Tinakot nito ng husto si Zhu Bajie kaya agad itong napatanong ng, “Ano ang problema, Honey?”“Ako—” Hinawakan ni Gonggong ang kaniyang tiyan habang nanginginig nitong sinasabi na, “Mukhang…manganganak na ako.”‘Manganganak…’ agad na nagpanic at nakaramdam ng pagkasabik si Zhu Bajie noong mga sandaling iyon. dito na siya sumigaw sa medical team ng, “Dalian ninyo! Dalhin niyo siya sa delivery room ngayundin!”‘Magaling. Manganganak na rin siya sa wakas.’ Isip nito.Mabilis na sumugod mula sa likuran ng dalawa ang medical personnel para kargahin si Gonggong papunta sa delivery room na nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Agad naman silang sinundan ni Zhu Bajie.Mabilis nilang nadala sa delivery room si Gonggong. Hindi mapakali namang naghintay si Zhu Bajie sa labas nito.Mabilis na lumipas ang mga segundo at minuto. Pagkatapos ng dalawang oras, bumukas na rin ang pinto papasok sa delivery room. Dito na lumabas ang midwife ni Gonggong.“Doctor!” Nakaramdam ng sigla si Zhu Bak
Ano? Natigilan si Zhu Bajie nang marinig niya iyon. Dito na niya nagmamadaling hinawakan ang katawan ng sanggol para maramdaman iyon. At gaya nga ng sinabi ni Gonggong, mayroong kakaibang lakas sa katawan ng sanggol.Natigilan siya ng ilang segundo bago pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan. Dito na niya sinabing, “Mukhang nilagay ni Divine Farmer ang lakas ng beast soul sa ating anak.”Dito na niya proud na kinarga ang kaniyang anak. “Nagawa na niyang magkaroon ng ganito kalakas na internal energy nang ipanganak siya. Kaya siguradong magiging madali na lang para sa kaniya ang pagsasanay sa hinaharap.”Dito na nawala ang pagkabahala ng nakangiting si Gonggong.Hindi nila napagtanto na hindi nagmula sa kaluluwa ng halimaw ang lakas ng kanilang anak. Ito ay ang natirang lakas mula sa Fiend Soul ni Archfiend Antigonus. At ang marka sa dibdib ng kanilang anak ay hindi eight trigrams. Ito ang marka ng isang Archfiend.Isa itong marka na makikita sa isang Archfiend. Oo kamukha ito
Agad na umangat ng husto ang morale ng buong Gem City noong tulungan ni Darryl ang mga sundalo ng Gem City sa pagtalo kay Paya at sa mga sundalo nito.Natuwa ng husto si Yankee kaya napagdesisyunan nitong magdaos ng isang party kinagabihan.“Sir Darryl!” Bilang host ng pagdiriwang na ito, itinaas ni Yankee ang kaniyang baso habang sinasabi na, “Ikaw ang rason kung bakit namin natalo ang kalaban kanina. Ngayong hindi pa ako maaaring uminom ng alak, gagamitin ko muna ang baso ng tubig na ito para makipagtoast sa iyo.”Nakangiti namang sumagot si Darryl ng, “Masyado kang mabait, Kamahalan.”Dito na niya hinawakan ang kaniyang baso bago niya ito inumin ng isang lagukan lamang.Itinaas din ng ibang mga heneral ang kanikanilang mga baso bilang appreciation kay Darryl at kay Haring Astron. Nagmukha pa rin itong mahina ngayong kagigising gising lang nito. Pero nasabik pa rin siya ng husto sa nangyari.“Sir Darryl, cheers!”"Cheers!"Dito na tumayo si King Astro para sabihing, “Manahimi
Dito na nahimasmasan si King Astro. Tumitig siya kay Magaera habang sinasabi na, “Sino ka ba talaga? At bakit ka nagpunta sa aking palasyo para patayin ang aking mga tauhan?”Nabulagan na siya sa sobrang galit.Pero…Tila hindi narinig ni Magaera ang ginawang panenermon ni Haring Astro. Hindi manlang niya ito tiningnan habang nakatitig siya kay Darryl. Kahit na isa itong hari na namumuno sa isang bahagi ng Keygate Continent, isa lang ding insekto si Haring Astro para sa kaniyang mga mata.Sumama ng husto ang mukha ni Haring Astro nang hindi siya pansinin ng aroganteng si Magaera. Dito na naginit ng husto ang kaniyang dibdib sa sobrang galit.“Ang lakas ng loob mo ah?” Pagkatapos ng isang segundo, umabante ang lider ng mga bantay sa palasyo na si Brett Suarez para titigan at sumigaw kay Magaera ng, “Parang gusto mo ng mamatay sa ginawa mong pambabastos sa aming hari!”Dalidali siyang lumipad sa kalangitan nang matapos siya sa pagsasalita para hiwain si Magaera gamit ang mahabang s
