Noong mga sandaling iyon, inunat ni Darryl ang kaniyang likuran habang nakangiti niyang sinasabi kay Moiriri na, “Huwag mo nga akong tingnan na para bang hindi tayo magkasundo. Sinabi ko naman na sa iyo ang lahat. Isa ako sa mga biktima nang puwersahan tayong ikasal pero gusto mo pa rin akong patayin nang dahil dito. Wala itong saysay sa totoo lang. At higit sa lahat, hindi kita type.”Dahan dahan siyang tumayo para umalis sa formation.“Pagisipan mo ito ng maigi. Pakakawalan kita sa sandaling luminaw na ang isip mo. Sulitin mo ang oras mo riyan.”Pagkatapos nito ay nakahanap si Darryl ng isang patag na space kung saan siya nagpahinga.‘Ang hayop na ito!’ Napakagat na lang sa kaniyang labi si Moriri habang nakakaramdam ng kahihiyan at galit sa kaniyang sarili. ‘Nagawa niyang itake advantage ang sitwasyong iyon habang nagmamaangmaangan siya rito. Kahit na puwersahan kami parehong ikinasal, ako lang at ang pagkapuro ko ang apektado rito. Isa siyang lalaki kaya hindi ito makakaapekto
‘Anong kalokohan ito!’Napaatras si Darryl nang makaramdam siya ng panganib mula sa kaniyang likuran. ‘Tinatambangan niya ako!’Habang nakakaramdam ng frustration, sinubukan niyang iwasan ang pagatake pero hindi na sapat ang kaniyang oras para gawin iyon kaya wala na siyang nagawa kundi gamitin ang diwata niyang kaluluwa para gumawa protective shield sa kaniyang likuran.Tumama ang mahabang espada ni Moriri sa shield na gumawa ng malalim na vibration sa paligid. Nakaramdam siya ng matinding puwersa na bumalik sa kaniyang katawan. Nadurog ang hawak niyang espada habang tumatalsik ng ilang metro ang kaniyang katawan. Nilabanan niya ang puwersa habang bumabagsak ang kaniyang katawan sa lupa. Dito na nagpakita ng panghihina ang namumutla niyang mukha.Parehong naglalaman ng diwatan kaluluwa at Red Lotus Fayette ang katawan ni Darryl kaya hinding hindi siya magagawang pantayan ni Moriri. Sabagay, 10 porsyento lang ng kaniyang lakas mula sa diwata niyang kaluluwa ang ginamit ni Darryl pe
Nagdilim ang paningin ni Darryl matapos niyang sumuka ng dugo. Hindi na niya natiis pa ang sakit at tuluyan na siyang nawalan ng malay.Maririnig ang mga tunog ng yapak mula sa hindi kalayuan pagkatapos niyang mawalan ng malay. Higit sa sampung mga lalaki na nakadisguise bilang mga pangkaraniwang tao ang pasimpleng pumaligid kay Darryl. Kahit na nakasuot ng simpleng pananamit ang mga lalaking ito, naglabas pa rin sila ng ubod ng samang aura. Nagmukhang demonyo ang kanilang mga mata habang nakatago naman ang mga taga sa kanilang mga baiwang.Natural na hindi pangkaraniwang mga tagaroon ang mga iyon. Naglabas ng napakatinding aura ang lider ng mga kalalakihang ito. Hindi na rin nito itinago pa ang napakatindi nitong pagkauhaw sa dugo.Siguradong masusurpresa si Darryl sa sandaling magising siya sa mga sandaling iyon. Pinamunuan ang mga lalaking ito ng isang lalaki na nagngangalang Lukas na siyang humiwalay ng landas kay Paya isang buwan na ang nakalilipas.Pagkatapos bumagsak ni Luka
Kahit na intensyon ni Lukas na kunin si Darryl, napagdesisyunan niya pa ring ikulong ito para sa sarili niyang kaligtasan. Nasa kabilang panig si Darryl nang makipagsanib puwersa siya kay Paya na atakihin ang Gem City.Sa isang bahagi ng bilangguan.Paunti unti na ring nagising si Darryl pagkatapos ng kalahating oras.Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buo niyang katawan nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Dito na niya naisip na, ‘Sinubukan akong patayin ni Moriri pero nagawa ko pa rin siyang iligtas sa huli. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi.’Pagkatapos ng isang segundo, natigilan si Darryl nang malaman niya ang kaniyang kinaroroonan—kasalukuyan siyang nakakulong sa isang bilangguan na walang bintana habang makikita ang isang bakal na pinto sa kaniyang harapan. Masyadong madilim at basa ang bilangguang iyon.‘Nasaan ako? Mayroong dumakip sa akin?’Maririnig ang tunog ng mga yapak mula sa labas noong mga sandaling iyon. Dito na bumukas ang bakal na pinto ba
