Aatake na sana si Darryl nang maisip niya iyon pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili sa huling sandali.Okay lang para sa kaniya na magpakilala sa Moonlight Sect pero siguradong madadamay sina Amie at Kimberly sa sandaling malaman ni Magaera ang tungkol sa nangyari rito.Tama, mas maigi kung magiisip siya ng ibang paraan para matulungan ang mga ito.Nang maisip niya iyon, kinuha ni Darryl ang isang piraso ng kahoy habang naghahandang umatake para patayin ang punong Elder pero kasalukuyan siyang hinaharangan ngayon ni Kimberly kaya hindi makahanap si Darryl ng puwesto kung saan siya dapat umatake.Dito na nakaramdam ng pagkabahala si Darryl.Oh?Nang bigla niyang makita ng isang estatwa sa hilaga ng hall, dito na pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan.Kasunod nito ang paglipad ni Darryl sa ere papunta sa hall habang nagiging isang translucent na anino ang kanyiang katawan na hindi nakita ni Elder Hexa bago siya magtago sa likurang ng estatwa.Kasalukuyang nakatutok
“Pfft…”Hindi naiwasang matawa ng punong elder sa kaniyang narinig habang nagpapakita ng pangaasara ang kaniyang itsura. “Binastos ako ng hayop na batang ito kaya patas lang para sa akin na patayin siya. Pero maaari ko pa rin naman siyang pakawalan.”“Alam mo kung ano ang naiisip ko ngayon? Ibaba mo ang iyong espada at magmakaawa ka sa aking kapatawaran kung gusto mong pakawalan ko ang isang ito. Kung hindi ay sisiguruhin ko na hindi mo na siya makikita pang buhay.”Nagpakita ng pagkaarogante ang mukha ng punong elder habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.Alam niya na malakas ang paniniwala ni Amie sa hustisya bilang isang babae kaya hinding hindi nito matitiis na panooring mamatay ng miserable ang kaniyang disipulo.“Ikaw… napakawalanghiya mo…”Nanginig naman si Amie habang sumisigaw ito sa punong elder, wala na siyang ibang gusto kundi paghiwahiwalayin ang mga buto nito sa katawan pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili nang maisip niya si Kimberly.Hayop ka!Hin
Nanlamig ang itsura ng punong elder sa kaniyang mga narinig habang tumitingin ito kay Elder Dio para sabihing, “Itali mo na rin si Elder Hexa.” Habang nagsasalita, umupo ito sa sahig para tahimik na magpagaling.Hindi pa siya tuluyang nakakarecover kaya kinakailangan na niyang magpagaling sa lalong madaling panahon. Sugatan na si Elder Hexa kaya hindi na niya kailangan pang maghirap na hulihin ito.Kumbinsido ang punong elder na kontrolado niya ang lahat noong mga sandaling iyon.Nang marinig niya ang mga utos na iyon, tumango si Elder Dio habang lumilipad ito papunta kay Elder Hexa.“Mga mangmang.”Nang bigla silang makarinig ng isang mababa at dumadagundong na boses mula sa likuran ng estatwa. “Ang lakas ng loob ninyong saktan ang mga kapwa ninyo miyembro at magpakita ng pagkaarogante sa inyong mga mukha. Wala na kayong pinagkaiba sa mga hayop.”Naging mababa at makapal ang boses na narinig sa buong hall.Walang duda na ito ang boses ni Darryl. Pilit niyang binago ang kaniyang
Nang marealize niya iyon, hininaan ng punong elder ang kaniyang boses habang sinasabi nito kay Elder Dio ang kaniyang mga suspisyon.Whew!Napahinga na lang ng malalim si Elder Dion ang marinig niya iyon habang kalmado at tumatango itong sumasagot ng, “Posible nga ito ngayong nasabi mo na rin ang tungkol sa agay na iyon. Malaki ang tiyansa na kakampi ni Elder Hexa ang taong ito na gumamit ng ibang paraan para mapatay ang ating mga tauhan at ngayon ay nagawa nitong umarte para paalisin tayo rito.Tumango naman dito ang punong elder. “Sige, tingnan mo kung ano ba talaga ang nangyayari.Habang nagsasalita, nanlalamig na tuimingin ang Punong Elder kay Elder Hexa. Buwisit, ang lakas ng loob ng isang ito na takutin ako ah? Iniisip niya ba talaga na madali akong maloko?Nakasiguro noong mga sandaling iyon ang Punong Elder at si Elder Dio na kasabwat ni Elder Hexa ang taong nagtatago sa likuran ng estatwa.“Sige!”Mabilis na sumunod sa narinig niyang utos si Elder Dio kaya agad itong lu
