ay naparami sa paginom kaninang hapon kaya kasalukuyan pa itong natutulog sa kaniyang kuwarto habang ang kaniyang bride naman na si Rebecca Song ay abala sa pagentertain ng kanilang mga bisita habang tulog ang kaniyang asawa.Naroon din siyempre ang pinakamatanda nilang kapatid na si Florian at ang asawa nitong si Yumi.“Sige na, lumalalim na ang gabi. Oras na para umuwi!” Sabi ni Yumi habang nakatingin sa kaniyang orasan.Pero mukhang ayaw pang umuwi ng asawa niyang si Florian na kumaway sa kaniya habang sinasabing “Ah, espesyal ang araw na ito sa ating lahat. Kaya bakit hindi ka na maunang umuwi sa atin? Dito lang muna ako par
Agad na naintindihan ni Florian ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Agad niyang dinala ang eight diagram na salamin para itabi ito kay Rebecca.“Napakagaling mo talaga, Darling!” Pinuri ni Florian si Yumi habang ibinababa ang salamin.Hindi na nagawa pang sagutin ni Yumi ang kaniyang asawa. Nilagay niya ang salamin sa tabi ng kama at pumunta sa bintana para buksan ito, ipapakita nito na tumakas sa bintana ang taong gumawa nito kay Rebecca.Malinaw na fineframeup nilang dalawa si Darryl.Kaninang umaga, nagpakitang gilas si Darryl gamit ang kaniyang kaalaman sa teorya ng Feng Shui na nagawa ring magsabi na nahimatay si Abby nang dahil sa salaming ito. Kahit na hindi nito nakumbinsi si Yumi, alam niya na maraming naniwala rito kasama ang biniktima ng kaniyang asawang si Rebecca.Dahil marami nang nalalaman tungkol sa metaphysics ng Feng Shui si Darryl, maaaring marami na rin itong nalalamang paraan para mawalan nang malay si Rebecca sa pamamagitan ng salaming ito. Kaya sa sandal
Nanigas ang ngiti sa mukha ni Samantha habang nagiging awkward at bagsak ang maganda niyagn mood. Pero nanatiling kalmado at confident si Lily. Tumayo siya at ipinakilala si Darryl, “Ito nga pala si Darryl. Kasal na kaming dalawa.”“Oh… Siya pala ang manugang mo Samantha, I see. Mukhang isa naman siyang disenteng lalaki. Saan ba siya nagtatrabaho.” Tanong ni Melanie.“Sa isang kumpanya,” Kalmadong isinagot ni Darryl. Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Melanie pero wala pa rin siyang pakialam dito.“Anong company? Ano rin ang posisyon mo roon?” Nakangiting tanong ni Melanie na para bang nagcacare siya rito.Walang pagaalinlangan namang sumagot si Darryl ng, “Isa lang akong pangkaraniwang office boy.”“Ah! Isa ka lang palang office boy!” Isip ni Melanie.Matapos niyang sabihin ito, makikita ang kaunting inis na nagpakita sa mga mukha ng tao sa kaniyang paligid. At agad na natuwa rito si Melanie na nanonood sa pagbabago ng kanilang mga reaksyon.“Ok na ang pagiging isang