Napapadyak na lang ng paa si Daisy habang nagpapanic at sinasabing, “Kung ganoon ay bumalik ka na lang nang magisa. Ako na mismo ang magdadala sa kaniya roon.”‘Ano pa ang silbi ng pagaaral sa medisina kung hindi ko rin matutulungan ang isang sugatang indibidwal na makikita ko sa daan?’Dahil masyado nang nagmamatigas si Daisy sa kaniyang desisyon, napabuntong hininga na lang si Keele habang sinasabi na, “Sige na, sige na. Ipinapangako ko sa iyo na dadalhin natin siya nang magkasama.”Mayroong crush si Keele kay Daisy pero hindi pa siya nakakahanap ng tamang pagkakataon para ipagtapat ang kaniyang pagmamahal dito. Kaya agad siyang sumuko para icomfort ito nang makita niya na magalit si Daisy.Natuwa naman nang husto si Daisy habang sumasagot ito ng, “Talaga? Yes! Sinasabi ko na nga bang matigas ka lang sa panlabas mong anyo pero sa totoo lang ay malambot din ang iyong puso. Hinding hindi mo matitiis ang sinumang nangangailangan ng tulong.”Tinulungan muna ni Daisy si Keele na buha
Kinabukasan, maagang umalis si Sir Moonshine. Bago ito umalis, nagbilin muna siya sa kaniyang mga disipulo na bantayan si Darryl at huwag ito bigyan ng anumang uri ng gamot o elixir.Dito na tuluyang nagtaka si Daisy. Kaya agad niyang sinuri ang kondisyon ni Darryl nang makaalis si Sir Moonshine habang maingat na nagiisip ng, ‘Anong klase ng sugat ba ang tinamo ng lalaking ito? Paano niya rin nagawang mawalan ng malay nang ganito katagal?’Hindi naman natuwa si Keele nang makita niyang nakatayo at nakabantay si Daisy ka Darryl. Dito na siya lumapit para hikayatin ito, “Sinabi ni Master na hayaan lang siya rito. Oras na para magpatuyo tayo ng mga halamang gamot kaya halika na’t tulungan mo ako.”Halos sabay lang na naging disipulo sina Keele at Daisy kaya pagkatapos ng ilang taon ay itinuring na ni Keele si Daisy bilang kaniyang babae, pero pinlano niya pa rin na ipagtapat ang kaniyang pagmamahal kay Daisy sa tamang oras. Ito ang dahilan kung bakit siya nagselos nang makita niya ito
“Sino iyan?”Agad na naglakad nang maingat si Sir Moonshine palabas ng kuwarto nang marinig niya ang ingay sa labas.Kasabay nito ang pagbubukas nina Keele at Daisy sa pintuan ng kanilang mga kuwarto.“Maaari kaya na isa itong pasyente?” Tanong ni Daisy.“Masyado nang malalim ang gabi Daisy. Sino ang maghahanap ng doktor sa ganitong oras?” Sabi ni Keele habang nagmamadaling nagpupunta sa main entrance. Nakita niyang nakatayo si Sir Moonshine sa pinto. Natitigilan itong tumayo habang malinaw na makikita ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Nagulat din si Keele sa kaniyang nadiskubre sa kaniyang mga paa.Well…“Master, Senior! Ano ang nagyayari?” Maingat na tanong ni Daisy habang naglalakad palabas. Dito na siya nagugulat na napatigil sa kaniyang nakita.Hindi ba’t Yellow Scale Grass ang mga ito? Masyado rin itong marami.Malinaw na nakita ni Daisy sa ilalim ng liwanag ng buwan ang pito hanggang walong Yellow Scale Grass sa entrance ng kubo. Kuminang at kumislap ng ginto ang mga it
“Pero mayroong nagiwan ng mga Golden Scale Leave sa labas ng pinto kanina. Ito ang dahilan kung bakit ka namin nagamot.”Lumabas ang mga salitang ito sa bibig ni Daisy bago nito interesadong tingnan si Darryl. “Nakalimutan ko palang tanungin ang iyong pangalan pagkatapos kong magsalita nang ganito kahaba. Pasensya ka na! Pero sino ang nagdala ng mga Golden Scale Leaves na ito sa iyo? Sigurado ako na malakas ang isang iyon.”Uhh…Hindi na nakasagot pa si Darryl sa sunod sunod na tanong ni Daisy. Pero agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang marealize niya ang isang bagay.Nawalan siya ng malay sa gubat nang dalhin siya ng mga ito rito. Dahil sa kaniyang panghihinay ay kinailangan niya ng mga Golden Scale Leave para magamot pero walang kahit na isang nakuha ang mga ito. Dito na nagiwan ang isang misteryosong indibidwal ng mga Golden Scale leave sa mismong harapan ng kubo na ginamit ng mga ito sa kaniya.Sino kaya ang isang ito?Wala siyang kilala na kahit sino sa kontinente ng Cryo
