Hiss!Napabuntong hininga na lang si Forsythe sa kanyiang nakita habang nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Halos madulas siya sa lupa nang dahil sa sobrang pagkagulat.Wala nang naging ibang laman maliban sa matinding takot ang ginawang tingin ni Forsythe.Isa bang halimaw ang lalaking ito?Dapat nating malaman na ang Blood Fiend Bead na ibinigay sa kaniya ni Morticia ay isang bagay na espesyal sa lahi ng mga fiend. Kaya hindi sasapat ang puwersa ng sinumang nasa huling bahagi ng Heaven Ascension para bigyan ito ng lamat.Pero tanging kaunting puwersa lang ang kinailangan ng taong ito para tuluyang wasakin ang Blood Fiend Bead. Maliban pa ito sa pagabsorb niya sa enerhiyang nilalaman nito.Dito na tumingin si Antigonus kay Forsythe gamit ang walang pakialam nitong tingin. “Ano? Hindi mo pa rin ako dadalhin sa kanila?”Nanginig dito nang husto si Forsythe, hindi na siya nakapagpigil pa habang nagcocollapse siya sa lupa habang sinasabi na. “Dada… Dadalhin na kita sa Empress…”Hi
Isang regular na staff lang si Wendy ng Lambert Corporation. Aksidente siyang nakita ni Antigonus nang sakupin nito ang katawan ni Hacket. Nadiskubre niya na hindi lang ito isang mahusay na empleyadong nakakaalam sa mga bagay na kaniyang ginagawa kaya ginawa niya itong kanang kamay—bilang sekretarya ni Hackett.Nasa loob dapat ng kumpanya si Wendy para asikasuhin ang iba’t ibang bagay nang marinig niya ang pagbisita ng mayari ng isang kilalang film company sa Nine Mainlands kaya agad siyang bumaba para salubungin ito.‘Whoa… Napakaguwapo ng isang ito.’Natigilan nang husto si Wendy sa ipinakitang kaguwapuhan ni Zhu bago pa man siya makalapit dito.Sa totoo lang ay nagpakitang gilas si Wendy para ipakita sa lahat na siya ang in charge sa pamamahala ng malalaking mga proyekto bilang sekretarya ni Antigonus. Kaya nabusog din ang mga mata ni Wendy sa dami ng mga guwapong lalaki na kaniyang nakasalamuha nang magsimulang tumanggap ang mga kumpanya ng lalaking mga empleyado.Pero halos m
Habang nagsasalita, naglakad palapit si Zhu para tingnan ito.Agad na natakot nang husto si Wendy nang makita niya iyon kaya nagmamadali itong tumayo para pigilan si Zhu. “Mr. Zhu! Huwag po kayong pumasok diyan. Masyado pong maiksi ang pasensya ni Sir Lambert at ayaw na ayaw po nitong may pumapasok sa loob ng kaniyang opisina nang walang pahintulot."Ayon sa naging memory ani Wendy, isang mahinding gentleman si Sir Lambert kung hindi ito gagalitin pero agad itong magpapakita ng nakakatakot na ugali sa sandaling maginit ang ulo nito. Malinaw niyang naalala noong nakalimutan ng isang security guard na kumatok bago pumasok, nagresulta ito sa sermon inabot ng guardiya bago ito tuluyang tanggalin ni Sir Lambert.‘Sino ba sa tingin niya ang Mr. Zhu na ito para gawin ang lahat ng gusto niya?’Pero mas tumindi ang interes ni Zhu nang marinig niya ang naging reaksyon ni Wendy. Dito na siya sumagot ng, “Ayaw ni Sir Lambert na pumasok ang kahit na sino sa loob ng kaniyang opisina? Nagtatago b
‘Uhh…’Nagmamadali namang nagisip ng kaniyang isasagot ni Zhu sa kahihiyang inabot ni Yvonne kaya agad itong napakamot sa kaniyang ulo habang sinasabing, “Tungkol dito… huwag ka nang magalit, Yvonne. Nagbibiro lang ako.”Habang nagsasalita, mukhang pumasok nanaman ang isa pang ideya sa isip ni Zhu nang makita niyang nanghihina si Yvonne. Dito na niya sinabing “Nakuha ko na! Mukhang dinukot ka ni Sir Lambert dahil interesado it sa ito, tama? Huwag kang magalala dahil pagbabayarin ko siya sa sandaling magkita kami ngayong araw.”‘Ahh…’Mas lalong tumindi ang kahihiyang naramdaman ni Yvonne noong mga sandaling iyon.Hindi manlang nagbago ng kahit na kauntio si Zhu noong mga sandalig iyon. Wala pa ring kahit na anong seryosong salita na lumabas sa kaniyang bibig matapos nitong magkaroon ng isip na balot ng kamunduhan.Hindi ba’t ganito rin si Darryl? Hindi rin niya sineseryoso ang lahat kahit na gaano pa katindi ang sitwasyon na kaniyang hinaharap.Dito na napakagat sa kaniyang labi
