Kahit na intensyon ni Lukas na kunin si Darryl, napagdesisyunan niya pa ring ikulong ito para sa sarili niyang kaligtasan. Nasa kabilang panig si Darryl nang makipagsanib puwersa siya kay Paya na atakihin ang Gem City.Sa isang bahagi ng bilangguan.Paunti unti na ring nagising si Darryl pagkatapos ng kalahating oras.Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buo niyang katawan nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Dito na niya naisip na, ‘Sinubukan akong patayin ni Moriri pero nagawa ko pa rin siyang iligtas sa huli. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi.’Pagkatapos ng isang segundo, natigilan si Darryl nang malaman niya ang kaniyang kinaroroonan—kasalukuyan siyang nakakulong sa isang bilangguan na walang bintana habang makikita ang isang bakal na pinto sa kaniyang harapan. Masyadong madilim at basa ang bilangguang iyon.‘Nasaan ako? Mayroong dumakip sa akin?’Maririnig ang tunog ng mga yapak mula sa labas noong mga sandaling iyon. Dito na bumukas ang bakal na pinto ba
Nagalit naman dito ng husto si Lukas. ‘Buwisit ka! Masyadong ignorante ang isang ito. Ito ang unang beses kong kumuha ng tao bilang Commander-in-chief pero nagawa niya pa rin akong tanggihan. Paano ko na haharapin ang mga sundalo ko ngayon?’At sa wakas ay nagreact na rin si Lukas habang tinitingnan nito si Darryl gamit ang wirdong itsura sa kaniyang mukha. “Napagisip isip mo na ba ang tungkol dito? Hindi tayo palaging binibiyayaan ng ganito kagandang oportunidad. Sabagay, humahanga talaga ako sa ipinakita mong talento.”Umiiling namang sumagot si Darryl ng, “Huwag ka ng magaksaya ng laway. Hindi ako mananatili rito para maging heneral mo.”Hindi rin siya napapabilang dito. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay magrecover para labanan sina Master Magaera at Jalen. Hindi na siya dapat pang magaksaya ng oras doon.‘Buwisit!’ Hindi na mapapalampas ni Lukas ang pangalawang beses na pagtanggi ni Darryl. Dito na nagdilim ang kaniyang itsura habang sinasabi na, “Sige! Ngayong nag
‘Ang lalaking ito…’Nagugulat na tinitigan ng mga pinagkakatiwalaang sundalo ni Lukas kasama ng sundalong may hawak ng latigo si Darryl nang harapin nito ang sitwasyong iyon.‘Gawa ba ito sa bakal? Balot na siya ngayon ng sugat pero hindi pa rin niya nagagawang bumitaw?’Napasimangot na lang si Lukas hanggang sa nakaramdam siya ng matinding apoy sa kaniyang dibdib. ‘Grabe! Masyado siyang matigas.’Dito na nahimasmasan ang pinagkakatiwalaang sundalo na may hawak ng latigo habang sinasabi nito kay Lukas na, “Heneral, siguradong mamamatay ito sa sandaling ipagpatuloy natin ang paglatigo sa kaniya…”Napabuntong hininga naman dito si Lukas. Sa sobrang galit ay gustong gusto na nitong iutos ang pagpatay kay Darryl pero agad niyang pinakalma ang kaniyang sarili habang nanlalamig siyang sumasagot ng, “Ikulong niyo na muna siya sa ngayon.”‘Sabagay, alam pa rin nito kung paano gumamit ng mga formation ng sundalo kaya nakakapanghinayang masyado ang pagpatay sa kaniya.’“Opo, Heneral!”Na
Nakasuot ng marangayang damit na gawa sa puting balahibo ang matandang lalaki habang nakapatong ang isang korona sa kaniyang ulo. Nagpakita ito ng kalmadong itsura at kahit na malapit na sa takipsilim ang kaniyang edad, nabalot pa rin siya ng malakas na aura kaya walang kahit na sino ang nagawang bumangga sa kaniya.Siya ay walang iba kundi ang Kaiser ng mga barbaro.Tahimik na nakauo sa kaniyang tabi ang isang maganda at puno ng dignidad na babaeng nakasuot ng peacock dress na tanging sa mga barbaro lamang matatagpuan, ipinakita nito ng husto ang hubog ng kaniyang katawan.Mas bata ng 30 taon ang Kaiserin kaysa sa Kaiser na nangangahulugang nasa gitna pa lang ito ng kaniyang buhay. Ipinakita naman ito ng napakaganda niyang mukha at aura.Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang Kaiserin.Hindi naiwasang mapatingin ni Lukas sa Kaiserin noong mga sandaling iyon. Agad siyang napahinga ng malalim habang nababalot ng emosyon ang kaniyang dibdib.‘Grabe! Paganda ng paganda ang Kaiserin
