Nakaramdam ng pagkawasak si Darryl. “Pinatay mo si Yvonne! Ikaw ang dahilan! Maghihiganti ako!” Umatake ito kay Leroy.“Sandali, may oras pa. Maaari mo pang masagip si Miss Young!” Sigaw ni Leroy habang nagmamakaawa para sa kaniyang buhay. “Mayroong Snow Eagle sa likod ng Kunlun Mountain at kaya nitong makalipad nang napakabilis. Madadala ka nito sa Donghai City nang hindi aabot sa kalahating oras.”Isang regalo mula sa Emperor ng New World ang Snow Eagle. Sobrang rare ang ibong itosa New World, mas malaki ang katawan nito kaysa sa ordinaryong agila. Mayroon din itong napakabangis na karakter, sinasabing umabot ng tatlong taon ang Emperor of the New World para mapa-amo ang agila. Natuwa ang Emperor nang umanib si Leroy sa New World, binigay niya rito ang Dark Method at Snow Eagle.Nagsilbing kayamanan ni Leroy ang napakahalaga para sa kaniya na Snow Eagle mula noong nakuha niya ito. Pero hindi siya nagdalawang isip na i-alok ito kay Darryl para ma-salba ang kaniyang buhay. Bakit niy
”Hindi mabuti ang anak mo,” Malamig na sambit ni Samantha.“Samantha, pwede bang tumigil ka na?” Mariing ipinagdikit ni Kingston ang mga ngipin. Buong buhay niya ay isa siyang respetadong lalaki at hindi niya pa naranasang masermonan ng ganon.Nang puntong iyon ay bumukas ang main door ng Young residence. Nagmadaling pumasok ang lalaking balot ng dugo. Si Darryl.“Yvonne, Yvonne, nasaan ka!” Napakapula ng mga mat ani Darryl!Kahit na napakabilis ng lipad ng Snow Eagle sa buong paglalakbay ay apat na oras na ang nakalipas mula noong natanggal ang mga silver na karayom sa braso ni Yvonne.Sumikip ang dibdib ni Lily nang makita ang tumatakbong si Darryl.Ilang araw na itong nawawala, hindi manlang niya sinabi kay Lily kung saan siya pupunta. Kahit na sa wakas ay nakita na niya ito, ang ansa isip naman nito ay si Yvonne.Mas nagalit si Samantha. “Dear, nakikita mo na ba? Wala siyang pakialam sayo. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero ang una niyang ginawa ay hanapin ang b*tch
Nang tawagan siya ni Yvonne, ramdam ni Darryl na si Samantha ang nagtanggal ng mga silver na karayom ni Yvonne!Hindi na rin niya kaya matapos makarinig ng masasamang salita mula sa bibig ni Samantha.“Gusto mo akong umalis?” Nagalit si Samantha nang marinig ang sinabi ni Darryl.Oras na para magalit si Lily. “Darryl, sino ka para pabalang na magsalita kay mama?”Nadurog ang puso nito nang makita si Darryl na hawak ang mga kamay ni Yvonne nang pumasok siya sa kwarto.‘Ngayong may relasyon ka na sa kaniya, wala na ko para sayo, pero pinapaalis mo si mama ngayon’ Nababagabag na naiisip ni Lily.Sigh.Huminga ng malalim si Darryl. Wasak ito dahil wala pa ring malay si Yvonne. Kinausap nito si Lily, “Sayong nanay si Samantha, hindi sakin.”Kinilabutan si Lily nang marinig iyon. Nakaramdam siya ng pagkabigo.Galit nag alit pa rin si Samantha nang manermon ito, “Hindi ka makuntentong tao! Sa loob ng tatlong taon ay nakatira at kumakain ka sa pamamahay ko. Lagi kang nirerespeto ng an
Kinagat ni Samantha ang kaniyang mga labi at tumitig kay Darryl. “Sinong niloloko mo? Totoo bang mamamatay siya kapag inalis lang ang tatlong karayom?”“Ma, tama na please. Malungkot si Darryl. Kasalanan natin to. Tama na ang pagsasalita.” Nagpadyak ng mga paa si Lily.“Ikaw, walang kwentang babae! Sermon ni Samantha. “Nasaan ang pride mo?”Napagtanto ni Samantha na mali siya, pero hindi niya mapigilan ang sarili.“Anong nangyari sayo Lily? Anong pinainom niya sayo? Kahit na mayaman siya noon, mahirap na siya ngayon. Bakit ka pa sasama sa kanya?”“Sige, hahayaan na kita. Hindi na ako ang nanay mo. Aalis ako bukas, kailangan ko nang umuwi para mag-impake, tinatapos ko na ang relasyon natin.”Galit na lumabas ng kwarto si Samantha.Nagmadaling sinundan ito ni Lily habang sobra ang pag-aalala. “Ma, makinig ka sa akin.”Palayo ng palayo ang boses ng mga ito.Hindi pinigilan ni Darryl ang pag-alis ng dalawa. Umupo siya sa gilid ng kama habang wasak na wasak. Ramdam niya ang pagkabi
