Walang nakuhang kahit anong litrato ni Monica si Darryl.Ang nag iisang paraan para makita si Monica ay kumuha ng isang pintor para iguhit ang mukha nito.Wala nang ibang paraan!Kinuha ni Jade ang kanyang telepono at nagsimula nang tumawag at maghanap ng mga pintor na kilala niya.Siya ang manager ng Windon Group. Siya rin ay sikat sa Donghai City. Hindi pa nakakalipas ang isang oras, dumating na ang pintor sakanyang opisina.Nagsimula nang gumuhit ang pintor base sa mga sinabing deskripsyon ni Darryl sakanya. Pagkatapos nang ilang oras, tapos na ang larawan.Kuhang kuha ng pintor ang itsura ni Monica. Kung ano ang itsura sa larawan ay kamukhang kamukha.Agad na umalis ng Great West Real Estate si Darryl pagkatapos niyang makuha ang larawan.Kinuhaan niya nang litrato ang larawan na ginuhit ng pintor at pinadala sa Dixon quadruplets. Sila ang magsasabi sa Elysium Gate members na hanapin ang Cult Mistress ngunit sabi ni Darryl na gawin nila ito nang tahimik. Kailangan nilang pa
Sa Secret Garden Karaoke Bar sa Donghai City.Ang bar ay matatagpuan sa isang maingay na gusali at kakabukas lang nitong mga nakaraang araw. Ito rin ang pinakamalaking bar sa Donghai City.Sa ika-level three ng bar ay ang deluxe suite.Ang deluxe suite ay isang daang square feet kalaki. Mayroong wine counter, lugar kung saan pwede matulog, malakas na sound system at ang pinaka importante, isang maliit na pool kung saan pwede sumayaw.Ang bar na ito ay may malaking lugar at ang presyo nila kada oras ay nasa limampung libong dolyar. Maliban sa mayayaman na pamilya, wala talagang kaya pumunta rito.Sa sandaling ‘yon, ang suite ay napalibutan ng ilang dosenang bodyguards na nakasuot ng itim na damit; nakakamangha ang kanilang itsura.Lahat sila ay naroon para protektahan ang isang tao, si Dalton Zander ng Dalton Entertainment.Pagkatapos ng insidente sa Mid-Autumn Festival celebration sa Donghai City kung saan tinapunan si Darryl si Dalton ng ihi niya, napagtanto niya ang kahalagaha
Tumango si Dalton; ang pagitngin niya ay hindi naalis sa katawan ni Monica.Ngumiti si Dalton at nagtanong, “Manager Janette, narinig ko na ang magandang babae na ito ay naghahain lamang ng prutas at kumakanta. Pwede niya ba akong ibahin sa mga naging suki niya at makipag inuman sakin?” Natigilan si Janette pero ngumiti siya at sinabing, “President Dalton, isa kang espesyal na panauhin dito. Syempre naman, pwede ka niyang ibahin sa mga suki naming. Isang karangalan kay Monica na makasama ka sa inuman.”Habang siya ay nagsasalita, tumingin siya kay Monica at inutusan siyang maghanda ng inumin para kay Dalton.Kinagat ni Monica ang kanyang labi at sinabing, “Manager Janette, napagkasunduan natin na hindi ako makikipag inuman sa kahit kaninong panauhin natin.”Sa unang araw ng ang trabaho, nakaramdam na si Monica na may mali. Ang mga panauhin ay palagi siyang tinititigan na para bang nakahubad siya. Lahat nang titig nila ay hindi komportable para sakanya.Gusto nang umalis ni Monic
“Pakiusap ko ay maging magalang ka.”Galit na galit si Monica; tinanggal niya ang kamay ni Dalton at nagbigay ng distansya sa gitna nila sa sofa.“Okay sige, magiging magalang na ako.”Tumawa si Dalton at kinuha niya ang baso na may wine para uminom at tinitigan niya si Monica.Kumaway si Dalton kay Janette.Agad na naglakad si Janette papunta sakanya at nagtanong, “Anong magagawa ko para sainyo, President Dalton?”Tumawa si Dalton at sinabing, “Janette, saying naman kung nandito lamang ang isang magandang dilag na ‘to at nagtatrabaho bilang isang waitress. Gusto kong bilhin ang kontrata niya at gawin siyang artista sa kompanya ko!”Nag alangan si Janette ngunit ngumiti rin ito, “President Dalton, sa tingin ko ay hindi ito pwede.”Kailangan ni Janette si Monica para makakuha at makaakit nang maraming customer sa bar.Umiling si Dalton at kinuha ang Amethyst Bank diamond card sa kanyang wallet. “Bibigyan kita nang sampung milyong dolyar at isasama ko na siya.”Ano?!Sampung m