Nagalit naman dito ng husto si Lukas. ‘Buwisit ka! Masyadong ignorante ang isang ito. Ito ang unang beses kong kumuha ng tao bilang Commander-in-chief pero nagawa niya pa rin akong tanggihan. Paano ko na haharapin ang mga sundalo ko ngayon?’At sa wakas ay nagreact na rin si Lukas habang tinitingnan nito si Darryl gamit ang wirdong itsura sa kaniyang mukha. “Napagisip isip mo na ba ang tungkol dito? Hindi tayo palaging binibiyayaan ng ganito kagandang oportunidad. Sabagay, humahanga talaga ako sa ipinakita mong talento.”Umiiling namang sumagot si Darryl ng, “Huwag ka ng magaksaya ng laway. Hindi ako mananatili rito para maging heneral mo.”Hindi rin siya napapabilang dito. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay magrecover para labanan sina Master Magaera at Jalen. Hindi na siya dapat pang magaksaya ng oras doon.‘Buwisit!’ Hindi na mapapalampas ni Lukas ang pangalawang beses na pagtanggi ni Darryl. Dito na nagdilim ang kaniyang itsura habang sinasabi na, “Sige! Ngayong nag
‘Ang lalaking ito…’Nagugulat na tinitigan ng mga pinagkakatiwalaang sundalo ni Lukas kasama ng sundalong may hawak ng latigo si Darryl nang harapin nito ang sitwasyong iyon.‘Gawa ba ito sa bakal? Balot na siya ngayon ng sugat pero hindi pa rin niya nagagawang bumitaw?’Napasimangot na lang si Lukas hanggang sa nakaramdam siya ng matinding apoy sa kaniyang dibdib. ‘Grabe! Masyado siyang matigas.’Dito na nahimasmasan ang pinagkakatiwalaang sundalo na may hawak ng latigo habang sinasabi nito kay Lukas na, “Heneral, siguradong mamamatay ito sa sandaling ipagpatuloy natin ang paglatigo sa kaniya…”Napabuntong hininga naman dito si Lukas. Sa sobrang galit ay gustong gusto na nitong iutos ang pagpatay kay Darryl pero agad niyang pinakalma ang kaniyang sarili habang nanlalamig siyang sumasagot ng, “Ikulong niyo na muna siya sa ngayon.”‘Sabagay, alam pa rin nito kung paano gumamit ng mga formation ng sundalo kaya nakakapanghinayang masyado ang pagpatay sa kaniya.’“Opo, Heneral!”Na
Nakasuot ng marangayang damit na gawa sa puting balahibo ang matandang lalaki habang nakapatong ang isang korona sa kaniyang ulo. Nagpakita ito ng kalmadong itsura at kahit na malapit na sa takipsilim ang kaniyang edad, nabalot pa rin siya ng malakas na aura kaya walang kahit na sino ang nagawang bumangga sa kaniya.Siya ay walang iba kundi ang Kaiser ng mga barbaro.Tahimik na nakauo sa kaniyang tabi ang isang maganda at puno ng dignidad na babaeng nakasuot ng peacock dress na tanging sa mga barbaro lamang matatagpuan, ipinakita nito ng husto ang hubog ng kaniyang katawan.Mas bata ng 30 taon ang Kaiserin kaysa sa Kaiser na nangangahulugang nasa gitna pa lang ito ng kaniyang buhay. Ipinakita naman ito ng napakaganda niyang mukha at aura.Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang Kaiserin.Hindi naiwasang mapatingin ni Lukas sa Kaiserin noong mga sandaling iyon. Agad siyang napahinga ng malalim habang nababalot ng emosyon ang kaniyang dibdib.‘Grabe! Paganda ng paganda ang Kaiserin
Nang marinig niya ang sagot ng Kaiser, sumagot lang si Lukas dito ng, “Mauuna na po ako kung ganoon.”Dito na siya yumuko bago siya dahan dahang naglakad palabas ng Golden Hall.Naramdaman ni Lukas na hindi naging maganda ang pagtrato ng Kaiser sa kaniya. Walang naging kuwenta ang topographic map na kaniyang iginuhit sa mata ng Kaiser. ‘Buwisit! Dapat ng mamatay ang matandang ito sa lalong madaling panahon!’ Mura niya sa kaniyang sarili bago siya nagmamadaling naglakad palayo.…Pagkatapos niyang manatili ng ilang oras sa loob ng batong bilangguan, huminga ng malalim si Darryl habang dahan dahan niyang iminumulat ang kaniyang mga mata. Nakita niyang madilim na sa labas at dalawa lang ang mga sundalong nagbabantay sa labas ng bilangguan. Napangiti siya nang malaman niya iyon.‘Mabuti na lang at madilim na sa labas. Mas magiging madali na para sa akin ang pagtakas.’Gumaling na ang mga latay ng latigo sa kaniyang katawan pagkatapos niyang magpagaling ng ilang oras pero kabaliktaran