"P*tangina nitong mga lobo!" Nangilid ang noo niya at nagmura habang ang mga lobo ay papalapit na sa kanya. Nalilito siya kung gagamitin ang kanyang divine power upang mabilis na patayin ang mga lobo. Gayunpaman, kung gagawin niya iyon, malalaman ni Moriri ang kanyang tunay na kakayahan. Kaya't pinigilan niya ang sarili na gawin iyon."Argh!" Nagsalakay ang mga lobo kay Darryl at mabilis na nagtulakan sa damuhan. Target nila ang leeg ni Darryl at inilabas nila ang kanilang mga ngipin.Napahinga ng maluwag si Moriri nang makita iyon. 'Siguradong mamamatay siya dahil sa pagsalakay ng mga lobo. Bagaman malulungkot ang kanyang kamatayan, hindi ko na kailangang siya mismo ang patayin ko.'Sa damuhan..."Magpakabait kayo. Maging mabait kayo!"Agad na ginamit ni Darryl ang Beast Taming Spell nang salakayin siya ng mga lobo. Sinabi niya, "Kaibigan ako, hindi kaaway. Kailangan niyo itong maging tama.""Huh?" Nagulat ang mga lobo nang magsalita si Darryl ng kanilang wika. Tumitig sila kay
Binabantayan ni Moriri si Darryl sa main hall. Ang kanyang magandang mukha ay nagpapahiwatig na magulo ang kanyang damdamin. 'Matapang siya. Nakatulog pa rin siya matapos ang pagsalakay ng mga lobo,' ang iniisip niya.Tiningnan niya ang paligid ng templo at napansin ang mga damong lumalaki sa harap ng main hall. Hindi lamang iyon, kundi madulas at sira-sira rin ang konstruksyon ng templo.Nagkulimlim ang noo ni Moriri at labis siyang naguguluhan pagkatapos suriin ang paligid. 'Hindi siya pinatay ng lason o mga lobo. Pero ayaw ko ring patayin siya mismo. Paano ko itutuloy ito? Ah, alam ko na!'Nang tignan niya ang templo, napagtanto niyang yari ito sa kahoy. Hindi makakatakas si Darryl kung masusunog ang main hall kung siya'y susunugin niya. Kung masasama man ang gawain na iyon, wala siyang pakialam, lalo na't nakasalalay ang kanyang kalinisan.Bumaba siya at lihim na pumasok sa bakuran upang subaybayan si Darryl nang magpasya siya. Mahalaga na makumpirma na natutulog si Darryl. Nag
Tumawa si Darryl; alam niyang nagulat si Moriri. "Dapat ba akong naghihirap ngayon?" tanong niya habang hinahangaan ang ganda ni Moriri mula malapit.Nakitang napakasexy at kaakit-akit ni Moriri, lalo na dahil siya'y nasa tubig. Para siyang lotus na umusbong mula sa tubig. Napakaganda niya na hindi madaling matanggihan ng sinumang lalaki ang kanyang kagandahan."Ikaw—" Bumukas ang bibig ni Moriri ngunit hindi alam kung paano siya sasagutin.Tumawa si Darryl at sinabi, "Mahal, hindi mo ba naaalala na ikinasal tayo? Ako ang asawa mo. Paano mo ako susubukang sunugin? Talaga bang papatayin mo ang asawa mo?"Namula ang mukha ni Moriri nang banggitin iyon ni Darryl. Nahihiya at galit na sinaway siya, "Ikaw... tumahimik ka! Sinira mo ang pagkainosente ko! Paano ako haharap sa ibang tao kung hindi kita papatayin?"Galit at nahihiya siya nang marinig ang tawag sa kanya na 'mahal.''Kaya pala...' Naintindihan na ni Darryl kung bakit ginawa ni Moriri ang lahat iyon. 'Galit siya dahil sa gab
Noong mga sandaling iyon, inunat ni Darryl ang kaniyang likuran habang nakangiti niyang sinasabi kay Moiriri na, “Huwag mo nga akong tingnan na para bang hindi tayo magkasundo. Sinabi ko naman na sa iyo ang lahat. Isa ako sa mga biktima nang puwersahan tayong ikasal pero gusto mo pa rin akong patayin nang dahil dito. Wala itong saysay sa totoo lang. At higit sa lahat, hindi kita type.”Dahan dahan siyang tumayo para umalis sa formation.“Pagisipan mo ito ng maigi. Pakakawalan kita sa sandaling luminaw na ang isip mo. Sulitin mo ang oras mo riyan.”Pagkatapos nito ay nakahanap si Darryl ng isang patag na space kung saan siya nagpahinga.‘Ang hayop na ito!’ Napakagat na lang sa kaniyang labi si Moriri habang nakakaramdam ng kahihiyan at galit sa kaniyang sarili. ‘Nagawa niyang itake advantage ang sitwasyong iyon habang nagmamaangmaangan siya rito. Kahit na puwersahan kami parehong ikinasal, ako lang at ang pagkapuro ko ang apektado rito. Isa siyang lalaki kaya hindi ito makakaapekto
