“Ito pala ang ibig sabihin ni Darryl. Ano ba ang iniisip ko? Nakakahiya ang bagay na ito?!” Isip ni Yvette.“Darryl, ikaw…” Tumitig si Yvette sa sahig at sinipa si Darryl. “Tuturuan mo ba ako o hindi?”“Sige, sige. Tuturuan na kita.” Pinigilan ni Darryl ang kaniyang pagtawa habang tumatango kay Yvette.Dahil sa sandaling tanggihan niya pa ito, siguradong magagalit na sa kaniya nang husto si Yvette.Nagsimula nang magshare ni Darryl ng impormasyon habang pareho silang papunta sa hardin. Tinuro ni Darryl kay Yvette ang lahat ng tungkol sa pagmomodify ng formation.Matalino si Yvette kaya agad niyang nakuha ang ideya sa likod ng mga ito. Sa sobrang tuwa ay nakalimutan na niya ang lahat ng nakakahiyang pangyayari sa pagitan nilang dalawa kanina.At pagkatapos ay bumalik na si Darryl sa kuwarto. Dito na nagring ang kaniyang cellphone habang nakahiga siya sa kaniyang kama para matulog. Nagmula ang tawag na ito kay Zephyr.Agad niyang narinig ang nanginginig na boses ni Zephyr nang sag
Sa kabilang banda, nakarecover na si Darryl matapos magpahinga nang isang araw sa tahanan ni Yvette.Kinaumagahan ay natanggap niya ang balita tungkol sa pagtalo ng Elysium Gate sa anim na mga sekta. Nagsialis na ang mga ito. Ito ang inaasahan ni Darryl—walang kahit na sinong ordinaryong tao ang makakasira sa Ten Directions Formation.Matapos marinig ang balita, nagiwan siya ng mensahe kay Zephyr at inutusan itong ipunin ang kanilang mga tauhan at magpunta sa Kunlun Mountain.Ang orihinal niyang plano ay ang tuluyang pagwasak sa Kunlun Sect sa loob ng tatlong araw. Noong ikalawang araw ay nagdesisyon na si Darryl na dalhin ang lahat para maglibot sa bundok ng Kunlun. Dito na nila hihintayin ang pagdating ni Chester para sa sanib puwersa nilang pagatake sa Kunlun sect.Kinaumagahan ay nagpaalam na sina Darryl at Dax kay Yvette at umalis sa tirahan nito. Malapit na ang tuluyang paggaling ng mga sugat na tinamo ni Dax kaya nasabik siya nang husto habang iniisip ang mangyayaring laban
Napilitang ngumiti ni Lily habang nagsasalin ng tubig kay Samantha.“Ano ang nangyari sa iyo, Dear?” Tanong ni Samantha matapos mapansin ang bagsak na mukha ni Lily.Naguluhan si Samantha kung bakit sumama ang mood ng anak niyang si Lily nitong mga nakaraang araw.Hindi na ito nagawa pang itago ni Lily. Niyakap niya si Samantha at umiyak ng, “Ma, ano na po ang gagawin ko…”Natigilan dito si Samantha. Hinawakan niya ang balikat ni Lily at nagtanong ng, “Ano ang nangyari, Dear? Sabihin mo sa akin…”“Ma, Si Darryl… Pinakasalan niya si Yvonne…”Hindi ito dapat sasabihin ni Lily sa ina niyang si Samantha pero masyado na siyang naooverwhelm sa nangyari kaya nagawa na niyang ilabas ang lahat ng nangyari sa kaniyang ina.Ano?Dito na biglang nagbago ang mukha ni Samantha. Ibinato nito ang kaniyang purse sa sofa at nagsimulang manermon, “Napakawalang kuwenta talaga ng Darryl na iyan! Matapos niyang makikain sa pamilya ko ng tatlong taon, makitira sa ating mansyon, at tratuhin nang maayo
“Huwag mo ngang sabihin iyan, Mom.” Bulong ni Lily.“At bakit naman ako titigil? Nagmula si Yvonne sa isang kilalang pamilyta sa Donghai City. Kaya paano niya nagawang maging ganito kacheap?” agad naman niya itong dinagdagan ng, “Napakarami ng mga manliligaw niya kaya bakit niya kailangang mangagaw ng asawa ng iba? Napakacheap talaga niya!”Agad na nagpunta si Samantha sa safe at kinuha ang mga marriage certificate ni Lily, mga ID at iba pang mga dokumento. Ibinato niya ang lahat ng ito sa sofa at suminghal ng, “Makikipagdivorce ka na, naiintindihan mo? Sasabihin ko sa buong Donghai City kung gaano kacheap si Yvonne nang malaman nila ang tunay nitong kulay!”Nagalit na ng husto sa mga sandaling ito si Samantha. Umupo siya sa sofa, dumekwatro at nagpatuloy sa panenermon kay Lily.Agad na nagkamalay si Yvonne habang nakahiga sa kuwarto ni Darryl. Dito na niya narinig nang malinaw ang usapan nina Samantha at Lily.Noong una ay nilagyan ni Yvette ng mga karayom ang braso ni Yvonne par
