“Paligiran ninyo sila!”Habang na gitna ng kanilang pagsigaw, higit sa isang daang mga bantay ang pumaligid kay Granny Rafflesia at sa mga kasama nito.Haha! Nagtagumpay din siya sa wakas.Napangiti naman si Darryl sa kaniyang nakita, natuwa siya nang makuha niya ang pagkakataong iyon para pumasok sa kampo habang nasa gitna ang mga bantay ng kaguluhan.Mabilis na nakahanap ng blind spot si Darryl na kaniyang pinagtaguan para magobserba ng dahan dahan.Makikita naman sa labas ng kampo ang higit sa isang daang mga bantay na pumaligid kay Granny Rafflesia bago nila nakasimangot na tingnan ito. Pero agad silang napatigil nang mapansin nila ang babaeng mamamatay tao.“Tsk tsk, mayroong babae rito.”“May itsura ang isang ito kung ako ang tatanungin ninyo…”Hindi na naitago pa ng babaeng mamamatay tao ang kaniyang kahihiyan at galit sa ginagawang pagtingin ng mga bantay.Nanlamig naman ang itsura ni Granny Rafflesia habang nangaasar niyang tinitingnan ang mga bantay. “Iharap ninyo sa
Kasunod nito ang pagsigaw ng isa sa kanila, “Dakipin natin siya!”Dito na bumunot ang mga bantay ng mahahaba nilang mga espada para sugurin si Granny Rafflesia at ang mga mamamatay tao.Buzz buzz…Sumabog ang enerhiya ng mga mamamatay tao sa ere habang nagsisimula ang isang matinding laban sa pagitan nila at ng mga bantay.Dito na nagpakita ang ngiti sa mukha ni Darryl.‘Haha! Maglaban kayo! Magpatayan lang kayo riyan.’Ubod ng sama ang magkabilang panig na naglalaban kaya natuwa siya nang makita niyang magpatayan ang mga ito.Thump thump thump….Nakita niya ang paglabas pasok ni Granny Rafflesia sa ere na parang isang kidlat, lumatigo sa paligid ang may kadenang kutsilyo sa kaniyang mga kamay habang humihiwa ito ng kaliwa’t kanan. Sa loob ng isang minuto ay nagawa na niyang mapabagsak ang mga bantay.“Magpadala kayo ng tulong…”“Tulong, dalian ninyo!”Agad na nagpanic ang mga bantay sa kanilang nakita habang sumisigaw ang mga ito ng malakas. Naalerto naman ang iba pang mga
Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, hinawakan ni Paya ang mahaba niyang espada at sumugod muli kay Granny Rafflesia.“Hayaan po ninyong tumulong kami, Punong Heneral!”Kasabay nito ang pagpapakita ng nasa higit 10 mga elite na sundalo ni Paya. Hindi sila nagdalawang isip nang makita nila ang laban ng kanilang heneral, malakas na sumigaw ang mga ito habang sumasali sa laban. Agad na pinaligiran ng mga ito si Granny Rafflesia.“Ha! Sige lang.”Napangisi naman si Granny Rafflesia sa kaniyang nakita, nanlalamig itong dumura habang ipinanghahampas ang may kadena niyang kutsilyo para labanan si Paya at ang mga tauhan nito.Naglabas masok ang magkabilang panig sa ere habang gumagawa ng nakabibinging tunog ang kanilang mga sandata na tumakot at gumulat sa sinumang makakasaksi nito sa paligid.Mas marami pang mga sundalo ang nanood nang marinig nila ang mga ingay na iyon.Huminga naman ng maluwag si Darryl sa kaniyang nakita. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakas papunta
Malakas na sumagot ang mga bantay, agad na tumalikod ang mga ito para gawin ang ibinabang utos sa kanila.Nang biglang pigilan sila ng nagmamadaling si Ethan. “Okay lang ako kahit na wala akong sariling banquet, Mahal na Alkalder. Mayroon akong importanteng ga bagay na kinakailangang asikasuhin sa lalong madaling panahon.”‘Importanteng mga bagay na dapat asikasuhin?’Napatigil ang alkalde bago ito makahulugang magtanong ng, “Anong klase ng importanteng bagay ito?”Alam niya na hindi palabiro si Ethan kaya siguradong totoo na mayroon itong emergency.Hindi naman agad na sumagot dito si Ethan. At sa halip ay huminga siya ng malalim at tumingin sa mga bantay sa likuran ng alkalde. Mas makabubuti kung kakaunti lang ang mga taong nakakaalam sa alyansa lalo sa mga sandaling ito.Lalaki ang kaniyang problema sa sandaling makarating ang balitang ito kay Paya.Naintindihan ng alkalde ang intensyon ni Ethan kay agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay habang sinasabi na, “Sige. Dalhan niy