‘Anong kalokohan ito!’Napaatras si Darryl nang makaramdam siya ng panganib mula sa kaniyang likuran. ‘Tinatambangan niya ako!’Habang nakakaramdam ng frustration, sinubukan niyang iwasan ang pagatake pero hindi na sapat ang kaniyang oras para gawin iyon kaya wala na siyang nagawa kundi gamitin ang diwata niyang kaluluwa para gumawa protective shield sa kaniyang likuran.Tumama ang mahabang espada ni Moriri sa shield na gumawa ng malalim na vibration sa paligid. Nakaramdam siya ng matinding puwersa na bumalik sa kaniyang katawan. Nadurog ang hawak niyang espada habang tumatalsik ng ilang metro ang kaniyang katawan. Nilabanan niya ang puwersa habang bumabagsak ang kaniyang katawan sa lupa. Dito na nagpakita ng panghihina ang namumutla niyang mukha.Parehong naglalaman ng diwatan kaluluwa at Red Lotus Fayette ang katawan ni Darryl kaya hinding hindi siya magagawang pantayan ni Moriri. Sabagay, 10 porsyento lang ng kaniyang lakas mula sa diwata niyang kaluluwa ang ginamit ni Darryl pe
Nagdilim ang paningin ni Darryl matapos niyang sumuka ng dugo. Hindi na niya natiis pa ang sakit at tuluyan na siyang nawalan ng malay.Maririnig ang mga tunog ng yapak mula sa hindi kalayuan pagkatapos niyang mawalan ng malay. Higit sa sampung mga lalaki na nakadisguise bilang mga pangkaraniwang tao ang pasimpleng pumaligid kay Darryl. Kahit na nakasuot ng simpleng pananamit ang mga lalaking ito, naglabas pa rin sila ng ubod ng samang aura. Nagmukhang demonyo ang kanilang mga mata habang nakatago naman ang mga taga sa kanilang mga baiwang.Natural na hindi pangkaraniwang mga tagaroon ang mga iyon. Naglabas ng napakatinding aura ang lider ng mga kalalakihang ito. Hindi na rin nito itinago pa ang napakatindi nitong pagkauhaw sa dugo.Siguradong masusurpresa si Darryl sa sandaling magising siya sa mga sandaling iyon. Pinamunuan ang mga lalaking ito ng isang lalaki na nagngangalang Lukas na siyang humiwalay ng landas kay Paya isang buwan na ang nakalilipas.Pagkatapos bumagsak ni Luka
Kahit na intensyon ni Lukas na kunin si Darryl, napagdesisyunan niya pa ring ikulong ito para sa sarili niyang kaligtasan. Nasa kabilang panig si Darryl nang makipagsanib puwersa siya kay Paya na atakihin ang Gem City.Sa isang bahagi ng bilangguan.Paunti unti na ring nagising si Darryl pagkatapos ng kalahating oras.Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buo niyang katawan nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Dito na niya naisip na, ‘Sinubukan akong patayin ni Moriri pero nagawa ko pa rin siyang iligtas sa huli. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi.’Pagkatapos ng isang segundo, natigilan si Darryl nang malaman niya ang kaniyang kinaroroonan—kasalukuyan siyang nakakulong sa isang bilangguan na walang bintana habang makikita ang isang bakal na pinto sa kaniyang harapan. Masyadong madilim at basa ang bilangguang iyon.‘Nasaan ako? Mayroong dumakip sa akin?’Maririnig ang tunog ng mga yapak mula sa labas noong mga sandaling iyon. Dito na bumukas ang bakal na pinto ba
Nagalit naman dito ng husto si Lukas. ‘Buwisit ka! Masyadong ignorante ang isang ito. Ito ang unang beses kong kumuha ng tao bilang Commander-in-chief pero nagawa niya pa rin akong tanggihan. Paano ko na haharapin ang mga sundalo ko ngayon?’At sa wakas ay nagreact na rin si Lukas habang tinitingnan nito si Darryl gamit ang wirdong itsura sa kaniyang mukha. “Napagisip isip mo na ba ang tungkol dito? Hindi tayo palaging binibiyayaan ng ganito kagandang oportunidad. Sabagay, humahanga talaga ako sa ipinakita mong talento.”Umiiling namang sumagot si Darryl ng, “Huwag ka ng magaksaya ng laway. Hindi ako mananatili rito para maging heneral mo.”Hindi rin siya napapabilang dito. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay magrecover para labanan sina Master Magaera at Jalen. Hindi na siya dapat pang magaksaya ng oras doon.‘Buwisit!’ Hindi na mapapalampas ni Lukas ang pangalawang beses na pagtanggi ni Darryl. Dito na nagdilim ang kaniyang itsura habang sinasabi na, “Sige! Ngayong nag