Paano niya nagawang makipag-usap kay President Dalton nang ganon?“Anong problema mo? Anong karapatan mong kausapin nang ganon si President Dalton?” nararamdaman n ani Janette ang malamig niyang pawis sa likod. “Humingi ka nang pasensya sakanya.”Tumawa si Dalton at pinakiusapan si Janette na umalis.Pinuntahan niya si Monica ulit at sinabing, “Magandang Dilag, mabilis kang mainis. Pero, okay lang. Gusto ko ‘yun.”Hinawakan niya ang mga kamay ni Monica habang siya ay nagsasalita.“Bitawan mo ako!!!”Galit na galit si Monica. Kinuha niya ang baso sa lamesa at tinapon ang wine sa mukha ni Dalton. Tapos ay tumayo siya at handa nang umalis ng suite.Bang!Galit na galit si Dalton; hindi na niya ito napigilan. Sinipa niya ang lamesa at ang lahat ng baso ay nahulog sa sahig.“Ano ba! Anong karapatan mo?!” galit na galit si Dalton at sumenyas sakanyang mga bodyguard. “Itali niyo ‘yan!”Agad na pinalibutan ng mga bodyguards si Monica at itinali ito gamit ang lubid.Matagal nang mahi
Slap! Slap!Ang kada sampal sakanya ay palakas nang palakas.Galit na galit si Janette. Hinila niya ang buhok ni Monica at sinipa ito sa tyan.“Anong karapatan mong mag inarteng parang inosente rito!” sinigawan siya ni Janette habang patuloy siyang sinasaktan nito.Wala pang nakakasakit kay Monica kahit noon.Siya rin ay mahina dahil siya ay buntis. Nakaramdam siya nang matinding sakit noong sinipa siya sa tyan ni Janette. Natakot siya at nalungkot kaya naman patuloy siyang umiyak.“Tama na, wag mo na siyang saktan.” Ngumiti si Dalton habang pinapakiusapan niya si Janette na tumigil na. Naglakad siya papalit kay Monica at tiningnan ito.“Nako, pulang pula na ang buong mukha mo.” Sabi ni Dalton habang hinahawakan ang mukha ni Monica.“Ikaw!!!” galit na galit si Monica. Patuloy siyang sumisigaw, “Wag mo akong hawakan! Lumayo ka! Umalis ka!”Nang lumapit si Dalton sa mukha niya at ang kanyang mga kamay ay nakahawak kay Monica, nawalan na siya nang pag-asa. Pinikit nalang niya ang
Sinampal ni Darryl si Janette gamit ang lahat nang lakas niya. Wala na siyang oras para magkaroon nang reaskyon, lumipad siya patalikod, mga sampung metro kalayo. Ang katawan niya ay tumama sa pader at nahulog siya sa sahig; sumuka rin siya ng dugo.Argh!Lahat ng babaeng artista ay nagsimula nang sumigaw habang sila ay nagtatago sa gilid; lahat sila ay takot na takot.Natigilan si Dalton, natatakot niyang sinabi kay Darryl. “Darryl, anong ginagawa mo? Suite ko ‘to! Umalis ka rito!”Hindi pa rin alam ni Dalton kung ano ang relasyon ni Darryl kay Monica.Parang nasusunog sa galit ang mga mata ni Darryl. Dahil hindi niya nakita si Monica sa Elysian Island, natirang mag-isa si Monica sa Donghai City at wala siyang kilala rito para matulungan siya.Noong makita ni Darryl kung paano inapi ni Dalton si Monica at ang mga marka sakanyang mukha, galit na galit si Darryl!Hindi na siya nakapagsalita pero ang enerhiya na nilalabas ng katawan niya ay nakakatakot, pinalibutan ito ang buong
“Wag!!! Kuya Darryl!!! Wag!!!”Natakot si Dalton kaya sumigaw siya.Hindi siya pinansin ni Darryl. Sinipa niya ito at binuhat si Monica palabas ng building.“Bakit ka nagtatrabaho rito?” tanong ni Darryl habang siya ay naglalakad.Si Monica ay nasa mga braso ni Darryl.“Ang hipag mo ang nagrekomenda sakin dito,” mahinang sagot ni Monica.Hipag? Kailan pa siya nagkaroon ng hipag?Nagulat si Darryl nang marinig niya ito. Noong pagkaalis nila sa Secret Garden, nakaramdam si Darryl na parang may malagkit sa kamay niya. Tiningnan niya ito at nagulat noong makita niya kung ano ito.Ang mga kamay niya ay puno ng dugo, galing ito sa damit ni Monica.“Darryl, sobrang sakit ng tyan ko.” Sumigaw si Monica. Tagaktak ang kanyang pawis.Nakaramdam siya nang matalas na sakit noong sinipa siya ni Janette sakanyang tyan.“Monica…” parang tinusok ang puso ni Darryl.“Ang anak natin… Mawawala ba ang anak natin? Ang anak natin…” hinawakan ni Monica ang kanyang tyan at umiyak. Pagkatapos ay nah