Habang nagsasalita, nagpakita ng pagasa ang paningin ni Ethan.Pero agad na napahawak ang alkalde sa kaniyang noo habang nagpapakita ng nasasaktang itsura, nagpapasensya nitong sinabi na, “Hmmm… masyado ng malalim ang gabi. Nagpapahinga na ngaoyn ang Emperor.”Habang nagsasalita, mabilis na gumana ang isip ng alkalde, dito na siya humarap kay Ethan para sabihing, “Mayroon kang dapat na malaman, Commander Ethan. Kakaiba na ang ikinikilos ngayon ng emperor nang dahil sa kaniyang pinagdaraanan. Madalas na siyang nagagalit at naiinis sa mga tao. Kaya natatakot ako na kapag inistorbo ko siya sa kaniyang pagtulog, baka…”Habang patapos sa kaniyang pagsasalita, nagpakita ng pagaalala ang mukha ng alkalde.Hindi naman nakaramdam ng mali si Ethan sa sinasabi ng alkalde kaya napabuntong hininga na lang ito habang sumasagot ng, “Naiintindihan ko ang emperor kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Marami na siyang pinagdaanan sa murang edad.”Nagmamadali namang tumango ang alkalde bilang pags
Naging confident ang alkalde habang nagsasalita, tumitig ito kay Everett.Maraming taon na niyang nakilala si Everett kaya kilala niya na kung anong klase ng tao ito. Nagmukha itong isang gentleman pero isa talaga itong sakim at uhaw sa lamang lalaki.Kaya natural lang na magliwanag ang mukha ni Everett nang marinig niya ang pabuyang naghihintay sa kaniya habang tuamtawa itong sumasagot ng, “Sige! Paano ko naman magagawang tanggihan ang anumang iutos ninyo sa akin, Mahal na alkalde? Ako na ang bahala rito. Haha!”Habang nagsasalita, inubos na ni Everett ang laman ng kaniyang tasa bago siya umalis sa silid.…Pumasok si Ethan sa kaniyang kuwarto sa loob ng isang hotel, itinago nito sa isang ligtas na lugar ang kasulatan bago siya magpahinga. Dahil nasa loob siya ngayon ng Emerald Cloud City, alam ni Ethan na magiging ligtas ang lahat kaya agad siyang nagpahinga ng walang pangamba rito.Swish swish…Hindi nagtagal ay nakarinig si Ethan ng sunodsunod na tunog ng yapak na papalapit
Nagngitngit ang mga ngipin ni Ethan sa sakit, dahan dahan siyang tumayo habang nakatitig niyang sinasabi kay Everett na, “Ikaw… sino ka?”Malademonyo namang ngumiti si Everett. “Hah! Sasabihin ko na sa iyo ang totoo ngayong mamamatay ka na rin naman. Ako si Everett Freeman. Ipinadala ako rito ng alkalde para patayin ka.”Sa totoo lang, mas bihasa ng husto si Ethan kaysa kay Everett kaya siguradong magiingat sii Everett kay Ethan sa anumang sitwasyon. Mabuti na lang at sugatan na ngayon si Ethan kaya wala na siyang dapat pang ikatakot.Nanikip ang dibdib ni Ethan sa kaniyang narinig habang nabablangko ang kaniyang isipan.‘Ano? Gusto akong ipapatay ng alkalde? Paano… paano ito nangyari?’Nang maisip niya iyon, agad na napatanong si Ethan ng, “Bakit niya ako gustong ipapatay?”Hindi naman nagaksaya ng panahon si Everett para ipaliwanag ang lahat ng ito kay Ethan habang nanlalamig nitong sinasabi na, “Sa diyos mo na lang iyan itanong sa sandaling makarating ka na sa kabilang buhay.”
Mabilis na nakarating ang mga bantay kay Ethan. Noong nasigurado nilang patay na siya, doon sila nagsimulang umiyak ng malakas."Pakiusap, tulungan nyo kami!""Patay na si Heneral Ethan. Hanapin ang mga assassin…"Umaalingawngaw ang kanilang mga iyak sa tahimik na kalye, mabilis na nakita sila ng grupo ng mga nagpapatrolyang bantay sa malapit. Nung malaman nila ang nangyari, pinautos nila na harangan lahat ng labasan sa Emerald Cloud City.Sa saglit din na iyon, sa mansyon ng Mayor.Sumugod kaagad si Everett doon nung makuha niya sa kaniyang mga kamay ang alyansa at kararating lang din niya sa silid aklatan.Kalmadong nagbabasa ng libro ang mayor habang humihigop ng tsaa."Mister Mayor!" Umabante si Everett at magalang na yumuko.Whew!Huminga ng malalim ang mayor, at agad na nagtanong ng, "Nagawa mo na ba?"Ngumiti ng kaunti si Everett, inilabas ang alyansa at inihagis ito sa mesa. "Hindi ko kailanman magagawang magkamali sa utos na galing sa Mayor. Tapos na! Patay na si Eth