Buwisit… nakatakas siya!Nahimasmasan sina Amie at Kimberly sa kanilang nakita. Hahabulin sana nila ito pero wala silang nagawa dahil kasalukuyan pa ring nakagapos ang kanilang mga katawan.Habang nasa gitna ng kaniyang galit, tatayo na sana si Elder Hexa para humabol pero huli na ang lahat.Whew!Kasabay nito ang pagbuntong hininga ni Darryl habang napapasimangot sa kaniyang sarili.Masyadong naging tuso ang punong elder para tumakbo nang makaramdam ito ng problema, pero masyado pa rin itong mabilis. At ngayong kumalma na ang sitwasyon, hindi na niya kailangan pang magpanggap.Pero… maaari pa ring makita ng tatlo ang tunay niyang pagkakakilanlan.Nang maisip niya iyon, naghanda na si Darryl na tumakas mula sa likuran ng estatwa pero agad niyang nakita na nakabaling ang atensyon nina Amie at Kimberly sa estatwa kaya wala na siyang nagawa sa huli.Yare…Nabalot ng awkwardness si Darryl noong mga sandaling iyon. Hindi na siya makapagtatago pa sa sandaling bumalik ang lakas ni El
Hay!Napatigil naman si Elder Hexa sa kaniyang nakita, dito na siya gumawa ng isang nadidismayang buntong hininga.Hindi naman naintindihan ni Amie ang nangyayari kaya agad siyang napatanong ng, “Ano ang nangyari?”Nagpakita naman ng mapait na ngiti si Elder Hexa habang sinasabi nito na, “Nakatakas siya. Grabe, isa itong walang katulad na elite, hindi niya pa rin nagawang ipakita ang kaniyang sarili hanggang sa huling sandali.” Kahit na nasabi niya iyon, agad pa rin siyang nagisip sa kaniyang sarili.Kakaiba talaga ang misteryosong senior na ito para magawang tumakas nang walang nakakapansin na kahit sino.Ano? Nakaalis na siya?Napatigil din dito si Amie. Ma…masyado itong naging mabilis.“Hay!”Dito na napabuntong hininga si Kimberly. “Oh, hindi ba’t mas maganda kung matutulungan tayo ng misteryosong senior na iyon sa pagpapabagsak sa Punong Elder. Siguradong magmamakaawa ang Punong Elder sa kaniyang harapan sa sandaling mangyari iyon…”Habang nagsasalita, humahanga ring tumi
Sinabi ni Darryl ang buong pangyayari sa tatlo sa loob lang ng ilang minuto.Ganoon pala ang nangyari…Tahimik na tango ni Elder Hexa habang nagpapakita ng kumplikadong itsura ang kaniyang mukha. “Noong nakaraang taon pa inaasam ng punong elder ang posisyon ng sect master na gumawa ng malaking gulo sa buong moonlight sect. Hay, mas magiging maganda sana ang takbo ng lahat kung nandito pa rin ang Sect Master.”Nagdilim ang mukha ni Amie nang marinig niya ng mga salitang iyon.Pagkatapos ng ilang segundong pananahimik, sumagot ito ng, “Sigurado ako na naririto lang siya at hinding hindi pa siya nakakaalis sa secret realm. Nakulong lang siya rito.”Whew!Dito na nagbuntong hininga si Elder Hexa bago ito tahimik na tumango at magsabi ng, “Umaasa rin ako na ganiyan nga ang nangyari sa Sect Master.”Pagkatapos ng ilang segundong pagsasalita, umupo si Elder Hexa sa isang tabi para simulan ang kaniyang pagpapagaling.Ilang sandali pa ay napatayo na rin ang dalawa. Kasalukuyan ng madili
Tumango naman dito sina Amie at Elder Hexa.Pagkatapos, hindi naman nakalimutan ni Amie na magpaalala rito “Huwag kang masyadong lumayo!”“Opo, Master!”Sagot ni Kimberly bago ito humarap kay Darryl para sabihing. “Kukuha ako ng pagkain habang kumukuha ka ng maiinom natin. Dalian mo!” Sabi nito gamit ang nanlalamig na tono ng kaniyang boses.Walang kahit na anong maiaambag sa kanila ang pabigat na ito pagdating sa pakikipaglaban kaya mas maigi kung uutusan na lang niya itong kumuha ng tubig.“Sige!”Hindi naman pinansin ni Darryl ang tono sa pagsasalita ni Kimberly habang nakangiti siyang tumatango rito.Nakakita siya ng isang balon habang papunta rito at sigurado rin siya na may laban itong tubig.Agad na naglakad palayo sa hardin si Darryl para magpunta sa gilid ng palasyo nang maisip niya iyon.Nagmamadali siyang naglakad papunta sa balon para kumuha ng isang timba ng tubig. Naghanda na siyang bumalik nang masiguro niya na hindi ito nakalalason.Huh?Dito na nakarinig si