“Nagaasikaso ako ng pasyente!” Mahinang sinabi ni Darryl.Nagaasikaso ng pasyente?Dito na biglang nagliyab sa galit si Keele, hindi na niya naitago pa ang inis sa kaniyang mga mata habang sinasabi na, “Isa kang pasyente kaya anong klase ng pagaasikaso ang kailangan mong gawin? Sinusubukan mo bang patayin ang batang ito at sirain ang reputasyon ng aking master?”Nagalit dito nang husto si Keele. Hindi na niya nagustuhan si Darryl bago pa iyon. Napansin niya ang pagiging malayo sa kaniya ni Daisy nang dalhin nila si Darryl dito at pagkatapos ay sinubukan naman nito na manggamot ng mga pasyente gamit ang pangalan ng Lunar Moon Hut?Huh? Hindi disipulo ng Lunar Moon Hut ang taong ito? Isa rin siyang pasyente?Nagulat at natakot nang husto ang babae kaya agad siyang umabante para tingnan ang kaniyang anak.Mabilis namang lumapit si Keele para tanggalin ang bandage at huminga nang maluwag sa kaniyang kinatatayuan. Mabuti na lang at hindi nalason ang batang ito dahil kung hindi ay baka
Wala nang nagawa si Daisy nang makita niyang ganito si Keele. Dito na siya tumalikod para maglakad papunta kay Darryl.“Darryl!”Agad niyang ginamit ang nagpapasensyang tono ng kaniyang boses nang makalapit siya kay Darryl. “Mabuti talagang tao si Keele. Hindi ko lang alam kung bakit siya umasal nang ganito para paginitan ka niya nang walang tigil. Huwag mo sana itong masamain.”Iminulat naman ni Darryl ang kaniyang mga mata habang sumasagot ito ng, “Huwag kang magalala dahil hindi ko ito gagawin.”Marami nang nakilalang mga tao si Darryl sa tagal niyang naglilibot sa mundo kaya masyadong nakakapagod para sa kaniya ang pagtatanim ng sama ng loob sa kahit na sinong makakabastos sa kaniya.Agad na nagbago ang mukha ni Keele nang makita niyang tumakbo si Daisy para icomfort si Darryl. At nang magsasalita ito, nakarinig muli ang tatlo ng mga tunog ng yapak mula sa labas.Masyadong marami ang mga tunog ng yapak na ito na para bang isang grupo ng mga tao ang papunta sa kanila.Kaya sa
Hindi na nagawa pang titigan ni Daisy ang mga nangyayari kaya agad itong umabante para makipagusap kay Hendrick. “Huwag kayong magaway! Wala rito ang iyong master pero susubuikan namin ang aming makakaya para gamutin ang kapatid mo.”“Oo nga!”Desperado namang tumango si Keele habang naririnig niya ang mga salitang ito sa ere. “Oo, magagawa namin ito. Marami na silang natutunan mula kay Sir Moonshine kaya confident na sila sa kanilang mga kakayahan. Hindi na magiging problema para sa kanila ang isang simpleng panlalamig dahil magagawa nila itong magamot sa lalong madaling panahon.“Kayong dalawa?”Naningkit dito ang mga mat ani Hendrick, tiningnan niya mula ulo hanggang pa aang dalawa bago itaas ang kaniyang kamay. Dito na binitawan ng maskulado niyang tauhan si Keele.Umubo naman at naghabol ng hininga si Keele ng ilang beses bago tumalikod at magalang na sabihin kay Hendrick na, “Dalhin niyo po siya sa bahay.”Tumango naman dito si Hendrick, agad siyang naglakad palapit para ib
”Ikaw…”Mabilis na bumalik sa wisyo si Daisy. Nag-ipon siya ng lakas ng loob para kausapin si Hendrick. “Paano mo iyon nagawa?” Lumampas sa linya ang mga taong iyon. Hindi iyon intensyon ng babae o ni Keele. Anong lakas ng loob nilang ganunon si Keele?Makikitang gustong pumatay ni Hendrick base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. “Dapat mong bilangin ang lucky stars mo dahil sa hindi ko pagpatay sa kaniya sa kabila ng ginawa mo sa kapatid ko.”Seryosong nagsalita ang katabi niyang kriminal habang narinig sa hangin ang mga salita. “Higit sa puwersa ang ating gagamitin kapag may nangyari sa ating High Lady. Magbabayad kayo gamit ang inyong mga buhay at babagsak din ang wasak na Lunar Moon Hut.”“Hindi iyan patas!” Hindi magawang kontrolin ni Daisy ang kaniyang galit at buong lakas siyang nakipagtalo. “Tama ang ating mga paraan. Bakit ito nangyari? Dahil ba masyadong matagal na naghintay ang young lady para gumaling?”Oh?Natawa si Hendrick habang nakatitig kay Daisy dahil hindi siya