Mas nagliyab ang paningin ni Haring Astro nang makita niya si Darryl.Hindi lang naging mahusay sa pamumuno ng hukbo si Darryl dahil kahanga hanga rin ang kakayahan nito sa pakikipaglaban. Isa itong walang katulad na henyo. Malaki ang magiging advantage ng kaniyang kaharian sa sandaling magsilbi rito si Darryl at manumpa ng katapatan nito sa kaniya magpakailanman.Tinayo naman ni Master Magaera ang kaniyang sarili sa gitna ng ere habang tinitingnan nito ng maigi si Darryl. “Napakahusay. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis magrerecover ang iyong lakas.”Malinaw niyang naalala na naubos ang enerhiya ni Darryl nang higupin ito ng chaotic vortex. Pero naramdaman niya na nakabalik na sa 70% ang lakas ngayon ni Darryl.Ngumisi naman si Darryl sa kaniyang narinig. “Mahusay ka rin kung tutuosin. Inakala ko na namatay ka na sa chaotic vortex, sa totoo lang. Hindi patas para sa mundong ito ang paghinga ng mga hayop na katulad mo.”Nabalot ng hinanakit at pangaasar ang tono ng kaniyang
Habang nasa gitna ng kaniyang pagkagulat, wala ng iba pang gusto si Haring Astro kundi umabante para tulungan si Darryl.Wala na sa imahinasyon ng kahit na sinoa ng lakas nina Darryl at Master Magaera lalo na ang tindi ng mga aura na lumabas sa kanilang mga katawan. Masyado na itong nakakatakot mula sa malayo, paano pa kaya kung titingnan ito ng malapitan.Mukha namang hindi gumagalaw si Darryl at Master Magaera, pero agad na nasira ang magandang daloy ng hangin sa paligid na bumuo ng isang nakakatakot na bagyo nang sumabog ang lakas sa katawan ng dalawa.Kasunod nitong naapektuhan ang hangin ng parahon habang nabubuo sa kalangitan ang makakapal na mga ulap bago kumalat ang kulog at kidlat sa kalangitan.Walang duda na nagiba ang panahon nang dahil sa nangyayaring duwelo sa pagitan nina Darryl at Master Magaera.Habang naririnig ang tunog ng kulog sa paligid, isang kislap mula sa kulay purple na kidlat ang humiwa sa kalangitan pababa kina Darryl at Master Magaera.Hiss…Natigila
Naginit ng husto ang tingin ni Master Magaera habang nasa gitna ng kaniyang pagsasalita.Hindi maaaring mabuhay si Darryl anumang ang mangyari. Hindi, siguradong patay na ito ngayon.Tumango naman sa kaniya si Paya habang seryoso nitong sinasabi na, “Huwag kayong magalala, Master. Sisiguruhin ko sa inyo na mahahanap namin siya.”Habang nagsasalita, humarap si Paya sa mga sundalo sa kaniyang paligid para sumigaw ng, “Ano pang itinatayo tayo ninyo riyan? Hanapin niyo na si Darryl Darby sa paligid anuman ang mangyari. Dalian na ninyo!”“Opo, Punong Heneral!”Sagot ng daan daang mga bantay bago sila kumalat sa paligid para hanapin si Darryl.Magkasabay na naghanap sina Haring Astro at Paya sa Gem City ng ilang araw pero hindi pa rin nila nagawang matagpuan si Darryl……Sa layong 80 kilometro mula sa Gem City makikita ang ilang mga bulubundukin. Masyadong matataas ang mga ito na nagbigay ng magandang tanawin sa paligid.Dalawang nagagandahang mga imahe ang dahan dahang bumabaybay s
Dito na napabuntong hininga si Kimberly habang nafufrustrate nitong sinasabi na, “Masyado po kayong mabait, Master. Hindi pa rin siya mabubuhay kahit na magising pa siya. Sinasabi ko lang po na sayang ang pill na ipinainom ninyo sa kaniya at ang oras natin para alalayan siya.”Kumunot naman dito ang noo ng naiiritang si Amie. “Huwag kang magsalita ng ganiyan, Kimberly. Tadhana lang ang makapagsasabi kung makakaligtas ba siya rito o hindi. Wala tayong magagawa kundi gawin ang lahat ng ating makakaya.”“Sige, kung ganoon. Naiintindihan ko na po.” Labas ni Kimberly sa kaniyang dila habang nagiisip.Kasunod nito ang pagtingin ni Kimberly kay Darryl bago nito nagugulat na sabihing, “Nako hindi! Nagising nga talaga siya?”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, wala na silang iba pang nakita kundi ang mahinang paghinga ni Darryl habang iminumulat nito ang kaniyang mga mata.Buwisit!Sinuwerte lang siya na bumagsak sa isang ilog sa hangganan ng city matapos niyang tamaan ng Thund