Sa kabilang linya, napuno ng luha ang mukha ni Yvonne. Hindi niya nilakasan ang kaniyang pagiyak matapos maisip na baka mapuno ng desperasyon ang kausap niyang si Darryl.Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at nagkunwaring kalmado. “Darryl, mukhang ito na nga talaga ang kapalaran. Hindi tayo puwede sa isa’t isa, ihahatid na nila ako sa amin. Nasaan ka na? Namimiss na kita. Puwede mo ba akong samahan sa huling mga oras ng aking buhay?”“Hindi!”Nagcollapse si Darryl nang marinig niya iyon. Hindi na niya makontrol ang kaniyang mga luha.“Yvonne, hindi kita hahayaang mamatay. Hindi maaari! Hindi ka pupuwedeng mamatay!” Sigaw ni Darryl. “Hintayin mo ako, Yvonne. Kailangan mo akong hintayin.”Slam!Ibinaba ni Darryl ang kaniyang cellphone nang may namumulang mga mata.“Anong problema, Darryl?” tanong ng may kunot na noong si Dax.Bakit bilang magiging emosyonal ni Darryl?Isinara nang husto ni Darryl ang kaniyang mga kamao at namamaos na sumagot ng. “May nagtanggal sa mga karayom
Nakilala ang Bundok Kunlun dahil sa Kunlun Sect.Ang Kunlun Sect—na isa sa mga miyembro ng anim na mga sekta—ay nanatili na rito ng ilang libong taon. Nagawa rin nilang sanayin dito ang napakaraming malalakas at elite nilang mga miyembro.Ang Bundok ng Kunlun ay isa ring lupain ng kayamanan. Nagawa nitong iabsorb ang enerhiya mula sa kalangitan at sa lupa at gumawa ng napakaraming mga walang katulad na sandata. Ang Pure Jade Kunlun Fan, Devil Slaying Blade at Devil Trap Ring ay ilan lang sa mga espesyal na sandatang nabuo sa Bundok ng Kunlun.Nakakalat sa buong mundo ang mga miyembro ng Kunlun at hindi bababa sa 10,000 ang bilang ng mga ito. Naglalakbay sila para palakasin ang kanilang sarili habang nasa 30,000 naman ang nananatili sa bundok para protektahan ito sa kanilang kalaban.Binantayan nila ang entrance papasok sa bundok at nagtipon tipon silang lahat para magkuwentuhan. Kahit na inutusan silang bantayan ang entrance, wala pa ring kahit na sino ang nagtangkang umakyat sa bu
Bang!Nagmamadaling pumasok ang mga miyembro ng Elysium Gate sa Formation na ginawa ni Darryl!“Mga walang kuwenta!” Tawa ng isa sa mga nakatataas na miyembro ng Kunlun, dito na niya pinangunahan ang kaniyang mga tauhan papunta sa mga naghihiwahiwalay na miyembro ng Elysium Gate.Nang mabuo ang formation, gumawa ang mga miyembro ng Elysium Gate ng isang napakalakas na pader para salagin ang anumang klase ng pagatakeng papunta sa kanila. Imposibleng masira ito ng mga kalaban nilang Kunlun. Walang tigil na naglaban ang dalawang panig na nagresulta sa pagkasugat at pagkamatay ng marami.Nakakaimpress dahil nagawa ng isang grupong binubuo lamang ng tatlong libong tao na depensahan ang kanilang sarili laban sa isang hukbo na may bilang na umaabot sa 30,000.Nabalot ng mga sigaw at pagpatay ang buong bundok ng Kunlun, walang tigil na dumanak ang dugo sa paligid nito. Walang tigil ding nadinig ang tunog ng mga sandatang tumatama sa isa’t isa at sigaw ng mga sugatang tao sa paligid. Puno
”Haha! Sigen a, humakbang ka pa ng konti at bibigyan kita ng Phoenix Pill. “Suminghal si Leroy habang inaasar si Darryl.Babad sa dugo si Darryl nang nag-iwan siya ng bakas ng dugo sa bawat hakbang.“Phoenix Pill, Phoenix Pill!” Paulit-ulit na sabi ni Darryl.“Sh*t! Bakit Phoenix Pill parin ang iniisip mo kahit ngayong mamamatay ka na?” Malamig na sigaw ni Leroy. Naubos na ang pasensya nito. “Maaari mong inumin ang Phoenix Pill sa kabilang buhay. Kailangan mo nang mamatay ngayon!”Itinaas ni Leroy ang kaniyang Crescent Moon Blade at ibinaba papunta kay Darryl.“Darryl!” Sigaw ni Dax. Gusto niyang sagipin si Darryl pero pinapalibutan siya ng mga miyembro ng Kunlun. Nakita ni Darryl ang blade; alam niyang hindi siya makakawala. Ipinikit niya ang mga mata at tulyan nang sumuko sa pag depensa sa sarili.Bang!Nang biglang may narinig na malakas na pag-crash ng bakal na nagbanggaan. Isang mahabang espada ang lumipad mula sa kalayuan at lumapag sa Crescent Moon Blade para harangan ang