Sa kabilang banda, sa pamilya Lyndon.Mahigpit ang hawak ni Darryl sa kamay ni Yvonne; wasak na wasak siya.Nakalipas na ang kalahating oras pero nakapikit pa rin ito; hindi siya nagpakita ng kahit anong senyales na magigising pa siya. Hindi maipaliwanag ang matitinding emosyon na naramdaman ni Darryl.“Yvonne, nagmamakaawa ako sayo; please gumising ka na. Nagmamakaawa ako sayo. “Humikbi si Darryl; tumulo ang kaniyang mga luha sa suot niyang shirt. Duguan ang kaniyang pang itaas pagtapos ng labanan sa Kunlun Mountain. Humalo ang kaniyang mga luha sa mga mantsa ng dugo.Hindi matigil sap ag-iyak si Darryl. Kayang maigalaw ng kaniyang sinseridad ang kalangitan.Nang biglang, kaunting gumalaw ang mga daliri ni Yvonne.Nagulat si Darryl at halos mapatalon ito. Tiningnan niya si Yvonne at napaisip kung imahinasyon niya lang bai yon.“Yvonne!” Sigaw ni Darryl. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. “Yvonne! Salamat sa Diyos at maayos ka na! Okay ka na…”Isang oras ang lumipas mula nan
William, Elsa, at ang ilan pang kabataang miyembro mula sa pamilya Lyndon ang naroon. Naroon pati ang kanilang lola.Matapos balitaan ni Samantha ang kaniyang pamilya tungkol sa aksidente ni Lily; lubos na nag-alala ang lola ng mga Lyndon tungkol sa apo nito.Kahit na hindi si Lily ang kaniyang paborito, biyolohikal niyang apo ito. Hindi pa matagal mula noong ibininigay ni Lily ang lahat ng kaniyang kinita sa live show para matulungan ang pamilya Lyndon. Lubos ang pasasalamat ng lola nila sa kaniyang ginawa.Nakaupo sa upuan na nasa pasilyo ang hindi tumitigil sa pag-iyak na si Samantha.Isang bata-batang lalaki na may matulis na buhok ang nakatayo sa labas ng operating room. Naninigarilyo ito; hindi niya pinansin ang “No Smoking” sign sa kaniyang gilid.Ang lalaking iyon ang may salarin; ang driver na nakabangga kay Lily.Galit na nakatitig sa kaniya ang buong pamilya.“Paano ka nagmaneho?” Tanong ng naka-tungkod na lola ng pamilya Lyndon.Mamahaling sasakyan ang minamaneho ng
Tumakbo siya habang tumatawid; dapat lang sa kanya yan!” Mayabang na dagdag ni Don.Galit nag alit si Samantha nang marinig ang mga salita nito, pero hindi siya nagtangkang lumaban.Kapatid ito ni Angela, isang tawag lang mula sa kapatid nito ay sapat na para maghiganti ang dark society mula sa Donghai City.Naramdaman din ng buong pamilya Lyndon na masyadong mayabang si Don, pero wala sa kanila ang nagtangkang magsalita.Sa wakas ay hindi na ito matiis ni Elsa. “Nasa pedestrian crossing si Lily habang kulay berde ang ilaw. At Ikaw? Nilampasan mo ang red light. Sa tingin mo ba ay nasa tama ka?”Kilala ng mga taga Donghai City ang dalawang naggagandahang dilag mula sa pamilya Lyndon—sina Lily at Elsa. Matapang at mabait si Elsa; hindi siya takot kay Don.Nang magsalita ito ay isang babae ang humila sa kaniyang mga braso, inalog nito ang kaniyang ulo habang mahinahong nagsalita, “Elsa, tama na.”Sikat ang kapatid ni Don na si Angela. Hindi gustong magdulot ng gulo ng pamilya Lyndo
Mabigat ang kapaligiran.Nakakatakot ang mga mata ni Darryl. Nanginig si Don nang tinignan niya ito, pero nawawala ang kaniyang takot pag naiisip ang kaniyang kapatid. Tinuro nito si Darryl at nagsalita, “Mag-antay ka lang! Mag-antay ka lang dito at makikita mo!”Nagmadali si Don na pumunta sa lift. Nang marating niya ang ground floor ay kinuha niya ang kaniyang cell phone at tinawagan ang kapatid. Mabilis na sinagot ang tawag.Kawawang umiyak si Don. “Ate, binu-bully ako sa Donghai City, kailangan mo akong tulungan.”Kinatatakutan siya ng lahat sa halos kahit saan siya magpunta dahil sa relasyon niya sa kaniyang kapatid. Walang nagtangkang suntukin siya bago ang araw na iyon.Kakatapos lang ni Angela sa kaniyang role bilang mentor sa isang singing program. Nasa dressing room ito nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid. “Don, nilagay mo nanaman ang sarili mo sa gulo?”Sumagot si Don, “Ate, hindi ko naman kasalanan. Nabangga ko ang isang babae at galing siya sa pamilya Lyndon na