Nang marinig niya ang sagot ng Kaiser, sumagot lang si Lukas dito ng, “Mauuna na po ako kung ganoon.”Dito na siya yumuko bago siya dahan dahang naglakad palabas ng Golden Hall.Naramdaman ni Lukas na hindi naging maganda ang pagtrato ng Kaiser sa kaniya. Walang naging kuwenta ang topographic map na kaniyang iginuhit sa mata ng Kaiser. ‘Buwisit! Dapat ng mamatay ang matandang ito sa lalong madaling panahon!’ Mura niya sa kaniyang sarili bago siya nagmamadaling naglakad palayo.…Pagkatapos niyang manatili ng ilang oras sa loob ng batong bilangguan, huminga ng malalim si Darryl habang dahan dahan niyang iminumulat ang kaniyang mga mata. Nakita niyang madilim na sa labas at dalawa lang ang mga sundalong nagbabantay sa labas ng bilangguan. Napangiti siya nang malaman niya iyon.‘Mabuti na lang at madilim na sa labas. Mas magiging madali na para sa akin ang pagtakas.’Gumaling na ang mga latay ng latigo sa kaniyang katawan pagkatapos niyang magpagaling ng ilang oras pero kabaliktaran
Nagsama pabalik ang isa pang sundalo ng isang barbarong doctor pagkatapos makatakas ni Darryl sa batong bilangguan.‘Huh?’Natulala siya habang napapagtanto na mayroong mali nang makapasok siya sa batong bilangguan. Nakita niyang hindi makagalaw ang kaniyang kasama habang hindi naman makita kung nasaan ngayon si Darryl.Dito na biglang sumigaw ang paralisadong sundalo ng, “Dalian mo! Nakatakas ang bilanggo natin! Tumawag ka ng backup!”Nahimasmasan na rin ang sundalo nang marinig niya ang utos. Dito na siya nagmamadaling tumakbo palabas sa batong bilangguan habang sumisigaw ng, “Mga kasama! Pumunta kayo rito ngayundin! Nakatakas ang bilanggo natin!”Pagkatapos ng ilang minute, daan daang mga sundalo ang tumakbo sa direksyon kung saan tumakas si Darryl.…Malalim na ang gabi. Makikitang nakasuot si Lukas ng isang marangyang robe habang sinasamahan ng ilan sa kaniyang pinagkakatiwalaang sundalo, nakarating ang mga ito mula sa kanlurang gate ng Golden Hall.“Maghintay kayo rito,”
“Hayop ka! Tinrato kita ng maayos, pero nagawa mo pa rin akong pagtaksilan…”Unti unting tumindi ang galit ng Kaiser habang nasa gitna ito ng kaniyang pagsasalita. Dito na siya bumunot ng espada bago ito tumitig kay Lukas at Lady Beatrice.“Papatayin ko kayong mga hayop kayo!”Dito na niya isinwing ang espada sa lalamunan ni Lukas.‘Yare!’Agad na nagpanic si Likas nang makita niya ang papalapit na espada, dito na biglang lumabas ang lahat ng kaniyang hinanakit sa Kaiser ngayong nasa bingit na siya ng kamatayan.“Hindi ka karapat dapat para mapatay ako, Tanda!” Sigaw ni Lukas.Isang malakas na aura ang sumabog mula sa katawan ni Lukas nang marinig sa hangin ang kaniyang mga sinabi habang binubunot niya ang mahaba niyang espada.Clang!Nagtama ang espada ng dalawa na gumawa ng isang napakalakas na shockwave sa sumunod na segundo. Dito na napaatras ang Kaiser habang nananatili namang nakatayo na parang isang bundok si Lukas sa kaniyang puwesto.Masasabi nating malakas ang Kaise
Dito na napaatras si Lukas bago siya napasandal sa poste habang nagbubuntong hininga.Grabe, patay na rin ang matandang iyon sa wakas. Mabuti na lang at nairita ito ng husto na nagpawala sa kaniyang sarili dahil kung hindi ay magiging mahirap maging para sa kaniya na malaman kung sino ang mananalo sa kanilang sagupaan.Dito na sumimangot si Lukas bago niya simulang isipin ang mga susunod niyang gagawin.Ituturing siyang makasalanan ng mga barbaro sa sandaling kumalat ang balita tungkol sa bagay na ito. Hinding hindi siya makakatakas sa mga barbaro kahit na tumakbo pa siya sa kaduloduluhang bahagio ng mundo.Kaya kinaialangan niyang magisip ng perpektong plano.“Kaiser…”Namutla ang mukha ni Lady Beatrice habang nabablangko ang kaniyang isipan. Hindi niya naiwasang tawagin ang Kaiser habang nilalapitan niya ito.Natakot ng husto si Lady Beatrice. Hindi siya makapaniwala na namatay ang Kaiser.Pagkatapos nito ay itinaas ni Lady Beatrice ang maganda niyang kamay para ilagay sa ila