Dito na tumingin si Antigonus kay Yvonne habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Hindi mo ba alam na isang kabastusan ang pagpasok sa opisina ng ibang tao?”Narinig ni Antigonus ang lahat ng sinabi nina Yvonne at Zhu bago siya pumasok kaya agad niyang nalaman na magkakilala ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit masyado siyang naging defensive.Buong puso namang tumawa si Zhu habang hindi nagdadalawang isip na sumasagot ng, “Haha! Hindi mo na kailangan pang alugin ang utak mo para alamin ito. Ako nga pala si Zhu Bajie. Kaibigan ko si Yvonne kaya gusto kong sabihin na hindi tama ang ginawa mong pagkulong sa kaniya sa loob ng iyong cabinet. Sa anong paraan ba natin maaayos ang bagay na ito?”Habang nagsasalita, ibinato ni Zhu ang kaniyang sarili sa main office chair habang nagpapakita ng aroganteng itsura sa guwapo niyang mukha.Sa totoo lang ay nabalot ng pagiingat ang dibdib ni Zhu noong mga sandaling iyon. Malinaw niyang naramdaman ang napakatinding lakas ng lalaki sa kaniy
Tanging tatlong mga imahe lamang ang makikitang nasa gitna ng isang nagiinit na laban, mabilis na lumipad ang mga ito sa ere na nagpasabog sa enerhiya sa kanilang paligid.Narinig ni Wendy ang kaguluhan sa labas pero natakot pa rin itong pumasok.…Sa kabilang banda, sa loob ng Cryolet Continent.Pagkatapos niyang gamitin ang mga Garan para takutin si Kendra, umupo si Darryl para magmeditate at magpahinga.At pagkatapos niyang magpahinga, agad na tinanong ni Darryl ang mga kasama niyang Garan bago siya maglakad palabas ng main hall.Pagkatapos niyang tumingin sa paligid ng mga nakapaligid na tower at nang hindi siya makahanap ng kahit na anong lead, nagpatuloy si Darryl sa kaniyang paghahanap sa loob.Pagkatapos ng isang sandali, nakita niya ang isang bangin na tila naglalaman ng tagong lakas. Mayroon itong isang daang metrong lapad at lalim na hindi masusukat ng kahit na sino. Makikitang nakatayo sa gitna nito ang isang tulay na gawa sa kadena.At makikita sa gitna ng kadenang
Ang Gold Seal Scripture ay isang uro ng tekstong ginagamit lamang sa Godly Region. Kaya natural lang na malaman niya ang tungkol dito bilang Nine Heaven Sage at Royal Master ng Godly Region.Talaga?Nagulat si Kendra nang makita niya ang reaksyon ni Darryl. “Nababasa mo ba kung ano ang nakasulat dito?”Hindi pa niya nakikita ang ganitong klase ng wika noon pero agad niyang nalaman na alam ito ni Darryl nang makita nito ang plaque.Para isipin ang kakayahan nitong buksan ang Heavenly Secret Lock, makipagusap as mga halimaw, at bumasa ng kumplikadong mga salita.Gaano karaming lihim ba ang itinatago ng lalaking ito?Nang maramdaman niya ang pagkagulat ni Kendra bahagyang ngumiti si Darryl habang sumasagot ito ng, “Oo, nababasa ko ito nang kaunti. Ito ay ang Gold Seal Scripture na isang uri ng tekstong matagal nang hindi ginagamit ng sibilisasyon. Hindi ako makapaniwala na makakakita ako nang ganito rito.”Sigurado si Darryl sa kaniyang sarili na hindi niya maaaring sabihin na espe
Hindi mababahala nang ganito si Kendra kung ibang tao lang ang kaniyang kasama. Pero naiba rito si Darryl. Kahit na wala itong kakayahan, masyado pa rin itong naging bihasa sa ibang bagay.Nakaramdam ng pagkasecure si Kendra sa paligid ni Darryl noong nasa gitna sila ng matitinding problema matapos nila itong maresolba nang walang kahiraphirap habang magkasama.Pinlano ni Kendra na imbitahan si Darryl na pumasok sa realm kasama niya, at agad nilang paghahatian ang anumang kayamanan na kanilang makikita. Pero dahil nandito na ang Red Shirt Crusade na gustong kumuha kay Darryl, natural lang para kay Kendra na tumanggi sa mga ito.Kaibigan?Hindi naman nagreact si Darryl sa mga sinabi ni Kendra habang ngumingiti sa kaniyang sarili.Napakahipokrito talaga ni Kendra. Gustong gusto na siya nitong patayin kanina. Pero agad siya nitong tinawag na kaibigan matapos nitong malaman na mayroon siyang saysay dito.Pero alam ni Darryl na hindi rin mabuting lalaki si Mahoney.Sumimangot naman s